You are on page 1of 12

1

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga Ando, Jasmine
Guro Cueto, Haela
Dela Rosa, Paulo
Olid, Everlinda
Padolina, Leigh

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Lesson Plan Baitang 8
Heading
Unang Markahan

3.3. Nahihinuha na:


Kasanayang
b. Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita at di-pasalita at
Pampagkatuto
virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
DLC (No. &
pakikipagkapwa
Statement)

Dulog o PNU ACES (Transpersonal)


Approach

Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

C- Pangkabatiran: nakakilala na ang pagiging sensitibo sa anumang uri


ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng pakikipagkapwa
Panlahat na
Layunin A- Pandamdamin: napahahalagahan na ang pagiging sensitibo sa
(Objectives) anumang uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
pakikipagkapwa

B- Saykomotor: nakagaganap ng mga paraan ng pagiging sensitibo sa


anumang uri ng komunikasyon
2

PAKSA
Sensitibong Pakikipag-komunikasyon
(TOPIC)
Inaasahang
Pagpapahalaga Goodness
(Value to be
developed)

Ang pagiging sensitibo sa anumang uri ng pakikipagkomunikasyon at


pagkilala sa kahalagahan nito ay nakapagpapaunlad ng
Konsepto ng
pakikipagkapwa. Kung kaya’t ang pagganap ng mga paraang
Pagpapahalaga
naisasakatuparan ang pagiging sensitibo ay siyang makatutulong sa
(1-3 sentences)
paghubog ng kabutihan ng tao.

1. Arkansas State University. (2018, June 19). 3 Main Types of


Communication. Retrieved from
https://degree.astate.edu/articles/undergraduate-studies/3-
main-types-of-communication.aspx

2. Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 8. 2013. pp. 53-74

SANGGUNIAN 3. Explearning. (n.d.). Sensitivity in Communication. Retrieved from


(APA 7th Edition https://explearning.co/blog/7ecshgq5/sensitivity-in-
format) communication
(References)
4. Goodwin College of Professional Universities. (2018, July 12). Five
Types of Communication. Retrieved from
https://drexel.edu/goodwin/professional-studies-
blog/overview/2018/July/Five-types-of-communication/

5. The Most Disturbing Dinner. (2014, August 24). [Video]. YouTube.


https://www.youtube.com/watch?v=C0w4aJJ9-BA

PowerPoint Presentation
Laptop
MGA KAGAMITAN
Canva Application
(Materials)
Jamboard Application
Lino Canvas Application
Penzu Application
Technology
PANLINANG NA Pamamaraan/Strategy: Video Storytelling Integration
GAWAIN
(Motivation)
3

Panuto: Panoorin at unawain ang isa sa mga


patalastas ng Lucky Me na may pamagat na “The
Most Disturbing Dinner”

Youtube Link:
https://www.youtube.com/watch?v=C0w4aJJ9-BA

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naramdaman mo matapos


mapanood ang patalastas?
2. Ano ang paksa ng patalastas? Ano ang nais
nitong iparating?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng
magandang komunikasyon sa pamilya? Sa
iyong palagay, papaano ito mapalalago?

Technology
Dulog: Transpersonal Integration

Pamamaraan/Strategy: Self-Awareness Activity


PANGUNAHING
Panuto: Magsulat ng iyong nais na sabihin (o
GAWAIN
mensahe) sa iyong mga kaklase sa Lino Canvas link
(Activity) na inihanda ng iyong guro. Pagkatapos nito, ay
basahin mo nang tahimik ang mga mensahe ng iyong
mga kaklase sa ilalim ng iyong pangalan at sagutan
ang mga sumusunod na katanungan.
4

Lino Canvas Link: https://bit.ly/3pzTeVb

1.Anong uri ng mga salita ang iyong inilagay sa ilalim Technology


Integration
ng pangalan ng iyong mga kaklase? (C)
2. Sa tingin mo, ano ang naramdaman ng iyong mga
kaklase na binigyan mo ng mga salita o pangungusap
na ito? (A)
3. Anong uri naman ng mga salita ang iyong
natanggap mula sa iyong mga kaklase? (C)
4. Ano ang naramdaman mo ng mabasa mo ang mga
mensahe na mula sa iyong mga kaklase? (A)
5.Mula sa mga naramdaman mo at ng iyong mga
MGA kaklase, bakit mahalaga na maging sensitibo sa
KATANUNGAN
pakikipagkomunikasyon sa mga taong malapit sayo?
(Analysis)
(C)
C-A-B
6. Sa susunod na pagkakataon, paano mo ipapakita
ang pagiging sensitibo sa pakikipagkomunikasyon sa
mga taong malalapit sa iyo? Sa mga paraang ito,
talaga bang ikaw ay naging sensitibo? Patunayan.
(C/B)
5

Technology
Balangkas (Outline) Integration

1) Kahulugan ng Komunikasyon
a) Pasalita
b) Di- Pasalita
c) Virtual
2) Mabuting pakikipag-komunikasyon bilang
isang kasanayan.
a) Makatutulong sa pagpapaunlad ng
ugnayan sa kapuwa.
b) Maayos na maipapahayag ang sarili sa
iba.
3) Mga kaparaanan para sa epektibo at
sensitibong pakikipagkomunikasyon.
a) Malinaw na pagpapahayag ng
mensahe.
b) Makinig ng mabuti sa mensahe ng
kapuwa.
c) Magkaroon ng paggalang sa
pagpapahayag ng mensahe.
PAGTATALAKAY
(Abstraction)
Nilalaman (Content)
Ano ba ang komunikasyon? Ito ay ang proseso ng
pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal (Bernales et.al, 2002). Ito ay ang pagbabahagi
mo sa iyong kapuwa ng iyong naiisip, nararamdaman,
kailangan o anumang impormasyong nais mong
malaman niya mula sa iyo. Ang komunikasyon ay
paraan ng pakikipag-usap at pakikinig sa mga sinsabi,
iniisip at nararamdaman ng kapwa. Bahagi rin nito
ang pagbibigay ng reaksyon sa mensaheng ibinigay ng
kausap.

Sa pamamagitan ng komunikasyong pasalita, di-


pasalita o pasulat ay naipapahayag natin ang ating
saloobin at kaisipan.

1. Pasalita, ito ang pangunahing uri ng


komunikason kung saan gumagamit ka ng mga salita
o wika upang iparating sa iba ang iyong damdamin o
6

saloobin. Ito ang palitan o dayalogo namamagitan sa


pagitan sa dalawang taong nag-uusapan. Sa mga
salitang ginagamit sa komunikasyon ay maaaring
magresulta ng pagkakaunawaan o di-
pagkakaunawaan sa nag-uusap. Dapat maging
maingat sa mga salitang ginagamit pagkat ito ay
nakaaapekto sa kaisipan at damdamin ng taong
tatanggap nito.

2. Di-pasalita, kabilang dito ang ekspresyon ng


mukha, tono at lakas ng boses at galaw ng katawan.
Kahit na hindi nagsasalita, maaaring magkaroon pa
rin ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagbibigay
pansin sa mga kilos o galaw ng isang tao. Halimbawa,
ang pagngiti mo sa bagong kakilala ay
nagpapahiwatig ng pagtanggap, pagiging
palakaibigan o pagiging bukas sa bagong ugnayan.
Maraming paraan upang magpahiwatig ng mensahe
ng di-pasalita kung kaya’t hindi madaling maunawaan
agad ito. Maaaring magdulot ito ng pagkalito kung
kaya’t mahalaga na ang mga salita at kilos ay tugma o
iisa lamang ang ipinapahiwatig na mensahe. Ang pag-
unawa sa pakilos na komunikasyon ay
magpapahiwatig na iyong inuunawa at
pinahahalagahan ang mensahe ng kapwa.

3. Virtual o ang pakikipag-ugnayan sa kapuwa


gamit ang makabagong teknolohiya. Sa
pamamagitan ng mga makabagong teknolohiya ay
naipahahatid natin ang impormasyon saan man ang
lokasyon ng kapuwa. Ang Facebook, Twitter,
Instagram at iba pang social networking sites ay
halimbawa ng virtual na komunikasyon. Mas
nagiging madali ang komunikasyon gamit ang
teknolohiya na nagdudulot na pagkakalapit lapit ng
mga tao. Kahit mabilis at makabagao ang uri ng
komunikasyon na ito ay hindi pa rin nito kayang
higitan ang personal na interaksyon upang
mapagtibay ang ugnayan.

Ang mabuting pakikipag-komunikasyon ay


isang kasanayan na dapat matutunan. Ang
7

pagkakaroon ng epektibo at maayos na


komunikasyon sa kapuwa ay makatutulong upang
mapaunlad mo ang iyong ugnayan sa kanila. Kapag
naipapahayag mo ang iyong sarili sa malinaw at
maayos na paraan, mas mauunawaan at mapapalapit
ka sa iyong kapuwa. Makakatugon rin sila ng mas
angkop dahil nauunawaan na nila ang tunay at nais
mong iparating sa kanila.

Madali lamang ang magkaroon ng


komunikasyon o makipag-ugnayan sa iyong kapuwa
ngunit dapat mong tandaan na kailangan ng
kasanayan upang maging epektibo at magkaroon ng
maayos na komunikasyon. Maaaring nasasabi mo ang
iyong nais sa iyong kapuwa pero nagiging sensitibo ka
pa sa pagpapahayag nito? Mayroong mga ugnayan o
relasyon na maaaring masira, maputol o hindi na
umunlad pa kung magiging padalos-dalos sa
pagpapahayag ng iyong mensahe sa alinmang
nabanggit na paraan. Upang maiwasan ito, tandaan
at isabuhay ang mga sumusunod:

Maging malinaw sa pagpapahayag ng


mensahe. Isipin muna kung ano ba ang nais mong
sabihin at piliin ang mga salitang babanggitin. Iwasan
ang magpaligoy-ligoy at direktang banggitin ito.
Walang kakayahan ang sinuman na hulaan kung ano
ang iniisip o nararamdaman mo kung hindi mo ito
sasabihin. Kapag maliwanag mong naipapahayag ang
iyong mensahe, magiging maayos ang inyong
ugnayan at madali ninyong malulutas ang anumang
suliranin at hindi pagkakaintindihan.

Makinig ng mabuti sa mensahe ng kapuwa.


Ang komunikasyon ay ugnayan mo at ng ibang tao,
hindi lamang ibang tao ang dapat na umuunawa sa
iyo, dapat rin na maunawaan mo sila. Naipapakita mo
ang paggalang sa iyong kapuwa at sa kaniyang mga
pananaw kung nakikinig ka ng mabuti sa kaniya.
Iwasan na magkaroon agad ng sariling paghuhusga,
bagkus ay pakinggan muna, unawaing mabuti ang
iyong kausap at linawin mula sa kaniya ang nais
niyang ipahayag kung hindi mo ito maintindihan.
8

Maging magalang sa pagpapahayag ng mensahe.


Ang iyong mga negatibong nararamdaman ay
maaaring maipahayag sa maaayos na paraan. Iwasan
ang pagsigaw, pamimintas, paggamit ng mga
masasamang salita at iba pang paraan na
nagpapakita ng kawalang-galang sa iyong kausap.
Ang pagiging mahinahon sa lahat ng oras at
pagpapahayag ng nararamdaman nang hindi
nakakasakit sa kapuwa ay mahalaga upang hindi
maputol o masira ang iyong ugnayan sa kapuwa.

Technology
Pamamaraan/Strategy: Role-playing Integration

Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. Ang


bawat pangkat ay bibigyan ng guro ng isang
sitwasyon at inaasahang maisasadula nila ang
wastong asal o kilos na nagpapakita ng epektibo at
sensitibong pakikipagkomunikasyon sa kanilang
kapwa.

Mga sitwasyon:

Pangkat I- May nakasalubong kang dayuhan sa


kalsada at nagtatanong ng direksyon patungo sa
mall na malapit sa iyong tahanan.
PAGLALAPAT
(Application) Pangkat II- Nalaman mong nag-share ng maling
impormasyon sa facebook ang iyong magulang na
nasa abroad patungkol sa schedule ng bakuna sa
inyong pamayanan.

Pangkat III- Nagkaroon ng pangkatang gawain at


naatasan ka ng iyong guro na maging lider ng
pangkat. Namatayan ang isang miyembro ng inyong
grupo at ipinaalam niya na hindi niya magagawa
nang mabilisan ang kanyang gampanin sa inyong
proyekto.

Pangkat IV- Inutusan ka ng iyong ama na bumili ng ice


cream. Nang magbabayad ka na, nalaman mong deaf
ang cashier ng convenience store.
9

Test paper

Test I. Multiple Choice

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga


pangungusap. Isulat ang titik ng pinaka-angkop na
sagot sa bawat patlang.

___ 1. Ayon kay Bernales, ito ay ang proseso ng


pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-
berbal.

a. Komunikasyon

b. Kolaborasyon

c. Pamumuno

PAGSUSULIT d. Kakayahang umangkop


(Evaluation/
Assessment) __ 2. Ito ay uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng
makabagong teknolohiya.

a. pasalita
b. di pasalita
c. virtual
d. wala sa nabanggit

__ 3. Ang mga sumusunod ay kaparaanan para sa


epektibo at sensitibong pakikipagkomunikasyon
MALIBAN sa isa.
a. Malinaw na pagpapahayag ng mensahe.
b. Makinig ng mabuti sa mensahe ng kapuwa.
c. Malawak ang kaalaman sa kultura at
tradisyon ng iba..
d. Magkaroon ng paggalang sa pagpapahayag
ng mensahe.

__ 4. Habang naglalakad sa mall ang mag-ama,


tinuro ng bata ang isang laruan at tumingin sa
kanyang ama ng nakangiti. Anong uri ng
komunikasyon ang ipinakikita sa sitwasyon?
10

a. pasalita
b. di-pasalita
c. virtual
d. wala sa nabanggit

__ 5. Ipinangako ng nanay ni Jad na bibilhan niya ito


ng bagong cellphone, kung siya ay magkakaroon ng
mataas na marka sa kaniyang mga pagsusulit.
Pinagbuti ni Jad ang pag-aaral, kung kayat ito ay
nagbunga ng maganda. Ipinakita niya sa kaninyang
ninang ang kaniyang report card, ngunit hindi daw
muna makakabili ang nanay niya ng cellphone dahil
wala pang sapat na pera. Kung ikaw si Jad, paano mo
maipamamalas ang sensitibong komunikasyon?

a. Manahimik at pumunta sa isang sulok upang


magmukmok.
b. Mananahimik at hindi na lang pagbubutihin
ang pag-aaral sa susunod na markahan
c. Magdabog at ipilit ang kagustuhan na
mabilihan ng bagong cellphone.
d. Iintindihin ang kakapusan sa pera, at yakapin
ang ina.

Test II. Tama o Mali

Panuto: Isulat ang salitang Tama sa patlang kung


nagpapakita ng mabuti at sensitibong komunikasyon
ang mga tauhan sa sitwasyon, at Mali naman kung
hindi.

__ 1. Si Pedro ay inatasan maging lider sa kanilang


grupo sa paggawa ng poster. Hindi niya pinakinggan
ang mga suhestiyon ng kaniyang mga miyembro, at
ipinagpatuloy ng mag-isa ang gawain.

__ 2. Masiglang binati ni Juan ng “Magandang


Umaga!” ang grab driver, pagdating ng kaniyang
11

order. Nginitian siya pabalik at binati din ng grab


driver.

__ 3. Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw sa


trabaho, naibuntong ni Jose ang galit nito sa
kaniyang kasintahan. Pagkatapos ng away, hindi nito
kaya magpakumbaba.

__ 4. Sa isang eskinita, habang naglalakad pauwi si


Ana mula sa paaralan, kinikindatan at pinipituhan
siya ng mga tambay sa kalye.

__ 5. Si Ben at Jimmy ay matalik na magkaibigan.


Magkaiba man ang kanilang kultura at relihiyon,
nirerespeto nila ang pinagkaiba ng isa’t-isa. Sa
tuwing mayroong hindi pagkakaintindihan,
mahinahon nila itong pinag-uusapan.

Test III. Sanaysay

1. Bilang isang mag-aaral, paano mo


maisasabuhay ang pagpapahalaga sa
pagiging sensitibo sa anumang uri ng
komunikasyon?
2. Bakit mahalaga na maging sensitibo sa
pakikipag komunikasyon?

Mga Kasagutan:
Test I.
1. A
2. C
3. C
4. B
5. D

Test II.
1. Mali
2. Tama
3. Mali
4. Mali
5. Tama
12

Test III.
1. Bilang isang mag-aaral, isasabuhay ko ito sa
pamamagitan ng pagsasakatuparan ng mga
kaparaanan ng isang epektibo at sensitibong
komunikasyon. Ilan sa mga kaparaanan na
aking gagawin ay ang pakikinig at pag-unawa
sa iba, ang pagbibigay ng mensahe ng
malinaw, at ang pagbibigay ng pag galang sa
aking kapwa.
2. Sa pakikipagkomunikasyon, mahalaga na
maging sensitibo ang mga sangkot upang
mapaunlad ang pakikipagkapwa. Ang
sensitibong komunikasyon ay mahalaga dahil
naipapahayag natin ang damdamin at
saloobin ng malinaw, at mas naiintindihan
natin ang pahayag ng kapwa ng walang
halong panghuhusga. Ito ay instrumento sa
pagkakaisa.

Technology
Panuto: Gamit ang Penzu application, gumawa ng Integration
isang talaarawan na naglalaman ng mga
repleksyon/insights sa naging talakayan sa klase at
TAKDANG-ARALIN kung papaano ito nagamit sa araw-araw. Magsulat
(Assignment) sa talaraawan ng isang buong linggo.

Link para sa application: https://penzu.com/

Technology
Panuto: Sa pamamagitan ng Jamboard link na Integration
Pagtatapos na ibibigay ng guro, magbigay ng isang salita na
Gawain maikokonekta sa natutuhan mula sa talakayan. Ang
(Closing Activity) mga salita ay babasahin ng guro upang magbigay ng
buod.

You might also like