You are on page 1of 2

Rebyuwer sa FPL

1. Liham ng pagbitiw sa trabaho-uri ng liham na isininasama ang korespondensya


sa 201 file.
2. Full-blocked- ang pinakapormal na estilo na ginagamit sa liham pangnegosyo.
3. Biswal na imahe- ang istimulus sa mata ng mambabasa at nagsisilbing susi sa
paggana ng komprehensyon sa isinulat
4. Maiksi- katangian na ipinapakita ng pagiging hindi maligoy sa mga pahayag
pagkat ipinapahayag ito ng direkta.
5. Organisado, may gamit at makatotohanan ang mga katangian ng isang
mabuting ulat.
6. Ang impormatibong pagsulat ay kilala rin sa tawag na ekspositori.
7. Ayon kay Lesikar (2000) ang naratibong ulat ay isang organisado at obhetibong
komunikasyong ng mga makatatahanang impormasyon na magagamit para sa
isang tiyak na layunin.
8. Ayon kay PECK AT BUCKINGHAM “Ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at
karanasang natamo ng isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at
pagbasa”.
9. Kailangang may mtaas na kapasidad upang magsuri sa kanyang mga batayan
ng impormasyon na kanyang ibabahagi ang nagpapakita ng pagiging analitikal
ng isang mahusay na manunulat ng sulating teknikal-bokasyonal.
10.Ang impormatibo ay may layunin sa pagsulat na ang pokus ay ang
mambabasa.
11. Ito ay mga halimbawa ng sulating pabatid-publiko at sulating
promosyonal;babala, leaflets at flyers.
12. Teknikal- Paggawa ng feasibility study at mga korespondensyang
pampangangalakal ay subkategorya ng uring ito.
13.Ang liham ng aplikasyon sa trabaho ay tinatawag na cover letter dahil madalas
itong isinasama sa resume na ipinadadala sa isang kompanya na nais maging
bahagi ang isang tao.
14.Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito” ayon kay Hellen Keller.
15. Isa sa kahalagahan ng pagsulat ng isang teknikal-bokasyonal ay nagbibigay ng
mga kakailanganing impormasyon. Ito ay kinakailangan ng marketing division
upang mapabuti ang kanilang tungkulin sa promosyon ng brand o produkto.
16.Kung maglalagay ng petsa sa liham, ito ang mga maaring gamitin
Enero 25, 2017
21 Enero 2017
Ika-21 ng Marso, 2017
17. Pamitagang pangwakas ang katanggap-tanggap- Lubos na gumagalang,
18.Mapagsaalang-alang ang katangian ang ipinakikita sa pagsisigurong inuuna
ang damdamin at interes ng sinusulatan.
19. Liham ng pagtatanong o paghiling ay isang liham para itanyag o ipakilala ang
kanilang serbisyo.
23.Ang teknikal na pagsulat ay mahalaga sa isang industriya: 1. Ito ay nagbibigay
ng dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng produkto. 2. Nakatutulong sa
paghahanda ng teknikal na dokumento sa kaunlaran ng teknolohiya. 3.
Nagiging mabilis,episyente at produktibo ang mga Gawain
24.Gumagamit ang teknikal-bokasyunal na sulatin ng sumusunod upang higit na
maipaliwanag ang paksang-aralin, kabilang dito ang mga Deskripsyon ng
proseso, Sanhi at bunga at Deskripsyon ng mekanismo
25.Katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin: 1. Ito ay higit na naglalaman ng
mga impormasyon. 2. Naglalahad ng paksang-aralin sa malinaw, obhetibo,
tumpak, at di emosyonal na paraan.3. Gumagamit din ito ng mga teknikal na
bokabularyo.
26.Nilalaman ang pinaka-unang dapat bigyan ng pansin.
27.Hindi kinakailangan ang emosyon sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na
sulatin DAHIL Tanging obhektibo lamang ang teknikal na sulatin.
28. Sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin, dapat tandaan ang ilang
simulain : 1. Pag-unawa sa mambabasa.2. Pag-alam sa paksang-aralin3.
Paggamit ng tamang estruktura
29. Mga dapat tandan upang maiwasan ang kamaliang gramatikal sa pagsulat ng
teknikal bokasyunal na sulatin ay ang walang pagkakamali sa bantas at may
angkop na pamantayang pangkayarian AT Maayos na paggamit ng mga letra.
30. Ang Pagsulat na may sinusundang gabay o pamantayan ay nagsasaad ng
katangian ng teknikal bokasyunal na pagsulat
31. Layunin ng isang teknikal-bokasyunal na sulatin ang magsuri, manghikayat at
magbigay ng impormasyon.
32. Ang sulating pabatid-publiko at sulating promosyonal ay may halimbawa ng
pamamahagi ng mga flyers upang ipabatid sa mga mamimili ang isang
produkto.
33.Ano ano ang mga sulating teknikal-bokasyunal ayon sa gamit nito sa bawat
sitwasyon. Magbigay ng mga halimbawa. Sulating ukol sa Pagkain, Sulating
ukol sa isang produkto, Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal at
Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
34.Tukuyin ang bawat bahagi ng isang sulating teknikal bokasyunal.

You might also like