Professional Documents
Culture Documents
Flora, Allianah Franchesca P. 12 STEM Platinum - Piling (2nd Quarter, Week 5)
Flora, Allianah Franchesca P. 12 STEM Platinum - Piling (2nd Quarter, Week 5)
Piling Larangan
12 STEM Platinum 2 nd Quarter – Week 5
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang iyong opinyon sa sumusunod:
1. Ang pagpupulong ay sinisimulan sa pamamagitan ng maayos at masiglang pagbati sa lahat.
Para sa akin, nararapat lamang itong gawin o ipatupad sa pagsisimula ng isang pulong dahil ito
ay makakatulong hindi lamang para mabuhayan o magkaroon ng sigla ang mga taong dumalo;
kundi pati na rin mahikayat o makuha ng pangunahing tagapagsalita ng pulong ang atensyon at
pokus ng mga tigapakinig.
2. Binabasang muli o nirerebisa ang dating katitikan ng nagdaang pulong.
Ito ay nararapat lamang ugaliin o maging kasanayan ng mga nagpapatupad ng pulong dahil dito
makikita at malalaman ng mga miyembro o tigapakinig ang nagiging progreso ng kanilang plano
at pati na rin matiyak na kumpletong naitala ang mga pagbabagong naganap sa planong napag
usapan sa pulong.
3. Iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang mga maling baybay ng mga salita, pangalan, mga
pahayag na sinabi, at paglilinaw.
Tama; ang ganitong kaugalian ay isensyal para sa pagpapatupad ng isang kaganapan at
nararapat lamang gawin ng mga taong bumubuo ng isang pulong upang maiwasan ang mga
hindi inaasahang komplekasyon hinggit sa plano.
4. Ang maseselang isyu ay binibigyang-solusyon.
Sa aking palagay, ito ay isa sa mga importanteng bagay, nararapat lamang na talakayin sa isang
pagpupulong dahil ito ay makakaapekto sa pagsasagawa ng isang matagumpay at maayos na
plano kung hindi masosolusyunan.
5. Mahalaga ang resolusyon sa maseselang isyung binibigyang-aksiyon.
Ako ay sang-ayon sa paksang ito dahil isa ito sa mga bagay na binibigyang pansin sa
isinasagawang pulong dahil ang pagbibigay resolusyon sa mga kanilang ginagawang aksiyon ay
esensyan sa siguradong maayos na daloy ng planong kanilang isasagawa.
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng katitikan ng pulong.
II. Panalangin
Ang panalagin ay pinangunahan ni Bb. Gemma Abriza
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat is ay malugod na tinaggap ni Gng. Romero bilang tagapanguna ng pulong.
Gawain 3
Panuto: Magtala ka ng limang (5) pamantayan na sa iyong palagay ay dapat pairalin sa pagsasagawa ng
isang pulong. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga ito.
1. Pagbibigay respeto sa bawat opinsyon o suhestiyon na binigay ng mga dumalo sa pulong.
Ito ay mahalaga upang maiwasan ang mga hindi pagkakaunawaan o pagkakaintindihan sa mga
kasapi ng pulong at pati na rin upang mas mapaganda lalo ang plano.
2. Pagbibigay halaga o pansin simula sa malalaki hanggang sa maliliit na detalye ng sinasagawang
pagpaplano.
Ito ay mahalaga dahil sa tulong nito, maiiwasan ang mga hindi inaasahang problema o
kakulangan na makakaapekto sa buong pulong.
3. Pagpapanatili ng katahimikan habang nagsasalita ang tigapanguna.
Ito ay mahalaga upang madaling maunawaan ng mga tagapakinig ang ipinipresintang plano at
maiwasan ang kalituhan sa mga detalye.
4. Pagiging istrikto sa pinatupad na oras at pagdalo ng mga kasapi.
Ito ay mahalaga dahil sa pamamagitan nito hindi masasayang ang oras ng bawat dadalong
personalidad sa pulong at magiging madali matapos ang usapin.
5. Ugaliing maging pokus lamang sa paksang kailangan talakayin.
Ito ay mahalaga para mas mabigyang pansin ang mga dapat talakayin na paksa sa pulong at
maiwasan ang pagkakalito sa mga detalyeng ibinibigay.
Gawain 4
Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano makatutulong sa iyo ang mga kaalaman kaugnay sa pagtatala ng
katitikan pulong? Magtala ng limang paraan.
1. Kung mabibigyan man ng pagkakataon na makadalo sa isang pagpupulong, ito ay makakatulong upang
madaling maunawaan at makasunod sa mga kaganapan sa pulong ang mga mag-aaral.
2. Ito ay isang kalamangan para sa mga mag-aaral dahil magiging madali na sa kanila ang pagpapaplano
na kanilang magagamit sa kanilang propesyon na tatahakin.
3. Ito ay nagbibigay ng ideya sa mga mag-aaral ng wasto at epektibong pagpaplano ng bawat pangyayari,
para sa paaralan man o sa kanilang pangsariling buhay.
4. Sa pagmamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman tungkol dito, mabilis na malalaman ang mga napag-
usapang pagbabago sa isang pulong.
5. Tuwiran at direktang napag-uusapan ang mga mga mahahalagang paksa at impormasyon na dapat
talakayin sa pulong.