You are on page 1of 4

St.

Paul University Surigao


St. Paul University System
8400 Surigao City, Philippines

Ano ang Agenda?

- Ang agenda ay isang akademikong sulatin na ginagamit bilang gabay sa isang pagpupulong,
maging ito man ay nagpapaliwanag, nagbibigay-suhestiyon, o sumasagot sa mga isyu at mga
tanong.
- Naglalaman ito ng mga detalye na layuning ipabatid sa mga sangkot. Mahalagang maging tiyak
sa mga impormasyong ilalahad upang hindi ito magdulot ng kalituhan sa mga makababasa.
- Inihahanda ang agenda para sa maayos na daloy ng komunikasyon na pangunahing
kinakailangan upang mapagtagumpayan ang layunin ng isang pagpupulong.

Layunin at Gamit ng Agenda:

- May iba’t ibang layunin ang paghahanda ng mga akademikong sulatin. Sa pagsulat ng agenda
para sa isasagawang pagpupulong, unang dapat isaalang-alang ang layunin ng pagpupulong.
Maaaring gawing gabay ang balangkas ng mga tanong na:

● Ano ang paksa ng pulong?


● Sino ang mga kailangang dumalo sa pulong?
● Saan magaganap ang pulong?
● Bakit magsasagawa ng pulong?
● Kailan magaganap ang pulong?

Sa pamamagaitan ng agenda mas nagiging tiyak ang inaasahan sa pulong at hindi ito kung saan-
saan lamang mapupunta ang usapan at tiyak ding magagamit nang maayos ang oras.

Samakatwid, kung may agenda ay nagkakaroon ng direksiyon ang isang pulong, mas nagagamit
ang oras nang maayos at nagiging sistematiko ang pulong at hindi makababagot sa mga kalahok.

Katangian ng Agenda:

1. Organisado
- Bawat institusyon ay may sinusunod na pormat para sa kani-kaniyang sulatin. At
sapagkat dapat na maging gabay sa pagpupulong ang gagawin mong agenda,
mahalagang nakasunod sa pormat ang mga detalyeng ilalagay mo rito upang hindi
maghatid ng karagdagang kalituhan.

Karaniwang umiikot sa detalye, layunin, at paksa ng pagpupulong ang balangkas


St. Paul University Surigao
St. Paul University System
8400 Surigao City, Philippines
na dapat maging laman ng iyong sulating-agenda. Maaari ding ilakip ang petsa, sino ang
kabilang sa pulong, at sino ang taong nagpatawag ng pulong.

Ang pagiging organisado ay tumutukoy rin sa pagkakasunod-sunod ng paksang


tatalakayin sa pulong na kailangang ito ay nakalista nang maayos batay sa una,
ikalawa, at huling tatalakayin sa pulong.

2. May Kalinawan
- Mahalagang tiyak ang mga detalye at paksa na iyong ilalagay sa agenda. Tiyaking may
kaugnayan sa isa’t isa ang paksa ng pulong na ilalakip sa agenda, na dapat ay nakabatay
rin sa oras at tagal ng pulong at mga taong inaasahang dumalo rito. Ang pagiging
malinaw ng agenda ay nangangahulugang malinaw ang sumusunod na detalye katulad
ng: paksang tatalakayin, oras at petsa ng pulong, kalahok sa pulong, tagapag-ugnay,
lugar na pagdarausan ng pulong, kagamitang dadalhin sa pulong, at kasuotan.

3. Pormal at Kompleto
- Sa pagkakaroon ng pormal na pormat na dapat sundin sa mga pormal na pagpupulong,
mahalagang kompleto at tiyak ang mga detalyeng inilalakip dito. Karaniwan itong
isinasama sa isang memo na ipahahatid sa mga taong sangkot sa isasagawang
pagpupulong. Dapat maunawaan na hindi lahat ng pagpupulong ay pormal na
isinasagawa. Gayon pa man, mahalaga pa rin ang pagkakaroon ng listahan ng mga
agenda/paksa na iyong tatalakayin sa isang pagpupulong.

S-M-A-R-T Agenda
Dahil goal-driven ang sulating-agenda, maaari ding isaalang-alang ang katangiang SMART para sa
paghahanda nito.

● Specific - dapat tiyak ang detalye at mga paksa


● Measurable - nasusukat ang kasapatan ng mga impormasyong ihahain
● Attainable - may kakayahang makamit ang inilatag na mga suhestiyon
● Relevant - mahalaga para sa organisasyon ang tinatalakay na paksa
● Time-bound - sapat ang panahon sa pagtalakay at pagpupulong
St. Paul University Surigao
St. Paul University System
8400 Surigao City, Philippines

Republic of the Philippines


Department of Education
Region XIII-CARAGA
ST. PAUL UNIVERSITY SURIGAO
Km. 3, Barangay Luna, Surigao City
Email: pdmo@spus.edu.ph

MEETING AGENDA

Agenda : Christmas Party


Lugar : St. Ferdinand de Castile Classroom, 3rd Floor, Senior High School Building
Petsa/Oras : Nobyembre 22, 2022; ika-4 hanggang 5 ng hapon
Mga Sangkot : Classroom Officers

Layunin : Inaasahang maiulat at mapagplanohan ng mga opisyal ang mga nakatakdang


gawain sa kanilang seksyon para sa gaganaping Christmas Party. Nilalayon din
ng pagpupulong na ito na magbahagi ng iba’t ibang ideya ang mga kasapi
tungkol sa mga posibleng gawain sa araw ng aktibidad upang mapag-usapan
ito ng masinsinan at maging malinaw ang lahat ng katanungan ng bawat isa.

Mga Paksa ng Pagtalakay:


● Pag-usapan ang natirang funds - Bb. Sual, Ingat-Yaman
● Paglalahad ng ideya tungkol sa dekorasyon - Bb. Go, Sociocultural Committee???
● Paglalahad ng mga pagpipilian sa pagkain - G. Cuadrillero, Sociocultural Committee
● Paglalahad ng iskedyul ng mga aktibidad para sa mismong araw ng Christmas Party -
Bb. Besario, Presidente
● Pagtataya ng posibleng kabuuang gastos - Bb. Sual, Ingat-Yaman

Ang lahat ay inaasahang dumalo!


St. Paul University Surigao
St. Paul University System
8400 Surigao City, Philippines

You might also like