You are on page 1of 3

Jared I.

Bautista July 17, 2019


St. Dominic (ABM) Mrs. Naida Nono

Aralin 2
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG PAGSULAT

Ayon kay Royo (2001), na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga Jr. na pagbasa,
Pagsulat, at Pananaliksik, Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghubog sa
damdamin, mithiin, pangarap, agam-agam, bungang isip, at mga pagdaramdam.

Ayon naman kay Mabilin (2012), sa kanyang aklat na Transpormatibong


Komunikasyon sa Komunikasyon sa Akademikong Filipino ang layunin sa pagsasagawa
ng pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi:

Personal o Ekspresibo
Ginagamit para sa layuning pagpapahayag ng iniisip o nadarama ang mga
halimbawa nito ay katulad ng tula, sanaysay, maikling kwento, tula, dula, awit, at iba pang
akdang pampanitikan.

Panlipunan o Sosyal
Ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa ibang tao sa
lipunan.

 Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring


magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng
isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang nasa kanyang kaisipan.

 Isang paraan ng pagpapahayag ng mag saloobin, damdamin at kaalaman ang


pagsulat katulad ng pagsasalita.

 Sa apat na makrong kasanayang pangwika (pakikinig, pagsasalita, pagbasa at


pagsulat ang pagsusulat ang pinakamahirap.

 Ang pagsulat ay ekspresyon ng pagpapagalaw ng isipan at emosyon ng tao. Ang


mga bagay na hindi kayang sabihing pasalita ay ginagawa sa paraang pasulat.
Maaaring sumulat ng pansarili o personal; kasabay nang pag-unlad ng sariling
ideya tungkol sa sarili at karanasan.

 Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang


maaaring mang-uudyok sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
ANO NGA BA ANG KAHALAGAHAN NG PAGSUSULAT?

1. Kahalagahang Panterapyutika
Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para mailabas lamang
ang nasa kalooban may babasa man o wala.

2. Kahalagahang Pansosyal
Sumusulat ang mga tao dahil may namamagitang katahimikan o mga bagay na
siyang nagpapalayo sa isang relasyon ngunit likas ng tao ang magkarelasyon. Kung
nasasaktan ka at hindi mo masasabi nang tuwiran ang iyong nadarama, isulat mo lang
iyon.

3. Kahalagahang Pang-ekonomiya
Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa madaling salita ito’y
nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat at ang
paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline.

4. Kahalagahang Pangkasaysayan
Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang pambansa at ang
mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na henerasyon.

7 NA BENEPISYO NA MAARING MAKUHA SA PAGSUSULAT

1. Masanay sa kakahayang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa


pamamagitan ng obhetibong paraan.

2. Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos sa kakailanganin sa


isinasagawang imbestigasyon o pananaliksik.

3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa


pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay
sa mga nakalap na impormasyon.

4. Mahihikayat sat mapapaunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan


sa paghahanap ng mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.

5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at


pagkakaroon ng pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.

6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda


ng kanilang pag-aaral at akademikong. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap
ng mga impormasyon mula sa iba’t ibang batis ng kaalaman para sa akademikong
pagsusulat.
7.

You might also like