You are on page 1of 33

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

DALAWANG URI NG PAGSULAT

 Malikhaing pagsulat
 Akademikong pagsulat
Paano naiiba ang malikhaing pagsulat sa
akademikong pagsulat?
 Sinasabing mas lantad ang organisasyon at estruktura ng
akademikong sulatin. Ginagabayan ito ng mga teorya at
pormal ang tono. Ibig sabihin, gumagamit ito ng pormal
na wika kumpara sa malikhaing pagsulat na mas Malaya
ang pagpili ng wika na maaaring lalawiganin, balbal.
Dagdag pa, ang akademikong pagsulat ay sumasailalim sa
istriktong kombensiyon ng pagbabantas, pagbabaybay, at
gramatika.
Ano ang pagsulat?

 Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa


espesipikong lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005)
 Ibig sabihin may natatanging simbolo (mga titik, bantas, at iba pang marka) para sa bawat
ponema o tunog, at ang mga simbolong ito ang ginagamit sa pagsusulat ng mga pahayag.
 Ang pagsulat ay Sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa
mga pahayag ( Daniels & Bright, 1996). Permanente dahil nakasulat o nakaukit ang mga
pananda sa papel, kahoy, bato, at iba pang material. Maari mong balikang basahin ang ang
iyong isinulat dahil nakasulat ito.
Ano ang pagsulat?

 Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat.


Ano ang pagsulat?

 Arbitraryo ang mga Sistema na pagsulat. Napagkasunduan ang tumbasan ng mga titik, ang
kahulugan ng salita, ang kabuluhan ng pagpapahayag.
Ano ang pagsulat?

 Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagpepreserba ng wika.


Ano ang pagsulat?

 Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ( Fischer, 2001)


 Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
Ano ang pagsulat?

 Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon ( Goody, 1987)


Akademekong pagsulat

 Ang akademikong pagsulat o intelektuwal na pagsulat isa itong uri ng pagsulat na


kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. Ilan sa mga halimbawa ng akademikong teksto
ang bionote, panukalang proyekto, talumpati, repleksibong sanaysay.
 At bahagi na rin ng bawat propesyonal ang magsulat ng mga tekstong tulad ng katitikan
(minutes of the meeting) posisyong papel, at Agenda.
 Itinuturing ding akademikong sulatin ang photo essay at lakbay- sanaysay o travel essay.
Mga katangian ng akademikong pagsulat

 Magkaiba ang personal na pagsulat at akademikong pagsulat.


 Sa personal na pagsulat, maaaring impormal ang wika nito.
Estruktura ng akademikong sulatin

 Simula- (kahalagahan)
 Gitna/katawan- (pagtalakay, pagsusuri, at
ebalwasyon)
 Wakas- (kongklusyon, rekomendasyon)
Pagkilala sa sanggunian

 Pagkilala sa mga sanggunian


 Bibliograpiya
Bilang patnubay, ang sumusunod ay ipinagbabawal sa
pagsulat ng akademikong teksto:

 Mahahabang pangungusap
 Komplikadong estruktura
 Di malinaw na tinutukoy ng pahayag
 Walang ugnayan ng mga pangungusap sa isang talata
 Hindi malinaw ang tema sa talata
 Mga tagubilin sa pagkakaroon ng
direksyon sa gagawing pagsulat.
 Pag-aasinta- Maging madali at maayos ang
pagsulat kung tiyak at handa na ang paksang
tatalakayin. Higit na maayos at epektibo ang
pagsulat kung ang paksang napili ay angkop
sa kakayahan ng manunulat.
 pagtitipon- Matapos mapagpasyahan
ang paksang isusulat, ang susunod na
hakbang na isasagawa ng manunulat ay
ang pagtitipon ng mga tala, ulat, datos.
 Paghuhugis- Habang nagtitipon ng
mga tala at datos ang manunulat,
dapat isinasabay niya ang paggawa
ng balangkas sa kanyang susulatin.
 Pagrerebisa- Sa isang pagsulat, hindi
kaagad-agad makinis ang pagsulat ng
pahayag. Lagi na itong nangangailangan ng
muli at muling pagrerebisa bago tuluyang
maisagawa ang pinal na draft ng sulatin.
 Karamihan sa mga batayang aklat at iba pang babasahin
tungkol sa pagbasa, pagsulat, at pagtatalumpati ay
nagpapaliwanag na ang bawat anyo ng komunikasyon ay
may isa sa mga sumusunod na layunin:
a) Magpabatid
b) Mang-aliw
c) Manghikayat
Ang impormatibong akademikong sulatin ay nagbibigay ng
kaalaman at paliwanag.
Halimbawa nito ang balita, sulatin tungkol sa kasaysayan,
Tesis, at iba pa.
Mga gamit sa Akademikong pagsulat

 Sa pagbabasa ng sanaysay, encyclopedia, batayang


aklat, balita, at iba pang akademikong sulatin,
maoobserbahang may iba’t ibang gamit o
hulwarang ginagamit upang maging malinaw ang
daloy ng mga ideya. Kabilang ditto ang mga
sumusunod:
 Depinisyon- Pagbibigay
ng katuturan sa konsepto o
termino.
 Enumerasyon- Pag-uuri o
pagpapangkat ng mga halimbawang
nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.
Halimbawa , ayon sa lahi, uri, kulay,
kasarian, panahon, interes at iba pa.
 Order- Pagsunod-sunod ng
mga pangyayari o proseso.
Halimbawa, proseso sa
pagluluto ng adobo.
 Paghahambing o Pagtatambis- Pagtatanghal ng
pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao.
Halimbawa,
tao(Benigno Aquino III at Gloria Macapagal –Arroyo)
 lugar (Coron at El Nido)
Pangyayari (EDSA I, EDSA II, at EDSA III)
 Sanhi at bunga- Paglalahad ng mga dahilan
sa pangyayari o bagay at ang kaugnay na
epekto nito. Halimbawa, dahil sa kawalan ng
disiplina sa pagtatapon ng basura(sanhi),
lagging bumabaha sa Zamboanga City
(bunga).
 Problema at Solusyon- Paglalahad
ng mga suliranin at pagbibigay ng
mga posibleng lunas sa mga ito.
Halimbawa, Edukasyon ang sagot sa
kahirapan.
 Kalakasan at kahinaan- Paglalahad ng
positibo at negtibong katangian ng isa o
higit pang bagay, sitwasyon, o
pangyayari. Halimbawa, mga kalakasan
at kahinaan ng programang K to 12 sa
Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga
katanungan. Sa isang buong papel.

 1. Saan nakadepende ang pagsulat?


 2. Bakit sinasabi masistema ang pagsulat?
 3. Ano ang kaibahan ng panandang nakikita sa panandang naririnig?
 4. Paano nagiging kasangkapan ng komunikasyon ang pagsulat?
 5. Paano nagiging arbitraryo ang Sistema ng pagsulat? Magbigay ng mga halimbawa.
 6. Ano ang pananaw mo sa akademikong pagsulat?
 7. Anu-ano ang ang mga kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat?
Takdang Aralin

1.Sumulat ng tula patungkol sa taong


hinahangaan mo. (ipresenta ito sa klase sa
susunod nating pagkikita)
2.Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwag ng
iyong pananaw sa isang inyu.

You might also like