You are on page 1of 10

KATITIKAN NG PULONG

Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag


na katitikan ng pulong. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng
lupon. Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte. Maaaring maikli at tuwiran
o detalyado.
Kadalasang isinasagawa ng pormal, obhetibo at komprehensibo o navgtataglay ng
lahat ng mahahalagang detalyeng tinatalaky sa pulong.
Kahalagahan ng katitikan
Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Nagsisilbing gabay
upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong. Maaaring
maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. Ito’y
magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. Ito’y batayan ng kagalingan
ng idibidwal.
Ito ay nagsisilbing opisyal o legal na kasulatan ng samahan, kompanya o
organisayon na maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin o
sanggunian para sa susunod na pagpaplano at pagkilos.
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:
-Paksa
-Petsa
-Oras
- Pook na pagdarausan ng pulong
- Mga taong dumalo at di dumalo - oras ng pagsisimula
- oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

Mahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong


1. Heading – naglalaman ng pangalan ng kompanya , samahan, organisasyon, o
kagawaran. Makikita rin dito ang petsa, ang lokasyon at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
2. Mga kalahok o dumalo – nakalagay kung sino ang naguna sa pagpapadaloy ng
pulong gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga
panauhin. Maging ang pangalan ng liban o hindi nakadalo ay nakatal rindito.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
Dito makikita ang kung ang nakalipas na katitikan ng pulong ay napagtibay o may
mga pagbabagong isinagawa sa mga ito.
4. Action items o usaping napagkasunduan (kasama sa bahaging ito ang mga hindi
pa natapos o nagawang proyektong bahagi ng nagdaang pulong) Dito makikita
ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Inilalagay rin sa
bahaging ito kung sino ang taong nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang
desisyong nabuo ukol dito.
5. Pabalita o patalastas – Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit
kung mayroon mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo tulad halimbawa
ng mga suhestiyong agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa
bahaging ito.
6. Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan
gaganapin ang susunod na pulong.
7. Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong.
8. Lagda- mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng
katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
Mahalagang Ideya!
Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong.
Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip.
Ayon kay Bargo(2014) dapat tandaan ng sinumang kumukuha ng katitikan ng pulong
na hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang-interpretasyon ang mga napag-usapan sa
pulong, sa halip ang kanyang tanging gawain at itala at iulat lamang ito.
Ayon kay Dawn Rosenberg Mckay, isang editor at may-akda – sa pagkuha ng ng
katitikan ng pulong mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang
pulong, habang isinasagawa ang pulong at pagkatapos ng pulong.

Narito ang ilang mga bagay na dapat isaalang-alang ng mga taong kumukuha ng katitikan
ng pulong na hinango mula sa aklat ni Sudaprasert na English for the Workplace 3
(2014).
1. Hangga’t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2. Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong.
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
4. Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
5. Nakapokus o nakatuon lamang sa nakatalang adyenda.
6. Tiyaking ang katitikan ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at
kompletong heading.
7. Gumamit ng recorder kung kinakailangan.
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos.
9. Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan.
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan pagkatapos ng pulong.
Tatlong uri o estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong
1. Ulat ng Katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.
Maging ang pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakayng paksa kasama ang
pangalan ng mga taong sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
2. Salaysay ng Katitikan- Isinasalayasay lamang ang mahahalagang detalye ng
pulong. Ang ganitong uri ng katitikan ay maituturing na isang legal na dokumento.
3. Resolusyon ng Katitikan- Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng
isyung napagkasunduan ng samahan. Hindi na itinatala ang pangalan ng mga
taong tumalakay nito at maging ang mga sumang-ayon dito. Kadalasang
mababasa ang mga katagang “Napagkasunduan na…” o “Napagtibay na…”

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan


• Bago ang Pulong
Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali ang
pagsulat. (Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong). Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa
mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa. Maaaring gumamit ng lapis
o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.
• Habang nagpupulong
Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi
pagkatapos. Tandaan: hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong.
Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord
ang bawat sasabihin ng kalahok.
• Pagkatapos ng pulong
Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanungin
agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo. Kapag tapos
nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi
wastong impormasyon. Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng
katitikan upang madali itong matukoy sa pagprerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba
pa. Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi
ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.
Hango mula sa: https://bit.ly/3iZFgWB.

Halimbawa ng katitikan ng pulong:

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler,


Aurora
Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo

1 KGG. Anthony Dominic Sanchez


2 KGG. Mark Vincent Cabana
3 KGG. Elizar Valenzuela
4 KGG. Rendell Solano
5 KGG. Onille Paul Bernardino
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia
Daloy ng Usapan
Panimula
1.Panalangin
2.Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3.FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4.Iba pa

PANIMULA: KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:


Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng
Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent
Cabana.
Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para na rin sa
kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.
KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa ating
nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon. KGG. ADS:
Sige KGG. Bernardino.

KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun Run
upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang gusting
sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag hihikayat upang
tayo ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang tubo
ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na
magugustuhan ito ng publiko. Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.
KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run.
Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa paligid
at maging sa kanilang mga tatakbo.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng suhestyon?
KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng botohan
upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.
KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang Chroma
ang nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.
KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity. Magkano
ang gusto ninyong maging registration para dito?
KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking iminumungkahi
na ito ay gawing 250.00php.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa, siguro
500.00php ang kakailanganin natin.
KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na sigurong
300.00php.
KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration. KGG. Lopez: Ito po ang mga
gagastusin natin para sa Chroma:
Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo
Tubig = 500php/jug
Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php
Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php
KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na
maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa
Chroma ay 250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund Raising activity
na ito.
Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali. P
Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.

ZIA CZARINA GARCIA (lgd)


Kalihim ng barangay

Pinapatunayang totoo:
KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ (lgd)
Punong Barangay

Kgg. na taga-pangulo

Ang halimbawang ito ay hango mula sa: https://bit.ly/3kLYsaM


Mga Sanggunian
Lachica, Tine. Pagsulat11_Katitikan. Last modified October 5, 2016. Retrieved from
https://bit.ly/3iZFgWB.

Villanueva, Mervic Hope. Pagsulat Ng Katitikan ng Pulong. 2020. Retrieved from https://bit.ly/2EtdAtY.

Filipino sa Piling Larang. Katitikan ng Pulong sa Barangay: Isang Halimbawa. Last modified October 13,
2017. https://bit.ly/3kLYsaM

Lazaga, Christine. Kompilasyon ng mga Akademikong Sulatin. Last modified October 24, 2017. Retrieved
from https://bit.ly/2RWyxRq.

Julian, Ailene Baisa at Lontoc, Nestor B. Pinagyamang Pluma (Filipino sa Piling Larangan-Akademik).
Karapatang-ari 2016 ng Phoenix Publishing House Inc.

You might also like