You are on page 1of 29

PULONG / KATITIKAN NG

PULONG
Filipino sa Piling Larang
Mary Joy D. Cortado
LAYUNIN
Natutukoy ang mahahalagang
impormasyon sa isang pulong upang
makabuo ng sintesis sa
napagusapan/napanood.
CS_FA11/12PN-0j-l-92
MGA MAHAHALAGANG IMPORMASYON SA
PULONG
- Isang gawain kung saan ang grupo ng mga
tao ay nagtitipon sa isang lugar sa takdang
oras
- Layon nitong talakayin ang mga bagay-bagay
o gumawa ng pagpapasya tungkol sa isang
isyu.
- Ginaganap ang pagpupulong kung nais
nating mangalap ng ideya o impormasyon.
- Ang pormal na pagpupulong ay may
angkop na pananalitang ginagamit.
- Ang pormal na pananalita sa pulong ay
mahalaga upang higit na maging
maayos ang daloy ugnayan.
- Maaring gumamit ng simpleng
pananalita sa pulong ngunit tiyakin na
hindi nababago ang kahulugan nito.
ELEMENTO NG ORGANISADONG PULONG

1.Pagpaplano o Planning
2.Paghahanda o Arranging
3.Pagproproseso o Processing
4.Pagtatala o Recording
Mga Dapat Iwasan sa Pulong
• Malabong layunin sa pulong
• Bara-bara sa pulong
• Pagtalakay sa napakaraming bagay
• Pag-atake sa indibidwal
• Pag-iwas sa isyung tinatalakay
• Kawalan ng tiwala sa isa’t isa
• Masamang kapaligiran ng pulong
• Hindi tamang oras ng pagpupulong
Mga Paksang Dapat Tinatalakay sa
Pagpupulong
• Pag-apruba sa katitikan ng pagpupulong
• Mga kailangang linawin sa nakaraang
pagpupulong
• Regular report
• Puntong tatalakayin
• Iba pang nais pag-usapan
• Petsa ng susunod na pagpupulong
Sino-sino ang mga Kalahok sa
Pagpupulong

• Pinuno (Chairperson)
• Kalihim (Secretary)
• Kasapi sa pulong
Gawain: Pagsusuri sa Larawan
Panuto: Magbigay ng mahahalagang impormasyon sa larawan ng
pulong at bumuo ng konteksto kung paano magtatagumpay ang
pulong.
Gawain 2: Pagsasalaysay
Panuto: Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari
at napag-usapang paksa ng taong huli mong
nakausap sa pamamagitan ng pagsagot sa tsart:
Mga Napag-usapan

Mga Napag-usapan
Mga Napag-usapan
Pang-yayari

Mga Napag-usapan Mga Napag-usapan


Panuto: basahin at unawaing mabuti ang
pahayag. Bumuo ng tuntunin batay sa hinihingi ng
sitwasyon.

Magsasagawa ang iyong paaralan ng isang


pagpupulong ng lahat ng pangulo ng klase sa pagpili
ng modelo ng kabataan para sa nalalapit na Youth
Conference. Bilang kalahok sa nasabing pulong,
ikaw ay inaasahang bumuo ng tuntunin (moral
rules) ng isang huwarang kabataang pandaigdig. Ang
nabuong tuntunin ay tatayahin sa pamantayan sa
ibaba.
Mga Pamantayan 4 3 2 1

A. Kaugnay ng paksa ang binuong tuntunin

B. Nagtataglay ng wholistic na dulog na


saklaw ang kabataan

C. Gumagamit ng mga payak na salita at


madaling maunawaan

D. Nasunod ang pamantayan sa paggawa


ng tuntunin
KATITIKAN NG PULONG

- Ang pulong ay mababalewala kung hindi


maitatala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan.
- Ang opisyal na tala ng isang pulong ay
tinatawag na Katitikan ng Pulong.
- Higit na napagtitibay ang mga napag-
usapan at napagksaunduan kung ito ay
maingat na naitala at naisulat.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

1. HEADING- Ito ay naglalaman ng


pangalan ng kompanya, samahan,
organisasyon, o kagawaran. Makikita
rin dito ang petsa, ang lokasyon at
maging ang oras ng pagsisimula ng
pulong.
2. MGA KALAHOK O DUMALO- Dito
nakalagay kung sino ang nanguna
sa pagpapadaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng
mga dumalo kasama ang mga
panauhin. Maging ang pangalan ng
mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rin dito.
3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG
NAGDAANG KATITIKAN NG
PULONG - Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng pulong
ay napagtibay o may mga
pagbabagong isinagawa sa mga
ito.
4. ACTION ITEMS O USAPING
NAPAGKASUNDUAN -
Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay.
5. PABALITA O PATALASTAS- Hindi
ito laging makikita sa katitikan ng
pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula
sa mga dumalo tulad halimbawa
ng mga suhestiyong adyenda para
sa susunod na pulong ay maaaring
ilagay sa bahaging ito.
6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG-
itinatala sa bahaging ito kung kailan at
saan gaganapin ang susunod na pulong.
7. PAGTATAPOS- Inilalagay sa bahaging ito
kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. LAGDA- Mahalagang ilagay sa bahaging
ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung kailan ito
isinumite.
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG KUMUHA
NG KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan
ng sinumang kumukuha ng katitikan ng
pulong na hindi niya trabahong
ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang
mga napag-usapan sa pulong, sa halip,
ang kaniyang tanging gawain ay itala at
iulat lamang ito.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. Hangga’t maaari ay hindi nakaisa sa


nasabing pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o
presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga
taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at
katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa
nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na
ginagawa ay nagtataglay ng
tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung
kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal
na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung
napagdesisyunan ng koponan.
10.Isulat o isaayos agad ang mga
datos ng katitikan pagkatapos ng
pulong.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN NG PULONG BAGO ANG PULONG

• Magpasiya kung anong paraan ng


pagtatala ng katitikan ang iyonggagamitin.
• Tiyaking ang gagamitin mong
kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
• Gamitin ang adyenda para gawin nang
mas maaga ang outline o balangkas ng
katitikan ng pulong.
HABANG ISINASAGAWA ANG PULONG

• Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa


pulong at hayaang
lasgdaan ito ng bawat isa.
• Sikaping makilala kung sino ang bawat isa
upang maging madali para
sa iyo na matukoy kung sino ang nagsasalita sa
oras ng pulong.
• Itala kung anong oras nagsimula ang
pulong.
• Itala lamang ang mahahalagang
ideya o puntos.
• Itala ang mga mosyon o mga
suhestiyon, maging ang pangalan ng
taong nagbanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon at ang naging
resulta ng botohan.
• Itala at bigyang pansin ang mga
mosyon na pagbobotohan o
pagdedesisyunan.
• Itala kung anong oras natapos
ang pulong.
PAGKATAPOS NG PULONG

• Gawin o buoin ang katitikan ng


pulong pagkatapos na pagkatapos ng
pulong.
• Huwag kalimutang itala ang pangalan
ng samahan o organisasyon, pangalan
ng komite, uri ng pulong at maging ang
layunin nito.
• Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos.
• Isama ang listahan ng mga dumalo at maging
ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong.
• Basahin muli ang katitikan ng pulong bago
tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa huling
pagwawasto nito.
• Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa
kinauukulan o sa taong nanguna sa
pagpapadaloy nito.

You might also like