You are on page 1of 2

GAWAIN BILANG 1

PANGALAN: FERNANDEZ, CIELO MAE O. SEKSYON: STEM 03


PETSA: Ika-11 ng Nobyembre, 2021

MGA BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

1. HEADING

➢ Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon, o kagawaran.

2. MGA KALAHOK O DUMALO

➢ Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa pagpapadaloy ng pulong gayundin ang pangalan ng
mga dumalo kasama ang panauhin. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay
nakatala rin dito.

3. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG NAGDAANG KATITIKAN NG PULONG

➢ Dito makikita ang nakalipas nakatitikan ng pulong ay napagtibay o may mga pagbabago
isinagawa sa mga ito.

4. ACTION ITEMS O USAPAN NAPAGKASUNDUAN (kasama sa bahaging ito ang mga hindi pa natapos o
nagawang proyekto bahagi ng na daang pulong)

➢ Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtatalakay ng isyu at maging ang desisyong
nabuo ukol dito.

5. PAGBALITA O PAGTALASTAS

➢ Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon mang pabalita o
patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa ng mga suhestiyong agenda para sa
susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito.

6. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG

➢ Itinala sa bahaging ito kung kalian at saan gaganapin ang susunod na pulong.

7. PAGTATAPOS

➢ Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.

8. LAGDA
➢ Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at
kung kailan ito isinumite.
Pinanggalingan: https://www.scribd.com/document/358820512/Mga-Bahagi-Ng-Katitikan-Sa-Pulong

You might also like