You are on page 1of 11

Senior High School Department

A.Y 2020-2021

Self- Paced Module in Filipino 51

(Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Akademik)

Prepared by: Gwendolyn G. Naya, Mylene G. Reyes, Baltazar Banico

Petsa: Week 4 August 24-28, 2020

Week 1 September 1-4, 2020

Modyul 4

Mga Kasanayang Pampagkatuto:

 Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling


sulatin
 Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan ng
mga binasang halimbawa
 Natutukoy ang mahahalagang impormasyong pinakinggan upang makabuo ng katitikan
ng pulong at sintesis
 Nakabubuo ng sulating may batayang pananaliksik ayon sa pangangailangan

I. Paksa: Akademikong Sulatin: Sintesis

II. Mga Layunin na kinakailangang matamo pagkatapos ng modyul 4

 Naipapaliwanag ang kahulugan ng sintesis


 Natitiyak ang mga katangian ng sulating sintesis
 Nakakasulat ng isang sintesis na naglalahad ng komitment sa integridad at
pagpapahalaga sa katapatan sa pagsulat.
GAWIN MO!
III. Gawain I.

Panuto: Basahing mabuti ang ibinigay na sulatin unawain at hanapin ang Kabuuang
Datos at pangalawang datos at mga ideya sa sulatin isulat ang mga datos na nakalap
gamit ang graphic organizer ng isang sintesis na nasa ibaba.

Pamagat:Cyberbullying
Uri:Background Synthesis
Anyo: Explanatory

Ayon sa The Philippine Star (2012) na ang paaralan ang may responsibilidad sa pangyayaring
ito. Dapat nalalaman ng pamunuan ng paaralan kung may nagyayaring bullying sa kanilang
compound.

Sinasabi din ni Patricia Perol (2016) na dapat bigyang pansin ang bullying, lalo’t higit ang mga
binubully. Dapat ang lahat ay handa kapag napaharap sa nasabing pambu-bully, anumang klase
ng pambu-bully ito. Isa pang importanteng punto nito ay ang pagpapaalala sa lahat ng magulang
na kailangan nilang gabayan ang kanilang anak sa mahusay na pamamaraan.

Ayon kay Bb. Perol na lingid sa ating kaalaman na ang bullying ay nangangahulugang
pangungutya sa kapwa tao dahil mayroon syang pagkakaiba sa isang tao na wala sa kanila at
Karaniwang panunukso ang pinakpangunahing nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
Makakita lamang sila ng kakaiba sa paningin nila ay agad nila itong tutuksuhin o di kaya’y
napansin nila ang isang bata na nag-iisa ay agad itong lalapitan at saka tutuksuhin.

Ayon kay Schmookblog (2016) Dahil sa patuloy na paglaganap nito, lalo na sa mga kabataan,
nagsusulong na ng mga batas at kampanya upang ito’y matigil na. Sa kahulugan pa lamang nito
ay masasabi nating ito ay maaring magkaroon ng negatibong epekto sa ibang tao, lalo na sa mga
kabataan ngayon. Sa kasalukuyan, tayo ngayon ay nasa “iGeneration”, ibigsabihin. Sa isang
pindot lamang sa telepono or kompyuter, maari mo na magawa ang lahat.

-Bb. Hazel Donnabelle Fontanilla


Graphic Organizer ng Sintesis

Gamitin ang ibiniga na graphic organizer para sa sintesis.

Datos

Ideya

Datos

Ideya Datos
Pangkala-
hatang Ideya

Datos Datos
Ideya Ideya
IV.TALAKAYAN

sintesis

Mula sa salitang Griyego na syntithenai ( syn= kasama:


magkasama; tithenai=ilagay; sama-samang ilagay) ang
salitang sintesis

Sa larangan ng pagsulat, ang sintesis ay isang anyo ng


pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan
upang ang sasri-saring ideya o datos mula sa iba’t ibang
pinanggalingan ay magapgsama-sama at mapag-isa tungo
sa isang malinaw na kabuuan o identidad.

Taglay nito ang sagot sa mga importanteng tanong


katulog ng “Sino, ano, paano, saan, at kailan” na ganap
ang mga pangyayari.
Ang sintesi ay pagsama-sama ng mga ideya tungo sa
isang pangkalahatang kabuuan . Mahalaga sa sintesis
ang organisasyon ng mga ideya dahil nangagaling ang
mga ito sa iba’t ibang batis ng impormasyon.

Sa Pagbuo ng isang magandang sintesis kinakailangang gawing batayan ang dayagram


ng Sintesis. Narito ang mga halimbawa ng dayagram ng isang sintesis:

Introduksiyon

Paksa

Paksang Pangungusap

Pinagkunan Pinagkunan Pinagkunan

(Batis) (Batis) (Batis)

1 2 3

Katuwiran (pagkakapareho o pagkakaiba)

Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon

Kongklusyon

Kabuuang Ideya

Mungkahi o Komento
Tignan at unawaing mabuti ang nilalaman ng nasa link na ito
https://prezi.com/5rnbkuln8xi0/pagsulat-ng-buod-at-sintesis/ .

SAGUTIN MO!
V. Paglalahat
Panuto: Bilang paglalahat sa paksa sagutan ang mga tanong na nasa ibaba. Sagutin
ang mga tanong sa isang buong papel ( gamit ang Pages o MS Word).

1. Bakit mahalagang malaman ang mga katangian ng isang sentisis?


2. Papaano makakatulong ang paggamit ng sentesis sa isang akademikong sulatin?
3. Gaano kahalagang maunawaan ang diagram ng isang sintesis?
4. Ano ang pinagkaiba ng Abstrak sa Sintesis?
5. Bakit mahalaga ang isang sintesis sa isang manunulat sa akademikong sulatin?
GAWIN MO!
IV. Aplikasyon
Panuto: Organisahin ang mga ideya upang masuri ng mabuti ang mga impormasyong
kinuha. Tignang mabuti ang Sintesis Grid na nasa ilalim, punan ang mga hinihingi sa
sintesis grid, humanap ng isang talk show para paghahanguan o pagkukunan ng mga
impormasyon na hinihingi ng sintesis grid. Ang grid ng Sintesis ay mayroong 50
puntos. . Gumamit ng Pages o MS Word sa paggawa ng gawain.

Sintesis Grid (Talk Show sa TV)

Talk show #1

Pamagat ng Programa: Network:


Paksa: Petsa:
Host(s):
Kinapanayam: 1.
2.
3.
Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento
Kinapanayam 1
Kinapanayam 2
Kinapanayam 3

Talk show #2

Pamagat ng Programa: Network:


Paksa: Petsa:
Host(s):
Kinapanayam: 1.
2.
3.
Kinapanayam Posisyon Katuwiran Komento
Kinapanayam 1
Kinapanayam 2
Kinapanayam 3
SAGUTIN MO!
II. Pagsubok
I. Panuto: Maghanap ng isang Pamanahong Pananaliksik na pagbabatayan sa
gagawing Sintesis Grid para sa pananaliksik at ang graphic organizer sa
sintesis. Suriing mabuti ang pananaliksik na ginawang batayan at punan ang
mga hinihingi sa dalawang grid na nasa ibaba. Tandaan kinakailangang nasa
taong 2014-2020 na ilathala ang pamanahong papel. Gumamit ng Pages o MS
Word sa paggawa ng gawain. Mayroong 60 puntos ang gawain na ito.

Sintesis Grid ( Pananaliksik)

Sanggunian Petsa ng Pagkalimbag Paksa Pangunahing Ideya


May-Akda
1.

2.

3.
Introduksiyon

Paksa

Paksang Pangungusap

Pinagkunan Pinagkunan Pinagkunan

(Batis) (Batis) (Batis)

1 2 3

Katuwiran (pagkakapareho o pagkakaiba)

Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon

Kongklusyon

Kabuuang Ideya

Mungkahi o Komento

You might also like