You are on page 1of 7

Republika ng Filipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
FILIPINO SA PILING LARANG: AKADEMIK

PAMAGAT NG ARALIN: PAGSULAT NG SULATING AKADEMIKO


(KATITIKAN NG PULONG AT SINTESIS)

MELC: Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa isang pulong upang makabuo ng


sintesis sa napag-usapan. CS_FA11/12PN-0j-I-92
ANG KATITIKAN NG PULONG
Ang katitikan ng pulong o minutes of the meeting kung tawagin sa wikang Ingles
ay isang uri ng dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon. Ito ay
isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal na kinakailangaang pag-aralan upang higit
na mapagbuti at malinang ang kasanayan na siyang magagamit sa hinaharap at napiling
propesyon.
∙PANGUNAHING GAMPANIN NG KATITIKAN NG PULONG

 Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa mga napag-usapan sa pulong.


 Naisusulat ang kapasiyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.
 Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain sa
kanila, ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain at
responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong.
 Nalalaman din kung sino-sino ang mga dumadalo at hindi dumadalo sa pulong.
 Tumatayong batayan para sa susunod na pulong.

LIMANG PANGUNAHING HAKBANG NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGGAWA


NG KATITIKAN NG PULONG

1. Paunang Pagpaplano. Ang planadong pulong ay nagdudulot ng maayos na resulta sa


samahan at sa buong miyembro nito.

2. Pagtatala ng mga napag-usapan. Bago simulat ang recording, alamin muna kung ano-
anong impormasyon o datos ang kinakailangang maitala.

3. Pagsulat ng napag-usapan. Ang kalihim ang may tungkuling magtala ng katitikan.

4. Pamamahagi ng sipi ng katitikan ng pulong. Bilang opisyal na tagapagtala bahagi ng


responsibilidad ng kalihim ang pamamahagi ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng
samahan.

5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring responsibilidad ng tagapagtala


ang makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap.
PANGKALAHATANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG

1. Iskedyul at oras ng pulong.

2. Tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli, at naunang umalis

3. Pagwawastong ginawa sa mga nakaraang katitikan ng pulong

4. Resulta ng mga kapasiyahang isinasagawa

5. Mga hakbang na isinasagawa

6. Mga usapin mula sa nakaraang pulong at mga bagong usapin

7. Iskedyul ng susunod na pulong

20 Gabay Para sa Mabisang Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


(Mula sa Business Training Works Inc. 2016. Binuksan noong January
2016.https://www.businesstrainingworks.com)

1. Ihain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskedyul na pulong.
2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong.
3. Ilatag ang mga usapin o agenda.
4. Piliin ang pinakamainam na metodo (laptop, notebook, recording, at iba pa)
5. Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan.
6. Maglaan ng espasyo sa agkuha ng mga detalye
7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong.
8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong,
9. Bukod sa pangangailangan, mainam nag awing pamilyar ang sarili sa mga tanggapan ng
kanilang kinakatawan.
10. Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis ang proseso ng pagtatala.
11. Making ng may pag-iingat upang walang makaligtaang detalye.
12. Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa mga opinyong walang tiyak
na batayan.
13. Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat.
14. Maging tiyak
15. Itala ang mga mahahalagang mosyon.
16. Itala rin ang mga hindi natapos ng mga usapin, ganundin ang mg nabinbing talakayan.
17. Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong.
18. Lagumin ang lahat ng mahahalagang mga detalye.
19. Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang katitikan upang walang makaligtaang
datos.
20. Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi. Mainam na tiyak at tumpak ang
lahat ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo, pagpapasya, at mga mosyon.

PAGSULAT NG SINTESIS
MELC: Nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin.
CS_FA11/12PU-0d-f-93
KAHULUGAN NG SINTESIN
1. Salitang Griyego- syntithenai (syn-kasama; magkasama; tithenai-ilagay; sama samang ilagay)
2. Pilisopiya- bahagi ito ng metodong diyalektal ni Georg Friedrich Hegel kaugnay ng pagbuo o
katuwiran.
3. Tesis o Argumento- iniuugnay ang sintesis o kontra-argumento, at, sa huli, ang sintesis o
rekonsilasyon ng mga idea na nakapaloob sa naunang dalawa. Ang buong proseso ay
nakabubuo ng bagong tesis.
4. Pagsulat- ang sintesis ay isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan upang ang sari-saring idea o datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan (tao, libro,
pananaliksik at iba pa) ay mapagsama-sama at mapag isa tungo sa isang malinaw na kabuoan
o identidad. Mula sa prosesong ito kung saan tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya,
makabubuo ng bagong idea.
Samakatuwid, ang sintesis ay pagsasama-sama ng mga idea tungo sa isang
pangkalahatang kabuuan ng nangangailangan ng analisis sa simula (kabuuang datos, ideya at
paksa).
Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga idea dahil nangangailangan ang mga ito
ng iba’t ibang batis ng impormasyon.

MGA ILANG HAKBANG AT MUNGKAHI SA MAAYOS NA PAGBUBUO NG SINTESIS

1. Introduksiyon

Sisimulan sa isang paksang pangungusap na magbubuod o magtutuon sa pinakapaksa


ng teksto. Banggitin ang mga sumusunod;
a. Pangalan ng may-akda
b. Pamagat
c. Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa
2. Katawan
a. Organisahin ang mga idea upang mauri kung may nagkakapareho. Gumawa ng isang
sintesis grid (halaw s 2020 Learning Center, University of Sydney) upang masigurong maayos at
sistematiko ang daloy sa pagkuha ng impormasyon.

Sintesis Grid (Talk Show sa TV)

Pamagat ng Programa________________ Network_______________


Paksa_____________________________
Petsa_________________
Host/s_____________________________

Kinapanayam:
1. __________________________________
2. __________________________________
3. __________________________________

Kinapanayam Posisyon Katwiran Komento

Kinapanayam
1.

Kinapanayam

2.

Kinapanayam

3.

Sintesis Grid ( Pananaliksik)

Sanggunian Petsa ng Paksa Pangunahi


ng Ideya
May-akda Pagkakalimbag

1.
2.
3.
4.
5.

b. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing idea.


c. Simulan sa pangungusap o kataga ang bawat talata. Naglalahad ang pangungusap o
katagang paksa ng talata.
d. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-ibang
paksa o opinyon sa isang paksa.
e. Gumamit ng angkop na mga transisyon (halimbawa: gayundin, sa kabilang dako,
gayunman at iba pa) at paksang pangungusap. Banggitin din ang pinagkuhanan (halimbawa:
“na ayon sa Daluyan Journal, Vol. VI, 2009”)
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga
idea, opinyon, paniniwala, reaksiyon, at iba pa. g. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas
maikli mas mabuti ngunit may laman, lalim, at lawak.
h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam, o pinagkunan ng impormasyon.

3. Kongklusyon
Ibuod ang nakitang mga impormasyon at pangkalahatang koneksiyon ng iba’t ibang
pinagsamang mga idea. Maaaring magbigay komento rito o kaya’y magmungkahi (halimbawa;
mas malalim pang pananaliksik, pag-aaral, obserbasyon, diskusyon, at iba pa tungkol sa
paksa.) Maaaring nasa unang bahagi.

a. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal.


b. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, kumperensiya, o panel discussion.
c. Rebyu ng mga literaturang pinagkuhanan ng impormasyon o idea ukol sa isang paksang
may maraming may-akda na sinangguni para sa sinusulat na tesis o disertasyon.
d. Report ng dokumentaryo ukol sa isang paksa na may iba’t ibang taong kinapanayam.
e. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na paksa.

MGA HALIMBAWA

Narito ang isang halimbawa ng dayagram ng isang SINTESIS.


Unawain at suriing mabuti ang mga nilalaman nito.

Halimbawa ng Dayagram ng isang Sintesis

Introduksyon
Paksa
Paksang Pangungusap

Pinagkukunan Pinagkukunan Pinagkukunan

Batis 1 Batis 2 Batis 3

Katwiran
(Pagkakapareho o
Pagkakaiba)

Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon

Kongklusyon
Kabuoang Ideya
Mungkahi o Komento

HALIMBAWA:
1. Sa isang interbyu sa isang tao, iba-iba ang tinatanong ng mag-iinterbyu gaya ng tungkol
sa pamilya, propesyon, opinyon sa paksa, at iba pa. Kaya iba-ibang opinyon naman
ang maririnig.
2. Sa panel discussion naman, iba-iba ang taong nag-uusap tungkol sa isang paksa.

PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
1. Ano-ano ang inirerekord sa katitikan ng pulong?
2. Bakit isang komplikadong kasanayan ang pagsulat sa katitikan ng pulong?
3. Ano ang kahalagahan ng katitikan ng pulong at sintesis?
4. Paano magiging historikal na dokumento ang katitikan ng pulong?
PAGSASANAY 2
Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem sa ibaba. Isulat ang titik ng piniling sagot sa
kuwaderno.
1. Ito ay ang nagsisilbing permanenteng hawak ng isang kalihim hinggil sa isang usapin.
A. replektibong sanaysay C. katitikan ng pulong
B. lakbay sanaysay D. sintesis
2. Ang sumusunod ay mga kahalagahan ng pagsulat ng katitikan ng pulong MALIBAN sa isa. Alin
dito?
A. Nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa lakbay sanaysay.
B. Upang ipaalam sa mga sangkot sa pulong ang mga qnangyari noong nakaraang pulong.
C. Ito’ y isang permanenteng rekord upang matandaan ang mga detalye ng napag usapang
pulong.
D. Upang ipaalala sa indibidwal ang kanilang mga papel o responsibilidad sa isang
partikular na proyekto.
3. Ano ang dapat gawin bago magsimula ang pulong?
A. Kumain ng marami sapagkat maaaring matagal ang pagpupulong.
B. Iplano muna ang mga dapat pag-usapan upang maging maayos ang pulong.
C. Isulat ang napag-usapan sa pagpupulong.
D.Ibahagi sa iba ang mga napag-usapan.
4. Alin sa sumusunod ang hindi kasama sa mga bahagi ng katitikan ng pulong?
A. Iskedyul at oras ng pulong
B. Tala ng mga dumalo at di-dumalo.
C. Pagbibigay ng pagkain
D. Iskedyul ng susunod na pulong
5. Ano ang salitang Griyego na ibig sabihin ay makasama?
A. sentimental C. syntithenai
B. siyentipiko D. synteno
6. Anong anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan upang ang sari saring
idea na nakapaloob sa tesis at pilosopiya?
A. tesis C. pagsulat
B. pilosopiya D. pagbasa
7. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pinagsama-samang idea tungo sa pangkalahatang
kabuoan ng nangangailangan ng analisis sa simula?
A. salita C. sintesis
B. pangungusap D. buod
8. Paano sinisimulan ang isang introduksiyon ng isang sintesis?
A. Sinisimulan ito sa isang paksang pangungusap na magbubuod sa pinakapaksa ng
teksto.
B. Sinisimulan ito sa isang lugar na maaaring makakuha ng usapin sa paksa.
C. Sinisimulan ito sa isang organisasyong maaaring magbigay ng tulong.
D. Sinisimulan ito sa isang tao na pag-uusapan sa paksa.
9. Dito makikita ang pagbubuod ng nakitang impormasyon at pangkalahatang koneksiyon ng iba’t
ibang pinagsamang mga idea.
A. kongklusyon C. katawan
B. introduksiyon D. aplikasyon
10. Bakit kailangang gumamit ng transisyon at paksang pangungusap sa isang sintesis?
A. Upang magkaroon ng maayos na transisyon sa pangungusap.
B. Dahil ito ay nakakapagpaganda ng isang gawain.
C. Upang Makita ng mambabasa ang kahalagahan nito
D. Upang maraming tao ang gumamit ng ganitong pamamaraan.

You might also like