You are on page 1of 13

MGA DAPAT GAWIN NG

TAONG NAATASANG
KUMUHA NG
KATITIKAN NG PULONG
Ayon kay Bargo (2014), dapat tandaan ng
sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong
na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang
interpretasyon ang mga napag-usapan sa
pulong, sa halip, ang kaniyang tanging gawain
ay itala at iulat lamang ito.
2
ANG KUMUKUHA NG KATITIKAN NG PULONG AY
KINAKAILANGANG:

1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing


pulong.
2. Umupo malapit sa tagapanguna o president ng
pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ang mga taong dadalo sa
pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng
nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang
adyenda.
ANG KUMUKUHA NG KATITIKAN NG PULONG AY
KINAKAILANGANG:

6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay


nagtataglay ng tumpak at kompletong heading.
7. Gumamit ng rekorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang
maayos
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan
ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan
pagkatapos ng pulong.
ESTILO NG PAGSULAT NG KATITIKAN

Ulat ng Katitikan- ang lahat ng detalyeng napag-


1
usapan sa pulong ay nakatala.

Salaysay ng Katitikan- isinasalaysay lamang ang


2
mahahalagang detalye ng pulong.

3 Reslusyong ng Katitikan- nakasaad lamang sa


katitikan ang lahat ng isyung napagkasunduan ng
samahan.
MGA DAPAT TANDAAN SA
PAGSULAT NG KATITIKAN
NG PULONG
6
BAGO ANG PULONG
Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan
ang iyong gagamitin.

Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa


maayos na kondisyon.

Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga


ang outline o balangkas ng katitikan ng pulong.
7
HABANG ISINASAGAWA ANG
PULONG
Ipaikot ang listahan ng mga taong kasama sa pulong at
hayaang lagdaan ito ng bawat-isa.

Sikaping makilala kung sino ang bawat isa upang


maging madali para sa iyo na matukoy kung sino
ang nagsasalita sa oras ng pulong.

Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.


7
HABANG ISINASAGAWA ANG
PULONG
Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.

Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon, maging ang


pangalan ng taong nabanggit nito, gayundin ang
mga sumang-ayon at naging resulta ng botohan.

Itala at bigyang pansin ang mga mosyon na


pagbobotohan o pagdedesisyunan.
7
HABANG ISINASAGAWA ANG
PULONG

Itala kung anong oras natapos ang pulong.

7
PAGKATAPOS NG
PULONG
Gawin o buuin ang katitikan ng pulong pagkatapos
na pagkatapos ng pulong.

Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o


organisasyon, pangalan, ng komite, uri ng pulong at
maging ang layunin nito.

Itala kung anong oras ito nagsimula at natapos. 7


PAGKATAPOS NG PULONG
Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang
pangalan ng nangunguna sa pagpapadaloy ng
pulong.
Basahin muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang
ipasa sa kinauukulan para sa huling pagwawasto
nito.
Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa
kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy
nito.
THANK YOU

You might also like