You are on page 1of 4

FIRST QUARTER SUMMATIVE TEST IN ESP 8

LAST NAME: FIRST NAME: MIDDLE NAME: GRADE AND SECTION:

SCHOOL: SCORE:

Panuto: Basahin mabuti ang bawat bilang at piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot.

________1. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Shina. Sila ay pinatira muna nila Janna
sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umuiiral kay Janna?
A. ang pagkamatulungin ni Janna
B. naging mapagkumbaba siya sa iba
C. pagpapakita ng malasakit sa kapuwa
D. pagiging mabait sa mga nangangailangan
________2. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang
byanan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang byanan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba
________3. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang;
A. Maging matatag ang pamilya.
B. Maayos ang pagtrato sa bawat isa.
C. Mapanatili ang respeto sa isa’t isa.
D. Magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya.
________4. Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa
pamilyang Malabanan?
A. walang kaguluhan sa pamilya
B. nanatiling masunurin ang pamilya
C. umiiral ang pagmamahalan sa pamilya
D. may matatatag na pananampalataya ang pamilya

________5. Ang mag-asawang Lorna at Lino ay matagal nang gustong magkaroon ng anak.Pumunta sila sa lugar ng
Obando, Bulacan upang manalangin, sumayaw sa harap ng simbahan sa paniniwalang diringgin ang kanilang panalangin.
Ano ang gustong iparating ng karanasan ni Lorna at Lino?
A. milagrong maituturing
B. may matatag na paniniwala
C. pagnanais nilang magkaroon ng anak
D. pagbibigay halaga sa pananampalataya
_________6. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na ang pagtutulungan ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili?
A. Makadagdag ng alalahanin
B. Naging masalimuot ang buhay.
C. Mahirap makamit ang tagumpay.
D. Nagkakaroon ng layunin at kabuluhan ang buhay.
_________7. Aling sitwasyon ang nagpapatunay na nagpapaunlad ng sarili ang pagmamahalan?
A. nagbigay ng kalungkutan
B. pagpapasya para sa kaniya
C. paggiit sa iyong kagustuhan
D. pangugumusta sa kaniyang mga ginagawa
_________8. Paano masasabing makabuluhan ang pakikipagkapuwa ng pamilya?
A. sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga rally
B. sa pamamagitan ng pagkitil ng karapatan
C. sa pamamagitan ng kaniya-kaniyang pagsisikap
D. sa pamamagitan ng pagmamahalan at pagtutulungan
_________9. Paano maging makabuluhan ang pakikipagkapuwa sa pamilya?
A. magkaroon nang regular na pagtitipon
B. magparanas ng pagmamahal at pagtutulungan
C. mamasyal nang madalas kasama ang mga kaibigan
D. magbahagi ng mga naramdaman sa mga mahal sa buhay
_________10. Pag may pagmamahalan, magiging inspirado na makamit ang tagumpay, alin sa mga sitwasyon ang
nagpapakita ng patunay?
A. Laging ipinagagawa ni Vicky ang kaniyang proyekto sa kasintahang si Neil.
B. Madalas tulala si Rica sa klase sa kaiisip kung saan sila mamamasyal ng
kaniyang kasintahan.
C. Nakipaghiwalay si Arnold sa kaniyang kasintahan dahil nais niyang
bigyang- tuon ang kaniyang pag-aaral.
D. Nagsumikap si Yvonne na makapagtapos ng pag-aaral upang mapasaya at
masuklian ang lahat na sakripisyo at pag-aaruga ng kaniyang mga
magulang.
_________11. Gumagawa ng takdang aralin ang iyong nakababatang kapatid at napansin mong nahihirapan ito.
Bilang nakatatandang kapatid, paano mo maipakikita ang
pagtulong sa kaniya?
A. magbulag-bulagan sa mga nakikita
B. hayaang gumawa ng mga aralin nang mag-isa
C. paglaan ng oras sa pagpaliwanag ng aralin sa kapatid
D. pagsasabihan ng masasakit na salita upang makaisip ng sagot
_________12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng matatag na pamilya na nabuo dahil sa pagtutulungan?
A. naglilinis nang mag-isa
B. nakikiisa sa ginagawa ng kapitbahay
C. nagtatapon ng basura sa bakod ng kapitbahay
D. pakikiisa ng bawat miyembro ng pamilya sa paglilinis ng tahanan
________13. Pag-uwi ng panganay na anak galing sa trabaho nadatnan na nagkakalat ng laruan ang bunsong
kapatid. Bilang panganay, ano ang iyong gagawin?
A. Pagagalitan ang bunsong kapatid.
B. Pababayaang nakakalat sa sahig ang mga laruan.
C. Isusumbong sa magulang ang pagkakalat ng bunso.
D. Ililigpit ang kalat dahil hindi pa alam ng bunsong kapatid kung paano
magligpit.

_________14. “Bumabangon nang maaga si Aling Carlita upang maglako ng kaniyang mga paninda sa
palengke. Masama man ang kaniyang pakiramdam ay patuloy pa rin itong nagtatrabaho para mabigyan ng
masaganang buhay ang kaniyang pamilya. Hindi ito sumusuko sa lahat ng problemang dumarating dahil alam
niyang pinapahalagahan ng mga anak ang kaniyang sakripisyo.” Kung ikaw ang anak ni Aling Carlita paano mo
maipapakita ang pagpapahalaga sa ginagawang sakripisyo ng iyong ina?
A. pumapasok sa paaralan at nagbubulakbol
B. pumapasok sa paaralan ngunit mababa ang marka
C. pumapasok sa paaralan at ikinahihiya ang trabaho ng ina
D. pumapasok sa paaralan at nagsusumikap na makapagtapos
_________15. Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan sa
pamilya?
A. pagkakaisa sa mga gawain
B. mag-isang naglilinis ng bakuran
C. pinapairal ang pagiging maramot
D. nagbibingi-bingihan sa utos ng magulang
___________16. Sino ang gumagabay at humuhubog sa pamilya?
A. anak
B. lipunan
C. magulang
D. Pamayanan
___________17. Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
A. karapatang kumain
B. karapatang mabuhay
C. karapatan sa edukasyon
D. karapatang magkaroon ng magulang
___________18. Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?
A. paaralan
B. mga kapitbahay
C. mga kamag-anak
D. kawani ng gobyerno
___________19. Sino ang naggabay sa mga anak sa bawat pagpapasya?
A. kaibigan
B. kapatid
C. magulang
D. pamilya
___________20. Ano ang umusbong sa Pilipinas matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig?
A. kapuluan
B. kayamanan
C. pagmamahal
D. relihiyon
__________21. Alin sa sumusunod ang kakikitaan ng paggabay sa pagpapasya?
A. sama-samang pagdarasal
B. pagturo sa anak ng tama at mali
C. pagbabasa ng mga kuwento gabi-gabi
D. pagturo sa paggamit ng banal na aklat

__________22. Ano ang bunga ng maling pagpili?


A. karahasan
B. karanasan
C. pagmamahal
D. pagsisisi
__________23. Ano ang hinuhubog sa mga kabataan sa pagpili ng damit na maisusuot at pagkuha ng kurso ayon sa
kanilang nais?
A. pag-aayuno
B. pagkilos
C. pagpapasya
D. pagsasakripisyo
__________24. Sino ang nagiging guro ng mga kabataan sa bahay kung saan ay tinuturuan at tinutulungan sila sa mga
takdang-aralin?
A. tiyuhin/tiyahin
B. malapit na kaibigan
C. malapit na kamag-anak
D. nakatatandang kapatid
__________25. Ano ang tawag sa paraan ng pananampalataya ng mga kristiyano?
A. kapistahan
B. kasal
C. paghahanda
D. Pagsisimba
___________26. Narinig mong pinag-uusapan ka ng iyong mga kaklase dahil umano sapagnanakaw ng selpon ng iyong
guro, alam mo sa sarili na hindi naman ito
totoo ngunit nakaramdam ka pa rin ng sobrang galit kung kaya agad mong
sinuntok ang pinanggalingan ng maling balita. Tama ba ang iyong
pagpapasiya?
A. Hindi, dahil nasaktan ang damdamin
B. Oo, dahil mali ang magpakalat ng maling balita
C. Oo, dahil napahiya ka sa harap ng maraming tao
D. Hindi, dahil pinairal ang galit sa halip na mag-isip muna
___________27. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggabay sa pagpapasiya ng anak?
A. Pinahahalagahan ni Ethan ang desisyon ng kaniyang anak.
B. Sinasalungat ni Iza ang opinyon nang asawa dahil hindi niya ito
gusto.
C. Sinisigiwan ni Aileen ang bunsong anak dahil lumabas ito ng walang
paalam.
D. Pinakinggan ni Alexa ang pasya ng anak bagamat ipinagpipilitan pa rin
ang kaniyang gusto.
__________28. Alin sa sumusunod ang pinakapangunahing banta sa pagbibigay ng edukasyon?
A. kahirapan
B. oras
C. panahon
D. Paniniwala
__________29. Alin sa sumusunod ang banta sa paggabay sa pagpapasiya ng anak?
A. pagkakaiba ng paniniwala
B. labis na pagmamahal ng magulang
C. hindi angkop ang oras ng pagdedesisyon
D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
__________30. Alin sa sumusunod ang banta sa pananampalataya ng pamilya?
A. pagsubok sa buhay
B. pagkakaiba ng kultura
C. pagkilos ng hindi pinag-iisipan
D. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng iba
__________31. Bakit mahalagang maturuan ng magulang ang mga anak sa mabuting pagpapasiya? Upang:
A. walang pagsisisihan
B. malaya sa pagdedesisyon
C. malaman ang tama sa mali
D. maging matalino sa pagpapasiya
__________32. Bakit mahalagang mahubog ng magulang ang pananampalataya ng anak?
A. dahil ang Panginoon ang sentro ng ating buhay
B. para maging matagumpay ang buhay ng pamilya
C. para maging masaya ang samahan ng buong pamilya
D. dahil ang Panginoon ang pinakamakapangyarihan sa lahat
__________33. Bakit mahalagang mabigyan ng magulang ang anak nang maayos na edukasyon? Dahil ito ang:
A. susi sa pagyaman
B. basihan sa paghanap ng trabaho
C. pinakamahalagang gampanin ng magulang
D. yaman ng magulang na hindi puwedeng nakawin
__________34. May pananagutan ba ang magulang kung hindi niya magampanan ang tungkulin sa anak?
A. Oo, dahil ito ay kaniyang sariling anak
B. Oo, sapagkat ito ay dapat nilang gampanan
C. Oo, sapagkat ito ay tugon sa layon ng Diyos
D. Oo, dahil ito ay misyon at tungkulin niya bilang magulang
__________35. Dapat bang nakasentro ang buhay ng pamilya sa Diyos?
A. Oo, sa tuwing mahal na araw
B. Oo, pero hindi sa lahat ng panahon
C. Oo, dahil ang Diyos ang makapangyarihan
D. Oo, tuwing may problemang hinaharap ang pamilya

Inihanda ni:

ARMIDA L. GLOVA
Guro

You might also like