You are on page 1of 12

FILIPINO REVIEWER gumamit ng mabubulaklak na pananalita sapagkat

ito ay hindi kabilang sa mga katangian ng sulating


MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: pang-akademiko.

1. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong  Nararapat ding alam ng manunulat kung para


pagsulat. (CS_FA11/12PB-0a-c101) kanino ang kaniyang isinusulat, nang sa gayon ay
2. Nakikilala ang abstrak ayon sa layunin, gamit, maiaangkop niya ang mga pormal na salitang
katangian, at anyo. (CS_FA11/12PN0a-c-9) gagamitin. Maging maingat din sa tamang
3. Nakikilala ang bionote ayon sa layunin, gamit,
paggamit ng pagbabantas at pagbabaybay ng mga
katangian, at anyo. (CS_FA11/12PN0a-c-9)
salita, sapagkat ito ay isang pangangailangan o
4. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88) kahingian.
5. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik. Alalahanin!
6. Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian
ng panukalang proyekto.  Ang kasanayan sa kritikal na pagbabasa ay isa ring
7. Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian pangangailangan para sa makabuo ng isang
ng posisyong papel. mahusay na sulating pang-akademiko.
8. Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian  Sa pagsasagawa ng sulating pang-akademiko ay
ng agenda. kasama nito ang mga kasanayan sa pangangalap
ng datos o impormasyon, kritikal na pagbabasa,
Yunit 1: Akademikong Pagsulat
at pagsusuri ng mga teksto. ●
Aralin 1: Kahulugan at Katangian ng Akademikong Pagsulat  Hindi magiging matagumpay ang pagsasagawa ng
anumang sulating pang-akademiko kung ang
 Ang akademikong pagsulat manunulat ay hindi magiging matiyaga sa pagkalap
ng datos sa pamamgitan ng pagbabasa at
- ay isang anyo ng pagsulat na organisado sa kaniyang ginagawang pagsasaayos
nangangailangan ng mataas na antas ng ng mga salita at parirala sa diskurso ng pagsulat.
kasanayang akademiko.
- Pangunahing layunin nito ang makapagbigay Katangian ng Akademikong Pagsulat
ng tamang impormasyon.
 Pormal - Kagaya ng nabanggit, ang mga sulating
pang-akademiko ay kailangang pormal. Makikita
ito sa mga salitang ginagamit at pagkakabuo ng
 Ang sulating pang-akademiko ay madalas na mga pangungusap. Kailangang maingat na pinipili
ginagawa hindi lamang sa mga akademikong ang mga salitang gagamitin
institusyon o paaralan. Samakatwid, hindi lamang  Malinaw - Ang organisadong pagtatahi ng mga
ang mga mag-aaral ang gumagawa nito kundi ideya ay kailangang taglay ng sulating pang-
maging ang mga propesyonal na nasa kani- akademiko, nang sa gayon ay maging malinaw ang
kanilang industriya o kompanyang kinabibilangan nilalaman nito.
ay sumusulat din ng mga akademikong sulatin.  Tiyak - Mahalagang batid ng manunulat kung ano
ang tunguhin ng kaniyang isinusulat. Ang tunguhin
ang magbibigay ng katiyakan kung para saan ang
isinusulat na sulating pang-akademiko.
 Ayon kay Arrogante (2007), nakasalalay sa kritikal
 May Paninindigan- Mababakas ang kredebilidad
na pagbabasa ang pagbuo ng sulating pang-
ng manunulat sa kaniya mismong isinulat.
akademiko. Ang manunulat ay kailangang:
Magagawang panindigan ng manunulat ang
kaniyang mga isinulat kung sapat ang kaniyang
1. mahusay mangalap ng impormasyon
impormasyon at datos na pinaninindigan sa
2. mahusay magsuri
paraang mahusay na pangangatwiran. Ang
3. magaling mag-organisa ng mga ideya,
kailangan ay hitik sa katotohanan (facts) ang
4. at lohikal.
nilalaman ng sulatin. Kadalasan ang pagkakaroon
5. Marunong magpahalaga at kumilala sa may-
ng mga parenthetical citations ay nakadaragdag
akda ng tekstong binabasa
ng kredibidad at paninindigan ng manunulat dahil
 Ang mga salitang ginagamit sa mga ganitong uri ng
ito ay may pinagbatayan at hindi lamang mula sa
sulatin ay kailangang pormal. Hindi kailangang
kaniyang sariling opinyon.
 May Pananagutan - mahalagang pahalagahan at  at balangkas na talata.
kilalanin ang may-akda ng tekstong pinaghanguan
o pinagbatayan ng isinusulat na sulating pang- 4. Halaga ng Datos - Nakasalalay ang tagumpay ng
akademiko upang maiwasan ang anumang isyung akademikong sulatin sa datos. Maituturing na
kaugnay ng plagiarism. Pananagutan ng pinakamahalagang yunit ng pananaliksik ang
manunulat na ipabatid sa mga mambabasa kung datos ng anomang akda. Kung walang datos,
saan niya hinango at ibinatay ang kaniyang mga walang isusulat, susuriin, o sasaliksikin.
isinulat. 5. Epektibong Pagsusuri - Bahagi rin ng isang
komprehensibong akademikong sulatin ang
Aralin 2: Layunin sa Paglinang ng Kasanayan sa pagsusuri. Inaasahang ang pagsusuri ay maging
Akademikong Pagsulat lohikal upang maging epektibo ang binubuong
sulatin. Ang pagsusuri ay nakabatay sa ugat o
Katangian ng Proseso sa Pagsulat ng Akademikong Sulatin
sanhi ng suliranin at nagpapakita ng angkop na
bunga kaugnay ng implikasyon nito sa tinatalakay
na paksa.
Sa anomang uri at/o anyo ng pagsulat, kasama ang 6. Tugon ng Kongklusyon - Taglay ng kongklusyon
akademikong sulatin, taglay ng mga ito ang tiyak na ang pangkalahatang paliwanag sa nais na
hakbang na dapat sundin upang maisakatuparan ang maipahayag ng akademikong sulatin. Makikita sa
layunin ng isang manunulat. Ngunit, mahalaga na bahaging ito ang kasagutan sa mga itinatampok na
maunawaan din ang katangian na taglay ng kabuoang katanungan o suliranin sa isinulat na pag-aaral
proseso sa pagsulat nito. Narito ang mga taglay na at/o sulatin. Kadalasang nasa anyong pabuod na
katangian sa paraan ng paggawa ng isang akademikong binuo batay sa natuklasang kaalaman. Ito ay
sulatin (Villanueva at Bandril, 2016): maaring nagbibigay-payo, rekomendasyon tungo
sa panibagong pagbuo ng sulatin at/o pag-aaral.

1. Komprehensibong Paksa - Kadalasan ang paksa ay


nababatay sa interes ng manunulat. Kung ang Yugto sa Pagbuo ng Akademikong Pagsulat
pagsulat naman ay itinakdang ipagawa, madalas ay
nakabatay ang paksa sa isyung napapanahon na Ang mga yugto sa pagsulat ng akademikong sulatin ay
may kaugnayan sa mga usaping panlipunan batay maituturing na tila isang siklo o cycle. Sa madaling salita,
sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, inaasahan na ang bawat hakbang na madadaanan ng mga
pangkultura, at iba pa. Mahalaga ang gampanin ng pagtalakay sa sulatin ay magkakaugnay, ang simula sa
paksa sa kabuoan ng akademikong sulatin, wakas, at wakas sa simula (Villanueva at Bandril, 2016)
sapagkat dito nag-uumpisa ang pagpaplano upang
Bago Sumulat
maisakatuparan ang makabuluhang sulatin.
- Sandigan ng isang manunulat bago ang ganap
na pagsusulat ay ang kaniyang dating
2. Angkop na Layunin - Ang layunin ang magtatakda kaalaman at karanasan.
ng dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin. - Sa yugtong ito nagaganap ang integrasyon
Nakapaloob sa layunin ang mithiin ng manunulat ng paunang kaalaman at bagong kaalaman.
kung nais magpahayag ng iba’t ibang impormasyon - Higit na yumayaman ang dating kaalaman at
kaugnay ng katotohanan, manghikayat na karanasan mula sa pagbabasa, panonood, at
paniwalaan ang argumentong inilalahad, pakikinig. Kabilang din ang husay sa
suportahan o pasubalian ang mga dating pagmamasid at pakikisalamuha sa iba’t ibang
impormasyon, at iba pang layuning nakaugat sa tao bilang batis ng kaalamang ipahahayag.
dahilan ng pagbuo ng akademikong sulatin - Bahagi sa unang yugto ang pagbabalik-tanaw
at pagkilala sa sarili sa anomang maaaring
3. Gabay na Balangkas Magsisilbing gabay ang ilagay sa bubuoing sulatin
balangkas sa akademikong sulatin. Gabay ito
upang isaayos ang ideya ng sulatin. May tatlong uri
ng balangkas: Pagbuo ng Unang Burador

 balangkas na paksa
 balangkas na pangungusap
- Sa yugtong ito, matiyangang iniisa-isa ng pagtataya ng mga kaalaman at pagtukoy sa
manunulat ang mga konsepto na maaaring pagkakaugnay-ugnay ng mga ito sa nais na
maging laman ng akademikong sulatin. ibahagi sa mambabasa. Sa ganitong paraan,
- Mula sa binalangkas na konsepto na maaaring nakatutulong ito sa paglilinang ng kakayahang
papaksa o pangungusap (word or sentence intelektwal ng isang manunulat na makapag-
outline), magiging gabay ito upang payamanin isip ng kritikal sa iba’t ibang paraan. Dagdag
ang nililinang na akademikong sulatin. pa, nagbibigay ito ng mas malawak na
- Sa yugto ring ito, maaaring ang manunulat ay pagkakataon upang higit na makita ang lawak
lumikha ng kaniyang burador sa isang papel o ng saklaw ng paksang nais talakayin at
hindi kaya ay gawin na agad sa kaniyang makapagmungkahi ng mga naaangkop na
kompyuter. pagkilos o solusyon. Kabilang din sa kakayahan
na ito ay ang pagiging analitikal.
b. Pagpapalawak at Pagpapalalim ng Kaalaman
- Sa iba’t ibang yugto at antas ng pag-aaral,
Pagwawasto (Editing) at Pagrerebisa
nagagawang matutuhan ng isang indibidwal
- Sa yugtong ito, inaayos ang unang burador. ang iba’t ibang konsepto at/o mga teoryang
Iniwawasto ang mga mali tulad ng baybay, kinakailangan sa isang larangan. Sa bawat pag-
bantas, at mismong nilalaman ng aaral na ito, humihingi ito ng mga gawaing
akademikong sulatin. pang-akademiko, kabilang ang sulating
- Sa yugto ng pagwawasto, may mga tiyak na akademiko. Sa paraang ito, nagagawang
simbolo upang ituwid ang mga nakitang mali mapalalim at mapalawak ng isang indibidwal
(proofreading and/or copyreading symbols). ang kaniyang kaalaman kaugnay sa hinihiling
- Ang nirebisang sulatin ang ituturing na ng paksa o temang nais niyang talakayin.
ikalawang burador ng akademikong sulatin. Maaari niyang matuklasan ang mga
kaalamang madalas ay hindi nababanggit sa
loob ng silid-aralan dahil sa intensibong
pagsasaliksik ng mga kaugnay na babasahin at
Huli o Pinal na Sulatin
mga pag-aaral. Ibig sabihin, ang akademikong
- Mababakas sa yugtong ito ang inaasahang pagsulat ay sumasaklaw rin sa pagdanas ng
kahusayan at kakinisan ng binubuong isang indibidwal sa kaalaman na kaniyang nais
akademikong sulatin. ibahagi.
- Pulidong isinulat at handang ibahagi at c. Kakayahang Propesyonal
mabasa ng iba upang ipabatid ang layunin ng - Sa pagsulat ng mga akademikong sulatin,
pagsusulat ng akademikong sulatin. bukod sa konseptong teknikal at kasanayang
nakukuha rito, nagagawa rin ng isang
Paglalathala o Pagpapalimbag indibidwal na maunawaan at matutuhan ang
propesyonalidad. Una, ang pagsusulat ng may
- Sa yugtong ito, maibabahagi sa mas pormal na tono gamit ang pormal na wika.
maraming mambabasa ang impormasyong Ikalawa, katapatan sa oras sa paglikha ng
nais ipabatid bilang ambag sa produksyon ng bawat sulatin. Sapagkat kabilang sa proseso
karunungan. ang pagsasaliksik, natutuhan ng manunulat na
- Nailalathala ang akademikong sulatin sa itakda ang mga dapat niyang gawin sa loob ng
pahayagan, magasin, dyornal, o aklat dahil sa isang araw at/o linggo upang matamo ang
taglay nitong katangiang kahingian ng inaasahang mahusay na produkto ng sulatin.
akademikong sulatin. Ikatlo, ang katapatan dulot ng taglay na
pagkilala sa mga pinagmumulan ng mga
Layunin sa Paglilinang ng Kasanayan sa Akademikong
kaalaman at/o datos sa binubuong sulatin.
Pagsulat
Panghuli, ang pagiging masinop ng isang
indibidwal. Sa kabuoan ng akademikong
pagsulat, sinasanay nito ang manunulat na
a. Kakayahan sa Kritikal na Pag-iisip maging maingat, mapanuri, at matapat sa
- Sa pagsasakatuparan ng akademikong sulatin, lahat ng ibabahagi sa kaniyang sulatin kung
hindi natatapos ang manunulat sa hayag na kaya nalilinang ang pag-uugaling masinop.
paglalahad lamang ng mga kaalaman. Kabilang Mga kakayahang hinahanap sa mundo ng
sa proseso ang pagsasagawa ng saliksik at pagtatrabaho.
d. Kasanayan sa Saliksik - Nagbibigay ng tuon ito sa mga sulating may
- sang mahalagang kahingian sa pagtutupad ng kinalaman o kabuluhan sa isang tiyak na
akademikong sulatin ay ang taglay nitong propesyon.
kaalaman na hindi lamang sumasandig sa - Halimbawa na lamang ng propesyonal na
iisang batis o batayan, sapagkat sulatin ay ang lesson plan para sa mga guro,
nangangailangan itong makapagbigay ng isang curriculum instructions para sa mga
kongkreto at makabuluhang kahulugan at/o curriculum developer, physical examination
kaalaman. Mula rito, kinakailangan na para sa mga nasa larang ng medisina, at iba
magsagawa ang manunulat ng serye ng pang sulating nakatuon sa isang propesyon.
pagsasaliksik. Sa pamamagitan nito, hindi pa  Dyornalistik na Pagsulat
man o wala pa mang karanasan ang - Ito ay mga sulating may kaugnayan sa
manunulat sa ganitong gawain, kailangan pamamahayag.
niyang matuto nito at makakuha ng mga - Sa pagsulat ng ganitong uri ng sulatin ay
kakailanganing kaalaman. Naisasagawa ito sa kinakailangang taglayin ng manunulat ang
maanyo o malayang paraan, ngunit hindi mga kasanayan sa pangangalap ng
nakalilimot sa etika ng saliksik—pagkilala sa impormasyon, pagiging obhektibo, at paningin
hanguan. sa mga makabuluhang isyu tungkol sa lipunan.
- Ilan sa mga halimbawa ng ganitong pagsulat
Aralin 3: Mga Uri ng Akademikong Pagsulat ay balita, editoryal, lathalain, isports, at iba
pang katumbas na sulatin.
 Reperensiyal na Pagsulat
 Malikhaing Pagsulat - Layunin ng sulating ito na bigyang pagkilala
- Nilalayon ng malikhaing pagsulat na ang mga pinagkunan ng impormasyon upang
magbigay ng kasiyahan, mapukaw ang maging balido at mapagkakatiwalaan ang
damdamin, at magising ang isipan ng isang akademikong sulatin
mambabasa. - Sa mga salita naman ni Skrabanek (2012), ang
- Karaniwan itong bunga ng mapaglarong isipan pokus ng reperensiyal na pagsulat ay
ng manunulat na maaaring batay sa tunay na nakatuon sa mga makatotohanang
pangyayari o kaya naman ay bunga ng impormasyon.
imahinasyon. Ilan sa mga halimbawa ng - Gayundin, ang reperensiyal na pagsulat ay
malikhaing pagsulat ay ang maikling kuwento, naglalahad ng tesis tungkol sa pinag-uusapang
nobela, tula, pabula, parabula, at iba pa. paksa at naglalatag ng mga ebidensyang
 Teknikal na Pagsulat – maaaring makatulong sa tesis.
- Ang uring ito ay isinasagawa upang pag-  Akademikong Pagsulat
aralan ang isang proyekto o kaya naman ay - Ang akademikong pagsulat ay may
bumuo ng isang pag-aaral na sasagot sa isang kumbensiyon na naglalayong maipakita ang
suliranin. resulta mula sa pagsisiyasat tungkol sa
- Ayon naman kay Dupuis (2018), sa ideyang nais pangatwiranan (Alejo et.
kasalukuyan, ang teknikal na sulatin ay al.,2005).
kinabibilangan lahat ng mga dokumentasyong - Ayon naman kina Mabilin et. al. (2012), ang
may teknikal na proseso. lahat ng uri ng pagsulat ay maituturing na
- Ito ay maaaring kabilangan ng mga high-tech bunga lamang ng akademikong pagsulat.
manufacturing, engineering, biotech, energy,
aerospace, finance, information technology, at
global supply. Ang sumusunod ay halimbawa
ng teknikal na pagsulat tulad ng instruction
manuals, policy manuals, process manuals,
under manuals, at instruction for assembling a
product.
 Propesyonal na Pagsulat
- uri ng sulating may kinalaman sa isang tiyak
na larangang pang-akademiya.
Nakikilala ang abstrak ayon sa layunin, gamit, katangian, at  Naglilista ng mahahalagang konsepto o key terms
anyo. (CS_FA11/12PN0a-c-9) upang magsilbing gabay ng mambabasa sa mabilis
na pag-unawa sa nilalaman ng isang pag-aaral.
Yunit 3: Pagsulat ng Abstrak  Ang abstrak ay madalas na lohikal ang
pagkakaayos at may kaugnayan sa kaligiran,
Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Abstrak
introduksiyon, layunin, metodolohiya, resulta, at
ABSTRAK kongklusyon. Tinatawag din itong nirestrukturang
abstrak.
 Ang abstrak ay maikling lagom ng isang  Ang mga abstrak naman na binubuo ng isang talata
pananaliksik, tesis, rebyu, daloy ng kumperensiya, na hindi gumagamit ng mga kaugnay na paksa ay
o anomang may lalim na pagsusuri ng isang paksa tinatawag na di-nirestrukturang abstrak.
o disiplina.
 Sa madalas na pagkakataon ay tinutulungan nito LAYUNIN AT GAMIT NG ABSTRAK
ang mga mababasa na madaling matukoy ang
Narito ang naitalang mga layunin at gamit ng pagsulat ng
layunin ng pag-aaral. Ito ay matatagpuan sa unang
abstrak halaw sa artikulo mula sa University of Melbourne
bahagi ng manuskrito (Villanueva at Bandril, 2016)
na “Writing an Abstract: Understanding and Developing
 Ang salitang abstrak ay mula sa salitang Latin na
Abstracts” (2010):
“abstrahere” na ang ibig sabihin ay “to draw
away,” “pull something away,” o “extract from.”  Pamimili- Ito ay nagsisilbing gabay ng mambabasa
Samakatwid, ang pagsulat ng abstrak ay pagsulat upang mapadali ang kaniyang paghahanap ng
ng panibagong sulatin na tumutugon sa isang kinakailangang datos mula sa isang sinaliksik na
namamayaning sulatin —matagumpay na saliksik o papel. Ito rin ay nagiging pamantayan ng
pag-aaral. Pinatutunayan lamang ng etimolohiya pagpapasya ng mambabasa sa kagustuhang
ng abstrak na ito ay isang gawaing pagsulat na mabasa ang kabuoan ng papel.
nakatuon sa paglalagom ng (mga) pinal na papel o  Kakayahang Magsuri- Una, natututo ang mga
mga sinaliksik at pinalawak na paksang pinag- mananaliksik na maging maingat sa pagkuha ng
aralan. impormasyon para sa lagom. Iniiwasan ng isang
 Ayon kay Philip Koopman (1997), bagaman ang mananaliksik ang maging maligoy sa paglalahad ng
abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang kaniyang paksang sinasaliksik. Ikalawa, nagiging
mahalagang elemento o bahagi ng sulating mapanuri ang mga mambabasa sa nilalaman ng
akademiko tulad ng introduksiyon, mga kaugnay pinal na papel.
na literatura, metodolohiya, resulta, at  Indexing- Sa kasalukuyan, karamihan sa
kongklusyon akademikong journal ay gumagamit na ng
database na nagiging batayan ang nilalaman ng
abstrak upang mabilis na mahanap sa archives ang
KATANGIAN NG ABSTRAK kailangang papel. Nakatutulong din rito ang mga
susing salitang inilalagay sa ibaba o sa pagtatapos
Ayon kina Villanueva at Bandril (2016), ang sulating abstrak ng abstrak.
ay nagtataglay ng sumusunod na katangian:  Pangangailangang Akademiko- Madalas, ito ay
nagiging akademikong pangangailangan sa pagsuri
 Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa
at pagsulat ng mga pamanahong papel, tesis, at
disiplina at kahingian ng palimbagan. Karaniwan na
disertasyon. Tumutulong ito sa mabilis na
ang haba ay mula 100 hanggang 500 salita pero
paglalahad ng kaluluwa ng pinal na papel.
bihirang humigit sa isang pahina at may
 Publikasyon- Ang pagsulat ng abstrak ay
pagkakataong ilan lamang ang pananalita.
nagsisilbing kasangkapan ng mga propesyunal sa
 Gumagamit ito ng wikang nauunawaan ng lahat
iba’t ibang larang upang mapaunlad ang kasanayan
bilang pagtugon sa lawak ng target na mambabasa
at karanasang pampananaliksik. Nagsisilbing
 Naglalaman ito ng apat na mahalagang elemento
pangunahing pangangailangan ang abstrak na
sa natapos na gawain:
natapos na o ang kasalukuyang pag-aaral upang
1. ang tuon ng pananaliksik,
ilahad ito sa mga kumperensiya at/o forum,
2. ang metodolohiya ng pananaliksik,
mailathala sa iba’t ibang research journals, o para
3. ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik, at
sa research grants.
4. ang pangunahing kongklusyon at mga
rekomendasyon.
Aralin 2: Mga Uri ng Abstrak ● ambag sa larangang kinabibilangan (Valle
Rey. Philnews.com). Kalakip ng bionote ang
A. Palarawan o Deskriptibong Abstrak larawan ng manunulat o ng mananaliksik
- Ito ay naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng
isang pananaliksik. Nilalaman ng Bionote

- Nakapaloob sa deskriptibong abstrak ang kaligiran, Bagaman ito ay isang pinaikling pagpapakilala
paksa ng papel at layunin nito (The University of sa manunulat, naglalaman naman ito ng
Adelaide 2014). Hindi na isinasama pa ang resulta ng mahahalagang impormasyong dapat malaman
naging pag-aaral maging ang mga pamamaraan at ng mga mambabasa tungkol sa awtor. Narito
kongklusyong nabuo. Sa halip na buod, ang ilan sa mga dapat lamanin ng bionote:
nagmimistulang balangkas ng pag-aaral ang
deskriptibong abstrak. Mapapansin din ang bilang ng  pangalan ng may-akda
salitang ginagamit dito ay aabot lamang sa 100 o  pangunahing trabaho
pababa (Writing Center: University of Carolina at  edukasyong natamo
Chapel Hill).  akademikong parangal
 iba pang trabaho
 organisasyong kinabibilangan
B. Pangkaalaman o Impormatibong Abstrak  tungkulin sa komunidad
 mga proyektong ginagawa
- Ang pokus ng impormatibong abstrak ay mailahad
ang mahahalagang ideya o datos mula sa kabuuang Ang pagsulat ng bionote ay kaiba sa pagsulat ng
pag-aaral. Nakapaloob dito ang paksa, layunin, talambuhay. Bagaman pareho itong naglalahad ng
kaligiran, metodolohiya, kinalabasan ng pag-aaral at impormasyon tungkol sa indibibwal, kadalasan ang
kongklusyon (The University of Adelaide 2014). talambuhay ay mas mahaba at detalyado ang
Bagaman maikli, komprehensibong inilalahad dito ang nilalaman kaysa sa bionote.
mga bahagi ng isinagawang pag-aaral. Nagbabago rin
Etimolohiya ng Salitang ng Bionote
ang bilang ng mga salita depende sa paksa o larang na
pinili ngunit kadalasa’y bihirang sumobra sa sampung  Ang bionote ay pinaikling anyo ng mga
bahagdan (10%) ang kabuuang pag-aaral . (Writing salitang biographical note.
Center: University of Carolina at Chapel Hill).  Ito ay maikling pagpapakilala ng manunulat o
mananaliksik sa kaniyang sarili.
Nakikilala ang bionote ayon sa layunin, gamit, katangian, at  Nakasulat ito sa ikatlong panauhan. Maaaring
anyo. (CS_FA11/12PN0a-c-9)
nakapaloob ito sa mga aklat, journal article, o
Yunit 5: Pagsulat ng Bionote maging sa pagtatanghal sa mga kumperensya
(Thomson, Pat, 2018) ng mga manunulat.
Aralin 1: Kahulugan, Layunin, at Gamit ng Bionote  Karamihan sa isinusulat na bionote ay maikli
lamang kaya kadalasan ay limitado ito sa 100
Ang bionote
hanggang 150 salita (Thomson, Pat, 2018)
 isang anyo ng sulating nagpapakilala sa isang
Layunin at Gamit ng Bionote
tao.
 Madalas, ito ay nasa likod ng pabalat ng aklat  Layunin nito na maipakilala ang manunulat at
na nagpapakilala sa isang manunulat. mananaliksik sa mga mambabasa at upang
Gayundin, ito ay sa huling bahagi ng isang magkaroon din sila ng pahapyaw na ideya sa
pag-aaral o papel-pananaliksik. pinagmulang pananaw, paniniwala, o
 Matatagpuan sa bionote ang sumusunod kaalaman ng manunulat. Bagaman ang
● personal na impormasyon tungkol sa pangunahing layunin ng pagsulat ng bionote
manunulat; ay maipakilala ang manunulat at mananaliksik
● kaligirang pang-edukasyon; at sa mga mambabasa, pinalawig pa ito ni Pat
Thomson (2018). Sinabi niya na ang bionote Mga Hakbang sa Pagsulat ng BionoteMga Hakbang sa
ay maituturing bilang: Pagsulat ng Bionote

Bago Sumulat ng Bionote


 serbisyo para sa mga mambabasa
 serbisyo sa mga publikasyon o palimbagan 1. Itakda at tiyakin ang layunin ng pagsulat ng
bionote
Yunit 5: Pagsulat ng Bionote
2. Pagpasyahan ang haba ng susulating bionote
Aralin 2: Mga Katangian ng Bionote 3. Bumuo ng balangkas ng susulating bionotev

 Maikli ang Nilalaman


 Gumagamit ng Ikatlong Panauhang Pananaw
Aktuwal na Pagsulat sa Bionote
 Gumagamit ng Inverted Pyramid
Isinasagawa ang ganitong paraan ng 1. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad.
paglalahad upang maipakita agad sa mga 2. Simulan sa pangalan ang pagpapakilala
mambabasa ang pinakamahahalagang 3. Tukuyin ang edukasyong natamo.
impormasyon tungkol sa indibidwal patungo 4. Ilahad ang propesyong kinabibilangan
sa mga hindi gaanong mahahalagang detalye 5. Isa-isahin ang mahahalagang tagumpay na
sa bandang huli, nang sa gayon ay malaman nakamit ng paksang inilalarawan.
na agad ng mga mambabasa ang 6. Idagdag ang ilang di-inaasahang detalye.
mahahalagang tala tungkol sa indibidwal higit
lalo dahil nakaugalian na ng karamihan na Muling Pagsulat ng Bionote
basahin lamang ang umpisang bahagi ng isang
1. Basahin ang unang borador. Sa pagbasa ng
babasahin.
akda, naiisa-isa ang mga bahaging
 Nakatuon lamang sa mga Angkop na
nangangailangan ng pagwawasto, partikular
Kasanayan o Katangian.
na sa gramatika ng sulatin at pagkakasunod-
 Matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon
sunod ng mga detalye.
2. Muling isulat ang bionote para sa huling
borador. Kapag naiwasto na ang unang
Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Bionote borador, maaari nang isulat ang pinal na
kopya para sa tiyak na paggagamitan nito.
1.Dapat maging maikli ang bionote.

2. Siguraduhing tama ang mga natipong impormasyon


Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang
tungkol sa taong ipinakikilala.
makabuluhang pananaliksik (F11PU – IIg – 88)
3. Gumamit ng ikatlong panauhan sa paglalahad.
Kahulugan ng Pananaliksik
4. Tukuyin at kilalanin ang mga mambabasang
 Ito ay isang masusing pagsisiyasat at
pagtutuonan ng pagpapakilala.
pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao,
5. Tiyaking impormatibo ang nilalaman ng bionote isyu at iba pang ibig bigyang linaw, patunayan
kaya dapat na inuunang ilahad ang o pasubalian.
pinakamahahalagang impormasyon tungkol sa  Ito ay isang sistematikong pag-aaral ng mga
ipinakikilala. materyal upang malaman ang katotohanan at
makabuo ng kongklusyon.
6. Bigyang-diin lamang ang mga angkop na kasanayan
at/o katangiang kaugnay ng layunin ng pagpapakilala.

7. Maging tapat sa paglalahad ng impormasyong Katangian ng Pananaliksik


iuugnay sa paksa.
Ang pananaliksik ay:
 Obhetibo. Ang mga datos ay kinuha sa mga sa isang kaalamang umiiral na sa kasalukuyan. Ang
di-kumikiling o di-kinikilingang mga batis. Ang sumusunod ay halimbawa ng basic research:
mga interpretasyon ay batay sa paghahanay,
Action Research
pagtataya, at pagsusuri ng mga datos na ito.
 Marami at iba’t iba ang mga ginagamit na  Ang action research ay ginagamit upang
datos.Lahat ng posibleng pagkunan, maging makahanap ng solusyon sa mga espesipikong
ito’y nakasulat sa wikang banyaga o kaya’y problema o masagot ang mga espesipikong
nasa ibang bansa, ay mga datos na magagamit mga tanong ng isang mananaliksik na may
sa pananaliksik. Ang anumang problema kinalaman sa kanyang larangan.
kaugnay ng pinansya, distansya, at lenggwahe  Ang resulta nito ay ginagamit ding batayan sa
ay limitasyong dapat harapin ng mananaliksik. pagpapabuti ng bagay na siyang paksa ng
 May pamamaraan o angkop na pananaliksik. Ang mga halimbawa nito ay ang
metodolohiya ang tutulong sa ikahuhusay ng sumusunod
pananaliksik.
 Masuri o kritikal sa paggamit ng mga datos Applied Research
at sa pagtitimbang-timbang sa mga ideya.
 Ang resulta naman ng applied research ay
 Dokumentado sa mga materyales na
ginagamit o inilalapat sa majority ng
ginagamit bilang pagkilala sa gawain ng iba at
populasyon. Ang mga halimbawa nito ay ang
mga datos na nakuha.
sumusunod:
Layunin ng Pananaliksik
Disenyo ng Pananaliksik
1. Tumuklas ng bagong datos at impormasyon.
Ang disenyo ng pananaliksik ay nakatuon sa kung
2. . Magbigay ng bagong interpretasyon sa
paano isasagawa ang pananaliksik. Nagsisilbi itong
lumang ideya.
direksiyon upang sistematikong maisagawa ang isang
3. Maglinaw sa isang pinagtatalunang isyu.
pananaliksik Pangunahing Disenyo ng Pananaliksik
4. Manghamon sa katotohanan o pagiging
Mayroong dalawang pangunahing disenyo na
makatwiran ng isang tanggap o pinapalagay
maaaring magamit sa sulating pananaliksik:
na totoo o makatotohanang ideya.
5. Magpatunay na makatotohanan o balido ang • Kuwalitatibo • Kuwantitatibo
isang ideya, interpretasyon, paniniwala,
palagay, o pahayag. Ang kuwalitatibong disenyo ng pananaliksik ay pag-
6. Magbigay ng historikal na perspektiba para sa aaral sa karanasan ng tao at (mga) pangyayari sa
isang senaryo. buhay ng tao sa konteksto ng kaniyang lipunan.

Gamit ng Pananaliksik sa Lipunang Pilipino Ang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik ay


naghahanap ng tumbasang bilang o numerical value
1. Sa Pang-Araw-Araw na Gawain ng isang variable sa isang grupo.
2. Sa akademikong gawain
3. Sa kalakal/bisnes Batayang Proseso ng Pananaliksik:
4. Sa iba’t ibang institusyong Panggobyerno
Mga Bahagi Ang husay ng isang pananaliksik ay batay
sa prosesong pinagdadaanan nito. Hindi ito dapat
minamadali o may short-cut. Kung gayon, mahalagang
Mga uri ng pananaliksik matutuhan at maunawaan ng isang nagsisimulang
mananaliksik na tulad mo ang bawat hakbang sa
Basic Research
pagsasagawa ng pananaliksik. Ang batayang proseso
Ang resulta ng tinatawag na basic research ay ng pananaliksik ay binubuo ng:
agarang nagagamit para sa layunin nito.
• Pagbuo ng konseptuwal na balangkas
Makatutulong din ang resulta nito para
makapagbigay pa ng karagdagang impormasyon • Pagtukoy sa metodo ng pananaliksik
• Pagtukoy sa layunin ng paksa,  MAKABULUHAN AT MAKATOTOHANAN

• Pangangalap ng datos, 6 Layunin ng Panukalang Proyekto

• Pagbuo ng konseptong papel  Magabayan ang buong pagpapatupad ng


proyekto
, • Paggamit ng iba't ibang sistema ng  Makapangalap ng pondo (sulating
dokumentasyon, aplikasyon sa pagkalap ng pondo)
• Pagbuo ng bibliograpi  Makapanghikayat ng kalahok (imbitasyong
dokumento para sa mga kalahok)
• Pagsulat ng burador, at  Marating ang pampublikong sektor
(imbitasyon ng suporta para sa lokal na
• Pagsulat ng pinal na burador.
pamahalaan)
 Matagubilinan ang pagtatasa (batayang
Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at
dokumento ng idinaos na proyekto)
katangian ng panukalang proyekto.
Mga Bahagi ng Panukalang Proyekto
Kahulugan ng Panukalang Proyekto
 Pahina ng Pamagat (Panakip) Nag-iisang
 Sa panulat ni Mercado (w. p.), ayon kay Dr.
pahina lamang ito, na nagsisilbing takip ng
Phil Bartle ng The Communication
kabuoang panukala. Nakasaad dito ang
Empowerment Collective, isang samahang
impormasyon para sa sumusunod na paloob
tumutulong sa mga non-governmental
pang bahagi:
organization (NGO) sa paglikha ng mga pag-
 ● Petsa
aaral sa pangangalap ng pondo, isang akto ng
 ● Pamagat ng Proyekto
paglalatag ng mga plano at adhikain ng isang
 ● Mga Lokasyon ng Proyekto
programa o proyekto ng isang pangkat ang
 ● Pangalan ng Organisasyon
panukalang proyekto.
 . Para kay Besim Nebiu (2002), isang
 Abstrak (Executive Summary- Ito ang huling
detalyadong paglalarawan ng mga inihahaing
bahaging isinusulat sapagkat nakabatay ito sa
gawain ang panukalang proyekto
pangkabuuang lahad ng panukala. Bagaman
 Sa madaling sabi, ang panukalang proyekto
huling isinusulat, inilalagay ito sa unahang
ay isang sulatin o kasulatan ng mungkahing
bahagi, sumunod sa pahina ng pamagat.
plano ng mga gawaing nakaugnay sa
Tandaang hindi ito maaaring magsilbing
pagsasakatuparan ng isang tinatanaw na
introduksiyon o panimulang salita ng
proyektong nagtataglay ng tiyak na layon at
panukalang papel, kundi isa itong lagom ng
umaasa ng suporta sa mga kinauukulan.
kongklusyon ng buong proyekto.
 Inihahain ito sa iba’t ibang uri ng pangkat ng
tao o samahang maaaring magkaroon ng
 Kaligiran ng Suliranin- Ito ang bahaging
tuwiran at di-tuwirang paglahok sa
nagbibigay-katuwiran sa pangangailangang
paglulunsad, bagaman may tiyak na
maisakatuparan ang proyekto.
kinalaman sa proyekto.

Mga Katangian ng Isang Panukalang Proyekto  Mga Pangkalahatan at Tiyak na Layunin

 DETALYADO  Mga Makikinabang o Pakay na Pangkat


 MALINAW
 TAPAT  Mga Tinatanaw na Gawain at Bunga
 MAPANGHIKAYAT
 IMPORMATIBO  Talatakdaan
 PAYAK
 BUKAS SA MGA PUNA AT MUNGKAHI  Ang Organisasyon (Pagkakakilanlan)
hinggil sa isang napapanahong isyung may
 Mga Gastos at Benepisyo pangkalahatang saklaw kung tutuusin
 Makahikayat ng tao, pangkat, o komunidad na
 Pagmamasid at Pagsusuri magsagawa ng mga partikular at tiyak na
hakbang kaugnay ng isang isyu.
 Pag-uulat  Makapagpaunawa o makapagpalaganap ng
mga salaysay ng paliwanag ng pinaninindigang
 Mga Kalakip pananaw ng isang tao o pangkat kaugnay sa
isang paksa o isyu.
 Makakalap ang tagapagpahayag ng suporta
Payak na Balangkas mula sa mga target nitong mambabasa.
 Pamagat Mga Gamit ng Posisyong Papel
 Tagapangasiwa ng Proyekto/Nagpadala
 Kategorya ng Proyekto  Pormal na naratibo o talastas, sa anyong
 Petsa pasulat, ng isang pangkat o organisasyon
 Kaligiran ng Suliranin (Rationale) upang magbigay-linaw hinggil sa isang tiyak na
 Mga Layunin isyu;
 Plano ng mga Dapat Gawin  Diplomatikong paglalahad ng mga ideyang
 Badyet mula sa mga taong sangkot o may
 Pakinabang pagpapahalaga sa sentrong usaping isinaad ng
posisyong papel;
Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian ng  Sandatang salaysay ng isang pangkat upang
posisyong papel. makapagpaliwanag, makapaglinaw, o
Kahulugan ng Posisyong Papel makausig ng kinauukulan sa paraang hindi
marahas; at
 .Ang posisyong papel ay sulating naglalaman  Katipunan ng mga pagpapahalaga, salaysay,
ng mga pinaninindigang pananaw, palagay, o mungkahi, kuro-kuro, at/o pananaw hinggil sa
saloobin hinggil sa isang tiyak na mahalagang isang tiyak na isyu, nang may respeto,
isyung may kinalaman sa iba’t ibang larangan dignidad, at paninindigan upang maging isang
—akademiya, panlipunan, ekonomiya, huwarang paraan ng pagpapabatid ng
pulitika, at iba pa. opinyon.
 Detalyadong nasusulat dito ang mga ulat-
polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, Mga Katangian ng Isang Posisyong Papel
nagtutuwid, o nagmumungkahi ng isang tiyak  Tiyak ang Isyu
na kapasyahan at kaakibat nitong mga  Malinaw ang Posisyon
aksyon, na may kinalaman pa rin sa paksang  Mapangumbinsing Argumento
isyu. Nagtataglay ito ng iba’t ibang anyo, mula
sa pinakapayak na liham sa patnugot Natutukoy ang kahulugan, kalikasan at katangian ng
hanggang sa pinakakomplikadong agenda.
akademikong posisyong papel
Ang agenda ay isa sa mga akademikong sulatin na
Layunin ng Pagsulat ng Isang Posisyong Papel dapat matutuhan ng isang mahusay na tagapag-
ugnay. Upang pangunahan ang talastasan ng isang
 Makapagpahayag ng paniniwala, pananaw, organisasyon, dapat ay natitiyak mo kung ano-ano nga
mungkahi, o matalinong kuro-kurong ibinunga ba ang mga pangunahing ideya na dapat mapag-
ng masikap na pag-aaral ng mga konsepto at usapan ng samahan. At bahagi rito ay ang pagbuo ng
kaugnay na impormasyon hinggil sa paksa. agenda ng pulong
 Makapagmulat ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng mga inihaing argumento
S-M-A-R-T Agenda Dahil goal-driven ang
sulating-agenda, maaari ding isaalang-alang
Katangian ng Epektibong Agenda ang katangiang SMART para sa paghahanda
1. Organisado nito
Bawat institusyon ay may sinusunod na . ● Specific - dapat tiyak ang detalye at mga
pormat para sa kani-kaniyang sulatin. At paksa
sapagkat dapat na maging gabay sa ● Measurable - nasusukat ang kasapatan ng
pagpupulong ang gagawin mong agenda, mga impormasyong ihahain
mahalagang nakasunod sa pormat ang mga ● Attainable - may kakayahang makamit ang
detalyeng ilalagay mo rito upang hindi inilatag na mga suhestiyon
maghatid ng karagdagang kalituhan. ● Relevant - mahalaga para sa organisasyon
Karaniwang umiikot sa detalye, layunin, at ang tinatalakay na paksa
paksa ng pagpupulong ang balangkas na dapat ● Time-bound - sapat ang panahon sa
maging laman ng iyong sulating-agenda. pagtalakay at pagpupulong
Maaari ding ilakip ang petsa, sino ang kabilang
sa pulong, at sino ang taong nagpatawag ng Layunin at Gamit ng Agenda May iba’t ibang
pulong layunin ang paghahanda ng mga akademikong
sulatin. Sa pagsulat ng agenda para sa
2. May Kalinawan isasagawang pagpupulong, unang dapat
Mahalagang tiyak ang mga detalye at paksa na isaalang-alang ang layunin ng pagpupulong.
iyong ilalagay sa agenda. Tiyaking may Maaaring gawing gabay ang balangkas ng mga
kaugnayan sa isa’t isa ang paksa ng pulong na tanong na:
ilalakip sa agenda, na dapat ay nakabatay rin ● Ano ang paksa ng pulong?
sa oras at tagal ng pulong at mga taong ● Sino ang mga kailangang dumalo sa pulong?
inaasahang dumalo rito. Ang pagiging ● Saan magaganap ang pulong?
malinaw ng agenda ay nangangahulugang ● Bakit magsasagawa ng pulong?
malinaw ang sumusunod na detalye katulad ● Kailan magaganap ang pulong? Sa
ng: paksang tatalakayin, oras at petsa ng pamamagaitan ng agenda mas nagiging tiyak
pulong, kalahok sa pulong, tagapag-ugnay, ang inaasahan sa pulong at hindi ito kung
lugar na pagdarausan ng pulong, kagamitang saan-saan lamang mapupunta ang usapan at
dadalhin sa pulong, at kasuota tiyak ding magagamit nang maayos ang oras.
3. . Pormal at Kompleto Samakatwid, kung may agenda ay
Sa pagkakaroon ng pormal na pormat na nagkakaroon ng direksiyon ang isang pulong,
dapat sundin sa mga pormal na pagpupulong, mas nagagamit ang oras nang maayos at
mahalagang kompleto at tiyak ang mga nagiging sistematiko ang pulong at hindi
detalyeng inilalakip dito. Karaniwan itong makababagot sa mga kalahok
isinasama sa isang memo na ipahahatid sa
mga taong sangkot sa isasagawang Kahalagahan ng Paghahanda ng Sulating
pagpupulong. Dapat maunawaan na hindi Agenda Naririto ang ilan sa mga dahilan at
lahat ng pagpupulong ay pormal na halaga kung bakit mahalaga ang paghahanda
isinasagawa. Gayon pa man, mahalaga pa rin ng sulating-agenda:
ang pagkakaroon ng listahan ng mga
agenda/paksa na iyong tatalakayin sa isang 1. Mabigyan ng ideya ang mga dadalo sa
pagpupulong detalye ng gaganaping pagpupulong.
2. Matiyak ang mga paksang dapat pagtuonan
ng pansin.
3. Maghatid ng organisadong balangkas para
sa pagpupulong.
4. Magbigay nang maayos na direksyon para
sa pagpupulong na masusundan ng mga
sangkot.
5. Masukat at matantiya ang haba ng oras na
gugugulin sa isasagawang pagpupulong

You might also like