You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 4
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Ang Pagpupulong

MELC: Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang


pagpupulong (pormal at di-pormal), katitikan ng pagpupulong
(F4PN-IVd-g-3.3 ; F4PB-IVg-j-100) Naipapahayag ang sariling
opinion o reaksiyon batay sa napakinggang pagpupulong (pormal
at di-pormal) ( F4PS-IVf-g-1) Nagagamit ang mga uri ng
pangungusap sa pormal na pagpupulong (F4WG-IVc-g-13.3)
Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong (F4PU-IVg-2.3)

Inihanda nina:

JEOHANA PEARL M. JAMON


GRETCHEN U. CORPUZ
RIO ANGELA D. ALLENDA
SHERYLL P. PASCUA
Filipino – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Ang Pagpupulong
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula
sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeohana Pearl M. Jamon, Gretchen U. Corpuz, Rio


Angela D. Allenda at Sheryll P. Pascua
Tagasuri: Caroline P. Calili
Tagapamahala: Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Santiago L. Baoec
Jenetrix T. Tumaneng
Editha R. Mabanag
Caroline P. Calili
Division Design &
Layout Artist: Chester Allan M. Eduria

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
4

Filipino 4
Ikaapat na Markahan-Modyul 5:
Ang Pagpupulong
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay
maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-
aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay
sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa
Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong
o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat
ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang
aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong
mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa
bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang
natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang
CLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan.
Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng
modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad
sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng CLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
ALAMIN

Ang modyul na ito ay ginawa para sa inyo. Layunin nitong


matulungan kayo sa iyong pag-aaral.

Aralin: Ang Pagpupulong

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay inaasahang:


1. Nasasagot ang mga tanong sa nabasa o napakinggang pagpupulong
(pormal at di pormal), katitikan ng pagpupulong
2. Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksiyon batay sa
napakinggang pagpupulong (pormal at di-pormal)
3. Nagagamit ang mga uri ng pangungusap sa pormal na pagpupulong
4. Nakasusulat ng minutes ng pagpupulong

SUBUKIN

Panuto: Subukan mong sagutin ang pagsasanay. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay grupo ng mga tao na nagtipon sa isang lugar at takdang oras para
talakayin ang isang bagay at makagawa ng desisyon tungkol dito.
a. pakikipagpanayam
b. pagpupulong
c. demonstrasyon
d. talumpati
2. Ang pananalita na “sinisigundahan ko ang mosyon” ay nangangahulugan
na
a. tumatangi ka sa mungkahi
b. nagbibigay ka ng mungkahi
c. sinusuportahan mo ang mungkahi
d. tapos na ang pagpupulong
3. Ang pananalita na “pinagtibay ang mungkahi” ay nangangahulugan na
ang mungkahi ay
a. aprobado na
b. tinganggihan
c. sinuportahan
d. pinagpaliban muna
4. Alin ang pinakamagaling at pinakasimpleng pananalitang ginagamit para
simulan ang pagpupulong?
a. “Simulan na ba natin ang pagpupulong?”
b. “Maging matahimik na upang masimulan na ang pagpupulong.”

1
c. “Lahat kayo, makinig sa akin. Ang pagpupulong ay magsisimula
na.”
d. Tumahimik kayo. Sisimulan na natin angpagpupulong.”
5. Ang taong nagsasalita na “Iminumungkahi ko na ang susunod na pulong
ay gaganapin sa unang araw ng Hulyo.” ay nagbibigay ng suhestyon para
a. tapusin ang talakayan sa araw na iyon
b. huwag magpulong sa araw na iyon
c. tapusin ang pagpupulong sa araw na iyon
d. magtakda ng pagpupulong sa araw na iyon

BALIKAN

Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa pagguhit ng editorial cartoon. Isulat


ang mga titik ng mga hakbang sa bilang 1-7.

A. Basahin ang isyung igagawan ng editorial cartoon.


B. Mag-isip ng representasyon sa isyu.
C. Magdrowing.
D. Husgahan ang sariling drowing.
E. Ulitin ang drowing kung kinakailangan.
F. Ikonsulta sa iba o patnugutan ang nilalaman ng drowing.
G. I-finalize ang drowing.

TUKLASIN

Panuto: Punan ang mga patlang ng mga angkop na impormasyon sa ibaba.

ANO: _____________________________________
SINO: _____________________________________
SAAN: ____________________________________
KAILAN: ___________________________________
BAKIT: ___________________________________

Pulong
Mga magulang ng Buanga Elementary School:
Buanga ES Covered Court
Hunyo 15, 2021, 3:00 n.h.
Pag-uusapan ang tungkol sa face to face na pagklaklase

2
SURIIN

Ang pagpupulong ay isang gawain kung saan ang grupo ng mga tao ay
nagtitipon sa isang lugar at takdang oras upang mag-usap tungkol sa mga
bagay o gumawa ng pasiya tungkol sa mga bagay-bagay. Nagkakaroon ng
pagpupulong kung kailangang magkaroon ng maraming ideya, magbigay ng
mga impormasyon, o magdesisyon na may konsultasyon sa mga kasama sa
grupo tulad ng mga pulong sa barangay, o pulong ng mga magulang at guro
sa eskwelahan
Sa mga pagpupulong, hindi naman kailangang maging masyadong
pormal ang mga pananalita. Ang mahalaga ay gumagamit ka ng mga
pananalitang angkop, at kailangang ang mga ito’y magalang at simple lang
upang madali kang maintindihan ng mga taong kasama mo sa pagpupulong
kagaya ng mga sumusuod:
*Tumahimik na tayo at magsimula na ang ating pulong.
* Mayroon ba tayong kurom?
*Iminumungkahi ko na…
*Pinapangalawahan ko ang mungkahi.
*May pag-uusapan ba tungkol sa bagay na iyan?
*Magbobotohan na tayo.
*Pinagtibay ang mungkahi.
*Maaari bang itala ‘yan sa ating rekord?

Kung minsan, ang pagpupulong ay nagiging magulo rin. Nahihirapan


ang namumuno sa pagpupulong na panatilihing maayos ang pamamahala
nito dahil sa pagkaiba-iba ng mga personalidad ng mga taong kasama sa
pagpupulong. Kinakailangang gumamit ng mga angkop na pananalita na
maaaring makaiwas sa mga sitwasyong may kaguluhan.

Ang katitikan ng pulong (minutes of the meeting) ay dokumentong


nagtatala ng mahalagang diskusyon at desisyon. Isinusulat ito ng kalihim.
Naglalaman ito ng petsa, oras, lugar na pinagdausan ng pulong,adyenda,
mga dumalo at hindi dumalo , mga napagpasiyahang aksiyon,
rekomendasyon, at iba pang mahahalagang detalye.

Sa pagsulat ng katitikan ng pulong, sundin ang mga sumusunod:


1.ihanda ang sarili bilang tagatala
2. lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat
3. basahin na ang inihandang agenda upang mapadali na lamang
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong
4. maaaring gumamit ng lapis o bolpen at papel, laptop, o tape recorder
5. magpokus sa pag-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga
desisyon o rekomendasyon
6. itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi
pagkatapos

3
7. repasuhin ang mga isinulat
8. kung may mga bagay na hindi maintindihan, lapitan at tanungin
agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang mga
dumalo
9. kapag tapos ng isulat, ipabasa ito sa namuno sa pulong para sa mga
hindi wastong impormasyon.
10. mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng
katitikan upang mapadali ang pagtukoy sa pagrerepaso o
pagsusuri sa susunod na pulong.

PAGYAMANIN

Panuto: Basahin ang isinadayalogong pulong.

G. Macalma: Magandang buhay po sa ating lahat sa araw na ito, Abril 24,


2021. Yaman din lang na nandito na po tayong lahat,
magsipaghanda na po tayo para sa pagsisimula ng ating pulong.
Pamumunuan ni Gng. Rinen ang panalangin at isusunod ni BB.
Martin ang pagbasa sa katitikan ng huling pulong.
Gng. Rinen: Manalangin po tayo.Ama namin, pinupuri ka at sinasamba.
Salamat po at kami’y muling nandito upang pag-usapan ang mga
isyu kaugnay ng aming organisasyon. Patnubayan mo po kami at
nawa’y maghari ang iyong kalooban. Hinihiling namin ito sa
ngalan ni Hesus, Amen.
Bb. Martin: Ang huling pulong ay ginanap noong Abril 14, 2021, 3:00 ng
hapon sa bulwagan ding ito. Naipahayag na may korum
.Pinamunuan ni Gng. Sonido ang panalangin na sinundan ng
pagbasa ng katitikan ng huling pulong ng kalihim. Napagtibay ang
katitikan sa mosyon ni Gng. Agpuldo na pinangalawahan ng
lahat. Pinangunahan ni G. Macalma ang pulong. Inilahad niya
ang adyenda at walang kumuwestiyon dito. Sa mosyon ni G.
Coloma na pinangalawahanan ng lahat, napagtibay ito. Inilahad
ni G. Macalma ang problema ng paaralan tungkol sa kawalan ng
entablado. Hinimok niyang magbigay ang lahat ng mungkahi
upang matugunan ang suliranin. Iminungkahi ni Gng. Galieto
na magkaroon ng paripa para makalikom ng pondo. Wala ng
ibang nagmungkahi. Pinagpasiyahan ang tungkol sa paripa at
lahat ay sumang-ayon dito. Dahil sa kakulangan ng oras, sinabi
ni G. Macalma na magiging asaynment ng lahat na pag-isipan
kung kailan ang paripa at kung ano-ano ang mga papremyo at
tatalakayin ito sa susunod na pulong. Dahil sa wala ng
katanungan, natapos ang pulong 4:30 ng hapon.
G. Macalma: Mayroon bang katanungan sa katitikan ng huling pulong?
Bb. Allenda: Pangulo, iminumungkahi ko pong pagtibayin ang katitikan ng
huling pulong.
Lahat: Pinapangalawahan ko.

4
G. Macalma: Ang katitikan ng huling pulong ay napagtibay na. Ngayon, ang
mga pag-uusapan naman ay tungkol sa petsa ng paripa, mga
papremyo at kung paano ito popondohan. Mayroon ba kayong
maidadagdag?
Gng. Jamon: Pangulo, iminumungkahi ko pong pagtibayin ang adyenda
para sa pulong na ito.
Lahat: Pinapangalawahan ko.
G: Macalma: Salamat. Una nating pag-uusapan kung kailan natin
isasagawa ang paripa. Ang mesa ay bukas na para sa inyong mga
mungkahi.
Gng. Corpuz: Iminumungkahi ko pong gagawin ito sa katapusan ng
Hunyo, 2021.
G. Macalma: Tinatanggap ang mungkahi. Mayroon ka yatang sasabihin
Gng. Calaycay?
Gng. Calaycay: Iminumungkahi ko pong gagawin ito sa kalagitnaan ng
Hunyo, 2021.
G. Macalma: Tinatanggap din ang mungkahi. Sino ang may iba pang
mungkahi? Nagtataas ng kamay si Gng. Agrimano.
Gng. Agrimano: Sinasarhan ko na po ang pagmumungkahi.
Lahat: Pinapangalawahan ko.
G. Macalma: Mayroon tayong dalawang mungkahi, katapusan at
kalagitnaan ng Hunyo, 2021. Pagbotohan natin ang petsa. Sino
ang sumang-ayon para sa katapusan ng Hunyo? Itaas ang
kanang-kamay. Pakibilang Bb. Martin.
Bb. Martin: 54 po ang sumang-ayon.
G. Macalma: Sino naman ang may gusto ng kalagitnaan ng Hunyo? Itaas
ang kanang kamay.
Bb. Martin: 16 po.
G. Macalma: Mas marami ang may gusto ng katapusan ng Hunyo.
Samakatuwid, gaganapin ang paripa sa katapusan ng Hunyo,
2021. Ngayon, isusunod nating pag-usapan ang mga papremyo.
Nasa harapan ang listahan ng mga mungkahing papremyo na
nalikom nina Gng. Rafanan at Gng. Manuel buhat sa inyong
ibinigay na mungkahi. Mayroon ba tayong tatanggalin o
idadagdag?
G. Santiago: Iminumungkahi ko pong iyan na po ang pinal na listahan ng
papremyo.
Lahat: Pinapangalawahan ko.
G. Macalma: Salamat sa inyong pagsang-ayon. Saan naman tayo kukuha
ng inisyal na pondo para sa pagbili ng papremyo at mga iba pang
kakailanganin sa paripa?
Gng. Rosete: Iminumungkahi ko pong gamitin muna natin ang natitirang
pondong mayroon tayo.
G. Macalma: Tinatanggap ang mungkahi. May gusto ka yatang sabihin Gng.
Sagun?
Gng. Sagun: Pwede po bang malaman kung magkano po ang pondong
meron pa po tayo?
G. Macalma: Gng. Pidut, pakisagot ang tanong ni Gng. Sagun.
Gng. Pidut: Mayroon pa po tayong kabuuang 50, 486 pesos.

5
G. Macalma. Salamat Gng. Pidut. Mayroon pa po bang ibang mungkahi?
Gng. Jose: Iminumungkahi ko pong sarhan na ang pagmumungkahi.
Lahat: Pinapangalawahan ko.
G. Macalma: Yaman din lang na iisa ang mungkahi, pansamantala muna
nating gagamitin ang ating natitirang pondo. Natapos na natin
lahat ang adyenda. Mayroon pa po ba kayong nais maliwanagan?
Lahat: Wala na po.
G. Macalma: Dahil wala na pong mga katanungan, winawakasan ko na po
ang pulong sa oras na 5:10. Salamat po sa inyong pagdalo.

Sagutin:
1. Sino ang namuno sa pulong?
2. Sino ang kalihim?
3. Kailan isinagawa ang huling pulong ayon sa binasang katitikan?
4. Ano ang pinag-usapan noon?
5. Ano ang isyu sa isinagawang pulong?
6. Paano sila makalilikom ng pondo para sa proyekto?
7. Kailan ito gaganapin?
8. Ano-ano ang mga magagalang na pahayag ang ginamit sa pulong?
9. Kung ikaw ay kasali sa pulong na iyon, ano ang iyong mararamdaman?
Bakit?
10. Ano sa palagay mo, magtatagumpay kaya ang kanilang proyekto? Bakit?

ISAGAWA

Panuto: Magbigay ng angkop na pananalita/pahayag para sa sitwasyon sa


ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Gusto mong simulan na ang pagpupulong.
2. Gusto mong malaman kung handa nang bumoto ang mga kasama sa
pagpupulong.
3. Gusto mong alamin ang mga pananaw ng mga kasamahan mo tungkol sa
isyu.
4. Gusto mong lumahok sa talakayan ang isang kasamang mahiyain.
5. Gusto mong sabihin sa kasama ninyong masyadong madaldal na
pagbigyan naman ang ibang kasamahan na makapagsalita.

6
TAYAHIN
Panuto: Igawan mo ng katitikan ang isinagawang pulong na binasa mo sa
bahaging PAGYAMANIN. Gamitin mong hulwaran ang binasang
halimbawa ng katitikan ng huling pulong.

KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Isulat ang sasabihin o reaksiyon sa mga sumusunod na


sitwasyon:

1.Ang isang kasama sa miting ay nakikipag-usap sa kanyang katabi na


nakagagambala sa pagpupulong.
2.Ang isang kasama sa miting ay hindi nakikinig sa usapin
3. Ang isang kasama ay masyadong madaldal

7
SUSI SA PAGWAWASTO

SUBUKIN
1.b
2.c
3.a
4.a
5.d

TUKLASIN
ANO: Pulong
SINO: Mga magulang ng Buanga Elementary School:
SAAN: Buanga ES Covered Court
KAILAN: Hunyo 15, 2021, 3:00 n.h. BALIKAN
BAKIT: Pag-uusapan ang tungkol sa face to face na pagklaklase 1.A
2.B
3.C
pagyamanin 4.D
5.E
1. G. Macalma 6.F
2. Bb. Martin 7.G
3. Abril 14, 2021
4. kawalan ng entablado
5. (iba iba ang sagot)
6. magkakaroon ng paripa
7. Katapusan ng Hunyo, 2021
8-10. (iba iba ang sagot )

*iba iba ang sagot sa mga iba pang gawain.

8
SANGGUNIAN

• MELC Grade 4
• Google
• Pascua, Ely G.,Mga Gawain sa Paglinang ng mga Kasanayan sa
Filipino
• DeVito, Joseph A. (1989). The Interpersonal Communication
Book(Fifth Edition). New York, USA: Harper and Row Publishers
• Flores, Carmelita S. and Evelyn B. Lopez (1990). Effective
SpeechCommunication (Revised Edition). Metro Manila,
Philippines:National Bookstore, Inc

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation Division


Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: sdoin.lrmds@deped.gov.ph

You might also like