You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Petsa: ________________________________________________________ Kabuuan 15
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa


Piling Larangan
Paksa: Katitikan ng Pulong Uri ng Gawain: Concept Notes
Layunin: Gawain Bilang: 10.1
- Natutukoy ang mga bahagi ng katitikan ng pulong
- Nalalaman ang dapat gawin ng isang taong naatasang gumawa ng isang katitikan ng pulong
- Nakagagawa ng isang katitikan ng pulong mula sa pinanood na video

Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

1. Heading-Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran. Makikita rin dito ang
petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng pagsisimula pulong.
2. Mga kalahok o dumalo-Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan
ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rin dito.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katinkan ng pulong- Dito makikita kung ang nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o nagawang
proyektong bahagi ng nagdaang pulong). Dito makikita ang mahahalagang talá hinggil sa mga paksang tinalakay.
Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo
ukol dito.
5. Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito...
6. Iskedyul ng susunod na pulong- Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong. 7.
Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
7. Lagda-mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.

Mga Dapat gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong

Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong, sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at
iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito. Narito ang ilang mga bagay
na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudarprasert na
English for the Workplace 3 (2014). Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. Hangga't maaari ay hindi participant sa nasabing pulong. Hindi madali ang pagkuha ng katitikan ng pulong kaya
napakahalaga na ang naatasang kumuha nito ay may sapat na atensiyon sa pakikinig upang maitala niya ang lahat
ng mahahalagang impormasyon o desisyong mapag-uusapan. Magagampanan niya ito nang lubos kung ito lamang
ang kanyang gagawin sa kabuoan ng pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong. Magiging madali para sa kanyang linawin sa tagapanguna
ang ilang mga bagay na hindi niya lubos na nauunawaan kung siya ay nakaupo malapit sa presider.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong. Mahalaga na ma-tiek kung sino-sino ang dumalo sa
pulong at maging ang mga liban. Itala rin ang pangalan ng mga taong dumating nang huli sa itinakdang oras
maging ang mga umalis nang maaga.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong. Kung hindi naipamahagi nang maaga ang
adyenda na pag-uusapan sa pulong, mahalagang maibahagi ito bago magsimula ang pulong kasama ang sipi ng
katitikan ng nagdaang pulong. Makatutulong ito upang higit na maging organisado at sistematiko ang daloy ng
pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang advenda. Bilang kalihim ng tagapanguna ng pulong, mahalagang
mabantayan na ang lahat ng tinatalakay na paksa sa pulong ay yaon lamang kasama o nakasaad sa adyenda upang
hindi masayang ang oras ng lahat at gayundin ay maiwasan ang kalituhan sa pangkat.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong heading. Kailangang
malinaw na nakatala ang pangalan ng samahan o organisasyon, petsa, oras, at lugar ng pulong.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan. Makatutulong nang malaki kung gagamit ng recorder sa oras ng pulong
upang kung sakaling may puntos na hindi malinaw na naitala ay maaari itong balikan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos. Ang mga mosyon o mga suhestiyong nabanggit sa
pulong at sinusugan ng iba pang kasapi at napagtibay ng samahan ay dapat maitala nang maayos. Ang kumukuha
ng katitikan ay maaaring banggitin ang mosyon sa kapulungan para sa higit na paglilinaw. Mahalagang maitala rin
kung kanino nanggaling ang mosyon at maging ang mga taong sumang-ayon dito.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan. Mahalagang maitala ang lahat ng mga paksa at
isyung napagdesisyunan gaano man ito kapayak o kalaking bagay.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong. Ang pag-oorganisa at pagsusulat ng
katitikan ng pulong ay dapat na maisagawa agad upang hindi makaligtaan. May tatlong uri o estilo ng pagsulat ng
katitikan ng pulong ang mga ito ay ang sumusunod:
a. Ulat ng Katitikan-Sa ganitong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang pangalan ng mga taong
sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
b. Salaysay ng Katitikan-Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang ganitong uri ng
katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.
c. Resolusyon ng Katitikan--Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito at maging ang mga sumang ayon dito.
Kadalasang mababasa ang mga katagang "Napagkasunduan na..." o "Napagtibay na.....

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

KATITIKAN NG IKALAWANG
PULONG NG PARENTS TEACHERS
ASSOCIATION (PTA) NG
PAARALAN NG TAL-UT
NATIONAL HIGH SCHOOL
KATITIKAN NG IKALAWANG PULONG NG PARENTS TEACHERSASSOCIATION (PTA)
NG PAARALAN NG TAL-UT NATIONAL HIGH SCHOOL
Ika-19 ng setyembre, 2017
Ika- 3 ng hapon sa Covered Court ng Tal-ut National High School

Dumalo:
Kgg. Bonifacio Yam-id – Kagawad
Kgg. Judith Bacus - Ingat-yaman ng Brgy. ng Valencia, Carcar City
G. Jekell L. Dela Cerna - Punung- guro ng Tal-ut NHS
G. Ruben S. Duterte – Guro
G. Johnrey M. Rafols – Guro
G. Jurren B. Lacson – Guro
Gng. Ma. Estrella S. Bernabe – Guro
Gng. Angeline D. Amistad – Guro
Gng. Shiela Marie C. Labra – Guro
Gng. Karen Therese G. Remocaldo – Guro
Gng. Jonave A. Manayaga – Guro
Opisyales ng PTA General
Mga Magulang mula sa Ikapitong-Baitang hanggang Ika-sampung- Baitang

Di Dumalo:
Kgg. Bienvinido Lauronilla - Education Committee ng Brgy. ng Valencia

Panukalang Adyenda
1. Palarong Panlungsod 2017
2. Kabkaban Festival 2017

I. Pagsisimula ng Pulong
Ang pagpupulong ay itinayo ni G. Jekell L. Dela Cerna, ang Punung-guro ng TNHS sa ganap na ika-
3:00 ng hapon, at ito aypinasimulan sa pamamagitan ng isang panalangin (audio) at pag-awit ng Carcar City
Hymn (audio). Kasunod ay ang roll-call na isinagawa ni G. Dela Cerna, at matapos ay ipinahayag na
mayroong quorum.

II. Pagbasa sa Nakaraang Pagpupulong


Nagpatuloy ang pagpupulong sa pagbasa ni Gng. Karen Therese Remocaldo ang Kalihim ng Faculty
ng TNHS ng katitikansa nakaraang pagpupulong noong Hunyo 21, 2017. Iniulat niya ang tungkol sa mga
tuntunin sa paaralan lalo na para samga transferee at bagong mag-aaral. Binasa rin niya ang mga bagong
opisyales ng PTA.

III. Pagpapatibay ng Panukalang Adyenda


Binuksan ang pagpupulong sa maikling mensahe ni G. Jekell L. Dela Cerna sa kahalagahan ng
pagkakaisa ng mga magulang at opisyales ng Barangay para sa kaunlaran ng paaralan.

Nagbigay rin ng kanilang mensahe anng mga kagawad na sina Hon. Bonifacio Yam-id at Hon. Judith
Bacus sa magandang maibubunga ng pag suporta ng mga magulang sa kanilang mga anak sa mga iba’t
ibang gawain ng paaralan.

Sinimulan ni Gng. Remocaldo ang unang adyenda- Palarong Panlungsod 2017. Ipinaalam niya samga
magulang na ang Tal-ut NHS ay sasali sa Palarong Panlungsod ngayong Setyembre 28, 2017hanggang
Oktubre 1, 2017. Sa panghuling araw ng gawain ay magkakaroon ng Mr. and Ms. Palarong Panlungsod
na lalahukan nina Jevy Christy Java at James Brian Banag kapwa mag-aaralsa TNHS. Ang nasabing contest
ay hindi madali sapagkat nangangailangan ng malaking halagapara sa kanilang kasuotan, make-up, trainor at
transportasyon. Nangangailangn ng 6,000 pesos(package). Ipinaliwanag ni Mrs. Remocaldo na ang
paaralan ay wala nang badyet sapagkatginastos na rin sa iba pang sasalihang laro. Ang Pangulo ng
PTA na si Gng Marieta Lauron, aynanguna sa paghingi ng suhestiyon sa mga magulang sa nasabing
problema. Nagkaroon ng iba’tibang suhestiyon ang mga magulang at sa huli ay niminunghaki nilang
hahatiin ang pera sabilang ng mga mag-aaral.

Narito ang resulta:


6000 Php (package- costumes, make-up, trainors fee, transpo)
262 (bilang ng mag-aaral )
= 23.00 bawat bata ang ibabayad
Sa Lunes, Setyembre 25, 2017 ang deadline.

IV. Iba Pang Pinag-usapan


Magkakaroon ng SMEA Conference ngayong Setyembre 21, 2017. Kalahok nito ay mga PTA
Officers, LGU’s, guro at SSG Officers.

V. Iskedyul ng Susunod na Pulong


Oktubre 3, 2017

VI. Pagtatapos ng Pulong


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 4:30 ng Hapon.

Inihanda ni:
KAREN THERESE G. REMOCALDO
Kalihim- Teacher I

Nagpatotoo:
MARIETA C. LAURON
PTA President

Inaprubahan ni:
JEKELL L. DELA CERNA
Punung-guro

Ang halimbawa ay kinuha sa:


Remocaldo, K. T. (n.d.). Katitikan ng Pulong. Mula sa Academia:
https://www.academia.edu/34826112/Katitikan_ng_pulong?auto=download

Gawain Bilang 1.1


Panuto: Mula sa halimbawa ng katitikang pulong na nasa itaas, tukuyin ang mga bahagi ng katitikan ng pulong
na makikita rito at isulat ito sa mga patlang na nasa ibaba batay sa hinihingi ng bawat bilang. Kung may mga
bahagi ng katitikan ng pulong na hindi nakita sa halimbawa, lagyan na lamang ito ng “Hindi nabanggit sa
pulong”.

1. Heading
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
2. Mga kalahok o dumalo
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katinkan ng pulong


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

4. Action items o usaping napagkasunduan


____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
5. Pabalita o patalastas
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
6. Iskedyul ng susunod na pulong
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
7. Lagda
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________

Gawain Bilang 2
Panuto: Magsasagawa ng pagpupulong ang bawat klase para sa nalalapit na Teachers Day. Pagpapaplano para sa kanila
tagapayo. Pangungunahan ng Presidente ng bawat klase ang nasabing pagpupulong. Habang nagpupulong, magtala ng mga
napag-usapan.

Mga Gabay na Tanong


1. Kailan kadalasang nagsasagawa ng isang pagpupuong? Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng isang pulong?
2. Paano napahahalagahan ang mga pinag-usapan sa pulong?
3. Paano isinusulat ang katitikan ng pulong?
4. Bakit mahalaga na mayroong katitikan ng pulong?
5. Anong paraan ang ginagawa kung may isang isyung dapat bigyan ng kasagutan sa pulong na napagkasunduan ng
marami?

You might also like