You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan 1 Pangasinan
Pambansang Mataas na Paaralan ng Pangasinan
Lingayen, Pangasinan

MAIKLING LEKTURA AT MGA PAHINANG


PANGGAWAIN SA
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larang (Akademiko)

Pagpupulong
Kuwarter 2, Linggo 2

Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto

Natutukoy ang mahahalagang impormasyong sa isang pulong upang makabuo ng sintesis na napag-
usapan.CS_FA11/12PN-0j-l-92
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo
CS_FA11/12PN-0a-c-90

Mga Layunin:

✓ Naisasaalang-alang ang mga pangangailangan sa pagsasagawa bago, habang, at pagkatapos ng pulong;


✓ Natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng katitikan ng pulong;
✓ Nakasusulat ng sintesis ng isang pulong.

Inihanda nina:

JOSELITO D. DAGUISON
Dalubguro I

KIMBERLY G. DE VERA
Guro II
ARALIN 2: Pagpupulong

Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar,
sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagaybagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu.
Tumatawag tayo ng pagpupulong kung kailangan nating makapangalap ng mga impormasyon at ideya,
magbigay ng mga impormasyon o hingin ang payo ng nakararami para sa isang desisyon.
Sa mga pormal na pagpupulong tulad ng mga pagpupulong sa barangay o pagtitipon ng mga
magulang at guro sa paaralan, may mga angkop na pananalitang ginagamit. May mga angkop na
pananalita na ginagamit para maging maayos, mahusay at produktibo ang pamamahala o daloy ng isang
pulong. Ang mga pormal na pananalita na ginagamit sa pagpupulong ay maaaring gawing simple subalit
hindi naman nababago ang kahulugan nito. Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay
maging epektibo at mabisa. Kailangang alam din natin ang mga element sa pagbuo ng isang organisadong
pulong upang maging maaayos ang daloy nito.

Elemento ng organisadong pulong


1. Pagpaplano o Planning
2. Paghahanda o Arranging
3. Pagproproseso o Processing
4. Pagtatala o Recording

Mga dapat iwasan sa pulong


Malabong layunin sa pulong
Bara – bara sa pulong
Pagtatalakay sa napakaraming bagay
Pag-atake sa indibidwal
Pag-iwas sa problemang tinatalakay
Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa
Masamang kapaligiran ng pulong
Hindi tamang oras ng pagpupulong

Mga Paksang madalas tinatalakay sa pagpupulong.


Pag-apruba sa katitikan ng pagpupulong
Mga kailangang linawin sa nakaraang pagpupulong
Regular Report
Puntong tatalakayin
Iba pang bagay na nais pag-usapan
Petsa ng mga susunod na pagpupulong

Sino-sino ang mga lalahok sa pagpupulong?


Tanging ang mga taong talagang kailangang umupo ang dapat na nasa listahan gaya ng Pinuno
(Chairperson), Kalihim ( Secretary) at mga Kasapi sa pulong.
Huwag aksayahin ang mga panahon ng mga inaanyayahang lumahok na hindi naman kailangan.

Hakbang sa Pagsasagawa ng Pulong


1. Pagbubukas ng pulong- opisyal na idenedeklara ng chairperson ang pagsisimula ng pagpupulong.
2. Paumanhin – Inihahayag ng chairperson ang pangalan ng mga opisyal na pindalhan ng pabatid
ngunit hindi nakadalo sa pulong.
3. Adapsyon sa Katitikan ng Nakaraang pulong- Binabasa ng kalihim ang katitikan ng nakaraang
pulong o binibigyan ang mga dumalo ng kopya ng naturang katitikan.
4. . Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong – Kung may paksang nais pang pag-usapan
hango sa katitikan ng nakaraang pagpupulong, isama ito sa adyenda.
5. Pagtalakay sa mga Liham – Kung mayroong ipinadalang mga liham para sa pagpupulong tulad
ng liham sa koreo, e-mail, fax mail at kailangan talakayin at pagdebatehan sa pulong, ito’y dapat
isagawa.
6. Pagtalakay sa mga ulat – Tinatalakay ang mga ulat, kung mayroon, na inihanda para sa
pagpupulong (nilalaman, interpretasyon, rekomendasyon)
7. Pagtalakay sa Agenda – ang mga nakalistang pangunahing paksa sa adyenda, pinakasentro ng
isinasagawang pulong. (pagbabahagi ng impormasyon, pagkuha ng panukala para sa
pagdedesisyon, paggawa ng desisyon, pag-uusapan ng mga kalahok ang nakalatag na paksa)
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa Agenda – kapag natapos talakayin ang paksa sa adyenda,
itatanong ng chairperson kung may isyung nais pang pag-usapan ang mga kalahok.
9. Pagtatapos ng pulong – Isinasara ng chairperson ang pagpupulong.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything Practice
Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang
maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa ang pulong at pagkatapos
ng pulong .

Bago ang Pulong –


➢ Tiyaking handa ang lahat ng mga kagamitan bago magsimula ang pagpupulong tulad notbuk, papel
,bolpen , lapatop ,recorder
➢ Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ngpulong.
Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.

Habang Isinagawa ang Pulong


➢ Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
➢ Kilalanin ang bawat isa upang madaling matukoy kung sino ang magsasalita sa pulong.
➢ Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
➢ Itala ang mahalagang ideya o puntos.
➢ Itala ang mga mosyon o suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.
➢ Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa susunod
na pulong.
➢ Itala kung anong oras natapos ang pulong.

Pagkatapos ng Pulong
➢ Gawin kaagad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos habang sariwa pa sa isip ang
lahat ng mga tinalakay.
➢ Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng kometi , uri ng
pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.
➢ Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos .
➢ Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.
➢ Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan pasa sa huling
pagwawasto nito,
➢ Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
http://careerplanning.about.com/cs/communication/a/mimutes.html
Pangalan:_________________________________________ Petsa: ______________
Antas/ Seksiyon ___________________________________ Iskor: _____________
Pamagat ng Gawain: PAGSULAT NG SINTESIS
Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mahahalagang impormasyong sa isang
pulong upang makabuo ng sintesis na napag-usapan.CS_FA11/12PN-0j-l-92
Panuto/Direksiyon: Sa tulong ng talahanayan sa ibaba, lagyan ng masayang mukha ( ) ang mga pulong na
iyong nadaluhan sa inyong paaralan at malungkot ( )kung hindi.

Paksa
Organizational Meeting/ pagbubuo ng pamunuan
HRPTA Meeting
Pagpupulong para sa nalalapit na pagdiriwang ng
buwan ng wika
Pagpupulong sa Science week

Pagpupulong ng mga mag-aaaral ng SHS


SSG Meeting
At iba pa. ( Ilahad ang mga pulong na dinaluhan sa
inyong kinabibilangang strand)
STEM, HUMSS, ABM, TVL , A & D

Gamit ang parehong mga paksa, bumuo ng isang sintesis na dinaluhan mong pagpupulong na nabanggit sa
pagsasanay at iyo ng nadaluhan.
Pangalan:_________________________________________ Petsa: ______________
Antas/ Seksiyon ___________________________________ Iskor: _____________

Pamagat ng Gawain: PAGLILISTA NG MGA ADYENDA


Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang
halimbawa (CS_FA11/12PN-0g-i-91)
Panuto/Direksiyon::Basahin at unawain ang isang halimbawa ng dayalogo ng pagpupulong sa ibaba. Gumawa
ng sintesis mula sa naunawaan sa pulong. Gamitin ang RUBRIC sa ibaba upang magsilbing gabay sa epektibong
paggawa ng sintesis ng katitikan ng pulong.

Isang dayalogo sa pagpupulong


Agenda : Paano kumita ang samahan ng “ PaSigFIl” ( Panulat Sigasig Filipino ) ng Ligao
National High School at ang bawat Pangulo ng baitang 12 upang makalikom ng pondo sa higiene
kit ( naglalaman ng 2 mask, 500 ml na alcohol at handwashing soap) ng bawat mag-aaral nito.
Tagapangulo (Paul) : Isang mapagpalang umaga sa inyong lahat bago natin simulan ang
pagpupulong na ito tawagin natin si Bb. Clara Mabini, ang mutya ng ating samahan.
( Pagkatapos magdasal )
Tagapangulo ( Paul ): Salamat sa mataimtim at pusong puno ng dalangin at pagluluwalhati Bb.
Clara.Ngayon naman sa puntong ito tatawagin natin si g. Filipe Sebastian ang tagamasd ng
samahang ito para sa pagkilala ng presensiya ng mga dumalo.
Filipe Sebastian : ayon sa atendance ang buong miyembro ng PaSigFil ay 100% ang dumalo at
ang pangulo ng bawat strand ng baitang 12 na kalahok sa pagpupulong na ito ay kumpleto.
( Masigabong Palakpakan)
Tagapangulo (Paul): Samakatuwid atin ng bubuksan ang pagpupulong na ito, si Bb. Krista
fermin ang magtatala bilang kalihim ng lahat ng pag- uuspan at mapagsasangayunan ng
pagpupulong na ito.
Tagapangulo ( Paul ) : Buwan ng Agosto ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang
Pambansa nais ng samahan ng PaSigFil na magkaroon tayo ng varayti show kung saan ipapakita
natin ang kahusayan sa paggamit ng sarling wika. Maipapakita rin natin dito ang iba’t ibang
talento natin sa panitik at sining.
Mayroon ba kayong imumungkahi?
Pangulo HUMSS 1 : G. Paul ibenta natin ang ticket sa murang halaga limang Piso ( Php 5.00 )
at bawat isang kamag-aral ay bibigyan ng sampung piraso nito. Pagnapagbili niya ang mga ito
ay magiging ambag niya sa pondo upang lahat ay mabigyyan ng higiene kit. Lahat pa ay may
partisipasyon sa proyektong ito. Lalagyan natin ng control number ang ticket para di maabuso
ng iba.
Tagapangulo (Paul): Sang-ayon ba kayo rito?
Lahat : Opo
Tagapangulo ( Paul ): may karagdagan pa bang suhestiyon?
Pang. Pangulo ( Benjamin ) : Kailan kaya natin puwedeng ganapin ang varayti show?
Tagapangulo ( Paul ) : Sa katapusan ng agosto. Agosto 31, 2020 at maaari rin tayong magbigay
ng deadline ng paglikom Agosto 25, 2020 upang atin ng maipagkaloob sa bawat mag-aaral ng
Baitang 12 ang kanilang higiene kit.
Ipalista niyo na lamang po kay Mariel Andanar ang presentasyon niyo sa inyong klase.
Magkakaroon tayo ng labing siya (19 ) na entry sa Varayti show.
Salamat sa inyong lahat!
Pamantayan Punto
s
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat 5
ng katitikan ng pulong.
Nakasusulat ng organisado, obhetibo, at 5
komprehensibong sintesis katitikan ng pulong
Nakasusulat ng katitikan ng pulong batay sa 5
maingat, wasto at angkop na paggamit ng wika
Nakabubuo ng sintesis ng katitikan ng pulong batay sa 5
maingat na pagtala ng mga impormasyon sa
pulong.
Kabuoang Puntos 20

Pangalan:_________________________________________ Petsa: ______________


Antas/ Seksiyon ___________________________________ Iskor: _____________

Pamagat ng Gawain:. PAGPUPULONG


Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mahahalagang impormasyong sa isang
pulong upang makabuo ng sintesis na napag-usapan.CS_FA11/12PN-0j-l-92
Panuto/Direksiyon: Panuto: Magsagawa ng sariling pagpupulong sa mga kamag— aral kung PAANO
SORPRESAHIN ANG ISANG GURO. Gamit ang makabagong teknolohiya (group chat), ilahad nang malinaw
ang layunin. Gamitin ang talahanayan upang magsilbing gabay.

TUNGKOL SAAN ANG PAGPUPULONG


PETSA
ADYENDA
PANIMULA
KATAWAN: (MAHAHALAGANG
TANONG?)

PANGWAKAS

Mga Sanggunian

Ailene Baisa-Julian et.al Pinagyamang Pluma Filipino sa Piling Larangan(Akademik )Phoenix Publishing 2016
Pamela C.Constantino et.el Filipino sa Piling Larangan (Akademik)Rex BookStore 2016 Edition
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Quezon
City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016
Corazon L. Santos,PhD et.al Filipino sa Piling Larang (Akademik)Kagamitan ng Mag-aaral Inilathala ng
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas
DepEd CDO SHARED Options Learning Activities

You might also like