You are on page 1of 4

PAGSUSULIT Padolina, Leigh

Padolina, Leigh
(Evaluation/
Assessment) Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple choice, Binary Technology
choice, & Essay Integration

Panuto: Buksan ang pagsusulit sa Quizizz at ibigay ang Cognito Forms


link sa mga mag-aaral. Ang buong pagsusulit ay tatagal
lamang ng limang (5) minuto. https://www.cog
nitoforms.com/P
A. Ang mga mag-aaral ay pipili ng pinaka-tamang sagot hilippineNormal
mula sa apat na pagpipilian na kanilang makikita sa University1/pag
bawat bilang. susulit81

1.Ang buong pamilya ni Nena ay laging nagsisimba


sa araw ng linggo. Ano ang ipinapakita ng pamilya
ni Nena?
a. Pagtutulungan sa pamilya
b. Pagmamahalan sa pamilya
c. Paglalaan ng oras sa pamilya
d. Pagkakaroon ng komunikasyon

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang


nagpapakita ng komunikasyon tungo sa matatag na
pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
a. Nag-iwan ng sulat ang nanay ni Hannah bago
ito umalis.
b. Ibinahagi ni Hannah ang problema niya sa
kanyang mga magulang.
c. Hindi pinansin ni Hannah ang pagkakamali
ng kanyang kapatid.
d. Inutusan ni Hannah ang nakatatandang
kapatid upang gawin ang mga gawaing bahay.

3.Ano sa mga sumusunod na pahayag ang


pinakaangkop na gawin upang maipakita ang
paglalaan ng oras kasama ang pamilya?
a. Dumalo sa kaarawan ng aking pinsan.
b. Tumulong sa gawaing bahay.
c. Magmano sa aking magulang pagkauwi.
d. Sumulat ng liham para sa magulang na nasa
ibang bansa.

4. Alin sa mga sumusunod na kilos ang HINDI


nagpapakita ng pagmamahal na walang kondisyon
sa pamilya?
a. Tinatanggap ni Perla na ang asawang si
Mateo ay hindi marunong magluto ng ulam at
maglinis ng bahay.
b. Ipinagmamalaki ni Gabby ang kanyang ama
na si Mang Emeng kahit na wala siyang
matatag na hanapbuhay.
c. Tinutulungan ni Joshua ang kapatid na si
Jerald sa kanyang takdang-aralin kahit
palaging itong hindi nakikinig.
d. Nagpupursigi sa pag-aaral si Pat para
makakuha ng honors dahil tuwing gawad-
parangal lang nabubuo ang kanyang pamilya.

5. Gusto ni Rina na maging isang social worker


ngunit pinipigilan siya ng kaniyang ama na tumuloy
sa pagkuha ng napiling kurso dahil ayon sa kaniya ay
mababa ang sweldo na makukuha niya sa hinaharap.
Ito ba ay nagpapakita ng pagmamahal sa pamilya?
a. Oo, dahil ang ama ni Rina ay nagpapakita ng
pag-aalala para sa kanyang kinabukasan.
b. Oo, dahil gusto ng ama ni Rina na makakuha
ang kanyang anak ng malaking sweldo para
mas gumaan ang kaniyang buhay pagtanda.
c. Hindi, dahil hindi nagpapakita ang ama ni
Rina ng suporta para sa kanyang pangarap na
maging isang social worker.
d. Hindi, dahil nagiging mapanghusga ang ama
ni Rina sa trabaho ng mga social workers.

B. Ang mga mag-aaral ay kailangang piliin ang TAMA


kung ang sumusunod ay nagpapakita ng tamang
pahayag at MALI kung hindi.

6. Isa sa mga hakbangin para sa matatag na pamilya


ay ang maayos na pakikipagkomunikasyon.

7. Makikita ang pagmamahalan sa pamilya sa


relasyon na mayroon ang mga magulang, sa
magulang at anak, at sa mga magkakapatid.

8. Ang pagmamahalan ng pamilya ay may kondisyon


sapagkat kahit magkamali man ang isang miyembro
ng pamilya ay hindi siya basta napapalitan.

9. Ang pagsunod sa dibisyon sa gawaing bahay ay


isa sa mga paraan ng pagpapakita ng pagtutulungan
sa pamilya.

10. Naipapakita ang pagmamahal sa pamilya sa


pamamagitan ng pagtulong sa bawat miyembro ng
pamilya.

C. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang sagutin ang


mga tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay na naglalaman ng pito o higit pang
pangungusap. (5 puntos bawat isa)

11. Paano nakatutulong sa iyong personal na buhay


ang mga angkop na kilos na nagpapatatag ng
pagmamahalan at pagtutulungan ng pamilya?

12. Maliban sa mga halimbawa sa naging talakayan,


magbigay pa ng isang angkop na kilos at ipaliwanag
kung paano ito makakatulong sa pagmamahalan at
pagtutulungan ng iyong pamilya.

Rubric para sa sanaysay

Susi sa Pagwawasto

A.Multiple Choice
1. C
2. A
3. B
4. B
5. C
B. Tama o Mali
6. Tama
7. Tama
8. Mali
9. Tama
10. Tama
C. Sanaysay (maaaring sagot)

11. Mahalaga ang pagmamahalan at pagtutulungan ng


pamilya sa personal aking buhay dahil sa pamilya ko
nakukuha ang kalakasan at inspirasyon para harapin ang mga
pagsubok sa buhay. Sila ang isa sa mga inaasahan ko na
gumabay sa akin at maglaan ng tulong sa gitna ng suliranin.
Mahalaga rin ito dahil ang pagmamahal at pagtutulungan na
natutuhan at nararanasan ko sa aking pamilya ay maaari ring
maipadama sa kapuwa.

12. Magsagawa ng piknik kasama ang pamilya. Ito ay isang


angkop na kilos na makatutulong sa pagmamahalan at
pagtutulungan ng aking pamilya sapagkat ito ay isang gawain
kung saan magkakasama ang aking buong pamilya,
mayroong pagtutulungan sa paghahanda at mayroon kaming
mga aktibidad na maaaring gawin habang kami ay nasa
piknik. Halimbawa na lamang ay ang paghahanda ng mga
gagamitin at kakainin sa piknik kung saan kami ay
magtutulong-tulong para na rin mapabilis ang pag-aasikaso
ng mga ito.

You might also like