You are on page 1of 8

Pagsulat ng Agenda Para maging mas proaktibo ang mga kalahok sa

pagpupulong,mahalagang malaman ang kanilang


AGENDA
saloobin at kung ano ang mga nais din nilang
Ang salitang agenda ay nagmula sa pandiwang Latin matalakay sa pagpupulong. Dito, maikokonsidera ang
na agere na nangangahulugang gagawin. Sa pananaw kanilang mga hinaing at pangagailangan na maaaring
na ito, mabibigyang depinisyon ang AGENDA bilang hindi nabibigyang- pansin ng namumuno sa grupo o
isang dokumento na naglalaman ng listahan ng organisasyon.
mga pag-uusapan at dapat talakayin sa isang
Paksang mahalaga sa buong grupo.
pagpupulong.
Sa mga isasamang paksa sa agenda, makabubuti kung
Ito ay listahan, plano, o balangkas ng mga pag-
ang mga ito ay mga paksang mahalaga sa buong
uusapan, dedisyunan o gagawin sa i sang pulong. I to
grupo o organisasyon. Ang mga paksang nakalista sa
ay kronolohikal o ayon sa pagkakasunod- sunod batay
agenda ay dapat direktang may kinalaman ang mga
sa halaga nito sa indibwal.
inaasahang kalahok sa pagpupulong. Masisiguro
Ginagamit din sa pagtukoy sa gawaing dapat lamang ang aktibong pakikibahagi ng mga kalahok
aksyunan o bigyan prayoridad sa isang pulong. kung sila ay bahagi mismo ng pinag- uusapang paksa.

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Verizon Business Estrukturang patanong ng mga paksa


(nasa The Perfect Meeting Agenda, 2016), ang
Hindi karaniwan na ang mga paksa sa agenda ay nasa
pinakamadalas na pagkasayang ng oras sa mga
anyong tanong. Datapwa't walang masama kung ito
korporasyon ay nagaganap dahil sa mga ginagawang
ay nasa anyong pahayag, ang isang tanong ay mas
pagpupulong. Ito ay ayon sa pag-aaral, ay nangyayari
nakakapanghamon ng isipan. Dahil ang paksa ay nasa
sapagkat ang mga pagpupulong na isinagawa ay
anyong tanong, nangangauhulugan d i n na
madalas di- organisado at walang malinaw na layunin.
nangangailangan i t o ng kasagutan. Nag-iimbita ang
ang katotohanang ito ay maaaring maiugnay sa
isang tanong ng aktibong partisipasyon ng mga
kawalan preparadong agenda na siyang nagiging
kalahok.
balangkas sa pagsasagawa ng pulong.
Layunin ng bawat paksa.
Dapat na matanggap ng mga kalahok sa pulong ang
agenda bago ang naturang pagkikita, dahil Upang maging maayos ang daloy ng pagpupulong,
nakatutulong iyon upang maiwasan ang pagkalito at mahalagang matiyak ang layunin ng paksa. Dapat
pagkasayang ng oras. Marapat din na kalakip ng maging malinaw sa mga kalahok kung ano ang
matatanggap na agenda ng mga kalahok ay ang mga layunin ng bawat paksa. Dapat maging malinaw kung
dokumento ng ulat na ihaharap sa pulong. Ang mga layunin nito ang pagbabahagi ng impormasyon,
ganitong hakbangin ay makatutulong upang mapag- pagkuha ng panukala para sa gagawing desisyon, o
aralan nan g mga kalahok ang mga datos at mga pagdedesisyon.
paksa sa talakayan at sila’y maging handa sa mga ito.
Oras na ilalaan sa bawat paksa.
KAHALAGAHAN
Kung 30 minuto lamang ang nakalaan sa buong
1. Katuturan at kaayusan ng daloy ng pulong pagpupulong, dapat masagot kung gaano katagal
ang pagtalakay sa bawat paksa. Tandaan na sa
2. Nalalaman din ang pag-uusapan at isyu
pagtalakay ng mga paksa, kasama rito ang paglalahad
3. Nabibigyan ng pagkakataon tantyahin ang sa paksa, pagsagot sa mga katanungan, pagresolba sa
oras magkakaibang pananaw ng mga kalahok, pagbuo ng
resolusyon, at pagsang-ayon sa mga desisyon.
4. Naiiwasan ang pagtalakay ng usaping wala sa
adyenda. MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG AGENDA

MGA KONSIDERASYON SA PAGDISENYO NG AGENDA Alamin ang layunin ng pagpupulong.

Saloobin ng mga kasamahan.


 Magagawa lamang ang isang akmang agenda Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda
kung malinaw sa gumagawa nito ang layunin
 Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay
ng pulong na gagawin. Kung ikaw ang
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
naatasang gumawa ng agenda, linawing
 Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit
mabuti ang layunin ng pagsasagawa ng
na mahahalagang paksa.
pagpupulong.
 Manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit
Sulatin ang agenda tatlo o higit pang araw bago ang maging flexible kung kinakailangan. Sundin
pagpupulong. ang itinakdang oras sa pagtalakay ng paksa.
 Magsimula at mag wakas sa itinakdang oras
 Para mabigyan ng sapat na panahon para
na nakalagay sa sipi ng adyenda. Maglagay ng
maipamahagi ang agenda, dapat tapos at
palugit o sobrang oras.
aprobado na ito ng nagpapatawag ng pulong
 Ihanda ang mga kakailanganing dokumento
tatlong araw bago ang pagpupulong.
kasama sa adyenda.
Mabibigyan din ng maagang distribusyon ng
agenda ang mga kalahok upang paghandaan
ang mga paksang nakatala dito.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Akademikong
Simulan sa mga simpleng detalye. Pagsulat

 Bago itala ang mga paksa, mahalagang ilahad Ano nga ba ang akademikong sulatin?
ang mga impormasyon tulad ng petsa at oras
Ang akademikong sulatin ay isang uri ng pormal na
ng pulong, lugar ng pulong, at mga
sulating isinasagawa sa isang akademikong
inaasahang kalahok.
institusyon na ginagamitan ng matataas na
Magtalaga lamang ng hindi hihigit sa limang paksa pamamaraan ng kasanayan sa pagsulat.
para sa agenda.
Taglay ng Akademikong sulatin ang pagkakaroon ng
 Itala ang di hihigit sa limang paksa upang pag- prosesong dapat sundin. Bagamat masalimuot ang
usapan sa pulong. Ang masyadong maraming proseso ng akademikong sulatin, may maaasahang
talakayin ay maaaring makapagdulot lamang paraan upang malagpasan ang hamon kaugnay sa
ng pagkabagot o information overload. pagsulat.
Maaaring magpatawag na lang ng panibagong
Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga
pagpupulong kung kinakailangan . Bagamat
wikang Europeo ( Pranses: academique; Medieval
kung hinihinging mahigpit ng pagkakataon,
Latin: academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 na
maaaring lumagpas sa lima ang paksa.
siglo. Tumutukoy ito o may kaugnayan sa edukasyon,
Ilagay ang nakalaang oras para sa bawat paksa. iskolarsyip, institusyon, o larangan ng pag- aaral na
nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat, at pag- aaral,
 Ayon sa nakaplano, ilagay ang nakalaang oras
kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
sa bawat paksa. Magagabayan nito ang mga
kalahok sa ilalaang panahon upang pag- ABSTRAK
usapan ang bawat isyu.
Ang abstrak ay isang maikling paglalahad ng
Isama ang ibang kakailanganing impormasyon para kabuoan ng isang pananaliksik. Kadalasang makikita
sa pagpupulong. ito sa simula pa lamang ng manuskrito, ngunit
itinuturing ito na may sapat ng impormasyon kung
 Kung may mga ispesipikong detalye,
kaya maaaring mag-isa o tumayo sa kaniyang sarili.
kailiangang maisama ito sa agenda.
Isang talatang nagbubuod ng kabuoan ng isang
Halimbawa kung sino ang magtatalakay sa sa
natapos na pananaliksik.
una, at sa ikalawang paksa, o kung kailangang
rebyuhin at dalhin ang kalakip na dokumento, May isa o dalawang pahina lamang o kaya’y may
at iba pa. 100 hanggang 300 salita.
Ang Abstrak ay isang buod ng pananaliksik, artikulo, URI NG ABSTRAK
tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel
1. DESKRIPTIBONG ABSTRAK
pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba
pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang  Nagbibigay ng paglalarawan sa
mabilis na matukoy ang layunin ng teksto. pangunahing paksa at layunin.

Kadalasang makikita ito sa simula pa lang ng  Sanaysay, editoryal, libro


manuskrito, ngunit itinuturing ito na may sapat nang
 50-100 salita
impormasyon kung kaya’t maaaring mag-isa o tumayo
sa kaniyang sarili.  Hindi isinasama: Metodolohiya,
Konklusyon, Resulta at
Inilalahad ng Abstrak ang masalimuot na datos sa
Rekomendasyon
pananaliksik at pangunahing m g a metodolohiya at
resulta sa pamamagitan ng paksang pangungusap o MGA BAHAGI NG DESKRIPTIBONG ABSTRAK
kaya’y isa hanggang tatlong pangungusap sa bawat
 Layunin
bahagi. I to’ y may layuning magpabatid, mang-aliw
at manghikayat.  Kaligiran ng Pag-aaral

Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang  Saklaw


abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang
2. IMPORMATIBONG ABSTRAK
mahalagang elemento o bahagi ng sulating
akademiko tulad ng;  Ipinababatid nito sa mga mambabasa
ang mahahalagang ideya ng papel.
MAHALAGANG ELEMENTO O BAHAGI NG SULATING
AKADEMIKO  Binubuod dito ang Kaligiran, Layunin,
Tuon, Metodolohiya, Resulta at
1. Pamagat -Pinakapaksa o tema ng isang
Konklusyon ng papel.
akda/sulatin.
 Maikli at isang talata lamang ang
2. Introduksyon o Panimula
haba. Halos 10% ng haba ng papel.
- nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin a t (naglalaman ng malapit sa 200 salita)
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw
 Mas karaniwang ginagamit ito sa
ng interes sa mambabasa at sa manunulat.
larangan ng Agham at Inhinyeriya o sa
3. Kaugnay na literature ulat ng mga pag-aaral sa Sikolohiya.

-Batayan upang makapagbibigay ng malinaw Taglay ng isang impormatibong abstrak ang


nakasagutan o tugon para sa mga mambabasa. sumusunod na nilalaman:

4. Metodolohiya 1. Motibasyon.

- Isang plano o sistema para matapos ang isang Sinasagot nito ang tanong kung bakit pinag- aralan ng
gawain. isang mananaliksik ang paksa. Sa maikli at mabilis na
paraan, kailangang maipakita sa bahaging ito ang
5. Resulta
kabuluhan at kahalagahan ng pananaliksik.
-Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng
2. Suliranin.
nasabing sulatin.
Kailangang masagot ng abstrak kung ano ang sentral
6. Konklusyon –
na suliranin o tanong ng pananaliksik.
Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o
3. Pagdulog at Pamamaraan.
opinyon na mag-iiwan ng palaisipan kaugnay sa
paksa. Ilalahad ng isang mahusay na abstrak kung paano
kakalapin o kinalap ang datos ng pananaliksik at kung
saan nagmula ang mga impormasyon at datos. Ibig 1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o
sabihin, magbibigay ito ng maikling paliwanag sa akademikong sulatin na gagawan ng abstrak.
metodolohiya ng pag-aaral.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing
4. Resulta. kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon, kaugnay na literatura,
Ipakikita rin ng abstrak kung ano ang kinalabasan ng
metodolohiya, resulta at konklusyon.
pag-aaral sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
natuklasan ng mananaliksik. 3. Buuin gamit ang mga talata ang mga
pangunahing kaisipang taglay ng bawat
5. Kongklusyon.
bahagi ng sulatin. Isulat ito ayon sa
Sasagutin din nito kung ano ang mga implikasyon ng pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa
pananaliksik batay sa mga natuklasan. kabuuan ng mga papel.

3. KRITIKAL NA ABSTRAK 4. Iwasang maglagay ng mga ilustrasyon,


grapiko, talahanayan, at iba pa maliban na
 Pinakamahabang uri ng abstrak
lamang kung sadyang kinakailangan.
sapgkat halos kagaya na rin ito ng
isang rebyu. 5. Basahing muli ang ginawang abstrak. Suriin
kung may nakaligtaang mahahalagang
 Bukod sa nilalaman ng isang
kaisipang dapat isama rito.
Impormatibong abstrak, binibigyang-
ebalwasyon din nito ang kabuluhan, 6. Isulat ang pinal na sipi nito.
kasapatan at katumpakan ng isang
Mga Katangian ng Mahusay na Abstrak
pananaliksik.
1. Binubuo ng 200-250 na salita
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG ABSTRAK
2. Gumagamit ng mga simpleng pangungusap
➢ Gumamit ng malinaw, simple, at direktang
mga salita at pangungusap. Iwasan ang 3. Walang impormasyong hindi nabanggit sa
maging maligoy o paikot-ikot sa pagsulat. papel

➢ Ang mga kakailanganing detalye o kaisipan na 4. Nauunawaan ng target na mambabasa


lalamanin ng gagawing/ ginagawang abstrak Kadalasang huli itong isinusulat, ngunit unang
ay nararapat na makikita sa kabuoang papel. makikita ito ng mambabasa upang malaman ang
Ibig sabihin, hindi na nararapat na maglagay pangkalahatang ideya ng pananaliksik. Ito ay
ng kaisipan o datos na hindi nilaman ng isinusulat sa pandiwang nasa aspektong pang
ginawang pag-aaral o sulatin. nagdaan o past tense.
➢ Iwasan ang paglalagay ng statistical fugures o
table sa abstrak, hindi ito nangangailangan ng
detalyadong pagpapaliwanag na magiging PAGSULAT NG TALUMPATI
dahilan para humaba ito. Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita sa
➢ Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad ang mga harap ng mga tagapakinig o audience.
pangunahing kaisipan at hindi na dapat Ito ay isang uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko
ipaliwanag pa. na may layuning magbigay ng impormasyon o
manghikayat kaugnay ng isang partikular na paksa o
➢ Gawing maikli ngunit komprehensibo kung
isyu.
saan mauunawaan agad ang kabuoang
nilalaman at nilalayon ng pag- aaral o Kinapapalooban ang talumpating kakayahan sa
pananaliksik na ginawa. pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon , talas
ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Masusukat sa sining na ito ang katatasan, husay, at Isa sa mahalagang isaalang-alang ay ang pagpili ng
dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at paksa o tema ng isusulat ng talumpati. Mahalagang
katatagan ng kanyang paninindigan. matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang
bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng
Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa
pagtitipon.
paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, Javillo,
2008). Pagpukaw ng Interes ng mga Mambabasa

Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng
isang mahusay na talumpati ay dapat mga mambabasa iyong isinulat na talumpati kung
nakapagbibigay- impormasyon, nakapagpapaunawa, kaya’ t mag- isip ng mga teknik o istilo upang
nakapagtuturo, nakahihikayat ng mga konsepto at makapukaw ng interes ang iyong isusulat. Maaaring
paninindigan sa mga manonood at tagapakinig. may mga bahagi sa talumpati na nagkukuwento.
Pukawin ang diwa ng mga tao sa paggamit ng
Mga Gabay na Tanong:
matatalinghagang pananalita at mga tayutay.
1. Paano sinimulan ang talumpati?
Pagpapanatili ng Kasukdulan
2. Magbigay ng argumento na nagpalakas
Sa pagsulat ng talumpati kinakailangang maipabatid
sa talumpati?
sa mga mambabasa na ang talumpati mong isinulat
3. Paano winakasan ang talumpati? ay nagtataglay nang may pinakamatinding emosyon,
batay sa paksa, na siyang pinakamahalagang mensahe
BAHAGI ng TALUMPATI
ng talumpati.
Simula
Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig
Inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang
Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati. Sa
istratehiya upang kunin ang atensiyon ng madla.
pamamagitan ng pagbubuod sa mahahalagang
Katawan puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong
mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga
Nakasaad dito ang paksang tatalakayin ng
tagapakinig sa iyong pagtatapos.
mananalumpati.
URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT
Katapusan
PAMAMARAAN
Ang pagwawakas o kongklusyon ay ang pinakasukdol
Impormatibong Talumpati
ng buod ng isang talumpati. Dito nakalahad ang
pinakamalakas na katibayan, paniniwala at katuwiran Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong magbigay
upang makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay,
layunin ng talumpati. pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa.
ang kabuuang diskurso nito ay maglahad at
MGA DAPAT ISAALANG- ALANG SA PAGSULAT NG
magpaliwanag upang maunawaan ng mga
TALUMPATI
tagapakinig ang paksang tinatalakay.
Paghahanda
Mapanghikayat na Talumpati
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti
Ang mapanghikayat o persweysib na talumpati ay
sa paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin
kadalasang nakatuon sa mga paksa o isyung
na mahalagang mapukaw ang interes ng mga
kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o
makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan
posisyon.
nila ang punto ng pagbigkas sa isinulat mong
talumpati. Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular na tindig
o posisyon sa isang isyu ang isang nagtatalumpati
Pagpili ng Tema o Paksang Tatalakayin
batay sa malaliman niyang pagsusuri sa isyu.
Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat na – lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa
talumpati ang pagkuwestiyon sa isang katotohanan, balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang
sa isang pagpapahalaga, o kaya ay polisiya. mahusay ang mga argumento, at inaasahang na-
ensayo na ang pagbigkas.
May tatlong pagdulog sa mapanghikayat na
talumpati: MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI

a. Pagkuwestyon sa isang katotohanan. 1. Piliin lamang ang isang pinakamahalagang ideya.

b. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga. Ipinapakita ng mga pananaliksik na kakaunti lamang


ang naaalala ng isang tagapakinig mula sa isang
c. Pagkuwestyon sa polisiya.
talumpati kung kaya't kailangang magbigay ng isa o
Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan dalawang pinakamahalagang ideya lamang na pag-
ng pagtatalumpati: iisipan nila.

1. Impromptu o Biglaang Talumpati 2. Magsulat kung paano ka nagsasalita.

– i sang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at
Isinasagawa ang talumpating ito nang walang ano hindi sanaysay.
mang paunang paghahanda.
a. Gumamit ng maiikling pangungusap. Mas
May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng isang makabubuting gumamit ng dalawang maikling
biglaang talumpati: pangungusap kaysa isang kompleks na
pangungusap upang ipaliwanag ang iyong
a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang
punto
magiging sentro ng talumpati at ang layunin
nito. b. Huwag gumamit ng mga abstrakto at
mabibigat na mga salitang hindi makakaugnay
b. Ipaliwanag ang pangunahin at
sa tagapakinig.
pinakamahalagang punto na nais mong
bigyang-diin. c. Laging basahin nang malakas ang talumpati
habang isinusulat ito. Sa pamamagitan ng
c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga
pagbasa, matutukoy mo agad kung tila isang
ebidensya o patunay.
libro ang nagsasalita o kaya'y isang tao nang
d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at nakikipag-usap!
ipakita kung paano nito nasagot ang tanong o
3. Gumamit ng mga kongkretong salita at
layunin ng talumpati.
halimbawa.
2.Ekstemporanyo o Pinaghandaang Talumpati
Interesado ang mga tagapakinig sa konkretong
– Kabaligtaran ang talumpating ito ng impromptu. detalye. Mas mabuting gumamit ng mga salitang mas
Ito ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at karaniwan sa pandinig at karanasan ng mga tao.
ineensayo bago isagawa.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at datos na
3. Isinaulong Talumpati ginagamit sa talumpati.

– isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati.


mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008). Kailangang ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang
Masusukat dito ang husay sa pagbabalangkas ng kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at
manunulat, kanyang pagpapaliwanag, at tibay ng kaalaman sa paksa, at magagawa lamang ito sa
kanyang mga argumento bukod pa sa husay niyang pamamagitan ng malalim na pag-unawa at pagbabasa
bumigkas. tungkol sa paksa. Mahalagang lahat ng sinasabi ng
isang tagapagsalita ay batay sa mga siyentipikong
4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya
datos at pag-aaral at hindi ayon sa personal na haka- Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan,
haka lamang. direktiba, o impormasyon.

5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong Pink o rosas – ginagamit naman parasa request o
talumpati. order na nanggagaling sa purchasing department.

Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati, Dilao o luntian – ginagamit naman para sa mga memo
balikan ito at maghanap ng mga salita o pahayag na na nanggagaling sa marketing at accounting
maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple. Ang department.
pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay
maaaring mas magbigay- linaw rito.
Tatlong Uri ng Memorandum
Memorandum
A. Memorandum para sa kahilingan
Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudapraset, sa kanyang
aklat na English for the Workplace 3 (2014), ang B. Memorandum para sa kabatiran
memorandum o memo ay isang kasulatang
C. Memorandum para sa pagtugon
nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, Pagsulat ng Memorandum
gawain, tungkulin o utos.
Dapat Isaalang-alang sa Paglikha ng Memo
Sa pamamagitan nito, nagiging mas malinaw sa mga
❑ Makikita sa letterhead ang logo at
dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa
pangalan ng kompanya, institusyon o
kanila. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng
organisasyon gayundin ang lugar kung saan
gagawing miting.
matatagpuan ito at minsan maging bilang ng
Kung ang layunin ng pulong na nakatala sa memo ay numero at telepono.
upang ipabatid lamang sa kanila ang mahalagang
❑ Ang parting “Para sa/Para Kay/Para
desisyon o proyekto ng kompanya o organisasyon,
Kina ay naglalaman ng mga pangalan ng tao o
magiging malinaw para sa lahat na kailangan ang
mga tao o kaya naman ay grupong pinag-
kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang
uukulan ng memo. Para sa isang impormal na
nasabing desisyon o proyekto.
memo ang Para kay: Ailene ay sapat na.
Ang pagsulat ng memo ay isa ring sining. Ngunit sa mga pormal na memo, mahalagang
isulat ang buong pangalan.
Dapat tandaan na ang memo ay hindi isang liham.
Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing ❑ Ang bahagi ng ‘Mula kay’ ay
layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na naglalaman ng pangalan ng gumawa o
alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa ng nagpadala ng memo.
pagdalo sa isang pulong.
❑ Sa bahaging Petsa, iwasan ang
Ito rin ay maaaring maglahad ng impormasyon paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 0
tungkol sa isang mahalagang balita o pangyayari at 30/09/15. Sa halip, isulat ang pangalan ng
mga pagbabago sa polisiya. buwan o ang dinaglat na salita nito.

Ayon kay Dr. Darwin Bargo sa kaniyang aklat na ❑ Ang bahaging ‘Paksa’ ay mahalagang
Writing in the Discipline, ang mga malalaking maisulat na payak, malinaw, at tuwiran upang
kompanya at mga institusyon ay kalimitang agad maunwaan ang nais ipabatid nito.
gumagamit ng colored stationary para kanilang mga
❑ Kadalasang ang ‘Mensahe’ ay maikli
memo tulad ng mga sumusunod:
lamang ngunit kung ito ay detalyadong memo
Colored Stationary kailangang ito ay magtaglay ng mga
sumusunod:
Detalyadong Memo  G u m a g a m i t n g baligtad na tatsulok.

❑ Ang huling bahagi ay ang ‘Lagda’ ng - unahin ang pinakamahalagang


nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa impormasyon. may mga taong
ibabaw ng kaniyang pangalan sa bahaging babasahin lamang ang unang bahagi
Mula Kay.. ng sulatin

 Nakatuon lamang sa angkop na kasanayan o


katangian.
Pagsulat ng Bionote
-mamili lamang ng mga kasanayan o
Ang Bionote ay isang impormatibong talata tungkol katangian na angkop sa layunin ng iyong
sa indibidwal. Sa pamamagitan nito ay naipakikilala bionote.
ng isang indibidwal ang kanyang sarili sa mambabasa
 Binabanggit ang degree kung kinakailangan.
at naipababatid din ang kaniyang mga nakamit bilang
propesyonal. Ito ay nakasulat gamit ang punto de -mahalagang isulat ang kredensyal at tinapos.
bistang pangatlong panauhan.
 Maging matapat sa pagbabahagi ng
Sa pagsulat ng bionote , mahalagang malinaw ang impormasyon.
layunin o mga layunin sa pagsulat nito. Kailangang
 -siguraduhing tama at totoo ang mga
matukoy kung sino ang magbabasa nito at ang ibig impormasyon at huwag mag-imbento ng
maisip ng mambabasa sa tinutukoy sa bionote. impormasyon para lamang bumango ang
Mahalagang malinaw ang pagsulat ng bionote upang pangalan.
malaman ng mga mambabasa ang pinakamahalagang  Ang bionote ay maituturing na isang
katangian, ang mga nagawa, at ang mga tumpak at marketing tool. Ginagamit upang itanghal ang
mahalagang impormasyon ng may-akda sa mga pagkilala at mga natamo ng indibidwal.
pamamagitan ng isang maikling talata o Sa kabuoan , ang kahusayan ng bionote ay
pagpapakilala. nakasalalay sa pagsasalubong ng nais
iparating ng sumulat at kung ano ang gustong
Mga Katangian ng Isang Mahusay na Bionote malaman ng mambabasa tungkol sa
 Maikli ang nilalaman. sinusulatan nito.

- karaniwang hindi binabasa ang


mahabang bionote.

- mas maikli ang bionote, mas


babasahin.

- isulat lamang ang mahahalagang


impormasyon.

- iwasan ang pagyayabang.

 Gumagamit ng pangatlong panauhang


pananaw.

- laging gumamit ng pangatlong


panauhang pananaw sa pagsulat ng
bionote kahit na ito ay patungkol sa
sarili.

 Kinikilala ang mambabasa.

- Kailangang isaalang-alang ang


mambabasa ng bionote.

You might also like