You are on page 1of 26

Katitikan ng

Pulong
Katitikan ng pulong

-opisyal na tala ng isang pulong.

-ito ay kalimitang isinasagawang


pormal, obhektibo, at
komprehensibo o nagtataglay ng
lahat ng mahahalagang detalyeng
tinalakay sa pulong.
Mahahalagang Bahagi
ng Katitikan ng Pulong
1. Heading - ito ay
naglalaman ng pangalan ng
kompanya, samahan,
organisaysyon, o kagawaran.
Makikita rin dito ang petsa, ang
lokasyon at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo
- dito nakalagay kung sino ang
nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pangalan ng
lahat ng dumalo kasama ang mga
panauhin.
3. Pagbasa at pagpapatibay
ng nagdaang katitikan ng
pulong
- dito makikita ang nakalipas na
katitikan ng pulong ay napagtibay
o may mga pagbabagong
isinasagawa sa mga ito.
4. Action Items o
Usaping
napagkasunduan
- Dito makikita ang
mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay.
5. Pabalita o patalastas
-hindi ito laging makikita sa
katitikan ng pulong ngunit kung
mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa dumalo tulad
halimbawa ng suhestiyong agenda
para sa susunod na pulong ay
maaaring ilagay sa bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod
na pulong
- itinatala sa bahaging ito
kung kailan at saan
gaganapin ang susunod na
pulong.
7. Pagtatapos
-inilalagay sa bahaging ito kung
anong oras nagwakas ang pulong.
7. Lagda
-mahalagang ilagay sa bahaging
ito ang pangalan ng taong
kumuha ng katitikan ng pulong at
kung kailan ito isinumite.
MGA DAPAT GAWIN NG
NAATASANG KUMUHA NG
KATITIKAN NG PULONG
1. Hanggat maaari ay
hindi participant sa
nasabing pulong.
2. Umupo malapit
sa tagapanguna o
presider ng pulong.
3. Mayroong sipi ng mga
pangalan ng mga taong
dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng
agenda at katitikan ng
nakaraang pulong.
5. Nakapokus o
nakatuon lamang sa
nakalaang adyenda.
6. Tiyaking ang
katitikan ng pulong na
ginagawa at
nagtataglay ng tumpak
at kumpletong heading.
7. Gumamit ng
recorder kung
kinakailangan.
8. Itala ang mga
pormal na suhestiyon
nang maayos.
9. Itala ang lahat ng
paksa at isyung
napagdesisyunan ng
koponan.
10. Isulat o isaayos agad
ang mga datos ng
katitikan pagkatapos ng
pulong.
Halimbawa ng
Katitikan ng
Pulong

You might also like