You are on page 1of 23

URI NG PAGSULAT

Bb. Ellanie H. Martenit, T2, CCDCAGMNHS


1. Malikhaing Pagsulat (Creative Writing)

Ang uri na ito ng pagsulat ay nagbibigay ng aliw,


nakapupukaw ng damdamin at nakaaantig sa
imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Ito ay bunga
ng malikot na isipan o kathang – isip ng manunulat na
maaaring batay sa tunay na pangyayari ng kanyang
buhay o ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Ang mga uri ng malikhaing pagsulat ay mga
kuwento, dula, tula, maikling sanaysay, komiks,
iskrip ng teleserye, kalyeserye, musika, pelikula at
iba pa. Halimbawa nito ay ang kuwento na
pinamagatang Luha ng Buwaya ni Amado V.
Hernandez, tula na pinamagatang “Ang Pamana” ni
Jose Corazon De Jesus.
2. Teknikal na Pagsulat (Technical Writing)

Layunin ng pagsulat na ito ang pag-aralan ang isang


proyekto o kaya ay bumuo ng isang pag – aaral na magbibigay
ng kalutasan sa isang suliranin o problema. Maituturing na
malawak ang kaisipang nasasakop ng ganitong uri ng sulatin at
inaasahan na ang makauunawa lamang nito ay ang mga taonng
may kaugnayan sa proyekto o suliranin na may kinalaman sa
tiyak na disiplina o larangan.
Halimbawa nito ay ang mga Risk
Assessment on Working in an Office
Environment, Feasibility Study on Fish
Propagation Business, at Proyekto sa
Pagsasaayos ng Ilog ng Marikina.
3. Propesyonal na Pagsulat (Professional Writing)

Ito ay isang pagsulat na may kinalaman sa


tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Binibigyang-pansin nito ang
paggawa ng mga sulatin tungkol sa napiling
propesyon o bokasyon ng isang tao.
Halimbaw nito ay police report na
ginagawa ng mga pulis, lesson plan na
ginagawa ng mga guro, patient’s journal
ng mga doktor, investigative report ng
mga imbestigador at mga legal forms o
pleadings ng mga abogado.
4. Dyornalistik na Pagsulat (Journalistic Writing)

Ito ay may kinalaman sa mga sulating pamamahayag kung


saan kasama na rito ang pagsulat ng balita, editorial, lathalain,
artikulo, at iba pa. Mahalaga ang mga sumusulat ng ganitong uri
ng pagsulat dahil kailangan bihasa sila sa pangangalap ng totoo,
obhetibo at mga makabuluhang balita na kasalukuyang
nagaganap sa ating lipunan.
31 bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Cebu City
ni CHARLIE HERA
Inilathala noong May 4, 2020 12:47am
5. Reperensiyal na Pagsulat (Referential Writing)
May dalawang pangunahing layunin ang ganitong uri
ng sulatin, una ay layunin ng pagsulat na ito ay magbigay ng
pagkilala sa mga pinagkunan ng kaalaman o impormasyon sa
paggawa ng isang konseptong papel, tesis o disertasyon.
Pangalawa at panghuli, ang layunin ng pagsulat na ito ay
irekomenda sa iba pang manunulat ang mga sangguniang
maaaring mapagkunan ng mayamang kaalaman hinggil sa
isang tiyak na paksa.
Kalimitang nakikita ang ganitong uri ng sulatin sa
huling bahagi ng isang pananaliksik o kaya naman sa
kabanata kung saan naglalaman ng RRL o Review of
Related Literature. Ang RRL ay mga pag-aaral na
pinaghanguan ng mga prinsipyo at batayan upang
makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng
isinasagawang pananaliksik.
6. Akademikong Pagsulat (Academic Writing)

Ang akademikong pagsulat ay isang intelektuwal na pagsulat kung


saan nakatutulong ito sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa
iba’t ibang larangan. Ayon kay Arrogante et al. (2007), ang pagbuo ng
akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal. Ang mga manunulat ng akademikong pagsulat ay kinikilala dahil
sa husay ng kanilang kakayahan sa pangangalap ng mahahalagang datos,
mag-organisa ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong
magpahalaga sa orihinalidad ng gawa, may inobasyon at kakayahang
gumawa ng sentesis.
Pili na pili ang mga salitang ginagamit sa akademikong
pagsulat at isinaalang-alang ang layunin ng mambabasa.
Isinasaalang-alang din ang mahigpit at wastong paggamit ng
retorika sa mga ganitong uri ng sulatin. Dagdag pa ni Edwin
Mabilin, et al. (2012), ang lahat ng uri ng pagsulat ay produkto
o bunga lamang ng akademikong pagsulat. Kung saan lubos na
pinataas ng masusing pag-aaral sa pamamagitan ng
pagsisiyasat at pananaliksik (Julian et al., 2016).

You might also like