You are on page 1of 1

Ang teknikal ay isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon sa mga

kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat,


nagsasaad din ito ng mga impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-
solusyon sa isang komplikadong suliranin. Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility
study at ng mga korespondensyang pampangangalakal. Gumagamit ng mga
teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa tulad ng science at
technology, at ito ay nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng mga
mambabasa.
Samantalang ang referensyal naman ay naglalayong magrekomenda ng iba
pang sanggunian o source hinggil sa isang paksa. Layunin nito na maiharap ang
impormasyon batay sa katotohanan. Madalas, binubuod ng isang manunulat ang
ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang pinaghanguan niyon na maaaring sa
paraang parentetikal, footnotes o endnotes, madalas itong makita sa mga teksbuk,
pamanahong papel, thesis o disertasyon, maihahanay din dito ang paggawa ng
bibliyografi, indeks at notecards.
Ang akadamik naman ay, ito ay maaaring maging kritikal na sanaysay, lab
report, eksperimento, konseptong papel, term paper o pamanahong papel, thesis o
disertasyon. Itinuturing din itong isang intelektwal na pagsulat dahil layunin
nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
At ang huli ay ang dyornalistik, ito ay pisang uri ng pagsulat ng balita,
pampamamahayag ang uring ito ng pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist. Saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum,
lathalain at iba pang akdang mababasa sa mga pahayagan at magazin. Hango ang
lahat ng ideyang ito sa slide ginawa ni drintotsky.

You might also like