CCDCAGMNHS Ayon kina Xing at Jin, ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahan na naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Ayon naman kay Badayos (2010), ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa nakararami sa atin maging ito ay pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man. Sinabi naman ni William Strunk E.B White na ang pagsulat ang bumubuhay at humuhubog sa kaganapan ng ating pagiging tao. Ayon naman kay Kellogg, ang pag – iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak, gayundin naman, ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag – iisip. Ayon kay Helen Keller na ayon sa kanya, ang pagsulat ay isang biyaya, kabuuan ng pangangailangan at isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.