You are on page 1of 1

MENU

Grade 12: Pagsusulat sa


piling larangan

Teknikal Bokasyonal na Sulatin


Posted on June 26, 2017

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay


napakahalaga sa paraan ng pagsulat at
komunikasyon para sa propesyunal na pagsulat
tulad ng ulat panglaboratoryo, mga proyekto, mga
panuto, at mga dayagram. Ang teknikal na pagsulat
ay mahalagang bahagi ng industriya dahil dito ay
nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa
gamit at aplikasyon ng mga produkto at
paglilingkod sa bawat industriya. Malaki rin ang
naitutulong sa paghahanda ng mga teknikal na
dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya
upang mapabatid ito nang mas mabilis, episyente,
at produktibo.

Ang pokus ng teknikal-bokasyonal na pagsulat ay


ang introdaksyon ng mag-aaral sa ibat’t-ibang uri
ng pagsulat na kailangan sa mga gawaing may
teknikal na oryentasyon. Anumang uri ng
propesyonal sa gawain ang ginagawa mo, maaaring
ito ay nangangailangan ng mga gawaing pagsulat at
marami rito ay likas na teknikal. Habang mas
marami ang alam mo ukol sa batayang kasanayan sa
teknikal na pagsulat , mas mahusay na pagsulat ang
magagawa mo.

Katangian ng Teknikal-
Bokasyonal na Pagsulat

Mahalagang malaman nag mga katangian ng


teknikal-bokasyonal na pagsulat kung ikaw ay
naghahangad na maging propesyonal na
manunulat.

Advertisements

REPORT THIS AD

Maraming klase ng pagsulat at bawat uri ay may


layunin. Naiiba ang teknikal-bokasyonal ng
pagsulat sa kadahilanang ito ay higit na naglalaman
ng mga impormasyon. Ang layunin ng ganitong uri
ng pagsulat ay maipaliwanag ng ibat’t-ibang paksa
sa mga mambabasa.

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay naglalahad


at nagpapaliwanag ng paksang-aralin sa malinaw ,
obhetibo, tumpak, at di-emosyonal na paraan. Ito
rin ay gumagamit ng deskripsyong ng mekanismo,
deskripsyon ng proseso, klaripikasyon, sanhi at
bunga, paghahambing at pagkakaiba , analohiya at
interpretasyon. Gumagamit din ito ng mga teknikal
na bokabularyo. Maliban pa sa mga talahanayan,
grap, at mga bilang upang matiyak at
masuportahan ang talakay tekswal.

Batayang Simulain ng Mahusay na


Sulating Teknikal-Bokasyonal

1. Pag-unawa sa mambabasa
2. Pag-alam sa layunin ng bawat artikulo o ulat
3. Pag-alam sa paksang-aralin
4. Obhetibong pagsulat
5. Paggamit ng tamang estruktura
6. Paggamit ng etikal na pamantayan

Kaalaman:

Ang teknikal-bokasyonal na pagsulat ay


komunikasyong pasulat sa larangang may
espesyalisadong bokabularyo tulad ng agham,
inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan.
Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at
tumpak lalo na sa pagbibigay ng panuto. Ito ay
payak dahil ang hangarin nito ay makalikha ng
teksto na mauunawaan at maisasagawa ng
karaniwang tao. Mahalaga na ang bawat hakbang
ay mailarawan nang malinaw, maunawaan at
kumpleto ang ibinibigay na impormasyon . Dagdag
pa rito, mahalaga rin ang katumpakan , pagiging
walang kamaliang gramatikal, walang pagkakamali
sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
Ang teknikal na pagsulat ay naglalayong magbahagi
ng impormasyon at manghikayat sa mambabasa.

Advertisements

REPORT THIS AD

Layunin Ng Tekinakl-Bokasyonal

1. Upang magbigay alam. Isinusulat ito upang


mapaunawa o magpagawa ng isang bagay.
2. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at
implikasyon nito. Susubukan nitong
ipaliwanag kung paanong ang sistema ay
nabigo. Ang sistema ay maaaring kabilangan
ng edukasyon, socio-ekonomiks, politika at
ang kinakailangang pagbabago.
3. Upang manghikayat at mang-impluwensiya
ng desisyon. Susubukan nitong ipakita kung
paanong ang kalakal o industriya ay
nagtagumpay.

Ang teknikal na pagsulat ay may katangiang


nagpapanatili ng imparsyalidad at pagiging
obhetibo. Naghahatid ito ng impormasyong tumpak
at walang hangaring gumising ng emosyon.

Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na
Pagsulat

1. Upang maging batayan sa desisyon ng


namamahala
2. Upang magbigay ng kailangang
impormasyon
3. Upang magbigay ng introduksyon
4. Upang magpaliwanag ng teknik
5. Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
6. Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi
(problem areas)
7. Upang matiyak ang pangangailangan ng
disenyo at sistema
8. Upang maging batayan ng pampublikong
ugnayan
9. Upang mag-ulat sa mga stockholders ng
kompanya
10. Upang makabuo ng produkto
11. Upang makapagbigay ng serbisyo
12. Upang makalikha ng mga proposal

Advertisements

REPORT THIS AD

SIMULAIN

pag-unawa sa mambabasa
pag-alam sa layunin ng bawat ulat
pag-alam sa paksang-aralin
obhetibong pagsulat
paggamit ng tamang estruktura
paggamit ng etikang pamantayan

KATANGIAN

naglalahad at nagpapaliwanag ng paksang-


aralin sa malinaw, obhetibo, tumpak, at di-
emosyonal na paraan

KAHALAGAHAN

mahalagang bahagi ng industriya


tulong sa paghahanda ng teknikal na
dokumento

Advertisements

REPORT THIS AD

Like

Be the first to like this.

Author: group2icth
VIEW ALL POSTS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required


fields are marked *

Comment *

Name *

Email *

Website

POST COMMENT

Notify me of new comments via email.


Notify me of new posts via email.

Mr. Jerwin Gabriel Villa

Guro

Search …

Recent Posts

Teknikal Bokasyonal na Sulatin


June 26, 2017

Create a free website or blog at WordPress.com.

You might also like