You are on page 1of 35

FILIPINO SA PILING

LARANG- AKADEMIK
Ikaapat na Markahan-
Ikalimang na Linggo
Layuning Pampagkatuto:
• Naisasagawa nang mataman ang hakbang sa
pagsulat ng akademikong sulatin gaya ng
agenda.
• Nabibigyang kahulugan ang mga terminong
akademiko na may kaugnayan sa pagsulat ng
katitikan ng pulong.
• Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsulat ng
katitikan ng pulong.
KATITIKAN NG PULONG
✓ang opisyal na tala ng isang
pulong
✓kalimitang isinasagawa nang
pormal, obhetibo, at
komprehensibo
KATITIKAN NG PULONG
✓nagtatataglay ng lahat ng
mahahalagang detalyeng tinalakay sa
pulong
✓Higit na napagtitibay ang mga napag-
usapan at napagkasunduan kung ito ay
maingat na naitala at naisulat
MAHAHALAGANG
BAHAGI NG
KATITIKAN NG
PULONG
❖Ito ay naglalaman ng
pangalan ng
kompanya, samahan,
organisasyon, o
kagawaran.
HEADING
❖Makikita rin dito ang
petsa, ang lokasyon at
maging ang oras ng
pagsisimula ng
pulong.
HEADING
MGA KALAHOK O DUMALO
✓ Nanguna sa pagpapadaloy ng
pulong
✓ pangalan ng lahat ng mga dumalo
✓ panauhin
✓ pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.
PAGBASA AT PAGPAPATIBAY NG
NAGDAANG KATITIKAN NG
PULONG
Dito makikita kung ang
nakalipas na katitikan ng
pulong ay napagtibay o may
mga pagbabagong isinagawa
sa mga ito.
ACTION ITEMS O
USAPING NAPAGKASUNDUAN
✓ Dito makikita ang mahahalagang tala
hinggil sa mga paksang tinalakay.
✓ Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino
ang taong nanguna sa pagtalakay ng
isyu at maging ang desisyong nabuo
ukol dito.
ACTION ITEMS O
USAPING NAPAGKASUNDUAN

✓ (Kasama sa bahaging ito ang mga


hindi pa natapos o nagawang
proyektong bahagi ng nagdaang
pulong).
PABALITA O PATALASTAS
Hindi ito laging makikita sa katitikan
ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa
mga dumalo tulad halimbawa ng
mga suhestiyong adyenda para sa
susunod na pulong ay maaaring
ilagay sa bahaging ito.
ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG

itinatala sa bahaging
ito kung kailan at
saan gaganapin ang
susunod na pulong
PAGTATAPOS

Inilalagay sa bahaging
ito kung anong oras
nagwakas ang pulong
LAGDA
Mahalagang ilagay sa bahaging
ito ang pangalan ng taong
kumuha ng katitikan ng pulong
at kung kailan ito isinumite
MGA DAPAT GAWIN NG TAONG NAATASANG
KUMUHA NG KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng
sinomang kumukuha ng katitikan ng pulong na
hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-
interpretasyon ang mga napag-usapan sa
pulong, sa halip, ang kaniyang tanging
gawain ay itala at iulat lamang ito.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

1. Hangga’t maaari ay hindi


nakaisa sa nasabing pulong.

2. Umupo malapit sa
tagapanguna o presider ng pulong

3. May sipi ng mga pangalan ng


mga taong dadalo sa pulong.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

4. Handa sa mga sipi ng adyenda at


katitikan ng nakaraang pulong.

5. Nakapokus o nakatuon lamang sa


nakatalang adyenda.

6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na


ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

7. Gumamit ng recorder kung


kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o
pormal na suhestiyon nang
maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at
isyung napagdesisyunan ng
koponan.
Ang kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang:

10.Isulat o isaayos agad ang


mga datos ng katitikan
pagkatapos ng pulong.
MGA DAPAT
TANDAAN SA
PAGSULAT NG
KATITIKAN NG
PULONG
BAGO ANG PULONG

• Magpasiya kung anong paraan ng


pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
• Tiyaking ang gagamitin mong
kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon.
BAGO ANG PULONG

• Gamitin ang adyenda para gawin


nang mas maaga ang outline o
balangkas ng katitikan ng pulong.
HABANG ISINASAGAWA
ANG PULONG
• Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa
pulong at hayaang lagdaan ito ng bawat isa.
• Sikaping makilala kung sino ang bawat isa
upang maging madali para sa iyo na matukoy
kung sino ang nagsasalita sa oras ng pulong.
• Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
HABANG ISINASAGAWA
ANG PULONG
• Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
• Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang
pangalan ng taong nagbanggit nito, gayundin ang mga
sumang-ayon at ang naging resulta ng botohan.
• Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na
pagbobotohan o pagdedesisyunan.
• Itala kung anong oras natapos ang pulong.
PAGKATAPOS NG
PULONG
• Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang
pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy ng pulong.
• Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang
ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto nito.
• Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan o
sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.
ABM D- GAWAIN BLG.1
ABM D- GAWAIN BLG.2
Ang iyong kapareha
sa nakaraang
gawain tungkol sa
Agenda, ang muli
mong kapareha sa
pagsagot ng mga
katanungang ito.
Sagutin sa bukod na
1 buong papel.
ABM D- GAWAIN BLG.2
7.Kung ikaw ang naatasang kumuha ng
katitikan ng pulong, ano-ano ang mga dapat
mong gawin? Ilahad ang mga ito gamit ang
hand organizer.
MODYULAR NA PAGKATUTO
Panuto: Gamit ang flow chart, ipakita ang
wastong hakbang sa pagsulat ng Katitikan ng
Pulong.
PANGKATANG GAWAIN!
Ang iyong kapangkat sa Lakbay-
Sanaysay ay siya mong kapangkat sa gawaing ito.
Sa pamamagitan ng Concept Map, itala at ilarawan
ang mahahalagang bahagi ng katitikan ng pulong sa
paraang organisado,sistematiko, at obhetibo na
iyong nabasa. Gawin ang burador sa isang buong
papel at ang pinal na output ay sa long bondpaper.
Performance Task Blg. 3
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
patungkol sa posibleng proyektong
pampaaralan ng mga mag- aaral sa SHS
sa muling pagbubukas ng taong
panuruan 2023-2024.

You might also like