You are on page 1of 19

MGA TIYAK NA

LAYUNIN:

PAGSULAT
ng
Katitikan ng
Pulong
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
Ano ang Katitikan?

 Opisyal na tala o rekord ng mahahalagang puntong


napag-usapan sa pulong ng isang grupo o organisayon.

Sa English, ito ang tinatawag na “Minutes”.

Mahalagang detalye lamang ang kailangang itala.


MGA TIYAK NA
LAYUNIN: KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT NG KATITIKAN
Napapadali na balikan ano mang oras ang mga napag-usapan o
napagkasunduan sa pulong.

Makakatulong sa mga taong hindi nakarating sa pulong.

Makakatulong sa mga gagawing aksyon para sa isang proyekto o gawain.

Makakatulong na maiwasan ang hindi pagkakaunawaan at pagtatalo dahil


nakatala kung ano man ang napagkasunduan.
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
Nagsisilbing permanenting record
Magkaroon ng nahahawakang kopya ng mga nangyaring
komunikasyon
Pagiging hanguan nito ng mga impormasyon para sa mga susunod
na pulong
Magagamit bilang ebidensiya sakaling magkaroon ng pagtatalo sa
dalawa o higit pang indibidwal o grupo
Ginagamit din upang ipaalala sa mga indibidwal ang kanilang mga
papel o responsibilidad sa isang partikular na proyekto o gawain
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Haba ng Katitikan
 Maikli at malinaw

Napag-usapang desisyon sa loob ng isang pulong

Maaaring isulat nang verbatim sa mga bahaging kailangang itala


o sipiin ang mismong pahayag nang nagsasalita

Hindi detalyado ang ginagawang katitikan at nakalista lamang


ang mahahalagang puntong napag-usapan
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Tatlong Estilo at Uri ng
Katitikan ng Pulong

ULAT NG KATITIKAN- lahat ng detalyeng napag-usapan


sa pulongay nakatala.
SALAYSAY NG KATITIKAN- Isinasalaysay lamang ang
mahalagang detalye ng pulong
RESOLUSYON NG KATITIKAN- nakasaad lamang ang
lahat ng isyung napagkasunduan.
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Mahahalagang Bahagi Ng
Katitikan ng Pulong
1. Heading-- pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, lokasyon at maging ang
oras ng pasisimula ng pulong.
Pateros Catholic School
High School Department
F. Imson St., San Pedro Pateros Metro Manila
Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran
Disyembre 5, 2015
Audio Visual Room, Pateros Catholic School

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa Senior High School


Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa n.u
Tagapanguna: Daley Romero (Prinsipal)
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
2. Mga Kalahok o Dumalo- nakalagay ang kabuuang
bilang ng mga dumalo, pangalan ng lahat ng dumalo
maging ang mga liban.
Bilang ng mga Taong Dumalo: Sampu

Mga Dumalo: Daisy Romero, Joel Pascual, Nestor Lontoc,


Victoria Gallardo, Rubisa Manguera, Richard Pineda, Ailene
Posadas, Gemma Abriza

Mga Liban: Vivin Abundo, Joel Cenizal at Sherlyn Fercia


MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
3. Action Items o Usaping
Napagkasunduan - mahahalagang tala
hinggil sa paksang tinalakay, maging
ang mga hindi natapos o nagawang
proyekto ng nagdaang pulong.
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
I. Call to order
Sa ganap na 9:00 n.u. ay pinasimulan ng Gng. Romero ang
pulong sa pamamagitan ng pagtawag sa atensiyon ng lahat

II. Panalangin
Ang Panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat

III. Pananalita ng Pagtanggap


Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy
Romero bilang tagapanguna ng pulong.
MGA TIYAK NA
IV. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
LAYUNIN:
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni
Gng. Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard
Pineda at ito ay sinang-ayunan ni G. Nestor S. Lontoc.

V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong


Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong

Paksa Talakayan Aksiyon Taong Magsasagawa

Badyet sa pagpapatayo ng Tinalakay ni G. Joel Magsasagawa ng pulong G. Pascual


mga gusali para sa Senior Pascual ang halagang ang inhinyero at arkitekto Engr. Martinez
High School gugugulin para sa para sa pagpalano ng Arch. Monton
pagpapatayo ng mga gusali proyekto.
para sa Senior High
School. Ayon sa kanya, mga
10 milyong piso ang
kakailanganin para sa
karagdagang silid-aralan
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
4. Pagtatapos - inilalagay sa bahaging ito
kung
anong oras nagwakas ang pulong.
VI. Pagtatapos ng Pulong

Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na


kailangang talakayin at pag-usapan, ang pulong ay
winakasan sa ganap na 12:00 n.t
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
4. Iskedyul ng Susunod na Pulong- itinatala sa
bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
Iskedyul ng Susunod na Pulong

Disyembre 15, 2015 sa Audio Visual ng Pateros catholic School,


9:00 n. u
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
4. Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang
pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong
at kung kailan ito isinumite.

Inihanda at isinumite ni :

Clea L. Bulda
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: MGA INIREREKORD SA
KATITIKAN NG PULONG
Napagpasiyahang aksiyon

Rekomendasyon

Mahahalagang isyung lumutang sa pulong

Pagbabago sa polisiya

Pagbibigay ng mga magandang balita


MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Bago ang pulong
1. Ihanda ang sarili bilang tagatala

2. Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat

3. Basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang


sundan ang magiging daloy ng mismong pulong

4. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop o tape


recorder
MGA TIYAK NA
LAYUNIN:
Habang Nagpupulong
1. Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa
pagtala ang mga desisyon o rekomendasyon

2. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga


ito hindi pagkatapos
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Pagkatapos ng pulong
1. Repasuhin ang isinulat
2. Kung may mga bagay na di maintindihan lapitan at
tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala
rito o ang iba pang mga dumalo
3. Kapag tapos ng isulat ipabasa ito sa namuno sa pulong
para sa mga hindi wastong impormasyon
4. Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng
katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o
pagsusuri sa susunod na pulong
MGA TIYAK NA
LAYUNIN: Mga Dapat Tandaan
Ang katitikan ay opisyal na tala ng mahahalagang desisyong
napag-usapan sa isang organisasyon.
Sa pagsulat ng katitikan, kailangang nakatala ang
pinakaimportanteng desisyong napag-usapan sa pulong.
Laging nasa katitikan ang pangalan ng organisasyong nagpulong,

petsa, oras, lugar at pangalan ng mga dumalo at hindi nakadalo.


Maaaring nakasulat ang katitikan nang nakatalata o
nakatalahanayan.
Makatutulong sa pagsulat ng katitikan ang pagrerekord ng mga
napag-usapan.

You might also like