You are on page 1of 6

Pagsulat sa Filipino sa Piling

Learning Area Grade Level 12


W1 Quarter
Larang - Akademik
Ikatlong Markahan Date Marso 14-19, 2022

I. LESSON TITLE Akademikong Pagsulat


II. MOST ESSENTIAL LEARNING
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
COMPETENCIES (MELCs)
III. CONTENT/CORE CONTENT Kahulugan, Layunin at Kahalagahan ng Akademikong Pagsulat
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
A. Introduction 30 Minuto Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-aaral ang mga gawaing nauukol
Panimula sa akademikong pagsulat. Ito ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Ang akademikong pagsulat ay isinasagawa sa isang akademikong institusyon kung


saan kinakailangan ang mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Layunin ng
akademikong pagsulat ang magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang.

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat


ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong isang
paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga pangungusap,
talata, at seksiyon upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng
mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na
karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na
nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon.

Ilan sa mga halimbawa o uri ng akademikong teksto/sulatin ay ang sumusunod:


abstrak katitikan ng pulong
sintesis / buod adyenda
bionote replektibong sanaysay
talumpati lakbay-sanaysay
panukalang proyekto synopsis
posisyong papel pictorial-essay

Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang


indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng
manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa ng
mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad ng
gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat ng sulating pang-
akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang target na
mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita dahil ang mga
sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Katangian ng Akademikong Pagsulat


1. Pormal
Ang mga ganitong uri ng sulatin ay pormal at hindi ginagamitan ng mga impormal o
balbal na pananalita. Maliban na lamang kung ang naturang uri ng pananalita ay bahagi ng
isang pag-aaral.

2. Obhetibo
Ang layunin ng akademikong pagsulat ay pataasin ang antas ng kaalaman ng mga mag-
aaral sa pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina o larang. Binibigyang-diin dito ang
impormasyong gustong ibigay at ang argumento sa mga ideya na sumusuporta sa paksa
(Alejo et al., 2005).

3. May Paninindigan
Ang akademikong pagsulat ay kailangang may paninindigan sapagkat ang nilalaman nito
ay pag-aaral o mahalagang impormasyon na dapat idinudulog at dinepensahan,
ipinaliliwanag at binibigyang-katwiran ang mahahalagang layunin, at inilalahad ang
kahalagahan ng pag-aaral. Mahalaga rin ang paninindigan dahil ang mismong daloy ng mga
pangungusap, pangangatwiran, at layunin ay depende sa isinasaad ng paninindigan ng
manunulat.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

4. May Pananagutan
Mahalagang matutuhan ang pagkilala sa mga sangguniang pinaghanguan ng mga
impormasyon. Ang pangongopya ng impormasyon o ideya ng ibang manunulat
o plagiarism ay isang kasalanang may takdang kaparusahan sa ilalim ng ating batas.

5. May Kalinawan
Ang sulating akademiko ay may paninindigang sinusundan upang patunguhan kung kaya
dapat na maging malinaw ang pagsulat ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa
pagsulat ay direktibo at sistematiko.

Layunin sa Pagsasanay sa Akademikong Pagsulat

1. Makapagsasagawa ng wastong pangangalap ng mga imporamasyon at malikhaing


pagsasagawa ng ulat.

2. Nagagamit ang mga kasanayan sa pagbasa sa pagsusuri ng iba't ibang uri ng teksto na
magagamit sa mga gawain ng akademikong pagsulat.

3. Natatalakay ang mga paksa ng naisasagawang pag-aaral ayon sa pananaw ng may-akda


kasabay ang pag-unawa ng mag-aaral bilang mambabasa.

4. Nakapagsusuri at nakabubuo ng wastong konsepto mula sa tinalakay na pagksa nga mga


naisagawang pag-aaral.

5. Malinang ang kasanayan ng mga mag-aaral para makasulat ng iba't ibang anyo ng
akademikong sulatin.

6. Matukoy na ang Akademikong Pagsulat ay isang kurso na lumilinang sa pagiging


inobatibo ng mag-aaral sa pagkakaroon ng mataas na pagkilala sa edukasyon.

7. Napahahalagahan at naiingatan ang mga nagawang sulatin sa pamamagitan ng paggawa


ng portfolio.

Sanggunian:
Pagsulat ni Jom Basto nakuha mula sa
https://www.slideshare.net/jombasto7/pagsulat-15995547
Ang Kahulugan, Katangian, at Layunin ng Akademikong Pagsulat mula sa

https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-
akademikong-pagsulat/
Mingo, Teresa P. 2020. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang
Akademik. Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Cagayan de Oro
Julian, Ailene B. et al. 2017. Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larang
(Akademik). Phoenix Publishing House, Quezon City

B. Development 60 Minuto Gawaing Pampagkatuto 1: Ipaliwanag Mo


Pagpapaunlad Panuto: Isulat ang iyong pagkakaunawa sa kahulugan ng Akademikong Pagsulat.

Ang akademikong pagsulat ay ______________________________


_________________________________________________________________________

Gawaing Pampagkatuto 2 : Ikahon Mo


Panuto: Isa-isahin ang mga katangiang dapat taglayin ng akademikong pagsulat gamit ang
concept map. Magtala ng maikling paliwanag sa bawat katangian.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

Katangian ng
Akademikong
Pagsulat

Gawaing Pampagkatuto 3 : Itala Mo


Panuto: Magbigay ng limang layunin kung bakit gusto mong matuto ng akademikong
pagsulat.

Mga Layunin

1.

2.

3.

4.

5.

C. Engagement Gawaing Pampagkatuto 4 : Magsaliksik Ka


Pakikipagpalihan Panuto: Pumili lamang ng tatlong halimbawa ng akademikong teksto o sulatin. Ibigay ang
kahulugan, gamit at sanggunian kung saan nakuha ang impormasyon ng bawat isa.

1. Akademikong Sulatin:

Kahulugan:
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

Gamit:

Sanggunian:

2. Akademikong Sulatin:

Kahulugan:

Gamit:

Sanggunian:

3. Akademikong Sulatin:

Kahulugan:

Gamit:

Sanggunian:

D. Assimilation Gawaing Pampagkatuto 5 : I-post Mo


Paglalapat Panuto: Bilang isang mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral ng Akademikong Pagsulat,
magbigay ka ng mensahe o payo sa kapwa mo mag-aaral kung paano magiging responsable
sa mga isinusulat o ipino-post sa social media account.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities

Ipo-post ito sa social media account at i-screenshot para maidikit sa papel. Kung wala
namang social media account ay maaari namang iguhit ang icon sa itaas upang doon ilagay
ang mensahe.

Narito ang rubric sa pagmamarka:


Lebel Pamantayan Puntos
Buo ang kaisipan, konsistent, kompleto ang
detalye
Napakahusay Malinaw ang intensiyon at nilalaman ng post
o mensahe 10
Nasundan ang paraan, panuto at iba pa.
May kaisahan at may sapat na detalye.
  May malinaw na intensiyon sa
Mahusay pagpapahayag 8
tungkol sa paksa
Tama at nasundan pa rin ang panuto.
Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye
Katamtaman Di-gaanong malinaw ang intensiyon
6
Hindi ganap ang paglalahad ng mga detalye
Di-malinaw ang intensiyon
Mahina Hindi wasto ang mga panuntunan sa
pagsulat 4

V. ASSESSMENT Gawaing Pampagkatuto 6: Subukin Natin


Panuto: Tukuyin kung Akademiko o Di-akademiko ang mga sumusunod. Isulat ang A kung
Akademiko at DA kung Di-akademiko.

_______1. Layunin nito na magbigay ng ideya at impormasyon.


_______2. Ang paraan na ginagamit ay sa pamamagitan ng
obserbasyon, pagbabasa at pananaliksik.
_______3. Ang pananaw na ginagamit ay subhetibo at sariling
opinyon.
_______4. Layunin nito na magbigay-libang sa mga mambabasa.
_______5. Planado at magkakaugnay ang ideya.
_______6. Pagbabasa ng mga teksto na ginagamit sa klase.
_______7. Panonood ng mga pelikula upang makapagrelaks.
_______8. Pakikinig ng mga paboritong musika.
Suggested
IV. LEARNING PHASES Timeframe
Learning Activities
_______9. Pagsulat ng love letter sa crush.
_______10. Pagbuo ng papel sa pananaliksik.   

VI. REFLECTION Pagsulat ng Journal


Gumawa ng isang reaksyon tungkol sa mga mahahalagang bagay na natutunan ngayong
linggo sa Akademikong Sulatin at isulat ito sa inyong journal.

Prepared : Mr. Dindo C. Caberte / Looc Integrated School Checked : Dr. Lino T. Sanchez

You might also like