You are on page 1of 8

IBAT IBANG URI NG

PAGSULAT

-Akademik
Ito ay maaaring maging kritikal na
sanaysay,
lab report, eksperimento,
konseptong papel, term paper o
pamanahong papel, thesis o disertasyon.

- Itinuturing din itong isang intelektwal na


pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang
antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.

Teknikal
Isang espesyalisadong uri ng pagsulat na tumutugon
sa mga kognitiv at sikolohikal na pangangailangan ng
mga mambabasa at manunulat.
Nagsasaad ito ng mga impormasyong maaaring
makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang
komplikadong suliranin
Saklaw nito ang pagsulat ng feasibility study at ng
mga korespondensyang pampangangalakal.
Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang
partikular na paksa tulad ng science at technology.
Nakatuon sa isang tiyak na audience o pangkat ng
mga mambabasa.

Journalistic
Pampamamahayag ang uring ito ng
pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga
mamamahayag o journalist.
Saklaw nito ang pagsulat ng balita,
editoryal, kolum, lathalain at iba pang
akdang mababasa sa mga pahayagan at
magazine.

Referensyal
Naglalayong magrekomenda ng iba pang
sanggunian o source hinggil sa isang paksa.
Madalas, binubuod ng isang manunulat ang
ideya ng ibang manunulat at tinutukoy ang
pinaghanguan niyon na maaaring sa paraang
parentetikal, footnotes o endnotes.
Madalas itong makita sa mga teksbuk,
pamanahong papel, thesis o disertasyon.
Maihahanay din dito ang paggawa ng
bibliyografi, indeks at notecards.

Profesyonal
Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon.
Saklaw nito ang mga sumusunod:
police report pulis
investigative report imbestigador
legal forms, briefs at pleadings abogado
patients journal doktor at nurse

Malikhain
Masining na uri ng pagsulat sa larangan ng
panitikan o literatura.
Ang fokus ay ang imahinasyon ng
manunulat.
Layunin nitong paganahin ang imahinasyon
ng manunulat at pukawin ang damdamin ng
mga mambabasa.
Mihahanay sa uring ito ang pagsulat ng
tula, nobela, maikling katha, dula at
sanaysay.

SALAMAT SA PAKIKINIG!!!!

You might also like