You are on page 1of 5

1.

Ibigay ang kahulugan ng salitang Pagsulat ayon kay Alcomtiser Tumangan, Lalunio
Bernales at Peck/ Burkingham.

Ayon kay Alcomtiser Tumangan (2001)

Ang pagsulat ay “isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao


sa pamamagitan ng mga simbolo ng mga tunog ng salita.”

Ayon kay Bernales (2001)

ang pag-sulat ay angpagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaring magamit


namapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbulo at ilustrasyon ng isang tao omga tao
sa layuning maipahayag ang kanyang/kanilang kaisipan.

Ayon kay Lalunio (1990)

ang pagsulat ay isang prosesong sosyal o panlipunan, ang bunga ng interaksyon na


proseso ng mga mag-aaral at produkto ng sosyo-kultural na konteksto na nakaaapekto
sa pagkatuto.

Ayon naman kina Peck at Buckingham,

ang pagsulat ay ekstensyon ng wika at karanasan na natamo na ng mag-aaral sa


kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa.
1. Anu ano ang mga katangian ng pag-sulat

Mga Uri ng Pagsulat


 Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
- kritikal na sanaysay
- lab report
- eksperimento
- term paper o pamanahong papel
 Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para
sa teknikal o komersyal na layunin.
- ulat panlaboratoryo
- kompyuter
 Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba
pang akdang karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
 Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian hinggil sa isang paksa.
- Bibliography, index, note cards
 Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang tiyak na propesyon.
- police report
- investigative report
- legal forms
- medical report
 Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang
imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang
isinusulat.
- pagsulat ng tula
- nobela
- maikling katha
3. ibigay ang Hakbang sa Pag-sulat

1.Anu-ano ang Hakbangin ng pagsusulat


PRE WRITING
Ito ang paghahanda bago mag sulat. Pangangalap ng impormasyon tungkol sa
paksa na iyong isusulat. Ginagawa rito ang lagpilu ng paksang isusulat at pagpili
ng tono at perspektibong gagamitin.

ACTUAL WRITING
Ito ang ikalawang hakbang sa pag susulat isinasa alang alang ang tamang
pagkabuo ng pagsulat. Partikular ang pagbaybay gramatika at kaayusan
nakapaloob dito ang pagsulat ng drat o burador.

2. Sa papaanong paraan na ang pagsusulat ay nagiging masining


-Maingat na pagpaplano
-Pag-aangkop ng sulatin sa mambabasa
Kaisahan, pagkakaugnay at pagbibigay diin

3.Ipaliwanag ang Teorya ng Pagsulat


Ayon kay Donald Murray(2003)na Ang pagsulat ay isang eksplorasyon pagtuklas
sa kahulugan, pagtuklas sa porma at ang manunulat ay nag tatrabaho nang
pabalik balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon
nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya
iyon maipapahayag nang episyente.
4. Anu-ano ang katangian ng Pag-sulat

KATANGIAN NG PAGSULAT – Sa paksang ito, ating tatalakayin kung ano


nga ba ang mga katangian ng pagsusulat at ang mga halimbawa nito.

Bilang isang sining, malaya ang mga tao na gumawa ng kahit anong gusto
nila sa pagsulat. Ngunit, may mga mahahalagang gabay para pabutihin ang
kasanayan ng tao sa pagsulat. Ang mga gabay na ito ay konektado sa mga
mahahalagang katangian ng pagsusulat

Kaisahan ng Paksa
Diin
Orihinal
Makatotohanan
Napapanahon

Ang pagkakaisa ng paksa ay mahalaga sa pagsulat dahil dito malalaman kung


ano nga ba gustong ipahiwatig ng may-akda. Ang “diin” ay mahalaga para
malaman mo ang emosyon na ipinapahiwatig sa sulat.
5. Ibigay ang Dalawang uri ng Pag-sulat

Ang dalawang uri ng pagsulat ay teknikal at akademik na pagsulat.

Ang teknikal na pagsulat ay ginagamit sa komersyal at propesyonal na tao upang


ang teknikal na impormasyon ay maihatid sa iba’t-ibang mambabasa. Halimbawa
ng teknikal na pagsulat ay kompyuter, feasibility study, korespondensyang
pampangalakal at ulat panlaboratoryo.

Sa kabilang dako, ang akademik na pagsulat ay may layunin na pataasin ang


antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante. Halimbawa: term paper,
thesis/disertasyon at lab report.

You might also like