You are on page 1of 10

ABSTRAK

Ang abstrak ay tinatawag na screening device na naglalaman ng kabuuan ng tesis, disertasyon o pag-aaral.
Isinusulat ito upang mapaikli o maibuod ang laman ng isang pag-aaral.
(Acosta,J, et al, 2016)
Ito ay tinatawag ding maikling lagom ng isang artikulo tungkol sa tiyak na larangan.
Ang mga bahagi ng Abstrak

I. Introduksyon/Panimula
a. Pamagat ng pag-aaral
b. Mananaliksik
c. Uri ng lathalain
d. Paaralan
II. Problema/ Suliranin
III. Iskop ng pag-aaral
IV. Pamamaraan/Metodolohiya ng pag-aaral
V. Samari ng natuklasan, konklusyon at rekomendasyon

Malaki ang naitutulong ng pagbasa at pagsulat sa pagkuha ng impormasyon. At maipag-ugnay –ugnay ang lahat
ng binasa bagama’t ito ay napakahaba ay maaari natin itong mapaikli subalit ito ay may malinaw at maayos pa
ring pagpapahayag.

Ang pagbubuod o sintesis sa larangan ng pagsulat ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan upang ang sari-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang tao ,libro , pananaliksik at iba pa ay
mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa isang malinaw na kabuuan. Mula sa prosesong ito , kung saan
tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya upang makabuo ng bagong ideya.(Acopra,j. et al ,2016)

May mga hakbang sa pagbubuod una; pahapyaw na basahin ,panoorin at pakinggan muna ang teksto, ikalawa;
tukuyin sa mga nakasulat o pinanonood ang paksang pangungusap higit sa lahat ay ang pagtukoy sa mga susing
salita, ikatlo; ang mga ideya ay pag-ugnay-ugnayin, ikaapat; huwag kumuha ng pangungusap mula sa teksto at
siguraduhin ang maayos na pagkakabuo ng buod,ikalima; ang ebidensya at halimbawa ng detalye ay huwag
maglalagay.

BIONOTE
Ang bionote ay makatotohanang pagpapahayag ng personal na propayl ng isang tao. Halimbawa ay ukol sa
kanyang Academic Career at iba pang impormasyon .
Ang pansariling bionote ay tumatalakay sa pansariling buhay ng may akda. At ang paiba naman ay naglalahad ng
makukulay na pangyayari sa buhay ng iba.
Ang payak na paraan ng pagsulat ng bionote sa bawat linya ay ang mga sumusunod: Sa unang linya
dapat na nasusulat ay pangalan ikalawang linya 2 hanggang 4 na pang-uri na naglalarawan sa taong
inilalahad ikatlong linya ay nasusulat ang mga magulang ikaapat na linya ay mga kapatid ikalimang
linya ang mga hilig at gusto ikaanim na linya ang mga kinatatakutan ikapitong linya ang mga
pangarap o ambisyon ikawalong linya ay ang pook ng tirahan at ang ikasiyam na linya ay ang
apelyido.

May mga kontrobersyal na paraan ng pagsulat ng bionote na gaya ng isang ordinaryong pagpapakilala sa paraang
pasalita.
Unang Talata – pangalan, araw ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang at kapatid
Ikalawang Talata – mga katangian, mga hilig, paboriro, libangan, mga bagay na natuklasan sa sarili.
Ikatlong Talata – mga pananaw sa mga bagay-bagay, pangarap, ambisyon, inaasahan sa darating na panahon, mga
gawain upang makamit ang tagumpay.
Iba’t ibang sitwasyon ng pagpapakilala na nangangailangan ng bionote

1. Pagpapakilala sa may akda ng isang aklat.


2. Pagpapakilala sa isang tagapagsalita sa isang kumperensya.
3. Pagpapakilala sa panauhing pangdangal.
4. Pagpapakilala sa natatanging indibidwal.
5. Pagpapakilala sa isang paring magmimisa.

PANUKALANG PROYEKTO
Panukalang Proyekto – isang paraan ng paglalatag ng proposal sa proyektong nais na ipatupad. May layunin
itong maresolba ang mga suliranin .Dapat ay pormal at malinaw ang mga impormasyong takatala.
Isang halimbawa ng Panukalang Proyekto
PORMULARYO NG PANUKALANG PROYEKTO AT MGA IMPORMASYONG DAPAT ILAGAY SA BAWAT BAHAGI
(The Project Proposal Form)
1. Proponent ng Proyekto (Project Proponent)
Isinulat ang indibidwal o organisasyong naghaharap ng panukalang proyekto, adres, telepono o cellphone,
e-mail at lagda
2. Pamagat ng Proyekto (Project Title)
Ang pamagat ay dapat tiyak, maikli at malinaw
3. Kategorya ng Proyekto
(pananaliksik, pagsasalin, pagpapalimbag, patimpalak, seminar/kumperensya, pangaralingaklat at/o
malikhaing pagsulat)
4. Kabuuang Pondong Kailangan (Total Budget Needed)
5. Rasyonal ng Proyekto (Project Rationale)
Isaad ang background, kahalagahan ng proyekto
6. Deskripsyon ng Proyekto (Description of the Project)
Ipaloob dito ang maikling deskripsyon ng proyekto, kategorya o uri nito. Dito rin isasaad ang mga layunin
(panlahat at tiyak) at talatakdaan ng mga gawain.
7. Mga Benepisyong Dulot ng Proyekto (Project Benefits)
Isaad dito ang mga kapakinabangang dulot ng proyekto, sinu-sino ang makikinabang.
8. Gastusin ng Proyekto (Project Cost)
Ilagay dito ang detalyadong badyet na kailangan sa pagsasagawa ng proyekto.

POSISYONG PAPEL

Ang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng
may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa
akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa patnugot hanggang
sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel. Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga
posisyong papel upang isapubliko ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi.

Sa Akademya

Nagbibigay daan ang mga posisyong papel sa akademya upang talakayin ang mga umuusbong na paksa
nang walang eksperimentasyon at orihinal na pananaliksik na karaniwang makikita sa isang akademikong pagsulat .
Karaniwan, pinagtitibay ng isang dokumento ang mga kurokuro o mga posisyong inihirap gamit ang ebidensiya mula
sa malawak at obhetibong talakayan ng naturang paksa.

Sa pulitika

Pinakakapaki-pakinabang ang mga posisyong papel sa konteksto kung saan mahalagang nakadetalye ang
pag-unawa ng pananaw ng isang entidad; sa gayon, karaniwan itong ginagamit sa mga kampanya,organisasyong
pampahalaaan, sa mundo ng diplomasya,at sa mga pagsisikap baguhin ang mga kuro-kuro (e.g. sa pamamagitan ng
pamamahala ng lingkurang bayan) at branding ng mga organisasyon.Mahalaga itong bahagi ng proseso ng Model ng
United Nations .

Sa pamahalaan, ang posisyong papel ay nasa pagitan ng white paper at green paper kung saan kinakatigan nila ang
mga tiyak na opinyon at nagmumungkahi ng mga solusyon ngunit hindi umaabot sa pagdedetalye ng planong kung
paano ipapatupad nito.

Sa batas

Sa pandaigdigang batas ang terminolohiyang ginagamit para sa isang posisyong papel ay aideMémoire . Ang aide-
Mémoire ay isang memorandum na naglalahad ng mga maliliit na punto ng isang iminumungkahing talakayan o di-
pinagsasang-ayunan, na ginagamit lalo na sa mga didiplomatikong komunikasyon

KATITIKAN NG PULONG
Ang pagdalo ng isang pagpupulong ay may malaking ambag sa isang indibidwal kahit sa kanyang pang-araw-
araw na pamumuhay. Maliban sa kanyang pakikisalamuha sa kapwa at maraming tao, nakadaragdag din ng
kaalaman at kung paano humarap at magsalita sa harap ng madla. Nahihikayat ang sarili kung paano maghain ng
mga impormasyon, saloobin at damdamin tungo sa isang makabuluhang tunguhin para sa lahat.
APAT NA ELEMENTO SA PAG-OORGANISA NG PULONG
Ang pag-oorganisa ng isang pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa.

1. PAGPAPLANO (PLANNING)
Mga tanong na dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong.
• Ano ang dapat makuha o maabot ng grupo pagkatapos ng pulong? Ano ang magiging epekto sa grupo
kapag hindi nagpulong?
Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong. Ito ba ay pagbibigay lamang ng impormasyon? May
mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito kung sino ang dapat imbitahan sa pulong.
Magkaroon ng malinaw na layunin, kung bakit may pagpupulong?

• Pagpaplano para sa organisasyon (planning)


• Pagbibigay impormasyon (May mga dapat ipaalam sa mga Kasapi)
• Konsultasyon (May dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang miyembro lamang)
• Paglutas ng Problema (May suliranin na dapat magkaisa ang lahat) Pagtatasa ( Ebalwasyon sa mga
nakaraang gawain o proyekto)
2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon ( liham, text, o berbal ) , kailangan ipaalam sa mga taong dapat dumalo sa pulong. Kailan, petsa, oras
at lugar kung saan idadaos ang pulong. Mga agenda o mga bagay na tatalakayin o pag-uusapan. Ang paghahanda ay
nakadepende rin sa mga partikular na tungkulin ng mga tao sa pulong.

 Tagapangulo ( Chairman /Presiding Officer) Kailangan alam niya ang agenda kung paano patatakbuhin ang
pulong at kung papaano hawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
 Kalihim (Secretary) Kailangan niyang ihanda ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong
nakaraang pulong at iba pang ulat at kasulatan ng organisasyon.
 Mga kasapi sa pulong (Members) Kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para
maging aktibo ang kanilang pakikilahok.
SA IMBITASYON, DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG-UUSAPAN/TATALAKAYIN

MGA USAPIN NG PULONG (AGENDA OF THE MEETING)

 Pagbubukas ng Pulong ( Petsa, Araw, Oras at Lugar na Pagdausan ng Pulong)


 Pagbasa at Pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong ( Reading the minutes of the previous meeting )
 Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman sa nakaraang pulong (Pending Matters)
 Pinakamahalagang Pag-uusapan ( Business of the Day )
 Ibang Paksa ( Other Matters )
 Pagtatapos ng Pulong ( Adjourment )
MGA DAPAT IHANDA SA PAGPUPULONG

Ihanda ang lugar at mga kagamitan gaya ng mesa, mga upuan, sound system, pagkain kung kinakailangan, palikuran
at ang seguridad at iba pa.
Pag-aralan (Research ) ang mga paksa na tatalakayin at kung kinakailangan magtalaga ng taong mas higit na
nakakaalam sa usapin.

3. PAGPROSESO (PROCESSING )
Ang pulong ay dapat may “rules, procedures or standing orders” kung paano ito patatakbuhin. Sa
pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang ginagamit ng union, nagkakaiba
lamang sa mga detalye.
Ang ilang mahalagang patakaran (rules) ng pulong at tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng
desisyon.

 Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang
pulong. Madalas ay limampung bahagdan 50% + 1 ng bilang ng inaasahang dadalo sa pulong.
 Consensus- isang proseso ng pagdedesisyon kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng
mga kasapi sa pulong.
 Simpleng Mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon kung saan kinakilangan ang 50%+1 (simple majority)
ng pagsang-ayon o di-pagsang-ayon ng mga nakadalo ng opisyal na pulong.
 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 0 66% ng pagsang-ayon
o di-pangsang-ayon na dumalo sa isang opisyal na pulong.
MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS

 Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras


 Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras. Alalahanin na ang ibang kasapi ay may iba pang
natatakdang gawain.

4. PAGTATALA (RECORDING )
Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes). Ito ay mahalaga, dahil ito ang opisyal na record ng mga
desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa
mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lamang kalihim ang magtatala, ang mga kasapi ay nagtatala rin nang hindi
nila makalimutan ang pinag-uusapan.
MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG

1. Tagapangulo (Chairperson) tinatawag ding “Facilitator” tagapatnubay o “meeting leader”.


Sinisiguro niya na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Ang “chairperson” ay parang pulis
trapiko na siyang nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong.
MGA PARTIKULAR NA GAWAIN NG CHAIRPERSON

1. Nangunguna at nag-aambag sa usapan.


2. Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.
3. Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa usapan.
4. Nag-aayos ng sistema sa pulong.
5. Namamagitan sa alitan o hindi pagkakaunawan ng mga kasama sa pulong.

2. Kalihim- tinatawag ding recorder , minutes-taker o tagatala. Responsibilidad niya ang sistematikong
pagtatala ng mga napag-usapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala kung ano ang dapat pag-
usapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang maging tuly-tuloy ang pag-uusap.
3. Mga Kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong.
Resposibilidad nila na ipaalala sa “Chairperson at Secretary” ang kanilang mga gawain. Maaari din silang
magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamagitan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag,
nagtatanong, makatwirang pumupuna at gumagawa ng desisyon.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG

1. Malabong layunin sa pulong- dapat malinaw ang layunin sa pulong at iba’t ibang paksang pinag-uusapan at
walang direksyon at ito ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong- walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya
dapat ipairal ang “house rules”.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay-hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at
pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal- may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o mamuna sa pagkatao ng isang
indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya dahil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema-posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng
organisasyon. Sa halip, ang binabanggit nila iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay
na problema.
6. Kawalan ng Tiwala sa isa’t isa- walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa
isa’t isa. Dito kinakailangan ang tinatawag na “IKLAS” manalig sa Panginoon, palaging isipin ang kasabihan:
May makikita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may makikita ka namang isda sa ilog na wala sa dagat.”
7. Masamang kapaligiran ng pulong- masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpulungan kaya hindi
magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso o nanonood,
nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang kinalalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita o
naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong-ang miting ay hindi natatapat sa alanganing oras tulad
halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho.
IWASAN O HINDI DAPAT MAKADALO ANG MGA KASAMANG NAKAGUGULO SA PULONG. SINO SILA? KILALANIN.

1. MR. HULI- papaano hindi tawaging huli eh, Parating Huli-nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang
ipaliwanag at ulitin para sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag-usapan.
2. MR. UMALI-si Maagang Umaalis- umaalis agad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan hindi siya
nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador.
3. MR. SIRA- Sirang Plaka-paulit-ulit ang sinasabi dahil maaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan o
gumagawa ng sariling papel o gustong palaging bida. Dahil dito nauubos ang oras ng pulong.
4. MR. DUDA- Parating nagdududa- anumang tinatalakay sa pulong ay palaging pinagdududahan o
pinagsususpetsahan. Ang tingin niya ay palaging masama o negatibo. Walang tiwala sa kakayahan ng
kasamahan.
5. MR. ILING – Laging Umiiling-iling- parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama.
6. MISS GANA –Walang Gana- bagama’t pisikal na nasa sa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar at may
ibang ginawa o nagbabasa, nagdodrowing, hikab nang hikab, natutulog habang nagpupulong.
7. MR. WHISPER – Bulungero-nakakainis at nakakailang dahil nagsasalita ang mga kasama ng grupo, bulong
siya nang bulong. Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya. (pangitingiti pa kung minsan)
8. MR. APENG DALDAL –Daldalero-halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita.
9. MISS TSISMOSA- nagdadala ng kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong.
Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kwento.
10. MR. HENYO –Masyadong Marunong- ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa mungkahi
ng iba dahil akala niya siya ang palaging tama.

BATAYANG KAALAMAN NG SANAYSAY


Pahapyaw na kasaysayan ng Sanaysay

Sa Panitikang Filipino, ang kaibahan ng makata at ng mananaysay ay nasa antas ng kanilang komunikasyon.
Ang makata ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng pananalinghaga. Samantala ang mananaysay ay
nakikipagtalastasan sa pinakamataas na anyo ng prosa.(Salanga,1990,1)

Sa kasaysayan ng Panitikang Filipino, lumitaw lamang noong 1938 sa bokabularyong Tagalog ang terminong
“Sanaysay”. Ang salitang ito ay nilikha ni Alejandro G. Abadilla. Ayon sa kanya, ito ay ang pagsasalaysay ng
nakasulat na karanasan ng isang pagsasalaysay.(Abadilla Sa Matute 1984,2)
Pagsasanib ng mga salitang “Sanay” at “Salaysay”.
Ang depinisyon ni Abadilla,kung susuriin, ay mayroong pagdidiin sa kasanayan at paggagap ng mananaysay
sa estilo ng pagsasalaysay. Naging pamantayan ni Abadilla sa pagsasanaysay ang mga kanluraning modelo. Bilang
anyong pampanitikan, nagsimula ito kay Michel Eyguem de Montaigne noong 1580 sa kanyang Essais na
“naglalaman ng kanyang mga palagay at damdamin, at noo’y nangangahulugan ng mga pagtatangka, mga
pagsubok, at pagsisikap”(Matute 1984,1).
Ang Sanaysay, ayon kina Isagani Cruz at Soledad Reyes, ay “isang akdang tuluyan na tumatalakay sa ilang isyu”(Cruz
at Reyes,1984,54).
Hindi nalilimitahan ang mga paksa sa sanaysay. Halimbawa kung susulat ang mananaysay, maaari niyang
talakayin ang kanyang mga obserbasyon habang nag-aabang isang araw na malakas ang ulan at mahaba ang pila sa
dyip. Maaari rin naman na maisulat niya ang mga nakita niyang nakatutuwang pangalan ng mga tindahan o kainan
tulad ng PINOY BIG BAKER o WASHING WILL habang nagbibiyahe. Sa madaling sabi, kahit ano mula sa mga personal
na karanasan tungo sa karanasan ng iba, maaaring paksain sa sanaysay,ang sanaysay ay maaring bilang bukal ng
karanasan, ideolohiya, obserbasyon, paniniwala at pagpapahayag.
Pagbuo ng Sanaysay
Ang sumusunod na ilustrasyon ay nagpapakita kung paano ang mga letra/tunog, salita, pangungusap,
talata, at sanaysay ay may kaugnayan/koneksyon sa isa’t isa. Sa yunit na ito pagaaralan natin ang sanaysay.
Tunog

Salita

Pangungusap

Talata

Katangian ng Sanaysay
-May estruktura
-Organisado ang mga ideya -Makatotohanan at kapani-
paniwala
-May estilo/paraan.

Dalawang uri ng Sanaysay batay sa anyo

Pormal o maanyo- masinsing ang pag-oorganisa ng datos,malinaw,lohikal at kapani-paniwala ang mga


pagpapaliwanag.
HALIMBAWA: Tesis o pananaliksik , lektyur , simposya , eksam , talumpati atbp.
Impormal o malikhain- nagpapaliwanag sa mga gawi , kostumbre at estilo ng pamumuhay ng mga katutubo
(Quindosa-Santiago,2006)
HALIMBAWA:Talaarawan , liham , panayam , lathalain , talambuhay , travelogue , photo essay.
Bahagi ng Sanaysay
Panimula - simulang talata. Naglalarawan sa pamagat.
Katawan/Gitna - panggitnang talata , nagpapaliwag sa panimulang talata/pamagat.
Pangwakas - nagbibigay ng konklusyon sa nilalaman.
Isa sa pinakapopular na anyo ng sanaysay ay ang lakbay-sanaysay.

LAKBAY-SANAYSAY
Sa Ingles , tinatawag itong travel essay , travel literature o travelogue.
Bukod sa pagiging popular , isa rin itong anyo ng pagsusulat na maaaring maging propesyon o hanapbuhay.
Sa mundong pinatatakbo ng paglalakbay at turismo , mahalaga ang lakbay-sanaysay tulad ng mga travel guide at
travel article upang itaguyod ang isang lugar para sa mga manlalakbay o sa mga permanenteng residente.
Ang lakbay-sanaysay ay isang sanaysay na hindi lamang tungkol sa isang lugar o paglalakbay. Ito rin ay
tungkol sa kung ano ang madidiskubre ng isang manunulat tungkol sa pamumuhay ng mga taong naninirahan sa
lugar na iyon.
Ang lakbay-sanaysay ay nagmula sa salitang “sanaysay” salaysay ng sanay. Kasanayan sa pagsusulat gaya ng
retorika at gramatika , lirikal na wika at mga tayutay , pinakamahalagang kahilingan, ang pagtataglay ng kasanayan
sa paglalakbay at sa buhay .
May mga uri ng paglalakbay kaya naman may iba’t ibang uri o pokus ang mga sanaysay. Ito ang mga
sumusunod: pilgrimage , heritage , shopping , pop culture , ancestry , creative , hobby , literary , cultural ,whale
watching , culinary , ecotourism , volunteer , walking tour , at marami pang iba.
Ang mga nais magsulat ng lakbay-sanaysay ay nangangailangan ng galing, pamamaraan , at kaalaman ng
isang manlalakbay , ang terminong ginamit ay manlalakbay hindi isang turista . Malaki ang pagkakaiba ng dalawang
ito . Ang isa’y manlalakbay ay may kaalaman talaga sa paglalakbay bilang pagkilala sa lugar at pagtuklas ng bagong
daigdig; samanatalang ang turista nama’y naglalakbay sa mga piling lugar lamang at madalas ay upang aliwin ang
sarili sa limitadong bilang ng araw . Ang manlalakbay ay interesado sa kasaysayan , topograpiya sa lugar , pagkain ,
pang-arawaraw na pamumuhay , panitikan , pulitika , wika , at relihiyon ng isang lugar . Para sa turista , sekondarya
lamang ang mga ito. Mahalaga sa kanya ang aliwin lamang ang sarili.
Apat na dahilan sa pagsusulat ng anyong ito ;

1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.


2. Makalikha ng patnubay para sa mga possible manlalakbay.
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng pag-unlad ng ispiritwalidad , pagpahihilom , o kaya’y
pagtuklas sa sarili at ,
4. Isadokumento ang kasaysayan , kulutura at geography ng lugar sa malikhang pamamaraan.

Sa mga nabanggit na dahilan / layunin , matatandaan ang winika ni Alexandra Cockburn. Aniya , “The travel
writer seeks the world we have lost - the lost valleys of the imagination.”
Anuman ang layunin , ang lakbay- sanaysay ay kadalasang naglalaman at nagtatala ng mga sumusunod;

1. Karanasan ng awtor sa paglalakbay


2. Pagtuklas ng isang lugar , tao , at sa sarili
3. Isang paraan ng pagkilala sa sarili
4. Malinaw na pagkaunawa at perspektibo ukol sa narasanan.

PICTORIAL ESSAY
Ang pictorial essay ay isang koleksyon ng mga imahe na inilagay sa isang partikular na pagkakasunod –
sunod upang ipahayag ang mga pangyayari,damdamin at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.
Ang mga litrato mula sa kamera ang siyang bumubuo ng naratibo o kuwento sa pictorial essay.Madalas
makita ang mga pictorial essay sa mga eksibit at diyaryo. Nakatutulong sa pagbuo ng pictorial essay ang mga
kapsyon ng bawat larawan.Pina pagana ang imahinasyon ng “mambabasa” ng teksto at larawan upang maunawaan
ang mensahe,layunin at naratibo ng kamukha ng mga litrato.
Paraan ng Pagbuo ng Pictorial Essay

1.Siguraduhing pamilyar sa paksa.


2.Kilalanin kung sino ang mambabasa
3.Malinaw ang layunin.
4.May kaisahan ang mga larawan.

Mga dapat tandaan sa paggawa Pictorial Essay

 Maghanap ng isang paksa na ayon sa interes.


 Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang pictorial essay.
 Hanapin ang “tunay na kuwento.” Matapos ang pananaliksik,maaari mo nang matukoy ang anggulo ng
gusto mong dalhin ang iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng kuwento ay pareho.Ang mga
pangunahing dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng isang kapani-paniwala at natatanging
kuwento.
 Ang kuwento ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.Pinakamahusay na paraan upng
ikonekta ang iyong larawan sa madla ay ang mga damdaming nakapaloob sa kuwento at gamitin ito sa mga
larawan.
 Pagpasyahan ang mga kukunang larawan.Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga kuha para sa
kuwento.Ang bawat”shot”ay tulad ng isang pangungusap sa isang kuwento sa isang talata.
 Maari kang magsimula sa 10”shots”ang bawat”shot” ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang konsepto o
emosyong maaring pinagtagpo kasama ng iba pang mga larawan.

REPLEKTIBONG SANAYSAY
Ang replektibong sanaysay ay isang sanaysay na hindi lamang upang matalakay ang natutunan, bagkus iparating ang
pansariling karanasan at natuklasang resulta sa espisipikong paksa. Naglalayon din ito na ipabatid ang mga nakalap
na impormasyon at mailalahad ang mga pilosopiya at karanasan.

• isang akademikong sanaysay


• natutuklasan ang sariling pag-iisip tungkol sa isang paksa
• hindi kailangan sumangguni
• personal at subhetibo

Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay

• nagpapahayag ng damdamin
• proseso ng pagtuklas
• natutukoy ang kalakasan at kahinaan
• nakaisip ng solusyon
Paraan ng Pagsulat

• Huwag limitahan ang mga tanong at sagot


• Gamitin bilang pangunahing ideya o tesis ang : o argument o ideyang susuporta o ebidensya o
makakatotohanang pahayag o kongklusyon: ibuod lahat
TALUMPATI

Ang talumpati ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon at binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.
Itinuturing itong isang sining . May layunin itong manghikayat , tumugon , mangatwiran o maglahad ng isang
paniniwala.

Iba’t ibang Uri ng Talumpati

1. Impromtu – isa itong biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda. Ang paksa ay
ibinibigay na mismo sa oras ng pagtatalummpati.
Mga Pamamaraang maaring gawing gabay sa pagbigkas ng biglaaang talumpati:
 Maglaan ng oras sa paghahanda
 Magkaroon ng tiwala sa sarili
 Magsalita nang medyo mabagal
 Magpokus
2. Ekstemporaryo – ang tagapagsalita ay may nakalaang panahon upang ihanda ang sarili sa pagtalakay ng
isang paksa.
3. May Paghahanda o Prepared – naihanda na ang teksto at maaaring naisaulo na ng tagapagsalita . May
paglalapat na ng mga angkop na kilos at kumpas .
MGA KASANGKAPAN NG TAGAPAGSALITA/ MANANALUMPATI

1. Tinig – ang tinig ay nakatutulong sa pag-unawa sa nilalaman ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa
nilalaman ng pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o bilis ng pananalita , pagbibigay-diin
sa mahahalagang salita o mensahe na kailangang maunawaan ng mga tagapakinig, tono ng tagapakinig,
pagtaas at pagbaba ng tinig ay madaling makaakit sa madla.
2. Tindig – sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks. Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig
militar na parang naninigas ang katawan. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan upang makuha agad
ang atensyon ng mga tagapakinig .
3. Galaw – tumutukoy ito sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa pagsasalita o
pagpapahayag ng kaisipan. Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig, galaw ng ulo at
katawan. Ang mga nabanggit ay nakatutulong sa paghahatid ng mensahe.
4. Kumpas ng kamay – Nakatutulong ang kumpas ng kamay sa pagbibigay-diin sa mga sinasabi. Nakatutulong
din ito sa pagpapatuloy ng diwa imbes na “umm , saka, bale “ ang lumalabas sa tuwing may kailangang
alalahanin sa pananalita. Mahalaga ring iayon ang kumpas ng kamay sa binibigkas na salita. Hindi dapat
makaagaw ng pansin ang sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA

1. Kahandaan
Sa parteng ito ay malalaman agad ng mga tagapakinig kung pinaghandaang mabuti ang talumpati sa
introduksyong binibigkas ng isang tagapagsalita. Kapag maganda ang panimula ay makukuha agad ang atensyon ng
mga tagapakinig. Kung alam ng tagapagsalita ang uri ng kanyang tagapakinig ay mailulugar niya ang pagpapatawa,
pagtatanong at iba pang teknik para makuha ang kanilang atensyon.
2. Kaalaman sa Paksa

Masasalamin ang sapat na kaalaman sa paksa ng tagapasalita sa paraan ng pagtalakay na ginagawa niya.
Makikita ang kanyang kahusayan sa paraan ng pagpapaliwanag , pagbibigay ng interpretasyon,paglalapat,
paghahambibg , pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madali ring matuklasan kung
kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil nararamdaman ito sa kanyang tinig at kilos.

3. Kahusayan sa Pagsasalita
Madaling makaganyak ng tagapakinig ang isang mahusay na tagapagsalita. Ibinabagay ng isang
tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng talumpati . Makikita rin dito ang kasanayan sa wika gaya ng
paggamit ng angkop na salita , wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita.

4. Tiwala sa sarili
Mahalaga itong katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalita. Kailangang buo ang loob bago , habang at
hanggang matapos ang pagsasalita sapagkat magsisilbi itong batayan ng pagkakaroon ng interes at
pagbibigay respeto ng mga tagapakinig

You might also like