You are on page 1of 10

Panimulang Impormasyon

A. Asignatura: Filipino sa Piling Larangan (Akademik)

B. Gagamit: Baitang 11

C. Kinakailangan: Filipino 10

D. Kinakailangan din: WALA

E. Pangunahing Kailangan sa : WALA

F. Mungkahing Bilang ng Oras ng Sariling Pag-aaral sa Bawat Linggo: 4 Oras

G. Iskedyul ng Magkakasabay na Sesyon ng Pag-aaral: Sumagguni sa Iskedyul na


ibibigay ng gurong Tagapayo.

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 1 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
II. BALANGKAS NG KURSO/ASIGNATURA

Ang Learning Packet na ito ay naglalayong linangin ang mga sumusunod na mga
batayang kasanayan:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat


2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo
3. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
4. Nakakasusulat nang maayos na akadamikong sulatin

Upang matamo ang mga batayang kasanayan, naglalaman ito ng mga aralin na may
sumusunod na paksa:

Yunit I

Aralin 1 : Mga Batayang Kaalaman sa Pagsulat

Aralin 2: Pagkilala sa Iba’t ibang Akademikong Sulatin

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 2 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
YUNIT
Aralin 1: MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

I
_______________________________________________________

Introduksyon:

Ang pagsulat ay isa sa pangunahing kasanayan na natututuhan at pina-uunlad sa loob


ng paaralan. Hindi maihihiwalay ang bisa ng pagsulat bilang sandata sa buhay ng isang
indibidwal. Upang maging kasangkapan ang pagsulat sa buhay ng tao, marapat itong lalong
palakasin batay sa kahingian at pangangailangan ng panahon.
Sa aralin na ito, mamamalas ang batayang kaalaman kaugnay ng pagsulat at pagkilala sa
akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo nito.

Batayang Kasanayan:

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat


2. Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa:
(a) Layunin
(b) Gamit
(c) Katangian
(d) Anyo

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 3 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
Buod ng Aralin
MGA BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT

• Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa


espisipikong lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005). Ibig sabihin, may natatanging
simbolo (mga titik, bantas, at iba pang marka) para sa bawat ponema o tunog, at ang mga
simbolong ito ang ginagamit sa pagsusulat ng mga pahayag.
• Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan
sa mga pahayag (Daniels & Bright, 1996). Permanente dahil nakasulat o nakaukit ang mga
pananda sa papel, kahoy, bato, at iba pang materyal.
• Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may katumbas na makabuluhang tunog
at isinaayos ang mga panandang ito upang makabuo ng makabuluhang salita o
pangungusap. Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga batas sa gramatika.
• Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. Kung walang wika, walang pagsulat.
• Arbitraryo ang mga sistema ng pagsulat. Napagkasunduan ang tumbasan ng mga titik, ang
kahulugan ng salita, ang kabuuan ng pagpapahayag.
Sa ibang salita, nag-iiba-iba ang sistema ng pagsulat depende sa wika at kultura.
• Ang pagsulat ay isang paraan ng pagrerekord at pagpepreserba ng wika.
• Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat (Fischer, 2001).
• Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.
• Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).

Pagkilala sa Iba’t ibang Akademikong Sulatin


Layunin: Akademikong Pagsulat

• Impormatibong akademikong sulatin


Hal. balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag sa estadistika, papel na
nagpapaliwanag ng konsepto, sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis, etc…..
• Malikhaing akda o personal na akda (akademikong teksto)
Hal. autobiography, diary, memoir, liham
• Kritikal o akademikong akda (paraang malikhain)
Hal. rebyu, pagsusuri, talang pangkasaysayan
• Akademikong sulating Nanghihikayat
- Kumbinsihin o impluwensiyahan ang mambabasa na pumanig sa isang paniniwala,
opinyon o katuwiran.
Hal. konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong papel, manifesto, editorial,
talumpati

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 4 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
Mga Gamit: Akademikong Pagsulat
Gumamit ng mga hulwaran upang maging organisado at malinaw ang daloy ng mga
ideya sa akademikong sulatin kapag magbabasa ng sanaysay, encyclopedia, balita, batayang
aklat at iba pang akademikong sulatin.
* Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino (pormal na depinisyon,
kasingkahulugan, etimolohiya o pinanggalingang salita)
* Enumerasyon – pag-uuri o pagpapangkat ng mga halimbawang nabibilang sa isang uri o
klasipikasyon (ayon sa uri, lahi, kasarian, panahon, interes at iba pa)
* Order – pagsusunud-sunod ng mga pangyayari o proseso. (kronolohiya ng mga pangyayari
proseso ng pagluluto, pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari)
* Paghahambing o Pagtatambis – pagtatanghal ng pagkakatulad o pagkakaiba ng mga tao,
lugar, pangyayari, konsepto at iba pa.
* Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto
nito.
* Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa
mga ito.
* Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang
bagay, sitwasyon, o pangyayari.

Katangian:
* Pormal ang tono
* Karaniwang sumusunod sa tradisyonal na kumbensiyon sa pagbabantas, grammar, at baybay.
* Organisado at lohikal ang pagkakasunud-sunod ng mga ideya.
* Hindi maligoy ang paksa.
* Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon.
* Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng mambabasa
* Hitik sa impormasyon
* Bunga ng masinop na pananaliksik.

Anyo ng Akademikong Sulatin:

Abstrak Agenda
Bionote Pictorial Essay
Sintesis Lakbay-Sanaysay
Panukalang Proyekto Katitikan ng Pulong
Talumpati Replektibong Sanaysay
Posisyong Papel

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 5 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
Aplikasyon

Mga mahahalagang ideya ng aralin:


1. Ang akademikong pagsulat ay intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng
kaalaman ng mga mambabasa. Hindi ito opsiyon para sa mga akademiko at
propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.
2. Kailangang linangin ang pagsusulat upang higit na mapalawak ang ating
kaalaman at mapaunlad ang ating kaisipan sa gitna ng malalaking pagbabago sa
ating mundo.
3. Patuloy ang ebolusyon ng teknolohiya sa komunikasyon, sumisikip-lumalawak
ang mundo dahil sa globalisasyon,tumatatag ang ugnayan ng mga bansa dahil sa
nangyayaring integrasyon ng mga ekonomiya – lahat ng ito ay nakaaapekto sa
maraming aspekto ng buhay, personal man o propesyonal.
4. Kung nais makaungos sa tumitinding kompetisyon, isa sa mahahalagang opsiyon
ang linangin ang kakayahan sa pagsulat, partikular sa akademikong pagsulat.
5. Tandaan, walang ipinanganak na mahusay magsulat. Ito ay isang kasanayang
nililinang.

Sanggunian
1. scribd.com

Karagdagang Mapagkukunan ng Kalaaman


1. https://www.slideshare.net/GinoongGood/batayang-kaalaman-sa-pagsulat
2. https://quizlet.com/215297776/mga-batayang-kaalaman-sa-pagsulat-kahulugan-at-
katangian-ng-akademikong-pagsulat-flash-cards/

Pagtatasa

GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Saan nakadepende ang pagsulat?
2. Bakit sinasabing masistema ang pagsulat?
3. Ano ang kaibahan ng panandang nakikita (titik, bantas, marka) sa panandang
naririnig?
4. Paano nagiging kasangkapan ng komunikasyon ang pagsulat?
5. Paano nagiging arbitraryo ang sistema ng pagsulat? Magbigay ng mga
halimbawa.

Repleksyon
1. Ano ang pananaw mo sa akademikong pagsulat?
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga halimbawa ng akademikong sulatin na mahirap at
madaling isulat? Bakit?
3. Masasabi mo bang taglay mo ang mga katangian ng isang mahusay na manunulat ng
akademikong teksto? Ipaliwanag.

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 6 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
YUNIT
Aralin 2: PAGKILALA SA IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN
_______________________________________________________

I
Introduksyon:

Maraming halimbawa ang akademikong sulatin. Ang mga kaalaman at kasanayan kaugnay
ng pagbuo ng akademikong sulatin. Ang mga kaalaman at kasanayan kaugnay ng pagbuo ng
akademikong sulatin ay makatutulong sa paglikha ng mga sulating angkop sa tiyak nitong gamit.

Sa yunit na ito ay matutunghayan ang uri, kalikasan at bahagi ng abstrak na isang


halimbawa ng akademikong sulatin.

Batayang Kasanayan:

1. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,


at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko
2. Nakakasusulat nang maayos na akademikong sulatin

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 7 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
Buod ng Aralin

PAGSULAT NG ABSTRAK

Ang abstrak, mula sa salitang Latin na abstracum/ abstractus (drawn away o exract from)
Harper, 2016, ay ang maikling buod ng artikulo o ulat na inilalagay bago ang introduksiyon. Ito
ang siksik na bersiyon ng mismong papel. Ipinapaalam nito sa mga mambabasa ang paksa at kung
ano ang aasahan nila sa pagbabasa ng isinulat na artikulo o ulat.
Ito ang karaniwang unang tinitingnan ng mambabasa, kaya maituturing itong mukha ng
akademikong papel.

Uri, Kalikasan at Bahagi: Abstrak

Ang uri ng abstrak na iyong isusulat ay nakadepende sa paksa o sa disiplinang


kinapapalooban nito. Sa kabila ng kaiksian ng abstrak, kailangang makapagbigay pa rin ito ng
sapat na deskripsiyon o impormasyon tungkol sa laman ng papel.
Ang bahaging bumubuo sa deskriptibo at impormatibong abstrak ay karaniwang isang
pangungusap lamang ngunit may kalayaan ang manunulat na maging malikhain kung paano
niya aayusin ang mga ito.

DESKRIPTIBONG ABSTRAK:
* Inilalarawan sa mga mambabasa ang mga pangunahing ideya ng papel.
* Nakapaloob dito ang kaligiran, layunin at tuon ng papel o artikulo.
* Kung ito ay papel-pananaliksik, hindi na isinasama ang pamamaraang ginamit, kinalabasan ng
pag-aaral at kongklusyon.
* Mas karaniwan itong ginagamit sa mga papel sa humanidades at agham panlipunan at sa mga
sanaysay sa sikolohiya.

IMPORMATIBONG ABSTRAK:
* Ipinapahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang ideya ng papel.
* Binubuod dito ang kaligiran, layunin, tuon, metodolohiya, resulta at kongklusyon ng papel.
* Maikli ito, karaniwang 10% ng haba ng buong papel at isang talata lamang.
* Mas karaniwan itong ginagamit sa larangan ng agham at inhinyeriya o sa ulat ng mga pag-
aaral sa sikolohiya.

Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak:


1. Binubuo ng 200-500 salita.
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap na nakatatayo sa sarili nito bilang isang yunit ng
impormasyon.
3. Kompleto ang mga bahagi.
4. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel.
5. Nauunawaan ng pangkalahatan at ng target na mambabasa.

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 8 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
Aplikasyon
Sa aralin na ito nalaman mo na:
1. Mahalaga ang abstrak dahil natutulungan nito ang sino mang mananalliksik o
manunulat na higit pang mapaunlad ang isang paksa, saliksik o sulatin.
2. Sa tulong ng abstrak, hindi na kailangan pang basahin ang kabuuan ng pananaliksik
upang matukoy kung ito ay makapag-papayaman sa isinusulat o kung malayo na ito sa
kaniyang paksa.

Sanggunian
1. slideshare.com

Karagdagang Mapagkukunan ng Kalaaman


1. https://www.youtube.com/watch?v=iS18d-myZPw

Pagtataya

GAWAIN # 1
Panuto: gawin ang mga hinihinging pagganap sa bawat bilang.
1. Basahin ang halimbawa ng Abstrak sa tulong ng link na ito:
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-
abstrak.html
2. Humanap ng mga pananaliksik na naglalaman mula Kabanata 1-3 na nasusulat sa
wikang Filipino
3. Sumulat ng abstrak mula sa sinasaliksik na Kabanata 1-3

GAWAIN # 2
Panuto: Pumili ng isang(1) pang halimbawa ng akademikong sulatin at magsaliksik tungkol sa
kahulugan, kalikasan at katangian nito.

Pansariling Pagtataya

1. Bakit mahalaga ang abstrak?


2. Paano ito makakatulong sa paghahanap ng impormasyon?

TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 9 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944
TRACE I.D.E. Learning Packet Filipino sa Piling Larang (Akademik) M. San Jose SLP 1 Page 10 of 10
Property of TRACE College Inc. FOR ACEDEMIC PURPOSES ONLY, NOT FOR SALE
www.tracecollege.edu.ph
(049) 536-3944

You might also like