You are on page 1of 38

PAGSULAT NG

MEMORANDUM,
AGENDA AT KATITIKAN
NG PULONG
Isang salita na
nakapaglalarawan
sa simbolo /
larawan?
KATITIKAN NG PULONG

•Ang pulong ay
mababalewala kung hindi
maitala ang mga napag-
usapan o
napagkasunduan.
KATITIKAN NG PULONG
• Ang opisyal na tala ng isang
pulong ay tinatawag na
katitikan ng pulong.
• Tinatawag itong minutes of
meeting sa wikang Ingles at
kalimitang isinasagawa nang pormal,
obhetibo, at komprehensibo o
nagtataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa
pulong.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG
KATITIKAN NG PULONG

1.Heading
– ito ay naglalaman ng pangalan
ng kompanya, samahan,
organisasyon o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang
loksayon, at maging oras ng
pagsisimula ng pulong.
MAHAHALAGANG BAHAGI NG
KATITIKAN NG PULONG

2. Mga kalahok o dumalo


– dito nakalagay kung sino ang nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong gayundin ang
pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama
ang mga panauhin maging ang pangalan ng
mga liban o hindi nakadalo ay nakatala
rito.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng
nagdaang katitikan ng pulong

– dito makikita kung ang nakalipas na


katitikan ng pulong ay napagtibay o may
pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan
(kasama sa bahaging ito ang hindi pa natapos o
nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong)
– dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay. Inilagay rin sa bahaging ito
kung sino ang nanguna sa pagtalakay ng isyu at
maging ang desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas
– hindi ito laging makikita sa katitikan ng
pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa dumalo. Halimbawa, mga
suhestiyong agenda para sa susunod na pulong.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – dito
itinatala kung kalian at saan gaganapin ang
susunod na pulong.
7. Pagtatapos – inilalagay dito kung anong
oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda – mahalagang ilagay sa bahaging ito
ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kalian ito isinumite.
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG
NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG
PULONG
Dapat tandaan ng sinumang
kumukuha ng katitikan ng pulong na
hindi niya trabahong ipaliwanag o
bigyang-interpretasyon ang mga napag-
usapan sa pulong. Ang kanyang tanging
gawain ay itala at iulat lamang ito.
Napakahalaga na siya ay maging obhetibo
at organisado sa pagsasagawa nito
(Bargo, 2014).
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG
NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG
PULONG

Narito ang ilang mga bagay na dapat


isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng
katitikan ng pulong na hinango sa aklat ni
Sudarprasert na English for the Workplace 3
(2014).
1. Hangga’t maari ay hindi participant sa
nasabing pulong.

2. Umupo malapit sa tagapanguna o


presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong
dadalo sa pulong.

4. Handa sa mga sipi ng adyenda at


katitikan ng nakaraang pulong.

5. Nakapokus o nakatuon sa nakatalang


adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na
ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kumpletong heading.

7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.

8. Itala ang mga mosyon o pormal na


suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung
napagdesisyunan ng koponan.

10. Isulat o isaayos agad ang mga datos


ng katitikan pagkatapos ng pulong.
TATLONG ESTILO NG PAGSULAT
NG KATITIKAN NG PULONG

• Ulat ng Katitikan
– Sa ganitong uri ng katitikan,
ang lahat ng detalyeng napag-
usapan sa pulong ay nakatala.
Maging ang pangalan ng mga
taong nagsalita o tumalakay
ng paksa kasama ang pangalan
ng mga taong sumang-ayon sa
mosyong isinagawa.
TATLONG ESTILO NG PAGSULAT
NG KATITIKAN NG PULONG

• Salaysay ng Katitikan
– Isinalaysay lamang ang mahahalagang
detalye ng pulong. ANg ganitong uri ng
katitikan ay maituturing na isang legal na
dokumento.
TATLONG ESTILO NG PAGSULAT
NG KATITIKAN NG PULONG

• Resolusyon ng Katitikan
– Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang
lahat ng isyung napagkasunduaan ng
samahan. Hindi na itinatala ang pangalan
ng mga taong tumalakay nito maging ang
mga sumang-ayon dito. Kadalasang
mababasa ang mag katagang
“Napagkasunduan na….” o “Napagtibay
na….”
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG KATITIKAN NG PULONG

Sa pagkuha ng katitikan ng pulong,


mahalagang maunawaan ang mga bagay na
dapat gawin bago ang pulong, habang
isinasagawa ang pulong, at pagkatapos ng
pulong (Dawn RosenBerg McKay)
BAGO ANG PULONG

Magpasiya kung anong paraan ng


pagtatala ng katitikan ng pulong ang
iyong gagamitin. Maaaring gumamit ng
bolpen at papel, laptop, tablet, computer,
o recorder.
Tiyaking ang gagamitin mong
kasangkapan ay nasa maayos na
kondisyon. Kung ikaw ay gagamit ng laptop
ay siguraduhing ito ay may sapat na
baterya na kakailanganin para sa kabuon
ng pulong.
Gamitin ang adyenda para gawin nang
mas maaga ang outline o balangkas ng
katitikan ng pulong. Maglaan ng sapat na
espasyo para sa bawat paksa,
makatutulong ito upang mabilis na maitala
ang mga mapag-usapan kaugnay ng mga
ito.
HABANG ISINASAGAWA ANG
PULONG

Ipaikot ang listahan ng mga taong


kasama sa pulong at hayaang lagdaan ng
ito bawat isa. Mula rito madali mong
matutukoy kung sino ang liban sa pulong
at maging ang panauhin sa araw na iyon.
Sikaping makilala kung sino ang bawat
isa upang madali para sa iyo na matukoy
kung sino ang nagsasalita sa oras ng
pulong.
Itala kung anong oras nagsimula
ang pulong.
Itala lamang ang mga mahahalagang
ideya o puntos. Hindi kailangang isulat
ang bawat impormasyong maririnig sa
pulong gayunman maging maingat sa
pagtatala ng mahahalagang puntos.
Tandaan na ang katitikan ng pulong ay
isang opisyal at legal na dokumento ng
samahan o organisasyon.
Itala ang mosyon o mga suhestiyon,
maging ang pangalan ng taong
nagbanggit nito, gayundin ang mga
sumang-ayon, at ang nagging resulta ng
botohan.
Itala at bigyang pansin ang mga mosyon
na pagbobotohan o pagdedesisyunan pa sa
susunod na pulong.

Itala kung anong oras natapos ang pulong.


PAGKATAPOS NG PULONG

Gawin o buoin agad ang katitikan ng


pulong habang sariwa pa sa isip ang lahat
ng mga tinalakay. Kung may hindi
malinaw sa iyong mga tala, maaaring
linawin ito sa iba na dumalo rin sa
nasabing pulong.
Itala ang pangalan ng samahan o
organisasyon, pangalan ng komite, uri
ng pulong (lingguhan, buwanan, taunan,
o espesyal na pulong), at maging ang
layunin nito.
Itala kung anong oras ito
nagsimula at natapos.
Isama ang listahan ng dumalo at
maging ang pangalan ng nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong. Sa
katapusan ng katitikay ay ilagay ang
“Isinumite ni:”, kasunod ang iyong
pangalan.
Basahing muli ang katitikan ng pulong
bago tuluyang ipasa sa kinauukulan para sa
huling pagwawasto nito. Maaaring ipabasa
ito sa kasamahan na nakadalo rin sa
nasabing pulong upang kung mayroon ka
mang nakaligtaang puntos o ideyang hindi
naisama ay maari niya itong Makita at
ipagbigay alam sa iyo.
Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa
kinauukulan o sa taong manguna sa
pagpapadaloy nito.

You might also like