You are on page 1of 4

GELACIO C. BABAO SR.

MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL


Valladolid, Carcar City, Cebu

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat: __________________ Petsa: _______

Panuto: Suriin at sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bawat bilang.
______1. Hindi maipagkakaila ang saya sa ngiti ni Aleng Nina nang binigyan ito ng
House & Lot ng Engineer na anak. Bilang Kabataan, anong impluwensiya ang
masasalamin sa anak ni Aleng Nina?
A. pag-aalaga sa kaniyang Ina C. pag-aasikaso sa kaniyang Ina
B. pagmamahal sa kaniyang Ina D. pagbibigay-buhay sa kaniyang Ina
______2. Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa
sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
A. pagiging matatag B. pagiging madasalin C. pagiging masayahin D. pagiging disiplinado
______3. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon ay may mabuting loob na nag-alok
na patuluyin kami sa kanilang tahanan. Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
A. madasalin B. pagkakaroon ng pag-asa C. pagiging maramot sa iba D. pagiging matulungin sa kapuwa
______4.Tuwing kaarawan ng anak ni Gng. Yabut sila ay naghahanda ng pagkain hindi lamang sa kanilang
mahahalagang bisita kundi maging sa kanilang mga kapitbahay tanda ng kanilang pasasalamat. Anong kaugalian ang
ipinapakita ng pamilyang Yabut?
A. mababait ang pamilya Yabut C. may pantay-pantay na pakikitungo sa kapuwa
B. umiiral sa kanila ang pagkamatulungin D. likas talaga sa kanila ang pagbibigay sa kapuwa
______5. Bakit umiiral sa pamilya ang pagmamahalan, pagtutulungan at pananampalataya? Dahil;
A. may bukas na komunikasyon ang pamilya C. may pagpapahalaga ang bawat isa sa pamilya
B. may respeto ang bawat miyembro ng pamilya D. pantay-pantay ang pakikitungo nila sa isa’t isa
______6. Si Ana ay likas na matulungin sa kaniyang mga magulang pinagsasabay nito
ang pag-aaral at pagtitinda ng mga kakanin sa paaralan. Anong birtud ang ipinamamalas ni Ana?
A. pagtulong B. pagmamahal C. pakipagkapuwa D. pananampalataya
______7. Tumutulong si Myrna sa kaniyang ina sa pagbabantay ng kanilang tindahan
pagkatapos ng kaniyang klase. Anong katangian ang umiiral kay Myrna?
A. pagtanaw ng utang na loob sa ina C. pagiging maalalahanin sa kaniyang ina
B. pagpapakita ng pagkamatulungin D. resulta ng pagmamahal niya sa kaniyang ina
______8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapatunay ng pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Kahit mahirap ang pamilyang Sagan ay nakatapos pa rin sa pag-aaral ang anim na magkakapatid dahil nagsasalit-
salitan sila sa pag-aaral.
B. Bagaman mayaman ang mga magulang ni Ester, lumaki siyang hindi masaya dahil bihira lang niyang makasama
ang kaniyang mga magulang
C. Maganda ang trabaho ng ate ni Peter at malaki rin ang sweldo nito bagaman natigil pa rin sa pag-aaral si Peter
dahil may malubhang karamdaman ang kaniyang ama at hindi rin naman sila naalala ng kaniyang ate.
D. Naulila sa mga magulang sina Nena at Nene. Tumigil muna si Nene sa pag-aaral upang maghanap ng trabaho at
mapag-aral si Nena. Nakatapos at nakapaghanap ng trabaho si Nena ngunit biglang naglaho si Nene.
______9. Paano mapauunlad ang sarili?
A. pag-aaral nang Mabuti C. pagtutulungan sa anumang gawain
B. pagmamahalan at pagtutulungan D. pagmamahal sa mga mahahalagang bagay
______10. Nagmamadali si Ellen na umalis ng bahay dahil ipinatawag siya ng boss tungkol sa negosyo at nakita
niyang umiiyak ang sanggol na kapatid at tila nagugutom.Sa halip na ipagtimpala ng gatas ay nagmamadali siyang
umalis ng bahay. Angkop ba ang kilos na ipinakita ni Ellen?
A. Oo, sapagkat ipinatawag siya ng boss.C. Oo, dahil mas importante ang trabaho kaysa pamilya

B. Hindi, dahil iniwan niya ang kapatid na gutom. D. Hindi, sapagkat dapat inuuna ang kapakanan ng pamilya bago
ang trabaho dahil makapaghihintay naman ito.
______11. Alin sa sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting
nagawa ng isang miyembro ng pamilya?
A. pag-aaksaya ng oras at panahon C. pagtangkilik ng mga mabubuting kilos
B. magliliwaliw sa mga gustong lugar D. pagsantabi ng tagumpay ng miyembro ng pamilya
______12. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pamilyang may matatag na
pagmamahalan at pagtutulungan?
A. Ang pamilyang Catipun ay pinapairal ang pagiging maramot sa kapuwa.
B. Ang pamilyang San Diego ay tinatawanan ang mga problemang kinakaharap.
C. Ang pamilyang Monteclaro ay nagbabangayan sa tuwing may mabigat na gawain.
D. Ang pamilyang Cruz ay binibigyan ng gamot at inaalagaan ang miyembro ng pamilya sa tuwing may nagkakasakit.
______13. Bakit sinasabing ang pagbibigay ng edukasyon, paghubog sa pagpapasya at
pananampalataya ay pinakamagandang regalo ng magulang sa anak? Dahil ito ay:
A. trabaho ng magulang sa anak C. dapat maibigay ng magulang sa anak
B. tungkulin ng magulang sa anak D. batayan na makabuluhan ang pag-aaruga at pagpapalaki sa anak
______14.Paano itinuro sa mga magulang ang mga pagpapahalaga na dapat malinang sa
pagkatao ng isang bata?
A. sapilitang pamamaraan C. magastos na pamamaraan
B. payak na pamamaraan D. masalimoot na pamamaraan
______15. Bakit sinasabing hindi madali ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak?
A. nasusunod ang desisyon ng magulang C.dahil may mga anak na nasusunod ang gusto kaysa magulang
B. nagagalit ang anak D. habang lumalaki ang anak ay nagkaroon ng sariling pananaw
______16. 1. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na
pagharap sa mga banta sa pagbibigay ng edukasyon?
a. Nalagpasan ni Martin ang lahat ng problema sa loob at labas ng tahanan.
b. Makailang beses na inisip ni Keil ang sasabihin bago ito magbitiw ng salita.
c. Kahit na napakahirap ng kalagayan ni Nel nakapagtapos pa rin ito ng may medalya.
d. Sa labis na pangungulila ni Gaze nakagawa siya ng desisyong nagpabago sa takbo ng kaniyang buhay.
______17. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng matagumpay na
pagharap sa mga banta sa paggabay sa pagpapasiya?
a. Si William ang gumagawa ng desisyon para sa kaniyang mga anak.
b. Nakagawa ng pasiya si Alisah na pinagsisihan niya sa bandang huli.
c. Hindi nababahala si Marga sa kaniyang kinabukasan dahil handing ibigay ng ina ang lahat ng kaniyang gusto.
d. Binigyan ng pagkakaton ni Aling Susan ang anak na unawain ang sitwasyong kinalalagyan dahil sa ginawang
pagpapasiya.
______18. Suriin ang mga pahayag. Alin sa sumusunod ang may katotohanan tungkol
sa mga banta sa pamilya? I. EDUKASYON II. KAHIRAPAN III. ORAS IV. TEKNOLOHIYA
a. I, II at III b. I, II at IV c. II, III at IV d. I, II, III at IV
______19. Dapat bang nakasentro ang buhay ng pamilya sa Diyos?
A. Oo, sa tuwing mahal na araw C. Oo, dahil ang Diyos ang makapangyarihan
B. Oo, pero hindi sa lahat ng panahon D. Oo, tuwing may problemang hinaharap ang pamilya
______20. May pananagutan ba ang magulang kung hindi niya magampanan ang tungkulin sa anak?
A. Oo, dahil ito ay kaniyang sariling anak C. Oo, sapagkat ito ay tugon sa layon ng Diyos
B. Oo, ito ay dapat nilang gampanan D. Oo, dahil ito ay misyon at tungkulin niya bilang magulang
______21. Bakit mahalagang mabigyan ng magulang ang anak nang maayos na edukasyon?
Dahil ito ang: A. susi sa pagyaman B. basihan sa paghanap ng trabaho
C. pinakamahalagang gampanin ng magulang D. yaman ng magulang na hindi puwedeng nakawin
______22. Nagtutulungan ang magkapatid na sina Ann at Jasmin sa pagsagot sa kanilang
takdang–aralin. Anong mabuting gawi ang ipinakita ng dalawang magkapatid?
A. paggalang B. pagkamatapat C. paglilingkod D. pagmamahal
______23. Maagang pumapasok sa paaralan si Benny araw-araw. Nagbabalik-aral siya sa mga leksyon bago
magsimula ang klase. Anong gawi ang ipinakita ni Benny?
A. pagpapaunlad sa pag-aaral C. pagsisikap na makalikha ng aralin
B. paglilingkod sa kapuwa mag-aaral D. pagsasabuhay ng pananampalataya
______24. Alin sa sumusunod ang angkop na kilos sa pagpapaunlad ng mga gawi sa
pagaaral? A. Gumagawa si Mat ng walang kabuluhang bagay.
B. Ipinagpabukas ni Elle ang lahat ng kaniyang mga gawain dahil hindi pa naman ito ipapasa.
C. Pinagsanib ni Zean ang lahat ng mga gawain o kasanayan upang madali lamang itong matapos.
D. Pagtatakda ng oras upang alamin kung gaano kahaba ang kinakailangang gugulin ni Yan sa pag – aaral sa mga
asignatura.
______25. Madalas na nakararanas ng pambubulas si Noel sa loob ng klase kaya ayaw
na niyang pumasok sa eskwela. Kanino siya dapat unang sumangguni sa
suliraning kaniyang kinakaharap?
A. mga kaibigan B. punong-guro C. mga magulang D. gurong tagapayo
______26. Ano ang maidudulot ng pamilyang hindi bukas ang komunikasyon?
A. Maganda ang buhay. B. pariwara ang buhay. C. Makamtan ang tagumpay. D. matalino ang bawat isa.
______27. Paano mapanatili ang bukas na komunikasyon sa pamilya?
A. Sa hindi pakikinig sa bawat isa C. manatiling walang-kibo kapag kinakausap
B. Sa paghusga ng bawat sinasabi ng kausap D. pagiging positibo at sensitibo ng damdamin ng
bawat miyembro
______28. Alin naman sa sumusunod na uri ng komunikasyong pampamilya ang hindi
dapat pinapairal ng bawat pamilya sa lipunan lalong-lalo na sa kasalukuyang panahon?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
______29. Sa isang pamilyang naharap sa iba’t ibang mga pagsubok sa buhay na patuloy
na humahamon sa kanilang katatagan, ano ang nararapat na komunikasyong
paiiralin sa tahanan? A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
______30. “Sabihin mo sa akin ang iyong nararamdaman at naiisip bagamat kailangan mo
pa ring sundin ang mga payo namin sa iyo ng ama mo sapagkat ito ang
nakabubuti sa sitwasyon mo ngayon. Sana’y naiintindihan mo ang desisyon
namin sapagkat para lang din naman ito sa sariling kapakanan mo”. Anong uri
ng komunikasyon ang ipinapakita sa halimbawang ito?
A. consensual B. laissez-faire C. pluralistic D. protective
______31. Kapag nahaharap sa problema ang pamilyang Manlangit nagsusumikap ang
bawat isa na malutas ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanya-kanyang ideya
o opinyon? Ano ang iyong mahihinuha sa relasyon ng pamilya sa isa’t isa?
A. Ang pamilya ay may hidwaan sa isa’t isa.
B. Ang pamilya ay may kaligayahan sa tuwing nagkakasama sa kabila ng mga problema.
C. Ang pamilya ay may maganda at mabuting ugnayan sa isa’t isa na dahilan ng pagkakaisa tungo sa paglutas ng
problema.
D. Ang pamilya ay mayroong hindi pagkakaunawaan at negatibong
damdamin para sa isa’t isa na maaaring makapagpalala ng problema.
______32. Anong antas ng komunikasyon ang tungkol sa gawaing meditasyon at
pagrerepleksyon? A. interpersonal B. intrapersonalC. kultural D. organisasyonal
______33. Ano-ano ang dapat pagtuunan ng pansin sa pakikipagkomunikasyon?
A. pasalitang komunikasyon na ginamit ng ating kausap
B. di-pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng ating kausap
C. ekspresyon ng mukha at pasalitang uri ng komunikasyong ginamit ng kausap
D. pasalita, di-pasalita at virtual na uri ng komunikasyong maaaring ginamit ng ating kausap
______34. Pampolitikal na papel: Panlipunang papel: paglilinis ng mga kanal
A. pagbahagi ng baon ni Jane sa kanyang kaklase C. pagsunod sa batas trapiko
B. pagbibigay scholarship sa mga kapus-palad D. pamamahagi ng relief goods
______35. Pampolitikal na papel: pagsunod sa batas trapiko; Panlipunang papel:
A. pagbibigay ng donasyon sa mga biktima ng lindol C. malayang makaanib sa isang asosasyon
B. pagkakaroon ng kalayaan sa pagpili ng relihiyon D. may pagkakataong mapapaunlad ang sarili
______36. Pampolitikal na papel: Pagtaguyod ng pananampalataya Panlipunang papel:
A. pagbibigay ng moral na suporta sa kasapi ng pamilya C. pagsasapribado ng buhay
B. pagsasakatuparan ang kanyang pananagutan D. pagbuo ng pamilya
______37. Alin sa mga sumusunod na parirala ang tama tungkol sa pagbuo ng mapagmahal
na pamayanan? A. mapagkawanggawa B. matapat na kapitbahay
C. pagsasakripisyo sa sarili D. lubos na mananampalataya
______38. Nag-post si Kimmie sa social media ng kanyang larawan at makaraan ang isang
minuto ay bumuhos na ang samu’t saring pambubulas. Kasama na rito ang
kanyang kaibigang si Rie. Pinagsabihan ito at pinabura ng kanyang ate ang
komento. Anong papel pampulitikal ang nilabag ni Rie?
A. karapatang magpakasal C. karapatang pangkalikasan
B. katarungang panlipunan D. karapatang maipahayag ang paniniwala at sarili
______39. Napansin ng guro ni Mayo na tanging siya lang ang nakasunod sa tamang paraan
ng pagtatapon ng basura. Kaya, tinanong siya nito kung bakit nagawa niya ito
nang tama. “Tinuro kasi ito sa amin ni Nanang at Tatang” sagot ni Mayo. Ano ang mahihinuha sa sagot ni Mayo?
A. Ang batang mabait ay magaling sumagot. B. Ang kaniyang magulang ay mga basurero.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mga pagpapahalagang dapat matutuhan ng
isang bata.
D. Ang magulang na nagtuturo nang tama sa anak ay magkakaroon ng
mabubuting anak.
______40. Bakit kailangang bantayan ang mga karapatan at tungkulin ng pamilya?
A. dahil ligtas ang may alam C. dahil hindi ligtas ang komunidad
B. dahil baka agawin ito ng iba D. dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa makabagong panahon
______41. Alin sa mga sitwasyong ito ang nagpapamalas ng isang pamilyang makabubuo
ng mapagmahal na lipunan? A. pagmamalupit sa mga kapus-palad
B. pambubuska sa mga pulubi sa halip na tumulong
C. pagbubulag-bulagan sa nakitang babaeng hinablutan ng bag
D. pagiging aktibo sa asosasyong naglalayon ng pangangalaga sa kalikasan
______42. Ano ang pangunahing kontribusyon ng pamilya sa lipunan?
A. pananampalataya C. pakikibahagi at pagbibigayan
B. pagbibigay galang D. isipin ang pansariling kapakanan
______43. Paano mapauunlad ang komunikasyon sa pamilya?
A. Ipilit ang nais mangyari. B. Pakinggan ang panig ng bawat isa.
C. Isaalang-alang ang pansariling desisyon. D. Sabay-sabay na magsasalita ang pamilya.
______44 Ano ang nararapat gawin kung nagalit ang iyong ama dahil pinakialaman
mo ang kanyang gamit na hindi nagpapaalam?
A. magalit din sa kanya C. magkunwaring walang alam
B. yayakapin ang ama at iiyak D. makinig sa pangaral at humingi ng paumanhin
______45. Ano ang nararapat gawin kung napansin palaging pinapaburan ng iyong mga
magulang ang iyong bunsong kapatid?
A. pagselosan mo ang bunsong kapatid C. kakausapin ang magulang at ipagtapat ang napuna
B. aawayin ito nang madalas hanggang sa mapansin D. Kakausapin ang magulang at sabihing ikaw ang mas magaling
______46. Sinasabi na ang pamilya ay natural na institusyon. Alin sa sumusunod ang
sumusuporta sa pahayag?
A. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
B. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ngpamilya.
C. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
D. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang
habambuhay.
______47. Alin sa mga sumusunod na institusyon sa lipunan ang itinuturing na
pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
A. barangay B. paaralan C. pamahalaan D. pamilya
______48. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapuwa ay nagmumula sa pamilya. Alin
sa sumusunod na mga pahayag ang nagpapatunay nito?
A. Ang pamilya ang unang nagturo ng mabuting paraan ng pakikipagkapuwa-tao.
B. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang asal at maayos na pakikitungo sa kapuwa.
C. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
D. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kanyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
_____49. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa
lipunan? A. pagkikipag-usap B. pag-aaruga ng tao C. pagmamahal sa tao D. pakikipagkapwa tao
_____50. Ano ang pinakamaliit na yunit ng lipunan na unang nagturo sa kahalagahan sa
pagganap ng mga responsibilidad ng isang mabuting mamamayan.
A. barangay B. lungsod C. organisasyon D. pamilya

You might also like