You are on page 1of 3

I.

Mga kahulugan ng pagsulat

Base sa pag-aaral na isinagawa at obserbasyon ni Coulmas (2002), mayroon


daw na anim na kahulugan ang pagsusulat. Una, ang Sistema, ito ang pagtala
ng mga wika sa pamamagitan ng nakikita o nararamdamang marka. Pangalawa,
isang gawain ng paggamit ng sistema. Pangatlo, ang resulta ng gawain ay
teksto. Pangapat, ang partikular na anyo ng gayong resulta ay estilo ng iskrip.
Panglima, artistikong komposisyon. Panganim, propesyonal na trabaho. Ayon
naman kay Nunan (2003), ang pagsulat ay pisikal at mental na pagkilos. Ito ay
tungkol sa pagtuklas ng mga ideya, at pagiisip kung paano makipagkomunyon at
buohin ang sinabi sa pangungusap at talata na mauunawan ng mangbabasa. Ito
rin ay proseso dahil ang manunulat ay lumikha, nagplano, at nagsulat ng mga
burador, nagrebisa at inilathala. Ito rin ay isang produkto sapagkat ang binasa ng
mga mambabasa ay isang produkto. Ayon naman kay Boltz (1999), ang
pagsusulat ay midyum ng komunikasyon ng tao na nagrerepresenta ng wika at
emosyon gamit ang mga palatandaan at mga simbolo. Ang pagsusulat ay hindi
wika pero ito ay kasangkapan upang mabasa ang wika.

II. Mga Uri ng Sulatin


1. Malikhaing pagsusulat
2. Teknikal na pagsusulat
3. Dyornalistik na pagsusulat
4. Reperensiyal na pagsusulat
5. Akademikong pagsusulat
6. Propesyonal na pagsusulat

III. Kahulugan ng bawat Sulatin

1. Malikhaing pagsusulat – Ayon kay Marksberry (1963), ang malikhaing


pagsusulay ay isang komposisyon ng anumang uri ng pagsulat sa
anumang oras lalo na sa serbisyo ng naturang mga pangangailangan
bilang ang pangangailangan para sa pagpapanatili ng mga talaan ng
makabuluhang karanasan, ang pangangailangan para sa pagbabahagi ng
karanasan sa isang grupo at ang pangangailangan para sa malayang
indibidwal na pagpapahayag na nag-aambag sa mental at pisikal na
kalusugan.

2. Teknikal na pagsusulat – Ang teknikal na pagsusulat ay proseso ng


pagsulat at pagbabahagi ng impormasyon sa isang propesyonal na
setting. At nais nito ay ihatid ang impormasyon sa ibang tao o partido sa
pinakamalinaw at epektibong paraan na posible.
3. Dyornalistik na Pagsusulat – Ang dyornalistik na pagsusulat ay estilo ng
pagsusulat na ginamit upang mag-ulat ng mga balita sa pahayagan, sa
telebisyon, sa radyo at sa Internet

4. Reperensiyal na Pagsusulat – Ang reperensiyal na pagsusulat ay


nakatutok sa pagbibigay sa mambabasa tungkol sa "pagsusuri ng paksa".
Samakatuwid, sa mensahe ang pangunahing pokus.

5. Akademikong pagsusulat - Ang akademikong pagsulat ay tumutukoy sa


isang estilo ng pagpapahayag na ginagamit ng mga mananaliksik upang
tukuyin ang mga intelektwal na mga hangganan ng kanilang mga
discipline at ang kanilang partikular na lugar ng kadalubhasaan.

6. Propesyonal na pagsusulat - Ang propesyonal na pagsusulat ay anumang


uri ng pagsulat na isinulat na may intensiyon na makipag-usap sa iba sa
isang propesyonal, pormal at magalang na paraan upang pangasiwaan
ang trabaho.
IV. Mga Sanggunian

"Journalistic Writing: Characteristics & Functions". Kinuha sa


https://study.com/academy/lesson/journalistic-writing-characteristics-
functions.html

"Referential Writing". Austin Community College. Kinuha sa


https://www.austincc.edu/writing/purposes/purposes_referential01.html

Coulmas, F. (2002). "Writing Systems: An Introduction to Their Linguistic


Analysis". Cambridge: Cambridge University Press. p.1. ISBN 978-0-521-
78217-3

Nunan, D. (2003). "Practical English Language Teaching". McGraw-Hill


Education. ISBN 978-0-071-21697-5

You might also like