You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
QUARTER 4 QUIZ NO. 2

Pangalan: _______________________________ Puntos:


_________

I. Maraming Pagpipilian

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik
lamang ang isulat. Ilagay ito sa linya bago ang numero.
____1. Ano ang tawag sa paggawa ng mabuti o pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras, bagay,
pangyayari o sitwasyon?
A. kadakilaan C. kasikatan
B. karunungan D. katapatan

____2. Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong mga magulang? Sa pamamagitan


ng:
A. pagtulong sa mga gawaing bahay.
B. pagsasabi ng katotohanan sa magulang.
C. paghingi ng sobrang pera bago pumasok.
D. pagpapakita ng mga marka sa bawat markahan.

____3. Nakita ni Teddy na nahulog ang cellphone ng isang babae na papuntang canteen
kaya
pinulot niya ito at ibinigay sa may-ari. Bakit ito ginawa ni Teddy? Dahil:
A. kilala niya ang babae. C. may crush siya sa babae.
B. isa siyang tapat na bata. D. gusto niya ng gantimpala.

____4. Bakit mahalagang maging matapat sa salita at sa gawa ang isang tao? Upang:
A. maging sikat.
B. makatanggap ng pabuya.
C. makatanggap ng papuri mula sa iba.
D. magkaroon ng kapayapaan ang kalooban.

____5. Nang naglaba si Tinay ay may nakita siyang pera sa bulsa ng pantalon ng tatay niya.
Tumpak ito sa presyo ng nagustuhan niyang tsinelas kaya ibinili niya ito nang walang
paalam. Bakit ito nagawa ni Tinay?
A. Dahil wala na siyang tsinelas na maisusuot.
B. Dahil hindi siya binigyan ng pera na pambili ng tsinelas.
C. Dahil siya ang nakakita sa pera ibig sabihin sa kanya na ito.
D. Dahil hindi siya naging matapat sa sarili at sa mga magulang.
____6. Nakakita ng isang daang piso si Gina sa pasilyo ng kanilang paaralan kaya
ipinagbigay-alam niya sa mga guro at naibalik sa may-ari ang pera. Bakit ito ang
ginawa ni Gina?
A. Dahil likas na matapat si Gina.
B. Dahil gusto niyang purihin ng mga guro.
C. Dahil inutusan siya ng guro na isauli ang pera.
D. Dahil gusto niyang makatanggap ng pabuya sa may-ari.

____7. Si Lino ay nagpaalam sa kanyang nanay na gagabihin siya sa pag-uwi dahil may
tatapusin na proyekto. Namalengke ang kanyang nanay at nakita nito si Lino na
naglalaro lamang ng basketbol sa may basketball court. Ano ang maaring ibunga ng
pangyayaring ito sa susunod na magpapalaam siyang muli sa kanyang nanay?
A. Mas dadami ang kanyang mga kaibigan.
B. Pagkatiwalaan pa siya ng kanyang nanay.
C. Hindi siya bibigyan ng pera para sa proyekto.
D. Magdududa ang nanay kung nagsasabi ba siya ng totoo.

____8. Dahil championship game sa basketbol at maglalaro ang iniidolong team ni Kikoy,
naisipan niyang sumulat ng liham na siya ay may lagnat para siya ay makaliban sa
klase. Kinahapunan, bumisita ang guro sa kanilang bahay at nalaman nitong walang
lagnat si Kikoy dahil sinabi ito ng kanyang nanay. Tama ba ang ginawa ni Kikoy?
A. Hindi, dahil mali ang lokohin ang guro.
B. Oo, dahil nanood lang naman siya ng laro.
C. Hindi, dahil labag ito sa birtud ng katapatan.
D. Oo, dahil isang beses lang naman siyang lumiban sa klase.

____9. Bakit kailangang gamitin ng tao ang kanyang konsensya sa bawat pagpapasya?
Upang:
A. walang kaalitan sa buhay.
B. hindi magkamali ng sasabihin.
C. hindi tama ang maging pagpapasya.
D. maging tama ang sasabihin o gagawin sa buhay.

____10. Hindi makatulog at balisa si Jennifer dahil hindi mawaglit sa isipan niya na
napagalitan ng kanilang guro ang kaklase niyang si Rex na napagbintangang sumira
sa proyekto ni Sam. Alam niya kung sino talaga ang may gawa. Bakit hindi
makatulog si Jennifer?
A. Dahil sa kaiisip sa kaklaseng si Rex.
B. Dahil hindi siya dinadalaw ng antok.
C. Dahil inuusig siya ng kanyang konsensya.
D. Dahil iinisip niya kung papaano sasabihin sa guro ang totoo.

____11. Ito ay maituturing na labis na makapangyarihan ng tao.


A. Katapatan C. Salita ng tao
B. Pakikitungo D. Pakikipagkaibigan
____12. Si Nina ay may takdang aralin na ginawa, pinagpuyatan niya ito para masumiti
kinabukasan. Ginawa siyang huwaran ng kanyang mga kaklase dahil siya lamang
ang nag-iisang nakagawa ng proyektong iyon at naibigay niya ito sa tamang oras.
Anong angkop na kilos sa katapatan ang ipinakita ni Nina?
A. Katapatan sa paggawa
B. Paggawa ng tama para sa kapwa
C. Paggawa ng may pagmamahal sa trabaho
D. Paggawa na naaayon sa oras at panahaon

____13. Isang araw namasada si Mang Ben, nang siya ay pauwi na ay may napansin siyang
Isang bag sa upunan ng kanyang sasakyan. Ibinigay niya ito sa isang pulis na
kanyang nadaanan. Anong katapatan ang ipinakita ni Mang Ben?
A. Katapatan sa gawa C. Katapatan sa paggawa
B. Katapatan sa salita D. Katapatan sa pangangasiwa

____14. Kumpletuhin ang pahayag, “Ang pagsasabi ng _____ ay pagsasama ng maluwat”.


A. buo B. saya C. tapat D. katahimikan

____15. Anong angkop na kilos ng Katapatan sa gawa ang maagang pumasok sa paaralan
o trabaho?
A. Paggawa ng tama para sa kapwa
B. Paggawa na may pagmamahal sa trabaho
C. Paggawa na naaayon sa oras at panahon
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan

____16. Inutusan na bumili ng prutas ang magkapatid na Ben at Dan ng kanilang ina. Dali
dali na tumungo ang dalawang magkapatid sa tindahan ng mga prutas upang mamili.
Nang sinuklian na ang magkapatid ay napansin ng dalawa na sobra ang sukling
ibinigay. Agad naman nila itong ibinalik sa may-ari. Anong katapatan ang kanilang
ipinakita?
A. Katapatan sa gawa C. Katapatan sa paggawa
B. Katapatan sa salita D. Katapatan sa pangangasiwa

____17. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagsunod sa utos ng magulang?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda.
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao.
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan

____18. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagbibigay impormasyon sa


isang tao o dayuhan na nagtatanong ?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan
____19. Anong angkop na kilos ng katapatan sa salita ang pagbabahagi ng sariling
problema
sa pamilya at kaibigan?
A. Mataas na paggalang sa nakatatanda.
B. Pagsasabi ng totoo para makatulong sa ibang tao.
C. Pagsasabi ng totoo para maiwasan ang pagkalito.
D. Pagsasabi ng totoo sa kapwa para sa sariling kapakanan.

____20. Kung ang tao ay may mataas na paggalang sa nakatatanda, ano ang maaring
bunga
nito?
A. Hindi magkakaintidihan.
B. Takot itong magsinungaling.
C. Anumang kabutihan na iyung naibigay sa kapwa ay magbubunga rin ito ng
kabutihan sa ’yo.
D. Sa mga magulang nagsisimula ang mabuting edukasyon kung paano hinubog ng
mabuti ang mabuting asal ng mga anak.

II. Gawain
Panuto: Ilahad at pangatwiranan ang mga nagawang birtud ng katapatan sa aking pamilya.

Mga nagawa kong katapatan sa aking pamilya Mga dahilan kung bakit ko ito ginawa

1 1

2 2

3 3

4 4

5 5

You might also like