You are on page 1of 10

SAN JOSE ACADEMY

HyFlex Learning Program


GRIPS

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan:


Akademik
Panuruang Taon 2022-2023
Filipino 12 Unang Semestre (Unang Markahan)
Ikasampung Linggo

Pangalan: _________________________________
Baitang at Seksiyon: _________________________
Pagsipat
Maligayang muling pagsulat! Sa nakaraang aralin, nabatid mo ang korespondensya opisyal. Tinalakay rin natin
ang katangian at iba’t ibang pormat sa pagsulat nito. Nakita mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman at
kasanayan sa pagsulat nito dahil tiyak na magiging kapaki-pakinabang ito sa iyo lalo na kapag ikaw ay nagtatrabaho na o
nagbabalak maging kasapi ng isang organisasyon.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nabibigyang-kahulugan ang adyenda at katitikan ng pulong;
2. natutukoy ang kahalagahan ng adyenda at katitikan ng pulong;
3. natutukoy ang mga salik at hakbang na kailangang isaalang-alang sa pagsulat ng adyenda at katitikan ng
pulong;
4. naisasaalang-alang ang etika sa binubuong sulating adyenda at katitikan ng pulong; at
5. nagpapahayag ng pananaw at opinyon batay sa totoong impormasyon at sa prinsipyo ng kalayaan at
kawanggawa (CVGII-A6)

Pagkampay
Basahin ang isang maikling kwento tungkol sa Lobo at Ubas.

Ang Lobo at ang Ubas

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo. Nakakita siya ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na
bunga. “Swerte ko naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng ubas,” ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya maabot ang bunga.
Lumundag siya muli, at muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis palayo sa puno. “Hindi na bale, tiyak na
maasim naman ang bunga ng ubas na iyon,” ang sabi niya sa sarili.
Mula sa: http://www.katig.com/pabula_05.html

Pagkatapos, ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito sa kuwento.
Lagyan ng bilang 1-5.
_____ Nakakita siya ng puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga.

_____ Lumundag ang lobo at lumundag nang lumundag ngunit wala siyang nakuhang ubas.

_____ Sa isang kagubatan ay inabot ng gutom ang lobo.

_____ Sinabi na lamang ng lobo sa sarili na maasim naman ang bunga ng ubas.

_____ Nasabi ng lobo sa sarili na masuwerte siya sa nakitang puno ng ubas.

Binalikan mo ba ang maikling kuwento upang maalala ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari? May
mga detalye tayong madalas makaligtaan lalo na kung tatanungin tayo sa pagkakasunod-sunod ng pangyayari man o
mga bagay-bagay. Dahil dito, makikita natin na mahalagang may nakasulat na gabay o batayan. Gayon din ang halaga ng
adyenda at katitikan ng pulong sa isang pagpupulong. Kaya naman, ang tatalakayin natin ngayon ay adyenda at katitikan
ng pulong. Handa ka na ba? Halika na!

Pahina 2 ng 10
E-Dalumat
PAGSULAT NG ADYENDA AT KATITIKAN NG PULONG
Adyenda ● Naiiwasan din ang pagtalakay ng mga usaping
wala sa adyenda na maaaring makaantala sa
Ang adyenda ay listahan, plano, o balangkas mga usaping prayoridad sa pulong.
ng mga pag-uusapan, dedesisyunan, o gagawin sa isang ● Nabibigyan lamang ng tuon ang mga usaping
pulong. Nakasulat ito nang kronolohikal o ayon sa inilatag at mas naiiwasang masayang ang oras
pagkakasunod-sunod batay sa halaga nito sa mga sa mga usaping hindi pa kailangang bigyan ng
indibidwal, organisasyon, o institusyong nagpupulong. pansin.
Ilan sa mga halimbawa ng adyenda ay pagpaplano ng
isang kumpanya na mapaunlad ang kanilang negosyo, Nilalaman ng Adyenda
pagpaplano ng isang eskwelahan kung paano dadami Ang mga sumusunod ay karaniwang nilalaman ng
ang estudyante, at pagpaplano ng opisyal na baranggay adyenda at ang ilang bagay na kailangang isaalang-
tungkol sa isasagawang proyekto. alang sa bawat bahagi:
Iba-iba ang mga dahilan upang magsagawa at 1. Saan at kailan idaraos ang pagpupulong?
Anong oras ito magsisimula at matatapos? Ito ay
magtipon para sa isang pagpupulong. Maaaring
upang makarating ang mga kalahok sa itinakdang
magpulong para magplano (planning), magbigay- oras at lugar at makapagsimula ang pulong sa lalong
impormasyon (information dissemination), kumonsulta madaling panahon. Bawat minuto ay mahalaga para
(ask for advice), maglutas ng problema (solving sa mga kalahok, kaya kailangang malaman nila ang
problems) o magsuri (evaluate). Ginagamit din ang detalyeng ito.
adyenda sa pagtukoy ng mga gawaing dapat aksiyunan
o bigyan ng prayoridad tulad ng sosyo-ekonomikong 2. Ano-ano ang mga layuning inaasahang
matamo sa pulong? Sa bahaging ito ng adyenda,
adyenda na ginagawa ng mga ahensya ng pamahalaan
sinasagot nito ang tanong na “Bakit tayo
para sa Pilipinas. magkakaroon ng pagpupulong?” Kailangang malinaw
Makikita na ang adyenda ay hindi lamang ang layunin upang mapaghandaan ng bawat kalahok
ginagawa ng isang indibidwal o organisasyon kundi ang mga mangyayari sa pagpupulong.
maging ng isang bansa o mga bansa. Karaniwan na ang
nagpapatawag ng pagpupulong (presidente, CEO, 3. Ano-anong mga paksa o usapin ang
tatalakayin? Maaaring maikli lamang o detalyado,
direktor, tagapamahala, pinuno ng unyon, at iba pa) ang
depende sa pangangailangan. Minsan, ipapaliwanag
responsable sa pagsulat ng adyenda. Madalas silang din na ito ay kaugnay ng isang pabatid na nauna
nakikipagtulungan sa kanilang mga kalihim sa nang ipadala sa pamamagitan ng email. Mahalaga
paghahanda nito dahil ang mga kalihim din ang siyang na ang lahat ng pag-uusapan ay kailangang nasa
responsable sa pamamahagi ng adyenda sa lahat ng adyenda.
lalahok sa pulong. Mga Paksang Madalas Tinatalakay sa
Pagpupulong
Kahalagahan ng Adyenda • Pag-apruba sa katitikan ng pagpupulong
• Mga kailangang linawin sa nakaraang
Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pagpupulong
adyenda sa isang pagpupulong. • Mga pangunahing puntong tatalakayin
● Nabibigyan ng katuturan at kaayusan ang daloy • Iba pang bagay na nais pag-usapan
ng pulong. • Petsa ng susunod na pagpupulong
● Sa paglalatag ng adyenda sa simula ng pulong,
nalalaman ng mga nagpupulong ang mga pag- 4. Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?
Tanging ang mga taong talagang kailangang umupo
uusapan at ang mga isyu o suliraning dapat
ang dapat na nasa listahan. Ang pagsasama ng mga
tugunan. tao na wala namang kinalaman sa pagpupulong ay
● Nabibigyan ng pagkakataong tantiyahin ang oras maaaring maging dahilan ng pagsasayang ng oras.
ng pagpupulong dahil malinaw kung ano ang
mga dapat pag-usapan.
Pahina 3 ng 10
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Isang Epektibong Adyenda ● May mga pagkakataong kailangang putulin ang
pulong kung pagod na ang mga dumalo at hindi
Ang anim na hakbang sa pagsulat ng epektibong
na produktibo ang pinag-uusapan.
adyenda ay ang mga sumusunod:
1. Maagang lumikha ng adyenda ng iyong
pulong, tatlong (3) araw bago ang pulong. Katitikan ng Pulong
2. Magsimula sa simpleng mga detalye.
• Anong oras dapat ito magsimula? Opisyal na tala o rekord ng mahahalagang
(Tinutukoy ang oras ng pagtatapos puntong napag-usapan sa pulong ng isang grupo o
matapos itakda ang mga paksa ng organisasyon ang katitikan. Sa Ingles, ito ang
adyenda) tinatawag na minutes. Hindi ito nangangahulugang
• Sino ang mga dapat na dumalo? minu-minuto ang pagtatala ng mga detalyeng
• Ang lugar o impormasyon ng pulong. napag-usapan. Mahahalagang detalye lamang ang
3. Layunin ng pagpupulong. kailangang itala at hindi ang verbatim o ang bawat
• Bago magsimula ang pagsulat ng salitang binanggit sa pulong. May mga
adyenda, ano ang layunin sa pulong na ito? pagkakataong hinihingi ang verbatim na tala ng
• Kung tinanong kung bakit ka katitikan ngunit hanggang maaari, higit na kapaki-
nagpapatawag ng pulong, ang layunin pakinabang sa mga magbabasa at magrerebyu ng
ay dapat sagutin nang hindi hihigit sa katitikan na tingnan at analisahin lamang ang
dalawang (2) pangungusap. mahahalagang punto sa isang pulong. Higit itong
• Pagkatapos matukoy ang mga layunin, magiging madali at produktibo sa mga taong
unahin ang listahan ng mga paksa mula nangangailangan ng katitikan.
sa pinakamahalaga pababa sa hindi Sa paggawa ng katitikan, inililista ang mga
masyadong kinakailangan (upang pangalan ng mga dumalo sa pulong maging ang
matiyak na makamit kung ano ang mas pangalan ng mga taong inaasahang kasama sa
mahalaga). pulong ngunit hindi nakadalo. Isinusulat din ang
4. Panatilihin ang adyenda sa mas mababa sa oras kung kailan nagsimula at nagtapos ang pulong.
limang (5) mga paksa. Inirerekord dito ang mga pinag-usapan,
• Walang gustong magtagal ng 2 oras napagkasunduan, at ang mga usaping natugunan sa
mahigit sa isang pagpupulong. Ang pulong. Isinusulat kung sino ang mga taong
mahabang adyenda ay tila nakakatakot magsasagawa ng aksiyon upang matugunan ang
at kadalasang hindi nababasa. isang isyu at ang inaasahang panahon kung kailan
5. Oras bawat paksa. ito dapat maisakatuparan. Isinusulat din kung may
• Hayaan ang nilalaman na magdikta mga suhestiyong inilatag sa pulong at kung sino ang
kung gaano katagal ang bawat paksa. nagrekomenda nito. Kung sakaling may nangyaring
Huwag mahulog sa bitag ng paghihigit botohan sa pulong, itinatala kung ano ang isyung
sa oras ng pag-iiskedyul ng bawat pinagbotohan at ang resulta nito kasama ang mga
paksa. pangalan ng mga taong nakibahagi sa botohan at
6. Isama ang iba pang may kinalaman sa ang naging panig ng bawat isa.
impormasyon para sa pulong.
Maaaring makita ang isang halimbawa ng Kahalagahan ng Katitikan
adyenda sa pahina 5 ng modyul na ito.
Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng
adyenda sa isang pagpupulong.
Mga Dapat Tandaan ● Hindi lahat ng mapag-uusapan sa isang pulong
● Ang adyenda ay listahan ng mga gawaing ay maaalala ng bawat dumalo.
kailangang tugunan o aksyunan. ● Mas madaling mababalikan anumang oras ang
● Ginagawa ang adyenda upang maging mga napag-usapan o napagkasunduan sa
produktibo ang oras sa pagtalakay ng mga pulong.
dapat gawin. ● Makatutulong din ito sa mga taong hindi
● Bago magpatawag ng pulong, kailangang nakarating sa pulong dahil naibubuod nito ang
naabisuhan ng nagpatawag ang mga taong mahahalagang napag-usapan.
responsable sa bawat aytem.

Pahina 4 ng 10
● Makatutulong din ito nang malaki sa mga Habang nagpupulong
gagawing aksiyon para sa isang proyekto o 1. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan
gawain dahil mas madaling makita at mabalikan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
ang mga napag-usapang hakbang, mga dapat 2. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang
isagawa, at iba pang impormasyon upang mga ito, hindi pagkatapos.
maisakatuparan ang proyekto. Pagkatapos ng pulong
● Maiiwasan din ang hindi pagkakaunawaan at 1. Repasuhin ang isinulat.
pagtatalo dahil nakatala kung anuman ang 2. Kung may mga bagay na di maintindihan,
napagkasunduan ng lahat ng dumalo sa pulong. lapitan at tanungin agad pagkatapos ng pulong
ang namamahala rito o ang iba pang mga
dumalo.
Haba ng katitikan
3. Kapag tapos ng isulat, ipabasa ito sa namuno
Nakasalalay ang haba ng katitikan sa mga sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.
napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong. Higit 4. Mas mainam na may numero ang bawat linya
itong magiging mahaba kung detalyado ang mga napag- at pahina ng katitikan upang madali itong
usapang desisyon at komplikado o malaking usapin ang matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod
napag-usapan. Maaaring isulat ito nang verbatim sa mga na pulong.
bahaging kailangang itala o sipiin ang mismong pahayag
Ilang mga Paalala at Dapat Tandaan
ng nagsasalita o sa mahahalagang impormasyon na
kailangang tandaan. Sa maliliit at simpleng usapin, Sa pagtatala ng katitikan, makatutulong ang
kadalasang hindi detalyado ang ginagawang katitikan at pagrerekord ng mga napag-usapan upang kung sakaling
nakalista lamang ang mahahalagang puntong napag- hindi nakuha o may nakaligtaang mga impormasyong
usapan. Maaaring sinasagot lamang ng katitikan ang kinakailangan, may mababalikang rekord. Magpasa rin
5Ws at H (Who, What, Where, When, Why, and How) o ng papel na magsisilbing talaan ng mga pangalan ng
Sino, Ano, Saan, Kailan, Bakit, at Paano. Sa ganitong dumalo sa pulong. Mas mabuting isaayos ang ginawang
paraan, mas madali at mabilis na mababalikan ang katitikan pagkatapos mismo ng pulong upang sariwa pa
mahahalagang punto ng pulong. sa isipan at alaala ang mga napag-usapan. Maaari ring
konsultahin ang ibang kasama sa pagpupulong upang
mabigyang-linaw ang mga usapin at impormasyon na
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
nangangailangan ng paglilinaw.
Ang sumusunod na gabay ay makatutulong sa
pagsulat ng maayos at mahusay na katitikan ng pulong. ● Ang katitikan ay opisyal na tala ng
Bago ang pulong mahahalagang desisyong napag-usapan sa isang
1. Ihanda ang sarili bilang tagatala. organisasyon.
2. Lumikha ng isang template upang mapadali ● Sa pagsulat ng katitikan, kailangang nakatala
ang pagsulat. ang pinakaimportanteng desisyong napag-
3. Basahin na ang inihandang adyenda upang usapan sa pulong.
mapadali na lamang sundan ang magiging daloy ● Laging nasa katitikan ang pangalan ng
ng mismong pulong. organisasyong nagpulong, petsa, oras, lugar, at
4. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, pangalan ng mga dumalo at hindi nakadalo.
laptop o tape recorder. ● Maaaring nakasulat ang katitikan nang
nakatalata o nakatalahanayan.
● Makatutulong sa pagsulat ng katitikan ang
pagrerekord ng mga napag-usapan.

Ang mga sumusunod ay halimbawa ng adyenda at katitikan ng pulong.

Pahina 5 ng 10
Halimbawa ng Adyenda

Petsa: Disyembre 5, 2015


Oras: 9:00 n.u-11:00 n.h
Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)
Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1. Daisy Romero (Principal)
2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual (Finance Head)
4. Vicky Gallardo (Academic Coordinator)
5. Joel Cenizal (Guro—Senior High School)
6. Onie Ison (Guro—Senior High School)

Mga Paksa o Agenda Taong Tatalakay Oras na Nakatakda

1. Badyet sa pagpapatayo ng mga G. Joselito Pascual 20 minuto


gusali

2. Kurikulum/Track na ibibigay ng ASJ Gng. Daisy Romero 20 minuto

3. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Gng. Vicky Gallardo 20 minuto

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite
7357325

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng


Bawat Kagawaran
Disyember 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School


Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika-9:00 n.u
Tagapanguna: Daisy T. Romero (Principal)

Mga Dumalo:

Mga Liban:

I. Call to Order
Sa ganap na alas 9:00 n.u pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa
atensiyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy T. Romero bilang tagapanguna ng pulong.
Pahina 6 ng 10
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni Gng. Victoria
Gallardo.
Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S.
Lontoc.
V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong
Ang mga sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
Paksa Talakayan Aksiyon Taong Magsasagawa

1. Badyet sa Tinalakay ni G. Pascual ang Magsasagaewa ng pulong kasama G. Pascual


pagpapatayo ng halagang gugugulin para sa ang mga inhinyero at arkitekto Engr. Martinez
mga gusali pagpapatayo ng bagong mga para sa pagplano ng proyekto Arch. Monton
gusali

2.
Kurikulum/Track
na ibibigay ng ASJ

3. Pag-iiskedyul
ng mga
asignatura

VI. Ulat ng Ingat-yaman


Iniulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga ng 30 milyong
piso ngunit may halagang 3 milyong pisong dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Gng. Manguera ang ulat na ito ng Ingat-yaman ay sinang-ayunan ni Gng. Abriza
VII. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumang paksa na kinakailangang talakayin at psg-uspaan, ang pulong ay
winakasan sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference Room ng Academy of Saint John, 9:00n.u

Inihanda at isinumite ni

Bb. Julie Reyes

Kislap-Isip
Gamit ang mga natutuhan, basahin at suriin ang sumusunod na katitikan ng pulong. Sagutin ang mga kasunod
na tanong. Ilagay ang sagot sa isang papel at isama ang papel na iyon dito sa modyul.

Pambansang Samahan sa Pagsusulong ng Wika at Panitikang Filipino (PSPWPF) Silid Blg. 401, Gusaling
San Alberto Magno, Pamantasan ng Bagong Pilipinas

Regular ng Pulong 2019-3


Petsa: Ika-20 ng Mayo 2018
Lunan: Conference Room, Gusaling San Alberto Magno, ALSU

Nakadalo:
Dr. Jason dela Cruz
Pahina 7 ng 10
Dr. Neil Dimaculangan
Prof. Lester Paul Datuin
Prof. Rouena Villarama
Dr. Elizabeth Gomez
Dr. Ma. Rosario Vergara
Di Nakadalo:
Prof. Martin Ericson Santos
Dr. Selene Santillan

1. Nagsimula ang pulong ganap na 10:30 n. u. sa pangunguna ni Dr. dela Cruz, pangulo.
2. Hiniling ni Dr. Vergara ang pagpapatibay ng katitikan ng nakaraang pulong na pinangalawahan ni Dr. Dimaculangan.
3. Dalawang bagong opisyal ang papasok sa organisasyon sa katayuang probation. Sila sina Dr. Elizabeth Cruz na
magsisilbing katuwang na kalihim at Prof. Edilberto Manapat na magsisilbi namang ingat-yaman. Sinang-ayunan ng mga
dumalong opisyal ang mosyon.
4. Iminungkahi ang pagpapasok ng probisyon sa Saligang Batas tungkol sa pagkakaroon ng mga tagapag-ugnay
panrehiyon upang mapalakas ang koordinasyon ng PSPWPF sa mga lalawigan. Sa Bicol, maaaring maging tagapag-ugnay
si Prof. Marites Aragones samantalang sa Timog Luzon, si Dr. Ma. Mercedes Santos. Ihaharap sa Pambansang Kongreso
at Assemblea ang mga panukalang pagbabago sa Saligang Batas.
5. Itutuloy ang libreng seminar sa Liceo de Manila sa ika-30 ng Agosto 2018. Sina Prof. Datuin at Prof. Villarama at
dalawang taga-Liceo de Manila ang magsisilbing mga tagapagsalita. Magsisimula ito ng 9:00 n. u.
6. Hiniling ng Kolehiyo de Santa Monica na gawing dalawang araw ang libreng seminar sa ika-21-22 ng Hunyo 2018.
Magiging tagapagsalita ang mga sumusunod: Dr. dela Cruz – pananaliksik; Dr. Dimaculangan – differentiated instruction;
Prof. Villarama – pagtataya sa Filipino; Dr. Gomez – samu’t saring paglilinaw sa gramatikang Filipino; at Dr. Santillan –
pagsusuri ng pelikula.
7. Gaganapin ang pambansang seminar ng PSPWPF sa ika-28-30 ng Oktubre 2018, Lunes-Miyerkules sa Bulwagang
Nicanor Abelardo, Unibersidad ng Tacloban na may temang “Suri, Saliksik, Sanay.” Magiging director si Dr. Dimaculangan
at mga katuwang na direktor sina Prof. Datuin at Prof. Vergara. Ang mga delegado ay magmumula sa elementarya,
hayskul, at kolehiyo.
8. Itutuloy ang paglalabas ng Sulo Journal bilang parangal kay Dr. Jose Villa Panganiban. Ika-30 ng Hulyo 2019 ang
palugit ng pagpapasa ng mga artikulo. Ang haba ay 15-30 pahina, 1-inch margin sa lahat ng panig, Arial 12 ang font at
font size, at sunod sa estilong MLA. Kukuha ng mga internasyonal na tagasuri gaya ni Dr. Ruth Elynia Mabanglo.
9. Ang direktoryo ng mga kasapi ng PSPWPF ay gagawin nina Dr. Gomez at Prof. Villarama.
10. Natapos ang pulong ganap na 12:40 n. h. Ang susunod na pulong ay gaganapin sa ika-12 ng Hulyo 2018.

Itinala ni:
Prof. Lester Paul Datuin
Mga Tanong: (Isulat ang sagot sa dulong bahagi maaaring magdagdag ng panibagong pahina)
1. Ano-ano ang mga pambungad na impormasyong ibinigay sa katitikan ng pulong? Bakit mahalaga ang mga
impormasyong ito?
2. Paano sinimulan ang pulong? Ano-ano ang mga pormalidad na sinunod nito?
3. Ano-ano ang mahahalagang desisyong pinagtibay ng organisasyon sa bilang 3 at 4?
4. Ano-ano ang mga akademiko at propesyonal na gawaing ipatutupad ng organisasyon sa bilang 5-9?
5. Paano mo ilalarawan ang pagkakasulat ng katitikan ng pulong? Kung muli mo itong isusulat, paano mo ito
babaguhin?

Pahina 8 ng 10
Salaminsin
A. Pagpapahalaga.

1. Basahin mo ang mga pahayag na hinango ko mula sa Bibliya (Mga Romano 12:2).
At huwag kayong magsiayon sa sanglibutang ito: kundi magiba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng
inyong pagiisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti at kaayaaya at lubos na kalooban ng Dios.
Ano ang nais iparating sa atin ng pahayag? Mula rito, bilang isang mag-aaral, paano mo isasabuhay ang aral ng
pahayag na ito? Bilang mag-aaral paano mo ito maisasabuhay?

B. Ilahad ang tumatak sa iyong isipan sa pamamagitan lamang ng isang pangungusap.


___________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.

C. repLEKSIYON. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng maiikling pahayag na maglalaman ng iyong mga
mensaheng nais ipahayag. Hindi dapat hihigit sa isang pangungusap. Maaaring ilang mga salita o parirala lamang ang
iyong mga sagot.

See - Ano ang natutunan mo sa aralin?

Judge - Ano ang naramdaman mo matapos mong malaman ang mga bagay na ito?

Act - Ano ang gagawin mo para mailapat ang natutunan mong ito?

Pahina 9 ng 10
Tasà-runungan
A. PAGTATAYA AT PAGLALAPAT
Kayo ay pangkat ng Student Council. Nagpatawag ang inyong Pangulo ng isang pulong sa susunod na
linggo upang pag-usapan ang ilang mahahalagang proyektong isasagawa ng inyong samahan sa Ikatlong
Markahan. Maghanda ng isang adyenda para sa nasabing pulong. Babasahin ito ng iba pang opisyal ng
organisasyon. At ipagpalagay na natapos na ang pagpulong, gumawa rin ng katitikan ng pulong sa nasabing
sitwasyon. (Ilagay sa bond paper ang iyong gawa)
Pamantayan sa pagmamarka ng bawat gawain:
Kabuluhan ng nilalaman – 15 puntos
Pagsunod sa pormat ng isang adyenda/ katitikan - 10 puntos
Kawastuhang panggramatika – 5 puntos
Kabuoan – 30 puntos

Balututuhan
Ang adyenda ay tala ng mga gawaing dapat maisakatuparan sa isang pulong mula sa pagsisimula nito hanggang
sa pagwawakas. Samantalang ang katitikan ay ang dokumentong nagtataglay ng mahahalagang napag-usapan sa isang
pulong. Kaya naman napakahalagang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa dalawang uri ng sulating pantrabahong
ito upang magkapagsanay tayo at maging handa sa hinaharap dahil tiyak na kahit anong piling larangan ay kakailanganin
ang adyenda at katitikan ng pulong.

Sanggunian
Ang Lobo at ang Ubas. Mula sa http://www.katig.com/pabula_05.html
Fabella, Menard. 2016. Filipino sa Piling Larangan Akademik. Academia. Mula sa
https://www.academia.edu/37753019/Filipino_sa_Piling_Larang_Akademik
Fuerte, Jerelyn. Hul 10, 2017. Adyenda. Slide Share. Mula sa
https://www.slideshare.net/JerelynFuerte1/adyenda?qid=22cbfd45-823d-4955-9241-
155916fc212f&v=&b=&from_search=4
Julian, Ailene B. & Lontoc, Nestor S. 2017. Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Quezon City:
Phoenix Publishing House, Inc.
Mangahas, Rogelio G. & Villanueva, Leonida B. Patnubay sa Korespondensya Opisyal. Ikaapat na Edisyon. Manila City:
Komisyon sa Wikang Filipino.
Mercado, Ayessa Jhen. Linggo 5 Pagsulat ng Agenda at Katitikan ng Pulong. Academia. Mula sa
https://www.academia.edu/38736853/Linggo_5_Pagsulat_ng_Adgenda_at_Katitikan_ng_Pulong
Reyes, Alvin Ringgo C. 2019. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Makati City: Diwa Learning Systems Inc.
Villanueva, Leonida B. at Rogelio G. Mangahas. 2015. Patnubay sa Korespondensya Opisyal. Komisyon sa Wikang Filipino.
Mula sa http://www.kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2016/03/Patnubay-sa-Korepondensiya-Opisyal_ikaapat-
na-edisyon_ikalawang-limbag.pdf

Tanong ng Bayan
Isulat mo sa bahaging ito ang iyong mga katanungan sa aralin na nais mong mabigyan ko ng kasagutan o
paglilinaw. Maaari mo ring isulat dito ang iyong mga suhestiyon, opinyon at reaksiyon.

Pahina 10 ng 10

You might also like