You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
DIVISION OF CEBU PROVINCE

FOURTH QUARTER COMPETENCY ASSESSMENT IN GRADE 6 EsP


School Year 2019-2020

Pangalan: ________________________ Seksyon: ______ Petsa: _________ Puntos: ____

Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon at bilugan ang tamang sagot.
1. Si Aba ay isang Muslim na naniniwala sa Koran. Si Juan naman ay isang Kristiyano na naniniwala sa
Bibliya. Alin dito ang dapat nilang gawin?
A. magpayabangan B. magrespetuhan C. magdebate D. magkaunawan
2. May kaklase ka na iba ang relihiyon sa iyong relihiyon. Naniniwala siya sa iba’t- ibang imahe ng mga santo.
Alin dito ang iyong gagawin na magpapakita ng pagrerespeto sa kaniyang paniniwala?
A. Sabihin mo sa kanyang hindi mabuting maniwala sa mga imahe.
B. pipilit mo sa kanya ang iyong paniniwala laban sa mga santo.
C. Igalang mo ang kaniyang paniniwala.
D. Maniniwala ka rin sa mga santo.
3. May kaibigan ka na hindi nagdidirwang ng Pasko kasi wala sa relihiyon nila. Alin ditto ang dapat mong
gagawin?
A. Kumbinsihin mo siya na dapat silang magdiriwang ng Pasko.
B. Huwag ninyong pag-usapan ang tungkol sa Pasko.
C. Hindi ka na makikipagkaibigan sa kanya.
D. Magbibigay ka ng regalo sa kanya.
4. May bago kang kaklaseng babae na nakasuot ng “hijab” o pantakip sa kanilang ulo at leeg. Nalaman mong
Muslim pala siya. Ano ang dapat mong gagawin?
A. Kukulitin mo siya kung bakit nakasuot siya ng “hijab”.
B. Tatanggalin ang suot niyang “hijab” o takip.
C. Pagtawanan mo siya sa kaniyang isinuot.
D. Igalang mo ang kanyang kasuotan.
5. Inaanyahan ka na sumali sa isang “Prayer Meeting” ng iyong matalik na kaibigan. Nakikita mong sumasayaw
sila at itinataas ang mga kamay habang nagdarasal. Alin dito ang iyong dapat gawin?
A. Hihingi ng paumanhin sa iyong kaibigan na ayaw mo sa kanilang ginawa at aalis ka nalang.
B. Umalis ka ng walang paalam sa iyong kaibigan.
C. Pagtawanan mo sila sa kanilang ginawa.
D. Sasali ka sa kanilang ginawa.
6. Isinama ka sa iyong mga magulang sa isang kasal na iba sa seremonya sa ginagawa sa inyong relihiyon.
Paano ka makikisalamuha sa mga tao na andoon sa kasal?
A. Makikiramdam at igalang ang ginawa ng mga nakasalamuha.
B. Susundin mo kung ano ang kanilang ginawa.
C. Umalis ka at magdabog sa labas.
D. Balewalain mo sila.

7. Nawalan ng trabaho ang iyong mga magulang. Wala ng pera na pambili ng araw-araw na pangangailangan.
Alin ditto ang dapat mong gawin?
A. tutulong sa pamilya,magdadasal at mananalig sa Diyos
B. hindi makikialam sa mga pangyayari
C. makikinig sa payo ng kaibigan
D. hihinto sa pag-aaral
8. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa kapwa?
A. tumulong sa nasunugan at nabahaan
B. magbigay ng pera sa pulubi
C. samahan ang mga kaklase
D. magsimba tuwing Linggo
9. Kung nakaharap mo ang Diyos, alin dito ang mas karapat-dapat mong sasabihin?
A. “Bigyan mo ako ng pagkain sa araw-araw!”
B. “Biyayaan mo ako ng mabait na kaibigan!”
C. “Magsisimba po ako tuwing Linggo!”
D. “Salamat sa lahat ng biyaya!”
10. Bakit naniniwala ka na sa lahat ng pangyayari sa iyong buhay ay sinusubaybayan ka ng Diyos?
A. dahil may pananalig ka sa Diyos
B. dahil isa kang mabait na bata
C. dahil palagi kang nagsisimba
D. dahil nagdadasal ka
11. Habang kumain kayo ng tanghalian, nakita mo ang isa sa iyong klase na walang pagkain. Ano ang dapat
mong gawin?
A. kulitin mo siya dahil wala siyang pagkain
B. bigyan mo siya ng pagkain
C. hindi mo siya pansinin
D. pagtawanan mo siya
12. Nagkasakit ang iyong nanay at sabi ng doktor wala na itong lunas. Ano ang iyong gagawin?
A. magdadasal ng mataimtim B. pupunta sa albularyo
C. mag –aaliw sa sarili D. iiyak ng iiyak
13. May kaibigan ka na hindi naniniwala sa Diyos. Paano mo iparamdam sa kanya ang iyong paniniwala.
A. Tutulungan mo siya sa kanyang pangangailangan.
B. Turuan mo siya kung paano ka magdasal
C. Dalhin mo siya sa iyong simbahan
D. Kumbensihin mo siya.
14. Ang iyong pinsan ay madalas na kinukulit ng kanyang mga kalaro dahil sa kanyang kapansanan. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Isumbong mo sa mga magulang ng iyong pinsan ang ginawa ng kanyang mga kalaro.
B. Sabihin sa mga kalaro na dapat i- respeto ang iyong pinsan.
C. Sabihin mo sa iyong pinsan na huwag sumali.
D. Awayin mo ang kanyang kalaro.
15. Ayon sa ginintuang panuntunan na “Huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”. Ano ang dapat
mong gawin?
A. huwag isipin ang kautusan B. pabayaan na lang
C. di bigyang halaga D. sundin ito.

16. Paano mo ipapakita ang paggalang sa lugar ng pagsamba ng ibang relihiyon?


A. Aawit ng malakas sa harapan ng pook dalanginan.
B. Iiwasan mag-ingay sa loob ng pook dalanginan.
C. Magsusulat ng mga salitang di kaaya-aya.
D. Maglalaro habang nasa pook dalanginan.
17. Paano mo maipapakita ang paggalang habang nasa loob ng simbahan?
A. Lalagyan ng airphone ang tainga habang nasa loob.
B. Makikinig nang maigi habang nagsasalita ang pari.
C. Kumukuha ng larawan habang nagmimisa.
D. Kumakain habang nasa loob.
18. Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat dahil nakapasa sa board exam ang iyong kuya. Mayroon siyang
inimbitang kaibigan na Muslim. Ano ang gagawin mo pagdating sa oras ng kainan?
A. hahayaan siyang kumain ng gusto niya
B. sasabihan na hindi siya dapat dumalo
C. huwag bibigyan ng pagkain at tubig
D. paalisin na lang siya palabas
19. Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat. Manalig tayo sa Kanya. Ang taong hindi natatakot ay may
_____________.
A. malawak na kaalaman sa negosyo
B. buong pananalig
C. tapang sa buhay
D. maraming pera
20. Paano mo maipapakita ang iyong katatagan sa mga pagsubok sa buhay?
A. Mananalig pa rin sa Kanya na kailan man ay hindi ka Niya pababayaan.
B. Mangibang bansa at huwag nang bumalik sa Pilipinas.
C. Huwag nang magdasal at magsimba.
D. Hindi na makisalamuha sa iba.
21. Mahalin natin ang Diyos ng buong puso at kaluluwa. Paano natin ito maipapakita?
A. Pagpawalang bahala sa ano mang paniniwala ng ibang tao.
B. Pagmamahal sa kapwa kahit na walang hinihinging kapalit.
C. Pagbibigay kawanggawa na may kaukulang kapalit.
D. Isasabuhay ang sampung kautusan ng Diyos.
Panuto: Basahing maigi ang mga sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang sitwayon na nagpapahayag ng pagiging
Maka-Diyos at ekis (X) ang hindi nagpapahayag.
_____________ 22. Palagi siyang nagsisimba at mabait siya sa kanyang mga
kapitbahay.
_____________ 23. Matapat niyang sinasabi ang kanyang naramdaman
tungkol sa isang isyu kahit na hindi sumang-ayon sa kaniya ang ibang tao.
_____________ 24. Ang mga bata ay tumutulong sa mga gawain sa paaralan.
_____________ 25. Kapag hindi siya nakapag-aral nang mabuti, nangongopya na
lang siya sa kanyang katabi.
______________26. Palaging nagsisimba para sabihing mabait ngunit inabuso ang
ibang tao.
_____________ 27. Palaging magboluntaryo si Janice na mamuno sa dasal bago
magsimula ang klase.
_____________ 28. Si Marvin ay palaging positibong mag-isip tungkol sa mga sitwasyon at
pangyayari sa buhay niya.
_____________29. Ang buong pamilya ni Jason ay araw-araw na nagdarasal
ngunit maramot sa kapwa.

_____________30. Pinasalamatan ni Rose ang kanyang kaklase dahil pinahiram


siya ng aklat.
_____________31. Tinutulungan ni Andy ang mga nangangailangan.
_____________32. Si Marta ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang panrelihiyong
pagdiriwang ng kanyang pamilya.
_____________33. Naniniwala si Angel na matagumpay ang buhay sa
pamamagitan ng pagsisikap at hindi sa pagdarasal.
_____________ 34. Palaging nirespeto ni Mang Johnny ang mga pook dalanginan. _____________ 35.Lumipat
sa ibang lugar si Randy upang makakita ng trabaho at
makatulong sa mga mahihirap.
_____________ 36. Madalas bumisita sa isang spiritual director ang aking guro.
_____________ 37. Pinatawad ni Michelle ang kanyang kaibigan na kumuha ng
kanyang pera.
_____________ 38. Si Mang Pepe ay isang doktor na palaging dumadalaw sa mga
Maysakit na walang bayad.
______________39. Ang pagdarasal ay nagbibigay ng pag-asa lalong-lalo na kung
dumaranas ng problema.
______________40. Dahil sa kayamanan hindi na sila nagsisimba.

You might also like