You are on page 1of 18

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Filipino sa Piling Larang


(Akademik)

By:

Philippine Women’s University – CDCEC

June 2020

1
PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 1
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

ARALIN
Pagsulat ng Adyenda at
3 Katitikan ng Pulong

LET’S GET STARTED

Sa katapusan ng aralin, ikaw ay inaasahang makatatamo ng kaalaman at kasanayan na:


 Nakapagbabahagi ng sariling opinyon hinggil sa kahalagahan ng memorandum,
adyenda at katitikan ng pulong sa pagsasagawa ng pagpupulong.
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na katitikan ng pulong, adyenda,
memorandum sa pamamagitan ng mga binasang halimbawa.
 Nauunawan ng mabuti ang hakbang sa pagbuo ng memorandum, adyenda at
katitikan ng pulong.
 Nakasusulat ng isang organisadong katitikan ng pulong batay sa napanuod na
pulong.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 2


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Pagpupulong o Miting- isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay nagtitipon sa isang lugar sa
takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay o gumawa ng pasya tungkol sa mga isyu
Memorandum o Memo- Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert, ang memorandum o memo ay isang
kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang
impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
- Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
- ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na alituntuning
dapat isakatuparan.

Colored Stationery (Dr. Darwin Bargo 2014)

 Puti- ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.


 Pink o Rosas- ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing
department
 Dilaw o luntian- ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at
accounting department.

Tatlong Uri ng Memorandum (Bargo 2014)


 Memorandum para sa Kahilingan
 Memorandum para sa Kabatiran
 Memorandum para sa Pagtugon

Balangkas sa Pagsulat ng Memorandum (Sudprasert 2014)


1. Makikita sa letterhead ang logo at pangalan ng kompanya, institusyon, o organisasyon gayundin
ang lugar kung saan matatagpuan ito at minsan maging ang bilang ng numero ng telepono
2. Ang bahaging Para sa/Para Kay/Kina ay naglalaman ng pangalan ng tao o mga tao o kaya
naman grupo ng tao na pinaguukulan ng memo.
3. Ang bahagi naming Mula Kay ay naglalaman ng pangalan ng gumawa o nagpadala ng memo.
4. Sa bahaging Petsa, iwasan ang paggamit ng numero gaya ng 11/25/15 sahalip isulat ang buong
pangalan ng bawat buwan o ang dinaglat na salita nito.
5. Ang bahaging Paksa ay mahalagang maisulat nang payak, malinaw at tuwiran upang agad
maunawaan ang nais ipabatid nito
6. Kadalasang ang Mensahe ay maikli lamang ngunit kung ito ay isang detalyadong memo
kailangang ito ay magtaglay ng sumusunod:
a. Sitwasyon- dito makikita ang panimula o layunin ng memo.
b. Problema- nakasaad ang suliraning dapat pagtuonan ng pansin.
c. Solusyon- nagsasaad ng inaasahang dapat gawin ng kinauukulan.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 3


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

d. Paggalang o Pasasalamat- wakasan ang memo sa pamamagitan ng pasasalamat o


pagpapakita ng paggalang.
7. Ang huling bahagi ay ang Lagda ng nagpadala. Kadalasang inilalagay ito sa ibabaw ng kanyang
pangalan sa bahaging Mula Kay…..

Halimbawa ng Memorandum:

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

MEMORANDUM

Para sa: Mga Guro sa Senior High School


Mula Kay: Daisy Romero, Principal, Academy of Saint John
Petsa: 25 Nobyembre 2015
Paksa: Preparasyon para sa Senior High School

Isang Mapagpalang Umaga po! Ibinabahagi ng aking opisina na tayo po ay magkakaroon ng


pagpupulong sa darating na Disyembre 5, 2015 alas 10:00 ng umaga para sa ating preparasyon sa
pagdating ng Senior High School.
Inaasahan ko po ang inyong pagtugon sa pagpupulong na ito. Maraming salamat po.

Daisy Romero
Principal of Academy of Saint Jon

Agenda o Adyenda- ayon kay Suprasert (2014), ang adyenda ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong
Mga Kahalagahan ng Adyenda sa Pulong
1. Ito ang nagsasaad ng sumusunod na ang impormasyon:
a. Mga paksang tatalakayin
b. Mga taong tatalakay o magpapaliwanag ng mga paksa
c. Oras na itinakda para sa bawat paksa
2. Nagtatakda ng balangkas ng pulong
3. Nagsisilbing talaan o tseklist

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 4


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

4. Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5. Ito ay nakatutulong ng malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Agenda

1. Magpadala ng memo na maaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e- mail.


2. Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung e-
mail naman, kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.
3. Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala o nalikom na.
4. Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo, mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
5. Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Adyenda


1. Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay nakatanggap ng sipi ng mga adyenda.
2. Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang higit na mahahalagang paksa.
3. Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging flexible kung kinakailangan.
4. Magsimula at magwakas sa itinakdang oras na nakalagay sa sipi ng adyenda.
5. Ihanda ang mga kakailanganing dokumento kasama ng adyenda.

Halimbawa ng Adyenda:

Petsa: Disyembre 5, 2015 Oras: 10:00 n.u.- 12:00 n.t.

Lugar: Academy of Saint John (Conference Room)

Paksa/Layunin: Preparasyon para sa Senior High School

Mga Dadalo:

1. Daisy Romero (Principal)


2. Nestor Lontoc (Registrar)
3. Joselito Pascual (Finance Head)
4. Atty. Ez. Pascual (Physical Resource Head)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer)
6. Vicky Gallardo (Academic Coordinator)
7. Rubie Manguera (Academic Head)
8. Richard Pineda (Academic Head)
9. Gemma Abriza (Guro- Senior High School)
PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 5
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

10. Joel Cenizal (Guro- Senior High School)


11. Sherlyn Fercia (Guro- Senior High School)
12. Evangeline Sipat (Guro- Senior High School)
13. Ailene Posadas (Guro- Senior High School)
14. Vivin Abundo (Guro- Senior High School)
15. Onie Ison (Guro- Senior High School)
Mga Paksa Taong Tatalakay Oras

1. Badyet sa pagpapatayo ng mga gusali para sa Pascual 20 minuto


Senior High School.

2. Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali Atty. Pascual 20 minuto

3. Feedback mula sa mga magulang hinggil sa Romero 10 minuto


SHS ng ASJ

4. Kurikulum/ Track na ibibigay ng ASJ Romero 20 minuto

5. Pagkuha at pagsasanay ng mga guro para sa Lontoc 15 minuto


SHS

6. Pag- iiskedyul ng mga assignatura Pineda 15 minuto

7. Estratehiya para mahikayat ang mga mag- aaral Gallardo 10 minuto


na kumuha ng SHS sa ASJ

Katitikan ng Pulong- opisyal na tala ng isang pulong. Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
- maaring magamit bilang Prima Facie Evidence.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
1. Heading- naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o kagawaran. Makikita
dito ang petsa, lokasyon at maging ang mga oras ng pagsisimula ng pulong.
2. Mga Kalahok o Dumalo- nakalagay dito kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong- ditto makikita kung ang nakalipas
na katitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 6


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

4. Action items o usaping napagkasunduan- ditto makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga
paksang tinalakay. Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng
isyu at maging ang desisyong nabuo ukol ditto.
5. Pabalita o patalastas- hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong adyenda
para sa susunod na pulong ay maaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong- itinatala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang
susunod na pulong
7. Pagtatapos- inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- mahalagang mailagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kalian ito isinumite.

Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang Kumuha ng Katitikan ng Pulong (Sudprasert 2014)
 Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong na hindi
niya trabahong ipaliwanag o bigyang- interpretasyon ang mga napag- usapan sa pulong, sa
halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito.
1. Hangga’t maari ay hindi participant sa nasabing pulong.
2. Ummupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng taong dadalo sa pulong
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong
heading
7. Gumamit ng recoder kung kailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
 Tatlong Uri o Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
 Ulat ng Katitikan- sa gantong uri ng katitikan, ang lahat ng detalyeng napag- usapan
sa pulong ay nakatala
 Salaysay ng Katitikan- isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong. Ang
gantong uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.
 Resolusyon ng Katitikan- nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan. Kadalasang mababasa ang mga katagang
“Napagkasunduan na …….” o “Napagtibay na …….”

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 7


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong

 Ayon kay Dawn Rosenberg McKay, sa pagkuha ng katitikan ng pulong mahalagang maunawaan
ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinasagawa ang pulong, at pagkatapos
ng pulong.

Bago ang Pulong

 Magpasya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.


 Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
 Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas ng katitikan ng
pulong.

Habang Isinasagawa ang Pulong

 Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
 Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang maging madali para sa iyo na matukoy kung
sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
 Itala kung anong oras nagsimula ang pulong
 Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos
 Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang pangalan ng taong nagbanggit nito,
gayundin ang mga sumang- ayon at ang naging resulta ng botohan
 Itala at bigyang pansin ang mga mosyong pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa susunod na
pulong
 Itala kung anong oras natapos ang pulong

Pagkatapos ng Pulong

 Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong pagkatapos na pagkatapos.


 Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon, pangalan ng komite, uri ng
pulong at maging ang layunin nito.
 Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos
 Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong.
 Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto.
 Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapaduloy nito.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 8


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong (Ulat ng Katitikan)

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
General Trias, Cavite

Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran


Disyembre 5, 2015
Conference Room, Academy of Saint John

Layunin ng Pulong: Preparasyon para sa Senior High School


Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap na ika- 10:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero

Bilang ng mga Dumalo


Mga Dumalo: Daisy Romero, Nestor Lontoc, Joselito Pascual, Atty. Ez. Pascual, Engr. Ricardo Martinez,
Vicky Gallardo, Rubie Manguera, Richard Pineda, Gemma Abriza, Joel Cenizal, Sherlyn
Fercia, Evangeline Sipat
Mga Liban: Vivin Abundo, Joel Cenizal, at Sherlyn Fercia

I. Call to Order
Sa ganap na alas 10:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensyon ng lahat.
II. Panalangin
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat.
III. Pananalita ng Pagtanggap
Ang bawat isa ay malugod na tinnaggap ni Gng. Daisy Romero bilang tagapanguna ng pulong
IV. Pagbasa at pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7, 2015 ay binasa ni Gng.
Victoria Gallardo. Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay
sinang- ayunan ni G. Nestor S. Lontoc
V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong
Ang Sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:

Paksa Talakayan Aksiyon Taong


Magsasagawa
1. Badyet sa Tinalakay ni G. Joel Pascual Magsasagawa  G. Joel
pagpapatay ang haagang gugugulin para ngisang pulong Pascual
o ng mga sa pagpapatayo ng mga kasama ang  Engr.
gusali para gusali para sa Senior High inhenyero at Martinez
sa Senior School. Ayon sa kanya, mga arkitekto para sa  Arch.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 9


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

High 10 milyong piso ang pagpaplano ng Monton


School. kakailanganin para mabuo proyekto
ang karagdagang silid- aralan.

VI. Ulat ng Ingat-yaman


Inulat ni Atty. Easy na ang nalalabing pera ng institusyon sa bangko ay nagkakahalaga ng 30
milyong piso ngunit may halagang 3 mislyong pisong dapat bayaran sa darating na buwan.
Mosyon: Tinanggap ni Ginang Manguera ang ulat na ito ng Ingat- yaman at ito ay sinang-
ayunan ni Ginang Abriza
VII. Pagtatapos ng Pulong
Sa dahilang wala nang anumamng paksa na kailangang talakayin at pag- usapan, ang pulong ay
winakasan sa ganap na alas 12:00 ng tanghali.

Iskedyul ng Susunod na Pulong


Disyembre 15, 2015 sa Conference ng Academy of Saint John, 9:00 n.u.

Inihanda at isinumite ni:


Clea L. Bluda

Halimbawa ng Katitikan ng Pulong (Salaysay ng Katitikan)

Bataan Peninsula State University


Kapisanan ng mga Mag- aaral sa Filipino
Balanga City, Bataan

Petsa: November 20, 2018


Oras ng simula ng pagpupulong: 6:00 pm
Oras ng natapos ng pagpupulong: 6:30 pm
Mga dumalo: IV – Filipino
Agenda: Pagpupulong tungkol sa Project Kwentu- aral: Kwento na may Inspirasyon at Aral
(Outreach Program)

Mga naganap at napag-usapan:

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 10


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

 Ang pagpupulong tungkol sa Project Kwentu- aral: Kwento na may Inspirasyon at Aral
ay naganap sa KAMFIL Room.
 Pinangunahan ng isang panalangin ang pagpupulong ni Joshua R. Sarmiento, Bise-
Presidente ng Kamfil.
 Sinimulan ng Presidente ng KamFil, Jessica N. Barrientos ang pagpupulong tungkol sa
isasagawang outreach program ng Kapisanan na may titulong Project Kwentu- aral:
Kwento na may Inspirasyon at Aral.
 Ang mga partisipante ng pagpupulong ay pinag-usapan ang posibleng maging proseso
ng aktibidad kabilang na ang mga bagay sa kailangang ihanda maging ang lugar na
paggaganapan nang sa gayon ay magkaroon ng isang organisado at matagumpay na
programa o aktibidad.
 Nagtakda ang Presidente ng KamFil, Jessica N. Barrientos ng mga nakatalagang mga
gawain bawat komite upang magkaroon ng organisadong pagkakahati-hati ng trabaho
para sa gaganaping outreach program.
 Napagkasunduan na ang bawat miyembro ng IV-Filipino (KAMFIL) ay maghahandog ng
mga regalo sa mga kabataan.
 Bago pa man matapos ang isinagawang pagpupulong ay sinabi ng Kalihim ng Kamfil,
Majorie S. Guzman ang mga pinal na napag-usapan at napagkasunduan sa pagpupulong.

Ang pagpupulong ay ganap na natapos ng 6:30 ng hapon

Inihanda ni:

Majorie S. Guzman
Kalihim, KAMFIL

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 11


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

ARALIN
Pagsulat ng Panukalang
4 Proyekto

LET’S GET STARTED

Sa katapusan ng aralin, ikaw ay inaasahang makatatamo ng kaalaman at kasanayan na:


 Nakasusuri ng isang panukalang proyekto na isinagawa sa iyong barangay
 Natutukoy ang mahahalagang bahagi ng panukalang proyekto
 Nakasusulat ng isang kapakipakinabang na panukalang proyekto para sa pamayanan
 Nakapagbibigay ng kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagbuo ng
panukalang proyekto

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 12


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Panukala

 Ayon kay Dr. Phil Bartle, ang panukala ay isang proposal na naglalayong ilatag ang mga plano o
adhikain para sa isang komunidad o samahan.

Panukalang Proyekto

 Isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o


samahang pag- uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito.
 Ayon kay Besim Nebiu, ito ay isang detalyadong deskripsiyon ng mga inihahaing gawaing
naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.
 Ayon naman kay Bartle, kailangan nitong magbigay ng impormasyon at makahikayat ng
positibong pagtugon mula sa pinag- uukulan nito

Mga Dapat Gawin sa Pagsulat ng Panukalang Proyekto (Miner 2008)

a. Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto


b. Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto
c. Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

Pagsulat ng Panimula ng Panukalang Proyekto

 Pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad, samahan, o kompanyang pag- uukulan ng iyong


project proposal. Ang pangangailangan ang magiging batayan ng isusulat na panukala.

Maikling Pangangailangan/
paglalarawan sa Suliranin Solusyon Benepisyo
pamayanan

Pagsulat ng Katawan ng Panukalang Proyekto


1. Layunin- sa bahaging ito makikita ang mga bagay na gustong makita o ang pinaka- adhikain ng
panukala.
- Ayon kina Jeremy Miner at Lynn Miner (2008), ang layunin ay kailangang maging
SIMPLE.
SPECIFIC nakasaad ang bagay na nais makamit o mangyari sa panukalang proyekto
IMMEDIATE nakasaad ang tiyak na petsa kung kalian ito matatapos
MEASURABLE may basehan o patunay na naisakatuparan ang nasabing proyekto
PRACTICAL nagsasaad ng solusyon sa binanggit na suliranin
LOGICAL nagsasaad ng paraan kung paano makakamit ang proyekto
EVALUABLE masusukat kung paano makatutulong ang proyekto

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 13


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

2. Plano ng Dapat Gawin- buoin ang talaan ng mga gawain o plan of action na naglalaman ng mga
hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
- Dapat maging makatotohanan o realistic.
- Isama sa talatakdaan ng gawain ang petsa kung kalian matatapos ang
bawat bahagi ng plano at kung ilang araw ito gagawin.
3. Badyet- pinakamahalagang bahagi ng anumang panukalang proyekto ay ang wasto at tapat na
paglalatag ng kakailanganing badyet para dito.
- ang talaan ng mga gastusin na kakailangin sa pasasakatuparan ng layunin.
Dapat Tandaan sa Paggawa ng Badyet
 Gawing simple at malinaw ang badyet upang madali itong maunawaan ng ahensya o
sangay ng pamahalaan o institusyon na mag- aaproba at magsasagawa nito.
 Pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon nito upang madaling sumahin ang mga
ito.
 Isama sa iyong badyet maging ang huling sentimo.
 Siguraduhing wasto o tama ang ginagawang pagkukwenta ng mga gastusin.

Paglalahad ng Benepisyo ng Proyekto at Mga Makikinabang Nito

 malinaw na nakasaad dito kung sino ang matutulungan ng proyekto at kung paano ito
makakatulong sa kanila.
 Maaring isama sa bahaging ito ang katapusan o kongklusyon ng iyong panukala.
 Maaring ilahad ditto ang mga dahilan kung bakit dapat aprobahan ang ipinasang panukalang
proyekto.

Balangkas ng Panukalang Proyekto

1. Pamagat ng Panukalang Proyekto- kadalasan, ito ay hinango mismo sa inilahad na


pangangailangan bilang tugon sa suliranin.
2. Nagpadala- naglalaman ito ng tirahan ng sumulat ng panukalang proyekto.
3. Petsa- araw kung kalian ipinasa ang panukalang papel at kung gaano katagal ang proyekyo.
4. Pagpapahayag ng Suluranin- nakasaad ang suliranin at kung bakit dapat maisagawa o
maibigay ang pangangailangan.
5. Layunin- dahilan at kahalagahan kung bakit dapat isagawa ang panukala.
6. Plano ng Dapat Gawin- talaan ng pagkakasunod- sunod ng mga gawaing isasagawa para sa
pagsasakatuparan ng proyekto gayundin ang petsa at ang bilang ng araw na gagawin ang
bawat isa.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 14


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

7. Badyet- ang kalkulasyon ng mga guguling gagamitin sa pagpapagawa ng proyekto.


8. Paano Mapakikinabangan ng Pamayanan/ Samahan ang Panukalang Proyekto- nagsisilbing
konklusyon ng panukala kung saan nakasaad ditto ang mga taong makikinabang ng proyekto at
benipisyongmakukuha nila mula rito.

*Bahagi ng panukalang proyekto ang Abstrak o Executive summary ng panukala lalo na kung
medyo may kahabaan ang isinusulat na papel.
*Naglalagay din ng mga kalakip o appendices, ang mahahalagang sipi ng datos o dokumento na
kailangan sa panukala. Ang mga liham na ginamit para sa pagpapahintulot o pagpapatibay ng
panukala, pinanggalingan ng pondo.

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA BARANGAY BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika- 11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugulin: 3 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng General Trias sa
Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agricultural bagama’t unti- unti na ring nagsusulputan ang mga
pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang malaking pagbaha
tuwing panahon ng tag- ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking problema sa mga mamamayan tulad ng
pagkasira ng kanilang mga bahay, kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng
pagbaha ay ang pag- apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na pipigil sa mabilis na
pag- apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang
mga mamamayan sa ligtas na lugar. Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa
sa tabi ng ilog. Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa kapakanan
at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makatutulong upang mapigilan ang pag- apaw ng
tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at maging ang kanilang mga ari –arian
at hanapbuhay sa sumusunod na buwan.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 15


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag- aaproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa pagpapagawa ng
breakwater o pader (2 araw)
 Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani- kanilang tawag para sa
pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa ng breakwater
(1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para sa
kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay Bacao (3 na
buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng breakwater batay sa isinumite ng Php 3, 200, 000.00
napiling contractor (kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador)
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at pagbabasbas nito Php 20, 000.00
Kabuoang Halaga Php 3, 220,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki- pakinabang sa lahat ng
mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng
bahay ay masosolusyunan. Hindi na makararanas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang
tahanan at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay. Higit
sa lahat, magkakaroon nan g kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing sasapit ang tag- uan dahil
alam niang hindi na aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng ipatatayong mga pader.
Mababawasan din ang trabao at alalahanin ng ga opisyaled ng barangay sa paglilikas ng mga
pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang
pagkasira ng pananim ng mga magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga
mamamayan nito.
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao. Ipagawa ang breakwater o
pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag- ulan.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 16


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

LET’S SUM UP!

Ang pagpupulong o miting sa mga nagiging daan upang ang grupo ng mga tao ay makapagtipon
sa isang lugar sa takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga bagay-bagay o gumawa ng pasya
tungkol sa mga isyu. Sa pagsasagawa ng pulong kinakailangan ang tinawag na memorandum o memo o
isang kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang
mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos. Gayundin ang adyenda na naglalaman ng mga
paksa na tatalakayin sa pulong. Matapos ang pagpupulong o miting ay itatakda ng taong naatasang
gumawa ng katitikan ng pulong ang mga napag- usapan o napagkasunduan sa nasabing pulong.
Ang panukalang proyekto ay isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng
gawaing ihaharap sa tao o samahang pag- uukulan nitong siyang tatanggap at magpapatibay nito. Ang
panukalang proyekto ang naghahain upang matugunan ang kakulangan sa isang bagay na
nangangailangan ng agarang pagtugon, paglulunsad ng pagbabago ukol sa naghaharing sistema o
patakaran, maari ding pagsasagawa ng isang programa upang higit na mapabuti ang kondisyon ng isang
samahan o gawain, o kaya naman ay pagpapanukala ng solusyon para sa nararanasang suliranin.

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 17


FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

PHILIPPINE WOMEN’S UNIVERSITY CDCEC Page 119

You might also like