You are on page 1of 10

Akademikong sulatin 2

Layunin
Nakikila nang lubos ang akademikong sultatin ayon sa
layunin.
Natutukoy ang katanagian kapakinabangang dulot ng
akademikong sulatin.
Naiisa-isa ang mga halimbawa ng akademikong
sulatin upang magkaroon ng sapat na ideya ukol sa
nasasabing uri ng sulatin.
kahulugan

 Ang akademikong pagsulat ay tungkol sa isang sulatin


na naglalaman ng mga nagbibigay-aliw,
makatotohanan, at masagisag sa mga mambabasa
upang mas madaling maunawaan at maintindihan ng
mga mag-aaral na may kinalaman sa tamang proseso
ng pagsulat.
Kahulugan
Ang akademikong teksto o pagsulat ay isang sulatin o
akda na maayos ang pagkakabuo upang matulungan
ang mga babasa na mas maintindihan at makasabay sa
mga argumento o ideya ng sumulat.
Bakit nga ba ang Akadademikong Pagsulat ay
itinuturing din na isang Intelektwal na pagsusulat, Ito
ay itinuring din na Intelektwal na Pagsusulat dahil
layunin nito na pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
Katangian ng Akademikong Pagsulat:

Pormal
 Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi
ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita.
Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay
bahagi ng isang pag-aaral.

Obhetibo
 Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas
ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t
ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya
na sumusuporta sa paksa (Alejo et al 2005).
Katangian ng Akademikong Pagsulat:

May Paninindigan
 Ang akademikong pagsulat ay kailangang may
paninindigan sapagkat ang nilalaman nito ay pag-aaral
o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at
dinepensahan, ipinalillwanag at binibigyang-katwiran
ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral.
 Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong
daloy ng mga pangungusap, pangangatwiran, at layunin
ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.
Katangian ng Akademikong Pagsulat:

May Pananagutan
 Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga
sangguniang pinaghanguan ng mga impormasyon. Ang
pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang
manunulat o plagiarism ay isang kasalanang may takdang
kaparusahan sa ilalim ng ating batas.
May Kalinawan
 Ang sulating akademiko ay may paninindigang
sinusundan upang patunguhan kung kaya dapat na
maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at
ang pagpapahayag sa pagsulat ay direktibo at sistematiko.
Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsagawa ng wastong pangangalap ng mga impormasyon at


malikhaing pagsasagawa ng ulat.
2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng
teksto na magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.
3. Natatalakay ang paksa ng mga naisagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng
may-akda kasabay rin ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.
4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na
paksa ng mga naisagawang pag-aaral.
5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang
anyo ng akademikong sulatin.
6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa
pagiging inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa
edukasyon.
7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan
ng paggawa ng portfolio.
KAPAKINABANGANG DULOT NG AKADEMIKONG PAGSULAT
 Mapaunlad ang kakayahan sa paghahanap ng mga materyales, datos, at
paggamit ng aklatan.
 Mahahasa ang kakayahan sa mapanuring pagbasa at pagsulat gaya ng
pagtatala, pagbabalangkas, ng mga bnabuongideya at pagsasaayos ng mga
impormasyon upang makabuong isang naglalahad at mapanghikayat na
sulatin.
 Gamit ang akademikong sulatin ay nakikilala ang aklat at mundo bilang
sentro ng kaalman impormasyon, datos at katotohanan.
 Malilinang ang pagpapahalaga at paggalang sa mga nagsagawa ng malalim
na pag-aaral gamit ang akademikong pagsult.
 Magiging bukas ang isipan sa mga ideyang umiinog sa kapaligiran at sa mga
pinagkukunang impormasyon
 Matututuhang maging mapanuri at mapili sa makakalap na datos na
kapaki-kinabang sa pag-aaral.
 Mapaunlad ang kaalamang pang –intelektuwal na mahalaga sa
pagkatao.Nalilinang din ang kaugalian at paraan sa paggawa ng mga sulatin.
 Nagkakaroon ng pagpapahalag sa pag-aaral.
Maraming salamat!

You might also like