You are on page 1of 10

Mga Uri ng Pasulat

1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

 Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, makapukaw


ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng
mga mambabasa. Karaniwan itong bunga ng malikot na
isipan ng sumusulat na maaaring batay sa tunay na
pangyayari o kaya bunga ng imahinasyon o kathang-isip
lamang.
 halimbawa: kuwento, dula, tula, maikling sanaysay,
komiks, musika, pelikula at iba pa.
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)
 Ang uring ito ay ginagawa sa pag-aralan ang isang
proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na
kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. Ang
inaasahang higit na nakauunawa lamang nito ay ang mga
mambabasa na may kaugnayan sa tinalakay na proyekto o
suliranin na may kinalaman sa isang tiyak na disiplina o
larangan.
 halimbawa; Feasibility Study on the construction of
Platinum Tower in Makati.
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)
 Ang uri ng pagsulat na ito ay may kinalaman sa mga
sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Binibigyang-pansin
nito ang paggawa ng mga sulatin o pag-aaral tungkol sa
napiling propesyon o bokasyon ng isang tao.
 Halimbawa; Guro- paggawa ng lesson plan, paggawa at
pagsusuri ng kurikulom
 Doktor- medical report, narrative report tungkol sa
physical examination ng isang pasyente.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

 Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kaugnayan sa


pamamahayag. Kasama na rito ang pagsulat ng balita,
editorial, lathalain, artikulo, at iba pa.
5. Reperensiyal na Pasulat (reference Writing)

 Layunin ng sulating ito na bigyan-pagkilala ang mga


pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng
konseptong papel, tesis, at disertasyon. Layunin din ng
pagsulat na ito na irekomenda sa iba ang mga sagguniang
maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa. Karaniwang makikita ito sa huling
bahagi ng isinagawang pananaliksik.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

 Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na


pagsulat. Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas
ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba’t ibang larangan.
Ayon ni Carmelita Aleho, et al., sa aklat na Pagbasa at
Pagsulat Tungo sa Pananaliksik (2005), ang akademikong
pagsulat ay may sinusunod na particular na kumbensiyon
tulad ng pagbibigay ng suporta sa mga ideyang
pinangangatwiranan.
 Ayon kay Edwin Mabilin, et al. (2012), ang lahat ng uri ng
pagsulat ay produkto o bunga lamang ng akademikong
pagsulat. Lubos ding pinataas ng uri ng ng uri ng
pagsusulat na ito ang kaalaman ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagsisiyasat at pananaliksik.
Kaya naman, ang aklat na ito ay lubos na tatalakayin ang
mahalagang ang mahalagang paksa hinggil ditto na tiyak
na makakatulong nang Malaki sa pagharap mo sa totoong
buhay lalo na sa larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
Ang Akademikong Pagsulat

 Mahalagang matutunan ang akademikong pagsulat


sapagkat kung marunong kang sumulat ng maayos ay may
kabuluhan ang isang tao, maituturing na nakaaangat sa iba
dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa kasalukuyan sa
larangan ng edukasyon at pagtatrabaho.
MARAMING
SALAMAT SA
PAKIKINIG

You might also like