You are on page 1of 7

KATITIKAN NG

PULONG
(Minutes of the Meeting)
KATITIKAN NG PULONG
 Nagsisilbing lagom o buod ng mga tinalakay sa isang pormal na
pagpupulong
 Mahalaga ang pagsulat nito upang matiyak at mapagbalik-tanawan
ang mga usapin at isyung tinalakay at kailangan pang talakaying
muli mula sa pagpupulong na naganap na.
 Dito makikita ang mga pagpapasiya at mga usaping kailangan pang
bigyang-pansin para sa susunod na pulong.
 Kinakailangang magtaglay ng paksa, petsa, oras, at pook na
pagdarausan ng pulong, at maging ang tala ng mga dumalo at hindi
dumalo (Mangahis, Villanueva, 2015)
MAHAHALAGANG BAHAGI NG
KATITIKAN NG PULONG
 Heading – naglalaman ng pangalan ng kumpanya, samahan, organisasyon o
kagawaran. Makikita rin ditto ang petsa, ang lokasyon, at maging ang oras ng
pagsisimula at pagtatapos ng pulong.
 Mga Kalahok o Dumalo - dito nakalagay kung sino ang nanguna sa
pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo
kasama na ang mga panauhin. Maging ang mga pangalan ng mga lumiban o
hindi dumalo sa nakatala rin dito.
 Action Items o usaping napagkasunduan- kasama sa bahaging ito ang mga
hindi pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong.
Makikita dito ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay.
Inilalagay rin sa bahaging ito ang pangalan ng taong nanguna sa pagtalakay ng
isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
MAHAHALAGANG BAHAGI
NG KATITIKAN NG PULONG
 Pabalita o Patalastas
 Iskedyul ng susunod na pulong
 Pagtatapos- sa bahaging ito inilalagay kung anong oras at
kung paano nagtapos ang isinagawang pagpupulong
MGA DAPAT GAWIN O TANDAAN NG TAONG
NAATASANG KUMUHA NG KATITIKAN NG
PULONG
 Hangga’t maaari ay hindi dapat kasapi o participant sa nasabing
pulong.
 Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
 Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
 Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
 Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng
tumpak at kumpletong heading.
 Gumamit ng rekorder kung kinakailngan.
 Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
MGA DAPAT GAWIN O TANDAAN NG
TAONG NAATASANG KUMUHA NG
KATITIKAN NG PULONG
 Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng
koponan.
 Isulat o isaayos kaagad ang mga datos ng katitikan
pagkatapos ng pulong.
TATLONG (3) URI O ESTILO NG
PAGSULAT NG KATITIKAN NG
PULONG
Ulat ng Katitikan- ang lahat ng mga detalye sa pulong ay nakatala. Maging

ang mga pangaln ng mga taong nagsalita o tumalakay ng paksa kasama ang
pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
 Salaysay ng Katitikan- isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng
pulong. Ang ganitong uri ng katitikan ay maituturing na legal na dokumento.
 Resolusyon ng Katitikan- nakasaad lamang ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong
tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito. Kadalasang mababasa
ang mga katagang “ Napagkasunduan na …” o “Napagtibay na…”.

You might also like