You are on page 1of 7

Ikalawang Markahan–Modyul 1:

KATITIKAN NG
PULONG
Ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon ay tinatawag na
katitikan ng pulong. Ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng
lupon. Maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte. Maaaring maikli at
tuwiran o detalyado.

Kahalagahan ng katitikan
Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong. Nagsisilbing gabay upang
matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-uusapan o nangyari sa pulong. Maaaring
maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon. Ito’y
magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong. Ito’y batayan ng
kagalingan ng idibidwal.

Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:


-Paksa
-Petsa
-Oras
- Pook na pagdarausan ng pulong
- Mga taong dumalo at di dumalo
- oras ng pagsisimula
- oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

Mahalagang Ideya!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitin sa pagsulat ng katitikan ng pulong.


Kailangang pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pagiisip.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan


• Bago ang Pulong
Ihanda ang sarili bilang tagatala. Lumikha ng isang template upang mapadali
ang pagsulat. (Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamang
sundan ang magiging daloy ng mismong pulong). Mangalap na rin ng mga
impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at
iba pa. Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.
• Habang nagpupulong
Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon. Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi
pagkatapos.
Tandaan: hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong.
Nagsusulat nito upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi
ang irekord ang bawat sasabihin ng kalahok.
• Pagkatapos ng pulong
Repasuhin ang isinulat. Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at
tanungin agad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang
dumalo. Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa
pulong para sa mga hindi wastong impormasyon. Mas mainam na may numero
ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa
pagprerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong. Repasuhin muli ang isinulat
at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa. Ibigay ito sa mga
dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya
sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.
Hango mula sa: https://bit.ly/3iZFgWB.

Halimbawa ng katitikan ng pulong:

Pangalan ng Organisasyon/Departamento/Institusyon: Brgy. Ansci, Baler, Aurora


Petsa: July 19, 2017
Lugar ng Pulong: Silid-pulungan

Mga Dumalo Mga Hindi Dumalo


1 KGG. Anthony Dominic Sanchez
2 KGG. Mark Vincent Cabana
3 KGG. Elizar Valenzuela
4 KGG. Rendell Solano
5 KGG. Onille Paul Bernardino
6 KGG. Von Andrew Lopez
7 KGG. Zia Czarina Garcia
Daloy ng Usapan

Panimula

1. Panalangin
2. Pagpapatibay ng Nakaraang Katitikan
3. FUND RAISING FOR BRGY. NIGHT
4. Iba pa

PANIMULA:

KGG. ANTHONY DOMINIC SANCHEZ:


Pinasimulan ng kalihim ang pagpupulong ganap na ika-11 ng umaga petsa ika-17 ng
Hulyo, 2017 sa pamamagitan ng isang panalangin na nagmula kay KGG. Mark Vincent
Cabana.

Matapos ang panalangin ay binasa ng kalihim ang nakaraang katitikan para na rin sa
kabatiran ng mga walang hawak na sipi ng katitikan.

KGG. ADS: Dumako naman tayo sa paghahanap ng panggagalingan ng pondo sa


ating nalalapit na Brgy. Night. Malaya ang bawat isa na magbigay ng suhestyon.
KGG. ADS: Sige KGG. Bernardino.

KGG. Onille Bernardino: Minumungkahi ko pong tayo ay magsagawa ng isang Fun


Run upang makalihim ng pondo. Maganda rin ito sapagkat maraming kabataan ang
gusting sumali dito dahil ito ay napapanahon. Magandang paraan din ito ng pag
hihikayat upang tayo ay mag-exercise.
KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Bernardino. May iba pa po bang suhestyon?
KGG. Rendell Solano: Maaari din tayong magkaroon ng Brgy. sari-sari store at ang
tubo ng benta ay mapupunta sa pondo ng ating barangay.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Mark Vincent Cabana: Kapitan, maai tayong magpa-Zumba. Tiyak na


magugustuhan ito ng publiko. Maaaring isabay ito sa pagtitinda ng barangay.

KGG. Von Lopez: Maari po tayong magkaroon ng Chroma o isang Colored Fun Run.
Maraming mae-enganyong sumali rito sapagkat maraming kulay ang babalot sa
paligid at maging sakanilang mga tatakbo.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Cabana at Lopez. May iba pa po bang
suhestyon?

KGG. ADS: Yun na ba ang lahat ng syhestyon?

KGG. Valenzuela: Sinasarado ko na po ang pagbibigay ng suhestyon.


KGG. ADS: Sa apat a suhestyon na inyong ibinigay, tayo po ay magkakaroon ng
botohan upang mapag desisyonan kung ano ang ating pipiliin.

KGG. Zia Czarina Garcia: Dahil sa pagkakaroon ng pinaka madaming boto, ang
Chroma ang nanalo. Ito an ating gagawin para sa ating Fund Raising Activity.

KGG. ADS: Chroma o Color Fun Run ang ating magiging Fund Raising Activity.
Magkano ang gusto ninyong maging registration para dito?

KGG. Solano: Sa pagkokonsidera sa gagamiting mga pampakulay, aking


iminumungkahi na ito ay gawing 250.00php.

KGG. ADS: Maraming Salamat KGG. Solano. May iba pa po bang suhestyon?

KGG. Lopez: May iba pang kakailanganin ditto sa Chroma tulad ng tubig at iba pa,
siguro 500.00php ang kakailanganin natin.

KGG. Bernardino. Masyado naman atang mahal pang limang daan. Maaari na
sigurong 300.00php.

KGG. ADS: 300.00php na ating gagamiting registration.

KGG. Lopez: Ito po ang mga gagastusin natin para sa Chroma:


Colored powder = 50php/kilo = 50php x 30 kilo

Tubig = 500php/jug

Mga pagpapagawa ng ibebentang souvenir t-shirt at bowler = 3000php

Sa kabuuan, kakailanganin natin ng 5000php

KGG. Garcia: Ayon sa ating brgy. Treasurer ay mayroon pa tayong 15,000.00php na


maaari nating gamiting pampasimula ng gawaing ito. Ang target natin na dadalo sa
Chroma ay 250 na tao, mayroon tayong 75,000.00php na maiipon sa Fund
Raising activity na ito.

Itinindig ang kapulungan ganap na ika-12 ng tanghali.

Pinapatunayang wasto at tumpak ang isinasaad ng katitikang ito.


ZIA CZARINA GARCIA (lgd) Kalihim
ng barangay

Pinapatunayang totoo:

KGG. ANTHONY DAMINIC SANCHEZ (lgd)


Punong Barangay

Kgg. na taga-pangulo

Ang halimbawang ito ay hango mula sa: https://bit.ly/3kLYsaM

Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa
partikular na paksa o usapin. Kailangang pumosisyon sa isang panig. Halimbawa,
naniniwala kang nakagagamot ang marijuana kaya isinusulong mo ang pagamit nito sa
medicina o kaya bapor ka sa divorce. Anuman ang posisyon, kailangang magbigay ng
malinaw at matatag na mga argumento at mga makatwirang ebidensiyang susuporta sa
mga ito sa kabuuan ng papel.
Ang layunin ng posisyong papel ay kumbinsihin ang mga mambabasa na may
saysay at bisa ang mga argumentong inihain sa kanila. Ang argumento ay pahayag na
ginagamit upang mahikayat at mang impluwensiya ng iba upang ipaliwanag ang mga
dahilan sa pagkiling sa isang posisyon.
Kailangang pag-aralan mabuti ang pag buo ng mga argumento at ang
orginisasyon ng papel. Kailangang alam din ang mga argumento ng kabilang panig. Ito
ay upang mapabulaanan ang mga ito o mapahina ang kanilang bisa. Mahalagang
ipaalam sa mga mambabasa ang kasapatan ng kaalaman tungkol sa paksa.
Ang posisyong papel ay maaaring nasa simpleng anyo ng liham sa editor o kaya
naman ay sanaysay. Maaari din naming mas masalimuot (complex) ang anyo nito, tulad
ng akademikong posisyong papel o opisyal na pahayag na binabasa sa mga
pandaigdigang kumperensiya. Karaniwang ginagamit ng malalaking organisasyon ang
posisyong papel upang isapubliko ang kanilang opisyal na paniniwala, posisyon o
rekomendasyon.
Katangian ng Posisyong Papel
Ang posisyong papel ay may mga sumusunod na katangian:
• Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang
basehan sa likod nito.
• Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng matibay
na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
• Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
• Gumagamit ng mga sangguniang mapagkatitiwalaan at may awtoridad.
• Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon
maging ang sa kabilang panig.
• Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring
solusyon at nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo
ang layunin.
• Gumagamit ng akademikong lengguwahe.

Pagsulat ng Posisyong Papel


Bago magsulat ng posisyong papel, kailangan munang tukuyin ang isyu o paksang
magiging tuon ng papel.kapag malinaw na ang paksa, magpasiya kung ano ang magiging
posisyon. Sa introduksyon, talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad
ang iyong posisyon o ang tesis ng sanaysay. Isulat ito sa paraang nakapupukaw ng
atensiyon.
Simulan ang katawan ng posisyong papel sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga
argumento ng kabilang panig, at pagbibigay ng mga impormasyong sumusuporta sa mga
pahayag na ito. Pagkatapos, pahinain ang mga argementong ito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga ebidensiyang sumasalungat sa mga ito. Ang susunod na bahagi ang
laman ng posisyong papel. Dito iisa-isahin ang mga argumento, opinyon at suportang
detalye. Maaaring maging gabay ang sumusunod na balangkas:
A. Ilatag ang matalino at pinag-isipang opinyon
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
B. Ilatag ang pangalawang argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya
C. Ilatag ang pangatlong argumento
1. Ilahad ang matalino at pinag-isipang opinyon
2. Ilatag ang tatlo o higit pang suporta o ebidensya

Isaalang-alang ang mga magbabasa ng posisyong papel. Sila ba ay mga guro, kapuwa
estudyante o iba pa? Ang pagbuo ng matibay na argumento ay nakasalalay sa pagkilala
kung sino ang mambabasa. Maaaring tanungin ang sarili: Ano ang paniniwala at
pinahahalagahan ng mga mambabasa? Ano kayang argumento ang kanilang
pinapaboran? Ano ang kahalagahan ng paksa sa kanila? Paano maaapektuhan ng
usapin ang kanilang mga interes? Anong ebidensiya ang mas pinaniniwalaan nila?
Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at patatagin ang
introduksiyon at katawan ng papel. Hindi na kailangang magbigay pa ng mga bagong
impormasyon sa bahaging ito. Sa bahagi ding ito, magmungkahi ka ng mga solusyon sa
nakikitang problema.
Kailangan ding isaalang-alang ang etika sa bubuuing posisyong papel. Iwasan ang pag-
atake sa katauhan ng sinumang may salungat na opinyon. Ang ganitong pag-atake ay
tanda ng kawalan ng respeto at pagkakaron ng mahinang argementong sinusuportahan
ng mga ebidensya at iwasang baluktutin ang mga impormasyon.
(Ang kabuuang nilalaman nito ay maaari mong basahin sa aklat na “Pagsulat sa
Filipino sa Piling Larangan: Akademik sa pahina 41-43, (Karapatang-ari 2016 ng DIWA
LEARNING SYSTEMS INC).

Ang layunin ng posisyong papel ay


magsalaysay ng mga argumentong
makapanghikayat sa paningin o
paniniwala ng mga mambabasa. Ang
manunulat ay kailangan niyang kilalanin
ang mga tagapakinig upang mas lalo
niyang maunawaan at maintindihan ang
argumentong inilahad.

You might also like