You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

1
Agenda

Agenda

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Napaliliwanag ang kahulugan at ang mga dapat isaalang-alang sa
pagsulat ng agenda
 Nakahihinuha ng mga positibo at negatibong dulot kapag mayroon o
walang agenda sa isang pulong
 Nakasusuri at nakabubuo ng agenda ang isang pangkat

Simulain para sa iyo:


Ibigay ang dalawang kalalabasan sa mga sumusunod na sitwasyong may
kahandaan at walang kahandaan. At bigyang-pansin ang mga sumusunod na
katanungan.

Pagsasagawa ng
Pakikipagdebate
Proyekto

Kalalabasan kapag Kalalabasan kapag


handa: handa:

Kalalabasan kapag hindi Kalalabasan kapag hindi


handa: handa:

1. Bakit kailangan ng magandang plano at kahandaan sa maraming


bagay o mga sitwasyon?
2. Sa mga pakikipagtalastasan o pagbibigay ng mga impormasyon
bakit madalas nangangailangan ng mga tala? Ipaliwanag.

Course Module
3. Naranasan mo na bang makadalo sa isang pulong? Kung oo, naging
handa ba ang nagtalakay ng mga dapat talakayin? Kung hindi,
kailangan bang paghandaan ang mga dapat pag-usapan? Bakit?

Talakayin at unawain:

Agenda

Ang salitang agenda ay nagmula sa salitang Latin na agere na ang


nangangahulugang gawin o dapat gawin. Ito ay talaan ng mga dapat talakayin
at gawin sa isang mapitagang pagpupulong na isasagawa. Isinusulat ang
agenda upang magkaroon ng gabay sa mga planadong pag-uusap o aktibidad
sa tiyak na pulong. Ginagawa rin ito upang magkaroon ng organisado at
produktibong diskusyon sa kung anong dapat pag-usapan at gawin. Kung
walang agenda ay walang dahilan upang magkaroon ng pulong at kung ano
man ang dapat magawa. Sapagkat, ang paggawa ng agenda ay parang
pagkakambas at pagpapasiya ng mga gamit para sa mabubuong produkto.
Inihahanda ito ng isang opisyal kasama ang isang kalihim sa bawat pulong at
ang ibang taong sangkot dito upang malaman kung sila ay may suhestiyong
nais pang isama sa dapat pag-usapan.
Pagkatapos itong isulat, bago ang takdang oras ng pulong ay ibinibigay ang
agenda sa mga taong kasali rito. Ipinararating sa kanila ang kaalaman at
nilalaman ng dapat na usapin upang magkaroon ng ideya at saloobin sa dapat
na bigyan ng resolusyon, isyung dapat lutasin, o mungkahing maibabahagi.
Narito ang mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng agenda.
 Sumulat kaagad ng agenda upang magkaroon na ng mga tala sa mga
tiyak ng mga dapat pag-usapan sa darating na pagpupulong.
 Kapag nagkaroon na ng tiyak na panahon at lugar ang pagpupulong ay
ikonsidera na ang mga dapat isama o hindi dapat isama sa agenda.
 Iwasan ang paglalagay ng napakaraming tala sa agenda kung hindi
kakayanin ng itinakdang limitadong oras. Magbubunga ito ng
pagkabagot sa mga kasamahan sa pulong at magiging hindi ito
magiging makabuluhan kung maraming nakasingit na agenda na hindi
naman kapaki-pakinabang.
 Maglaan lamang ng sapat na oras sa bawat paksang isinulat mula sa
agenda.
 Gumawa ng isang magandang pormat ng agenda para sa maayos na
pagpresenta nito sa mga taong sangkot sa itinakdang pulong.
Narito ang halimbawa ng isang agenda.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
3
Agenda

PETSA : Hulyo 25, 2016


PARA SA : LAHAT NG KAGURUAN NG SEKONDARYANG
PAARALAN NG JUAN DELA CRUZ
PAKSA : BUWANANG PULONG
MULA KAY : DR. ALMA G. SANTOS
Punongguro

Ipinababatid sa lahat ng guro ng bawat departamento na magkakaroon ng


pulong sa ika-29 ng Hulyo sa ganap na 8:00 ng umaga hanggang 10:00 ng
umaga sa Science Laboratory.
AGENDA:
1. Pasimula
2. Pagrebyu, pagsang-ayon at pagbibigay-pansin sa mga isyu sa
nakaraang katitikan ng pulong
3. Pagtalakay sa bagong labas na memo ng DepEd
4. Mga impormasyon sa pagsusulit
5. Pagpaplano sa mga dapat gawin sa darating na pagdiriwang ng
ika-20 pagkakatatag ng paaralan
a. Booth
b. Palaro
c. Fund raising para sa tulong na maibibigay sa nasalanta ng
bagyo
d. Mga paligsahan
6. Iba pang paksang mapag-uusapan sa pulong
7. Petsa ng susunod na pulong (Agosto 9, 2016)

Suriin:

Sagutin ang mga katanungan.

1. Paano malalaman kung ang pulong ay matagumpay? Ipaliwanag.

Course Module
2. Bakit kailangang matutuhan ang pagsulat ng agenda?

3. Kalihim lang ba ang may responsibilidad sa pagbuo nito? Pangatwiranan.

4. Gamit ang tsart, ibigay ang mga kahalagahan sa pagbuo ng agenda bago ang
pulong.

Kahalagahan: Kahalagahan:

Ang mga kahalagahan


sa pagbuo ng agenda

Kahalagahan: Kahalagahan:

5. Sa tulong ng tsart ibigay ang mga epekto ng kawalan ng mga tala na dapat
pag-usapan kapag nagpupulong.

Epekto:

Epekto: Epekto:

Walang
tala para
sa pulong
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
5
Agenda

Gawain:
Pasulat
Gumawa ng isang memo na naglalaman ng mga agenda para sa pulong.
Ipawasto ito sa guro.
Kaugnayan sa Media
Magpangkat at pumilli ng isang agenda mula sa indibidwal na nagawang
agenda ay isadula ang pagpupulong at irekord bilang bidyo. Suriin ito at
paghambingin ito mula sa nagawa ng ibang pangkat.

References:
Aurora S. Cordero at Maurita L. Glofria, Filipino Para sa Komersyo, Rex
Bookstore
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City
The University of Manila, Modular activities in Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat
sa Iba’t Ibang Panahon

Course Module

You might also like