You are on page 1of 7

ST. LOUISE DE MARILLAC SCHOOL OF MIAGAO, INC.

Miagao, Iloilo
Member: Daughters of Charity – St. Louise de Marillac Educational System
PAGSULAT SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Linggo – Oktubre 25-29, 2021
Pangalan: Pangkat/Seksyon:
Guro: G. DREXLLER JHON N. ELISES Iskedyul ng Konsultasyon: Huwebes

ARALIN 7 Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ikalawang Linggo
Sanggunian:
Baisa-Julian, Aileen G., et.al,
Layunin / Kasanayang Pampagkatuto:
Pinagyamang Pluma – Filipino sa Piling
Pagkatapos gawin ang modyul na ito, ang mag-aaral ay
Larangan (Akademik). Phoenix Publishing
inaasahang:
Publishing
House, Inc.House, Inc.
A. Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto,
www.google.com
at angkop na paggamit ng wika.
B. Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong
akademikong sulatin.
C. Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang
pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan.

Nilalaman: Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

Pagpapahalaga: Competence, Confidence, Consistency,


Simplicity, Quality Education

Magandang araw! Noong nakaraan ay pinag-aralan natin ang dalawang


mahalagang elementong kinakailangan sa isang pagpupulong. Ngayon naman sa
bahaging ito ng modyul, pag-aaralan natin ang natitirang mahalagang elementong
kailangan upang maging maayos, organisado, at epektibo ang isang pulong, ang
katitikan ng pulong. Bilang isang mag-aaral na handang humarap sa mabilis at
komplikadong buhay sa kasalukuyan, mahalagang matutuhan mo kung ano-ano at
kung paano isinasagawa ang mga ito. Handa ka na ba?

MAGSIMUL
A TAYO
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala
ang mga napag-usapan o napagkasunduan. Ang opisyal na tala ng
isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong. Ito ay kalimitang
www.bing.com
isinasagawa ng pormal, obhektibo, at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong. Matapos itong maisulat at mapagtibay sa
susunod na pagpupulong, ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o
organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapan, sanggunian para sa mga
susunod na pagpaplano at pagkilos.
Higit na napagtitibay ang mga napag-usapan at napagkasunduan kung ito ay maingat na naitala at
naisulat. Kaya naman napakahalagang maunawaan kung paano gumawa ng isang organisado, obhektibo, at
sistematikong katitikan ng pulong. Ito ay hindi lamang gawain ng kalihim ng samahan o organisasyon, ang bawat
isang kasapi ay maaaring maatasang gumawa nito.

1|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
Talakayan 1:KATITIKAN NG PULONG

Nagsisilbing paglalagom sa mahahalagang tinalakay ang katitikan ng pulong. Mahalaga ang pagsulat nito
upang matiyak at mapagbalik-tanawan ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying muli
mula sa pagpupulong na naganap na. Dito makikita ang mga pagpapasiya at mga usaping kailangan pang
bigyang-pansin para sa susunod na pulong. Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook na
pagdarausan ng pulong, at maging ng tala ng mga dumalo at di dumalo ang katitikan ng pulong (Mangahis,
Villanueva 2015).

Katitikan ng Pulong
 Opisyal na record ng pulong ng isang organisasyon, korporasyon, o asosasyon.
 Tala ng mga napagdesisyonan at mga pahayag sa isang pulong
 Bagama’t hindi ito verbatim na pagtatala sa mga nangyari o nasabi sa pulong, ang mga tinatalang aytem
ay may sapat na deskripsyon upang madaling matukoy ang pinagmulan nito at mga naging
konsiderasyong kaakibat ng tala (Sylvester, 2015 & CGA, 2012)
 Kung hindi gagawa nito, makikitang hindi pare-pareho ang rekoleksyon ng mga kalahok sa mga naganap.
Maaari ring magkakaiba-iba na sila ng ideya sa mga napagkasunduan.
http://www.justhomeworks.com/mga-hakbang-sa-pagsasagawa-ng-pulong-at-ang-katitikan-nito/

Lumalabas na ang Katitikan ng Pulong ay nagsisilbing summary o pagbubuod ng mahahalagang napag-usapan


1. Ang pagpupulong ay sinisimulan sa pamamagitan ng maayos at masiglang pagbati sa lahat.
2. Binabasang muli at nirerebisa ang dating katitikan ng nagdaang pulong.
3. Iwinawasto sa katitikan ng nagdaang pulong ang rnga maling baybay ng mga salita, pangalan, mga
pahayag na sinabi, at paglilinaw.
4. Ang maseselang isyu ay binibigyang-solusyon.
5. Mahalaga ang resolusyon sa maseselang isyung binibigyang-aksiyon.
https://www.elcomblus.com/pagsulat-ng-katitikan-ng-pulong-minutes/

Talakayan 2:MAHALAGANG BAHAGI NG


KATITIKAN NG PULONG
1. Heading
Pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran, petsa, lokasyon, oras ng pagsisimula
2. Mga Kalahok o Dumalo
Nanguna sa pagpapadaloy ng pulong, lahat ng dumalo kasama ang mga panauhin, maging ang
pangalan ng liban o hindi nakadalo ay nakatala
3. Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa
4. Action Items o Usaping Napagkasunduan
Hindi pa natapos o nagawang proyekto sa nagdaang pulong, tala hinggil sa paksang tinalakay, mga
taong nanguna sa pagtalakay ng isyu, desisyong nabuo
5. Pabalita o Patalastas
Hindi laging makikita sa katitikan ng pulong, halimbawa: suhestiyong adyenda para sa susunod na
pulong (kung mayroon man)
6. Iskedyul ng Susunod na Pulong
Kailan gaganapin ang susunod na pulong (petsa), saan gaganapin ang susunod na pulong (lokasyon)
7. Pagtatapos
Oras ng pagwawakas ng pulong
8. Lagda
Pangalan ng taong kumuha ng katitikan at kung kailan ito isinumite

2|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
Talakayan 3:DAPAT GAWIN NG KUMUKUHA
NG KATITIKAN
“Dapat tandan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-
interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang gawain ay itala at iulat lamang ito.”
(Bargo, 2014)

Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan ng pulong na
hinango mula sa aklat ni Sudarprasert (2014) na “English for the Workplace 3”. Ang kumukuha ng katitikan ng
pulong ay kinakailangang:

1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong.


2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. Mayroong sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. www.bing.com
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat at isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal at ipagsasakdal
Tatlong uri o estilo ngng
sa ilalim pasusulat ng katitikan
batas sa karapatang sipi,ng pulong:
tatak pangkalakal, patente at iba pang kaugnay na batas.
1. Ulat ng Katitikan
Lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. (taong tumalakay ng paksa, taong sumang-
ayon sa mosyong ginawa)
2. Salaysay ng Katitikan
Isinalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Maituturing na legal na dokumento.
3. Resolusyon ng Katitikan
Tumutukoy lamang sa isyung napagkasunduan ng samahan.
“Napagkasunduan na…” o “Napagtibay na…”

Para sa malalimang talakayan, buksan ang aklat sa pahina 48-49. Makikita mo rito ang detalyadong
pagpapaliwanag ng bawat impormasyon.

Talakayan 4:DAPAT TANDAAN SA


PAGSULAT NG KATITIKAN
Ayon kay Dawn Rosenberg Mckay, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga
bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng pulong. Ilan sa mga
ito ang mga sumusunod:

A. Bago ang Pulong


 Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ang gagamitin. Maaaring gumamit ng laptop, recorder,
bolpen at papel, tablet, o computer.
 Tiyaking ang gagamiting kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.

B. Habang Isinasagawa ang Pulong


 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Sikaping makilala ang bawat isa.
 Itala ang oras ng pagsisimula ng pulong.
 Itala lamang ang mahahalagang ideya o punto.
 Itala ang mga mosyon at suhestyon, maging ang pangalan ng taong nagbigay nito at ang naging resulta
ng botohan

3|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
 Itala ang mga mosyong pagdedesisyunan pa sa susunod na pulong
 Itala kung anong oras natapos ang pulong.

C. Pagkatapos ng Pulong
 Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa pa sa
isip ang lahat ng mga tinalakay.
 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng pulong
(lingguhan, buwanan, taunan, o espesyal na pulong) at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong. Sa
katapusan ng katitikan ay huwag kalimutang ilagay ang “Isinumite ni:”, kasunod ang iyong pangalan.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto.
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpupulong.

Para sa malalimang talakayan, buksan ang aklat sa pahina 49-51. Makikita mo rito ang detalyadong
pagpapaliwanag ng bawat impormasyon.

Dagdag Kaalaman

Pulong
 Pagtitipon ng dalawa o higit pang indibidwal ng mga organisasyon o grupong kinabibilangan.
 Ipinapatawag ang ganitong pagtitipon kung may sapat na dami ng mga paksa o isyung dapat pag-usapan

Hakbang sa Pagsasagawa ng Pulong (Walsh, 1995)


1. Pagbubukas ng pulong (opening the meeting)
2. Paumanhin (apologies)
3. Adapsyon sa katitikan ng nakaraang pulong (adoption of the previous minutes)
4. Paglilinaw mula sa katitikan ng nakaraang pulong (business arising from previous minutes)
5. Pagtalakay sa mga liham (correspondence)
6. Pagtalakay sa mga ulat (reports) Bisitahin ang link na ito
7. Pagtalakay sa agenda (general business) para sa halimbawa
8. Pagtalakay sa paksang di-nakasulat sa agenda (other business) (detalyadong katitikan):
9. Pagtatapos ng pulong (closing the meeting o adjournment)
Karen Gonzales Angara:
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan (Lyn Gaertner-Johnson, 2006) https://
1. Kailan ang pagpupulong? www.facebook.com/
2. Sino-sino ang mga dumalo? karengonzalesangara/
3. Sino-sino ang mga hindi nakadalo? (isama ito kung kinakailangan) posts/
4. Ano-ano ang mga paksang tinalakay? 1411271855775409
5. Ano ang mga napagpasyahan?
6. Ano ang mga napagkasunduan?
7. Kanino nakatalaga ang mga tungkuling dapat matapos, at kailan ito dapat maisagawa?
8. Mayroon bang kasunod na kaugnay (follow-up) na pulong? Kung mayroon, kailan, saan, at bakit
kailangan?

Tandaan:
 Dapat isulat ang katitikan sa loob ng 48 oras upang maipabatid sa mga may nakatalagang tungkulin ang
kanilang mga gagawin, at upang malaman ng mga di-nakadalo ang mga naganap
 Dapat gumamit ng mga positibong salita
 Huwag nang isama ang ano mang impormasyong magdudulot ng kahihiyan sa sino mang kalahok
(halimbawa: Nagsigawan sina Akia at Karlo dahil sa di-pagkakaunawaan sa isyu)

4|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
Pormat ng Katitikan ng Pulong
 walang istandard na pormat para sa pagsulat ng katitikan ng pulong subalit mahalagang isama ang mga
sumusunod na detalye: PETSA, ORAS, AT LOKASYON NG PULONG; AYTEM SA AGENDA; DESISYON; MGA
NAPAGKASUNDUAN; PANGALAN NG MGA TAONG NAGTAAS NG MOSYON AT ANG SUMUSOG;
PANGALAN NG OPISYAL NA TAGAPAMAHALA O CHAIRPERSON; AT ANG PANGALAN NG KALIHIM

http://www.justhomeworks.com/mga-hakbang-sa-pagsasagawa-ng-pulong-at-ang-katitikan-nito/
by justhomeworks Filipino on November 10, 2018 Filipino Pananaliksik

*Tunghayan ang halimbawa ng katitikan ng pulong na makikita sa susunod na pahina.

PAGNILAYAN…PAG-USAPAN…MANALANGIN…

Gaano kahalagang matiyak ang angkop na proseso ng pagsulat ng piling sulating akademiko?

*Sagutin kasama ng kaklase, kaibigan at ng kapamilya.

Paalala: Hindi na kailangan pang ipasa ang pahina 1 - 5. Ipasa lamang ang kalakip na gawaing papel o
activity sheet sa pahina 6. Sundin ang panuto para hindi malito. Maraming Salamat sa iyo 

Binabati kita sa positibong pagtanggap at masigasig mong pagsagot sa mga gawain para sa Linggong ito.
Nawa’y maipagpatuloy mo ang aktibong pagganap sa mga susunod pang gawain. Sabay-sabay tayong
matuto, at patuloy na mahalin ang asignaturang Filipino. Hanggang sa susunod na Linggo! Paalam!

5|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
ST. LOUISE DE MARILLAC SCHOOL OF MIAGAO, INC.
Miagao, Iloilo
Member: Daughters of Charity – St. Louise de Marillac Educational System
PAGSULAT SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Ikalawang Linggo – Oktubre 25-29, 2021
Pangalan: Pangkat/Seksyon:
Guro: G. DREXLLER JHON N. ELISES Iskedyul ng Konsultasyon: Huwebes

~ Gawaing Papel ~
GAWAIN 1: Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong sa pamamagitan ng halimbawa.
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng katitikan ng pulong sa internet, sa mga aklat o sa inyong
baranggay. Suriin at isulat sa kahon ang mahusay na katangiang taglay ng mga binasang sulatin. Ilagay ang
paksa at sanggunian ng nasaliksik.

Paksa at Sanggunian Mahusay na Katangiang Taglay

Katitikan ng
Pulong

GAWAIN 2: Naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin.

Panuto: Sagutin ang tanong:


“Ang katitikan ng pulong ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya, o
organisasyon na maaaring magamit bilang prima facie evidence. Kung gayon, gaano kahalaga ang etika sa
pagbuo ng ganitong uri ng sulatin? Ipaliwanag sa loob ng tatlong pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa
likurang bahagi ng papel na ito.

GAWAIN 3: Napahahalagahan ang memorandum at adyenda bilang sulating akademiko.

Panuto: Bilang paglalagom, sagutin ang mahalagang tanong kaugnay sa paksang tinalakay. Magbigay ng tatlong
dahilan. Isulat ang sagot sa likurang bahagi ng papel na ito.
Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng Memorandum at Adyenda?

GAWAIN 4: Nakasusulat ng sulating batay sa maingat, wasto, at angkop na paggamit ng wika at natutukoy ang
mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng sintesis sa napag-usapan.

Panuto: Ikaw ay gagawa ng sarili mong Katitikan ng Pulong. Malaya kang pumili ng nais mong paksa ng
pagpupulungan. Maaari mo ring gamitin ang adyendang nauna mo nang isulat. Isulat ito sa isang buong
bondpaper (long size), maaaring sulat-kamay o printed. Balikan ang mga pamantayan, mga dapat tandan at mga
halimbawang naibigay sa modyul na ito at sa iyong aklat. Pagkatapos maiwasto ng guro ang iyong gawa, ito ay
magiging bahagi na ng iyong portfolio na nakasaad sa iyong performance task sa semestreng ito.

6|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.
PAGPALAIN KA NG MAYKAPAL!

7|2 Li n g g o - I k a l a w a n g M a r k a h a n
Ang modyul na ito ay pagmamay-ari ng St. Louise de Marillac School of Miagao. Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Walang anumang bahagi ng modyul na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
nakasulat na pahintulot galing sa may-akda. Ang pagpapalabas nito ay mahigpit na ipinagbabawal at ipagsasakdal

You might also like