You are on page 1of 2

Bukidnon Faith Christian School Inc.

Malingon, Bagontaas, Valencia City


1st Quarter Exam for ESP 8

Name: ____________________________ Score:________________

Grade and Section: Grade 8 Mark Teacher: Ma’am Joy


Multiple Choice. Bilogan ang tamang sagot sa mga pagpipilian.
1. Ang pamilya ni Mang Tonyo ay isang masayahing pamilya, ngunit naapektuhan ang kanilang komunikasyon simula
nang mawala ang kanilang ina. Isang araw umuwi ang isa sa kanyang mga anak galing sa ibang bansa. Ano ang mainam
na gawin ni Mang Tonyo bilang mabuting ama?
a. hayaan ang anak sa bahay at hindi na kausapin
b. maglaan ng panahon upang kausapin ang anak
c. pagsabihan ang anak at murahin kun bakit ngayun lang umuwi
d. manghingi nang pera at iwan ang anak sa bahay
2. Si Fe ay napabilang sa mga estudyanteng mataas ang marka sa klase. Isang araw galak na galak siyang ipakita sa
kanyang ina ang kanyang matataas na marka at sinabing second honor daw siya sa klase. Nakinig ito ngunit ang inang
guro ay nagalit at sinabing bakit second honor lang siya. Sa aling parte ng maunlad na komunikasyon nagkulang ang
nanay ni Fe?
a. paggamit ng kakayahan sa pakikinig
b. pagbibigay ng mensahe ng papuri at pagpapahalaga
c. pagbibigay ng panahon at oras sa pakikipag-usap sa bawat kasapi ng pamilya
d. pagtalakay ng maayos sa kanilang mga nais at kailangan
3. Isang araw may palahok sa paaralan at si Miriam ang isa sa mga napili ng guro na sumali. Linapitan ng guro si Miriam
upang ibigay ang impormasyon at agad na pumayag si Miriam. Ang ugaling ipinakita ni Miriam ay?
A. mapagkakatiwalaan
b. tiwala sa sarili
c. katamaran
d. pagyayabang
4. Si Aling Nita ay nagtitinda ng gulay sa palengke. Isang araw nang nagmamadali na siya upang pumwesto na sa
palengke ay may dumating na bisita sa kanilang bahay at gusto siyang makausap. Bilang susi sa mabuting pakikinig, ano
ang dapat gawin ni aling nita?
a. Umalis ng bahay at iwanan ang bisita
B. Ibaba muna ang mga paninda saglit at papasukin ang bisita at makinig sa nais nito sa kaniya
c. Sabihan mula sa loob ng bahay ang bisita na nagmamadali siya at sa susunod na araw na lang
d. Iwanan ang bisita ng walang pasabi
5. Isang araw, may bayanihang magaganap sa barangay at kailangan ang partisipasyon ng bawat pamilya para sa
ikabubuti ng kapaligiran. Dahil nakagawian na ng pamilya Concepcion na makiisa sa kahit anung ganap sa barangay ay
sama-sama silang tumulong sa bayanihang naganap. Ano ang ipinakita na katangian ng pamilya?
A. Maingat na pagpapasiya
b. Tiwala sa sarili
c. pagkakabuklod ng pamilya
d. kayamanan
6. Ang mga sumusunod ay mga pagpapahalaga na nagmula sa pamilya na instrument sa pag-unlad ng lipunan. Maliban
sa isa. Ano ito?
a. pagmamahal ng walang sakripisyo
b. pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat miyembro ng pamilya
c. paglilingkod ng walang kapalit
d. pagiging handa sa paglilingkod sa kapwa
7. Si Beth ay masipag mag-aral. Isang araw ay may kaklase siyang nangangailangan ng tulong sa asignaturang Filipino.
Dahil mabuti ang kalooban ni Beth ay tinulungan niya ito sa kanilang aralin sa Filipino. Pagkatapos niyang tulungan ang
kaklase ay inabutan si Beth ng kaklase ng kaunting halaga, ngunit tumanggi si Beth sabay sabi “Hindi na kailangan, gusto
ko lang makatulong at makita kang maligaya ay sapat ng kabayaran”. Sa iyong paningin, anong paglingap ang higit na
ipinakita ni Beth sa huling salitang binitawan?
a. Hindi paghihintay ng kapalit
b. May kahandaang ialay ang sarili
c. pagmamalasakit
d. may masamang motibo
8. Ang magkapatid na Luz at Jane ay palakaibigan, ngunit isang araw ay kinutya ni Liza na kapitbahay lang ng magkapatid
si Luz sa eskwelahan dahil patpatin raw ito dahilan ng pag-iyak nito. Pag-uwi niya sa kanilang bahay sii Jane na
nakakatanda ay tinanong ang kapatid kung ano ang nangyari at detalye namang sinagot ni Luz. Para sa iyo, ano ang
nararapat gawin ni Luz bilang isang kapatid at mamayan ng lipunan?
a. sulungin si Liza sa kanilang bahay
b. Hayaan nalang umiyak si Luz at tatahan rin
c. kausapin ng mahinahon si Liza at ang kanyang magulang kasama si Luz
d. sabihan si Luz na maghiganti kay Liza
9. Ito ang pangunahin at pinakamahalagang bahagi ng lipunan.
a. Pamilya b. Kapatid c. Kaibigan d. Karelasyon
10. Siya ang nagsisilbing ilaw ng tahanan.
a. Ina b. Ama c. Kapatid d. Kaibigan
11. Siya ang nagsisilbing haligi ng tahanan.
a. Ina b. Ama c. Kapatid d. Kaibigan
12. Mananatiling walang buhay ang isang tao at hindi niya mauunawaan kung ano at sino siya kung wala siyang
_________.
a. Pag-ibig b. Pamilya c. Kapatid d. Kaibigan
13. Tungkulin ng sinong membro ng pamilya ang pagpapaaral at pagbibigay ng mga pangunahing pangangalaingan ng
mga anak.
a. Magulang b. Anak c. Kapatid d. Kaibigan
14. Ito ay ang pagkakaroon ng tiwala at pag as sa Dakilang Lumikha.
a. Pamilya b. Pananampalataya c. Kapatid d. Kaibigan
15. Siya ang kasama natin sa kung ano man an gating gawain sa buhay.Siya ang nagbibigay lakas at proteksiyon sa atin.
a. Pamilya b. Diyos c. Kapatid d. Kaibigan
Tama o Mali
A. Ang mga sumusunod ay mga ibat-ibang katangian ng isang tao. Lagyan ng (/) ang sa tingin mo ay nagpapakita ng
pakikipagkapuwa-tao at (x) kung sa tingin mo ay hindi.
_____________16. pagbibigay ng mabuting payo
17. Pakikipag-away
18. Pagkuha ng bagay na hindi pagmamay-ari
19. pagpapasensiya
20. paggalang sa nakakatanda
21. pagtulong sa nangangailangan
22. pagsalita ng masama tungo sa iba
23. pagpapatawad
24. pagsisinungaling
25. pagpakumbaba
B. Ang mga sumusunod ay ibat-ibang paraan ng pakikitungo sa mga nakakatanda at awtoridad. Lagyan ng (/) ang tamang
pakikitungo at (x) ang mali.
26. pagkamasunurin sa mga tamang utos
27. pag gamit ng salitang po at opo
28. pagmano sa nanay at tatay
29. hayaan si lolo na asikasuhin ang sarili
30. pumasok sa paaralan sa tinakdang oras
31. pagsagot ng masama sa guro
32. pagtawid sa maling daan
33. magbigay ng upuan sa mga matatnda na nakatindig sa loob ng bus
34. pagsunod sa mga gawaing bahay
35. paghingi ng patawad kong may nagawang kasalanan
C. Itukoy sa mga sumusunod na pangungusap kung alin ang tama at alin ang mali sa mga hakbang upang magkaroon ng
kaaya-ayang samahan sa loob ng tahanan. Lagyan ng “Tama” ang wasto at “Mali” ang mali.
36. Matututong makipag ugnayan sa magulang at kapatid
37. Magkaroon ng interes sa mga nagaganap sa kapitbahay
38. Kakulangan sa pakikinig sa panig ng iba
39. Makinig sa mga sinasabi at pinapayo ng mga magulang at iba pang nakatatandang kapatid
40. Tumuklas ng maaaring magawa para sa ikaliligaya ng pamilya
41. Hayaan ang nakatatandang kapatid na gumawa ng mga gawaing bahay
42. Maging isang ‘kaibigan’ sa bawat kasapi ng pamilya
43. Mag-ukol ng oras o panahon sa pakikipagkuwentuhan sa pamilya
44. Kawalan ng panahon sa pamilya
45. Pagiging tamad
D. Itukoy sa mga sumusunod na pahayag kun alin ang tungkulin ng magulang o tungkulin ng anak. Ilagay ang letrang M
para sa magulang at A para sa anak.
46. Paggalang at pagsunod
47. Nagtatrabaho sila para sa kapakanan ng pamilya
48. Tungkulin nila ang alagaan ang kanilang magulang
49. hindi lang sila tumutugon sa material na pangangailangan kundi sa espiritwal at moral
Enumeration
50-51. Ibigay ang dalawang uri ng komunikasyon
a.
b.
52-55. Ibigay ang kinakailangan sa pakikipagkomunikasyon.
a.
b.
c.
d.

You might also like