You are on page 1of 2

Malikhaing Pagsulat

- Ang malikhaing pagsusulat (Ingles: creative writing) ay anumang pagsusulat na


lumalabas sa mga hangganan ng karaniwang prupesyunal, pampamamahayag, pang-
akademiya, o teknikal na mga anyo ng panitikan, na pangkaraniwang nakikilala sa
pamamagitan ng pagbibigay ng diin sa kagalingan o kasanayang pangpagsasalaysay,
pagpapaunlad ng tauhan, at paggamit ng mga tropong pampanitikan.

Halimbawa:
 Piksyunal o di-piksyunal
 Pagsulat ng mga proposal
 Konseptong papel
 Editoryal
 Talumpati
 Tula
 Malikhaing katha
Teknikal na Pagsulat
- Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa
komersyal o teknikal na layunin.

Halimbawa:
 Ulat panlaboraoryo
 Kompyuter
 Computer hardware
 Robotics
 Fiancé
Propesyonal na Pagsulat
- Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademiya o
paaralan. Ang propesyonal na pagsulat ay pagsasagawa ng mga sulatin na may
relasyon sa isang propesyon. Ang pagsulat ng propesyunal ay gumagamit ng mga
termino at istilong angkop sa pagsulat upang higit na maunawaan ng mga
propesyunal na angkop para dito. Maaari itong maghatid ng ibat ibang impormasyon
na maaaring maging basehan ng karagadang kaalaman, debate o pagtawag sa pansin
para sa isang aksyon.

Halimbawa:
 Police Report
 Investigate Report
 Legal Forms
 Medical Report
Dyornalistik na Pagsulat
- Ang dyornalistik na pagsulat ay tumutukoy sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag. Madalas itong naisusulat sa mga pahayagan tulad ng broad sheet o
tabloid. Kabilang dito ang pagsulat ng balita, editoryal, tanging lathalain at iba pa.

Halimbawa:
 News o balita
 Mga editoryal
 Kulomn
 Lathalain at iba pang karaniwang makikita sa pahayagan o magazine
Referensiyal na Pagsulat
- Uri ng Pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa
isang paksa. Kadalasan ay binubuod ng manunulat ang isang ideya ng iba pang
manunulat upang magkaroon ng mas malawak na pagintindi sa isang paksa.

Halimbawa:
 Pamanahong Papel
 Disertasyon
 Interbyu
Akademikong Pagsulat
- Ang Akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mataas na antas ng
kasanayan.Ito ay isang makabuluhang pagsasalaysay na sumasailalaim sa
kultura,karanasan reaksyon at opinyon base sa manunulat,gayundin ito ay tinatawag
din na intelektwal na pagsusulat.Ang akademikong pagsulat ay meron ding layunin
ito ay ang mailahad ng maayos ang mga sulatin at ang tema upang maayos itong
maipabataid o maiparating sa mga makakakita o makababasa.

Halimbawa;
 Thesis
 Abstrak
 Synopsis
 Aklat
 Pagsasaling wika
 Akademikong Sanaysay
 Konseptong Papel
 Artikulo (maaring pahayagan, magasin, atbp.)
 Antolohiya

You might also like