You are on page 1of 8

Mga Uri ng Pagsulat

1.Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)


• Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw ng
damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga
mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na isipan ng
sumusulat na maaaring batay sa tunay na pangyayari o kaya naman ay
bunga ng imaginasyon o kathang isip lamang. Mabibilang sa uri ng
pagsulat na ito ang maikling kwento,dula,tula, maikling sanayasay,
gayundin ang mga komiks,iskrip ng teleserye,kalyeserye,musika,
pelikula at iba pa.
2.Teknikal na Pagsulat(technical writing)
• Ang uring ito ay ginagawa sa layuning pag aralan ang isang proyekto o
kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin
ang isang problema o suliranin. Bagamat maituturing na malawak ang
kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin,ang inaasahang higit
na makaunawa lamang nito ay ang mga mambabasa na may
kaugnayan sa tinatalakay na proyekto o suliranin na may kinalaman sa
isang tiyak na disiplina oalarangan. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay
ang Feasibility Study on the Construction of Platinum Towers in
Makati, Project on the Renovation of Royal Theatre in Caloocan City,at
Proyekto sa Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
3.Propesyonal na Pagsulat(Professional
Writing)
• Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga sulating may
kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
Binibigyang pansin nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Gaya halimbawa ng mga
guro,mahalagang matutunan nila ang wastong paggawa ng lesson
plan,paggawa at pagsuri ng kurikulum,pagsulat ng mga pagsusulit o
assessment.Ang mga tao namang kabilang sa medisina kagaya ng mga
doctor at nars ay kinakailangang magkaroon ng sapat na kaalaman sa
paggawa ng medical report,narrative report tungkol sa physical
examination ng isang pasyente. Ang mga mag-aaral habang nag-aaral pa ay
mahalagang masanay sa paggawa nito para maging handa sila sa trabaho o
propesyong kanilang papasukan.
4.Dyornalistik na Pagsulat(Journalistic Writing)
• Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag.Kasama na rito ang pagsulat ng
balita,editorial,lathalain,artikulo at iba pa.Mahalagang ang mga taong
sumusulat nito tulad ng mga journalist,mamamahayag,reporter at iba
pa ay maging bihasa sa pangangalap ng mga totoo,obhetibo,at
nakabuluhang mga balita at isyung nagaganap sa lipunan sa
kasalukuyan na kanilang isusulat sa mga pahayagan,magasin, o kaya
naman ay iuulat sa radyo at telebisyon.
5.Reperensiyal na pagsulat(Referential Writing)
• Layunin ng sulatin na ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang
kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon.Layunin din ng pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang
mga sangguniang maaaring mapagkunan ng mayamang kaalman
hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang makikita ang sulating ito sa
huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman sa
kabanatang naglalaman nf Review of Related Literature(RRL). Ang RRL
o kaugnay ng mga literatura ay mga pag-aaral na pinaghanguan ng
prinsipyo at batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa
pagbuo ng isinasagawang pananaliksik.
6.Akademikong Pagsulat(Academic Writing)
• Ang akademikong pagsulat ay isang inteltektuwal na pagsulat. Ang
gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman sa isang
indibidwal sa ibat ibang larangan.Ayon kay Carmelita Alejo et
al.(2005), sa akalat na pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik,ang
akademikong pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbesiyon
tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang
pinangangatuwiran.Layunin nitong maipakita ang resulta ng
pagsisiyasat o ng ginawang pananaliksik.Ayon naman lay Edwin
Mabilin et al.(2012),ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto o bunga
lamang ng akademikong pagsulat.
Lubos ding pinatataas ng uri ng pagsulat na ito ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa ibat ibang larangan bunga ng isang masusing pag-aaral sa
pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.Kaya naman, sa aklat na ito ay
makatutulong nang Malaki sa pagharap mo sa totoong buhay lalo na sa
larangan ng edukasyon at trabaho.

You might also like