You are on page 1of 6

Pagsulat ng Agenda nabibigyang- pansin ng namumuno sa grupo o

organisasyon.
AGENDA
Paksang mahalaga sa buong grupo.
Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin na
agere na nangangahulugang gagawin. Sa pananaw na Sa mga isasamang paksa sa agenda, makabubuti kung
ito, mabibigyang depinisyon ang AGENDA bilang isang ang mga ito ay mga paksang mahalaga sa buong grupo o
dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag- organisasyon. Ang mga paksang nakalista sa agenda ay
uusapan at dapat talakayin sa isang pagpupulong. dapat direktang may kinalaman ang mga inaasahang
kalahok sa pagpupulong. Masisiguro lamang ang
Ito ay listahan, plano, o balangkas ng mga pag-uusapan,
aktibong pakikibahagi ng mga kalahok kung sila ay
dedisyunan o gagawin sa i sang pulong. I to ay
bahagi mismo ng pinag- uusapang paksa.
kronolohikal o ayon sa pagkakasunod- sunod batay sa
halaga nito sa indibwal. Estrukturang patanong ng mga paksa

Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat aksyunan o Hindi karaniwan na ang mga paksa sa agenda ay nasa
bigyan prayoridad sa isang pulong.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Verizon Business


(nasa The Perfect Meeting Agenda, 2016), ang
pinakamadalas na pagkasayang ng oras sa mga anyong tanong. Datapwa't walang masama kung ito ay
korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang nasa anyong pahayag, ang isang tanong ay mas
pagpupulong. Ito ay ayon sa pag-aaral, ay nangyayari nakakapanghamon ng isipan. Dahil ang paksa ay nasa
sapagkat ang mga pagpupulong na isinagawa ay madalas anyong tanong, nangangauhulugan d i n na
di- organisado at walang malinaw na layunin. ang nangangailangan i t o ng kasagutan. Nag-iimbita ang
katotohanang ito ay maaaring maiugnay sa kawalan isang tanong ng aktibong partisipasyon ng mga kalahok.
preparadong agenda na siyang nagiging balangkas sa
pagsasagawa ng pulong. Layunin ng bawat paksa.

Dapat na matanggap ng mga kalahok sa pulong ang Upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong,
agenda bago ang naturang pagkikita, dahil nakatutulong mahalagang matiyak ang layunin ng paksa. Dapat
iyon upang maiwasan ang pagkalito at pagkasayang ng maging malinaw sa mga kalahok kung ano ang layunin
oras. Marapat din na kalakip ng matatanggap na agenda ng bawat paksa. Dapat maging malinaw kung layunin
ng mga kalahok ay ang mga dokumento ng ulat na nito ang pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng
ihaharap sa pulong. Ang mga ganitong hakbangin ay panukala para sa gagawing desisyon, o pagdedesisyon.
makatutulong upang mapag-aralan nan g mga kalahok
Oras na ilalaan sa bawat paksa.
ang mga datos at mga paksa sa talakayan at sila’y
maging handa sa mga ito. Kung 30 minuto lamang ang nakalaan sabuong
pagpupulong, dapat masagot kung gaano katagal ang
KAHALAGAHAN
pagtalakay sa bawat paksa. Tandaan na sa pagtalakay ng
1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong mga paksa, kasama rito ang paglalahad sa paksa,
pagsagot sa mga katanungan, pagresolba sa
2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu magkakaibang pananaw ng mga kalahok, pagbuo ng
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang oras resolusyon, at pagsang-ayon sa mga desisyon.

4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG AGENDA


adyenda. Alamin ang layunin ng pagpupulong.
MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG  Magagawa lamang ang isang akmang agenda
AGENDA kung malinaw sa gumagawa nito ang layunin ng
Saloobin ng mga kasamahan. pulong na gagawin. Kung ikaw ang naatasang
gumawa ng agenda, linawing mabuti ang
Para maging mas proaktibo ang mga kalahok sa layunin ng pagsasagawa ng pagpupulong.
pagpupulong,mahalagang malaman ang kanilang
saloobin at kung ano ang mga nais din nilang matalakay Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang
sa pagpupulong. Dito, maikokonsidera ang kanilang mga pagpupulong.
hinaing at pangagailangan na maaaring hindi
 Para mabigyan ng sapat na panahon para
maipamahagi ang agenda, dapat tapos at
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong
aprobado na ito ng nagpapatawag ng pulong
Pagsulat
tatlong araw bago ang pagpupulong.
Mabibigyan din ng maagang distribusyon ng Ano nga ba ang akademikong sulatin?
agenda ang mga kalahok upang paghandaan ang
Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pormal na
mga paksang nakatala dito.
sulating isinasagawa sa isang akademikong institusyon
Simulan sa mga simpleng detalye. na ginagamitan ng matataas na pamamaraan ng
kasanayan sa pagsulat.
 Bago itala ang mga paksa, mahalagang ilahad
ang mga impormasyon tulad ng petsa at oras ng Taglay ng Akademikong sulatin ang pagkakaroon ng
pulong, lugar ng pulong, at mga inaasahang prosesong dapat sundin. Bagamat masalimuot ang
kalahok. proseso ng akademikong sulatin, may maaasahang
paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa
Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa
pagsulat.
para sa agenda.
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga
 Itala ang di hihigit sa limang paksa upang pag- wikang Europeo ( Pranses: academique; Medieval
usapan sa pulong. Ang masyadong maraming Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na
talakayin ay maaaring makapagdulot lamang ng siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon,
pagkabagot o information overload. Maaaring iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na
magpatawag na lang ng panibagong nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag- aaral,
pagpupulong kung kinakailangan . Bagamat kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
kung hinihinging mahigpit ng pagkakataon,
maaaring lumagpas sa lima ang paksa. ABSTRAK

Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa. Ang abstrak ay isang maikling paglalahad ng kabuoan
ng isang pananaliksik. Kadalasang makikita ito sa
 Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang oras sa simula pa lamang ng manuskrito, ngunit itinuturing ito
bawat paksa. Magagabayan nito ang mga na may sapat ng impormasyon kung kaya maaaring
kalahok sa ilalaang panahon upang pag- usapan mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili. Isang talatang
ang bawat isyu. nagbubuod ng kabuoan ng isang natapos na
Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para pananaliksik.
sa pagpupulong. May isa o dalawang pahina lamang o kaya’y may 100
 Kung may mga ispesipikong detalye, hanggang 300 salita.
kailiangang maisama ito sa agenda. Halimbawa Ang Abstrak ay isang buod ng pananaliksik, artikulo,
kung sino ang magtatalakay sa sa una, at sa tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel
ikalawang paksa, o kung kailangang rebyuhin at pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang
dalhin ang kalakip na dokumento, at iba pa. gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis na
Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda matukoy ang layunin ng teksto.

 Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay Kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. manuskrito, ngunit itinuturing ito na may sapat nang
impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo
 Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit
sa kaniyang sarili.
na mahahalagang paksa.
 Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit maging Inilalahad ng Abstrak ang masalimuot na datos sa
flexible kung kinakailangan. Sundin ang pananaliksik at pangunahing m g a metodolohiya at
itinakdang oras sa pagtalakay ng paksa. resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o
 Magsimula at mag wakas sa itinakdang oras na kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat
nakalagay sa sipi ng adyenda. Maglagay ng bahagi. I to’ y may layuning magpabatid, mang-aliw at
palugit o sobrang oras. manghikayat.
 Ihanda ang mga kakailanganing dokumento
kasama sa adyenda.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak  Maikli at isang talata lamang ang haba.
ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahalagang Halos 10% ng haba ng papel.
elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng; (naglalaman ng malapit sa 200 salita)

MAHALAGANG ELEMENTO O BAHAGI NG  Mas karaniwang ginagamit ito sa


SULATING AKADEMIKO larangan ng Agham at Inhinyeriya o sa
ulat ng mga pag-aaral sa Sikolohiya.
1. Pamagat -Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
Taglay ng isang impormatibong abstrak ang
2. Introduksyon o Panimula
sumusunod na nilalaman:
- nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin a t
1. Motibasyon.
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng
interes sa mambabasa at sa manunulat. Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag- aralan ng
isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na
3. Kaugnay na literature
paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang
-Batayan upang makapagbibigay ng malinaw kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.
nakasagutan o tugon para sa mga mambabasa.
2. Suliranin.
4. Metodolohiya
Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral na
- Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain. suliranin o tanong ng pananaliksik.

5. Resulta 3. Pagdulog at Pamamaraan.

-Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano
sulatin. kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung
saan nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig
6. Konklusyon – sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa
Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon metodolohiya ng pag-aaral.
na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa paksa. 4. Resulta.
URI NG ABSTRAK Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng
1. DESKRIPTIBONG ABSTRAK pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
natuklasan ng mananaliksik.
 Nagbibigay ng paglalarawan sa
pangunahing paksa at layunin. 5. Kongklusyon.

 Sanaysay, editoryal, libro Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng
pananaliksik batay sa mga natuklasan.
 50-100 salita
3. KRITIKAL NA ABSTRAK
 Hindi isinasama: Metodolohiya,
Konklusyon, Resulta at  Pinakamahabang uri ng abstrak sapgkat
Rekomendasyon halos kagaya na rin ito ng isang rebyu.

MGA BAHAGI NG DESKRIPTIBONG ABSTRAK  Bukod sa nilalaman ng isang


Impormatibong abstrak, binibigyang-
 Layunin ebalwasyon din nito ang kabuluhan,
 Kaligiran ng Pag-aaral kasapatan at katumpakan ng isang
pananaliksik.
 Saklaw
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG
2. IMPORMATIBONG ABSTRAK ABSTRAK
 Ipinababatid nito sa mga mambabasa ➢ Gumamit ng malinaw, simple, at direktang mga
ang mahahalagang ideya ng papel. salita at pangungusap. Iwasan ang maging
 Binubuod dito ang Kaligiran, Layunin, maligoy o paikot-ikot sa pagsulat.
Tuon, Metodolohiya, Resulta at
➢ Ang mga kakailanganing detalye o kaisipan na
Konklusyon ng papel.
lalamanin ng gagawing/ ginagawang abstrak ay
nararapat na makikita sa kabuoang papel. Ibig PAGSULAT NG TALUMPATI
sabihin, hindi na nararapat na maglagay ng
Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa harap
kaisipan o datos na hindi nilaman ng ginawang
ng mga tagapakinig o audience.
pag-aaral o sulatin.
Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na
➢ Iwasan ang paglalagay ng statistical fugures o
may layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat
table sa abstrak, hindi ito nangangailangan ng
kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu.
detalyadong pagpapaliwanag na magiging
dahilan para humaba ito. Kinapapalooban ang talumpating kakayahan sa
pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon , talas
➢ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad ang mga ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika.
pangunahing kaisipan at hindi na dapat
ipaliwanag pa. Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at
dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at
➢ Gawing maikli ngunit komprehensibo kung saan katatagan ng kanyang paninindigan.
mauunawaan agad ang kabuoang nilalaman at
nilalayon ng pag- aaral o pananaliksik na Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa
ginawa. paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo,
2008).
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o isang mahusay na talumpati ay dapat nakapagbibigay-
akademikong sulatin na gagawan ng abstrak. impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo,
nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan
manonood at tagapakinig.
o ideya ng bawat bahagi ng sulatin mula sa
introduksyon, kaugnay na literatura, Mga Gabay na Tanong:
metodolohiya, resulta at konklusyon.
1. Paano sinimulan ang talumpati?
3. Buuin gamit ang mga talata ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi 2. Magbigay ng argumento na nagpalakas
ng sulatin. Isulat ito ayon sa pagkakasunod- sa talumpati?
sunod ng mga bahaging ito sa kabuuan ng mga 3. Paano winakasan ang talumpati?
papel.
BAHAGI ng TALUMPATI
4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon, grapiko,
talahanayan, at iba pa maliban na lamang kung Simula
sadyang kinakailangan. Inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang
5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
kung may nakaligtaang mahahalagang kaisipang Katawan
dapat isama rito.
Nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng
6. Isulat ang pinal na sipi nito. mananalumpati.
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak Katapusan
1. Binubuo ng 200-250 na salita Ang pagwawakas o kongklusyon ay ang pinakasukdol
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran
3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa papel upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa
4. Nauunawaan ng target na mambabasa layunin ng talumpati.

Kadalasang huli itong isinusulat, ngunit unang makikita MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT
ito ng mambabasa upang malaman ang pangkalahatang NG TALUMPATI
ideya ng pananaliksik. Ito ay isinusulat sa pandiwang Paghahanda
nasa aspektong pang nagdaan o past tense.
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa
paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na
mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na
manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto talumpati ang pagkuwestiyon sa isang katotohanan, sa
ng pagbigkas sa isinulat mong talumpati. isang pagpapahalaga, o kaya ay polisiya.

Pagpili ng Tema o Paksang Tatalakayin May tatlong pagdulog sa mapanghikayat na talumpati:

Isa sa mahalagang isaalang-alang ay ang pagpili ng a. Pagkuwestyon sa isang katotohanan.


paksa o tema ng isusulat ng talumpati. Mahalagang
b. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga.
matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing
talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon. c. Pagkuwestyon sa polisiya.
Pagpukaw ng Interes ng mga Mambabasa Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan
ng pagtatalumpati:
Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng
mga mambabasa iyong isinulat na talumpati kung kaya’ t 1. Impromptu o Biglaang Talumpati
mag- isip ng mga teknik o istilo upang makapukaw ng
interes ang iyong isusulat. Maaaring may mga bahagi sa – i sang uri ng talumpati batay sa pamamaraan.
talumpati na nagkukuwento. Pukawin ang diwa ng mga Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano mang
tao sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga paunang paghahanda.
tayutay. May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng isang
Pagpapanatili ng Kasukdulan biglaang talumpati:

Sa pagsulat ng talumpati kinakailangang maipabatid sa a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang


mga mambabasa na ang talumpati mong isinulat ay magiging sentro ng talumpati at ang layunin
nagtataglay nang may pinakamatinding emosyon, batay nito.
sa paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe ng b. Ipaliwanag ang pangunahin at
talumpati. pinakamahalagang punto na nais mong bigyang-
Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig diin.

Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati. Sa c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga
pamamagitan ng pagbubuod sa mahahalagang puntong ebidensya o patunay.
tinalakay sa talumpati, magagawa mong mag-iwan ng d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at
mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa ipakita kung paano nito nasagot ang tanong o
iyong pagtatapos. layunin ng talumpati.
URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT 2.Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati
PAMAMARAAN
– Kabaligtaran ang talumpating ito ng impromptu.
Impormatibong Talumpati Ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at
Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay ng ineensayo bago isagawa.
impormasyon tungkol sa ano mang bagay, pangyayari, 3. Isinaulong Talumpati
konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa. ang kabuuang
diskurso nito ay maglahad at magpaliwanag upang – isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng
maunawaan ng mga tagapakinig ang paksang mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008).
tinatalakay. Masusukat dito ang husay sa pagbabalangkas ng
manunulat, kanyang pagpapaliwanag, at tibay ng
Mapanghikayat na Talumpati kanyang mga argumento bukod pa sa husay niyang
Ang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay bumigkas.
kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung 4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya
kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o posisyon.
– lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa
Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig o balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay
posisyon sa isang isyu ang isang nagtatalumpati batay sa ang mga argumento, at inaasahang na-ensayo na ang
malaliman niyang pagsusuri sa isyu. pagbigkas.

MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI


1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya.

Ipinapakita ng mga pananaliksik na kakaunti lamang ang


naaalala ng isang tagapakinig mula sa isang talumpati
kung kaya't kailangang magbigay ng isa o dalawang
pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisipan nila.

2. Magsulat kung paano ka nagsasalita.

Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at


hindi sanaysay.

a. Gumamit ng maiikling pangungusap. Mas


makabubuting gumamit ng dalawang maikling
pangungusap kaysa isang kompleks na
pangungusap upang ipaliwanag ang iyong punto

b. Huwag gumamit ng mga abstrakto at mabibigat


na mga salitang hindi makakaugnay sa
tagapakinig.

c. Laging basahin nang malakas ang talumpati


habang isinusulat ito. Sa pamamagitan ng
pagbasa, matutukoy mo agad kung tila isang
libro ang nagsasalita o kaya'y isang tao nang
nakikipag-usap!

3. Gumamit ng mga kongkretong salita at


halimbawa.

Interesado ang mga tagapakinig sa konkretong detalye.


Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas karaniwan
sa pandinig at karanasan ng mga tao.

4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na


ginagamit sa talumpati.

Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati.


Kailangang ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang
kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at kaalaman
sa paksa, at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng
malalim na pag-unawa at pagbabasa tungkol sa paksa.
Mahalagang lahat ng sinasabi ng isang tagapagsalita ay
batay sa mga siyentipikong datos at pag-aaral at hindi
ayon sa personal na haka- haka lamang.

5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong


talumpati.

Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati,


balikan ito at maghanap ng mga salita o pahayag na
maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang
pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay
maaaring mas magbigay- linaw rito.

You might also like