You are on page 1of 2

Akademikong Pagsulat (kahulugan)

- Ay isang anyo ng pagsulat na nangangailangan ng mataas na antas na kasanayan


akademiko.
- Ay madalas na ginagawa hindi lamang sa mga akdemikong institusyon o paaralan. Sa
makatuwid, hindi lamang ang mga mag-aaral ang gumagawa nito kundi ang mga propesyonal din.
- Ang mga salitang ginagamit sa mga ganitong uri ng sulatin ay kailangang pormal.
sa pagsasagawa ng sulatin ng pang-akademiko ay kasama nito ang mga kasanayan sa
pagpangalap ng datos o impormasyon, kritikal na pagbabasa, at pagsusuri ng mga teksto.
Katangian
- Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mahigpit na tuntunin sa proseso ng paggawa nito.
Hindi tulad ng malikhaing pagsulat, ang akademikong papel ay maayo na inihahanay ang mga
pangungusap.
- Ito'y para mas maging malinaw sa mambabasa ang pakay ay ideya ng paksang gustong talakayin ng
mga mananaliksik.
Heto ang mga pangunahing katangian ng akademikong pagsusulat:
 Pormal
 Obhetibo
 May paninindigan
 May panangutan -May kalinawan
KATANGIAN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
Pormal
 Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o balbal na
pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng isang pag-aaral.
Obhetibo
 Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa
pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang impormasyong
gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa (Alejo et al., 2005).
May Paninindigan
 Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-
aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan, ipinaliliwanag at
binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral.
Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran,
at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng manunulat.
May Pananagutan
 Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon.
Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat o plagiarism ay isang kasalanang
may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas…
May Kalinawan
 Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat
na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay
direktibo at sistematiko.
LAYUNIN
 Nakilala ang iba't ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit, katangian at anyo.
TATLONG LAYUNIN NG AKADEMIKONG PAGSULAT
 MAPANGHIKAYAT NA LAYUNIN
 Layunin ng manunulat na manghikayat ng Kaniyang mambabasa na maniwala sa kaniyang
posisyon. hinggil sa isang paksa.
 Halimbawa:
 editoryal, sanaysay, talumpati pagsulat ng proposal, at Konseptong papel.
 MAPANURING LAYUNIN
 Tinatawag din itong analitikal na pagsulat. Ang layunin dito ay ipaliwanag at suriin ang mga
posibleng sagot sa isang tanong at piliin ang pinakamahusay na sagot batay sa ilang pamantay
 Halimbawa:
 panukalang proyekto
 IMPORMATIBONG LAYUNIN
 Ipinapaliwanag ang mga posibleng sagot sa isang tanong upang mabigyan ang mambabasa ng
bagong impormasyon O kaalaman hinggil sa paksa. Halimbawa: Abstrak na tesis

You might also like