You are on page 1of 16

LESSON PLAN TEMPLATE FOR PNU-ACES APPROACH

FEEDBACK

Pangalan at
Larawan ng mga
Guro

Lesson Plan Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao


Heading Baitang 8
Unang Markahan

1.4.
Kasanayang Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapatatag ng
Pampagkatuto pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya.

Values Clarification Approach


Dulog o Approach

Panlahat na Sa pagtatapos ng klase, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


Layunin
C- Pangkabatiran: nakikilala ang mga angkop na kilos tungo sa
(Objectives) pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa sariling pamilya;
Naisasagawa ang mga A- Pandamdamin: naibabahagi ang mga kinikilalang angkop na kilos
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya;
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling B- Saykomotor: nakagagamit ng mga angkop na kilos sa kanilang
pamilya.
pagpapasiya tungo sa pagpapatatag ng pagmamahalan at pagtutulungan sa
pamilya.

PAKSA
Pagmamahalan At Pagtutulungan Sa Pamilya
(TOPIC)
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
pamilya.

Respeto at Pagmamahal sa Pamilya (Sosyal)


Inaasahang
Pagpapahalaga

(Value to be
developed)

Naisasagawa ang mga


angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
pamilya.

Konsepto ng Mayroong mga angkop na kilos na marapat lamang isagawa upang


pagpapahalaga patatagin ang pagmamahalan at pagtutulungan sa loob ng sariling
pamilya. Ang mga kilos na ito ang makatutulong sa paghubog ng respeto
Naisasagawa ang mga at pagmamahalan sa pamilya.
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
pamilya.

1. ABS-CBN. “Family is Love” ng ABS-CBN at walo pang kampanya,


SANGGUNIAN wagi sa 11th Araw Values Awards. https://www.abs-
cbn.com/newsroom/news-releases/2020/2/26/abs-cbn-family-is-
(APA 7th Edition love-campaigns-11th-araw-awards?lang=fil
format)
2. Bognot, R., Comia, R., Gayola, S., Lagarde, M., Leaño, M., Martin,
(References) E., Ong, M., Paras, R. (2013). Edukasyon sa Pagpapakatao -
Naisasagawa ang mga Ikawalong Baitang Modyul. Kagawaran ng
angkop na kilos tungo sa Edukasyon.https://www.slideshare.net/nicogranada31/k-to-12-
pagpapatatag ng grade-8-edukasyon-sa-pagpapakatao-learner-module. pp. 20-21
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
pamilya. 3. Punsalan, T. G., Gonzales, C. C., Nicolas, M. V. D., & Marte, N. C.
(2018). Pagpapakatao 8 . Rex Book store, Inc.

4. University of Delaware. (n.d.). Building Strong Family


Relationships. Retrieved November 8, 2021, from
https://www.udel.edu/academics/colleges/canr/cooperative-
extension/fact-sheets/building-strong-family-relationships/

5. Witmer, D. (2020, March 4). 10 Tips for Building Close Family


Bonds. Verywell Family. https://www.verywellfamily.com/how-to-
strengthen-your-familys-bond-ten-tips-2609591

6. Dean, M. E. (2018, June 13). Family Love: What It Is, What It Looks
Like, And How To Make It Happen | BetterHelp. Betterhelp.
https://www.betterhelp.com/advice/love/family-love-what-it-is-
what-it-looks-like-and-how-to-make-it-happen/

● Buncee
MGA https://app.edu.buncee.com/buncee/2e7ffef599ff4fabb3a49d8169
KAGAMITAN 203298
(Materials)
● Canva
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos tungo sa
https://www.canva.com/design/DAExXX74HZQ/BgRj4QeR2W1
pagpapatatag ng OiuonuWvhIQ/view?utm_content=DAExXX74HZQ&utm_camp
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling
aign=designshare&utm_medium=link&utm_source=sharebutton
pamilya.
● Classkick
app.classkick.com/#/assignments/AX2VIx9FQ5Ga9b4520uNQw

● Google Slides
https://docs.google.com/presentation/d/13YPS2lmA714QjYvoAZ
X_3bm-gO2Xx1PQMDFG8vxvCfc/edit?usp=sharing

● Laptop

● Nearpod
https://app.nearpod.com/?pin=rpdqj

● NoteBookCast
https://www.notebookcast.com/en/board/7i0fm7w16bac6#

● PollEverywhere
https://PollEv.com/surveys/OYEpcP36xtYpsyoQ7XYEQ/respond

● Powerpoint Presentation
● Quizizz
https://quizizz.com/join?gc=33472049

● Youtube
https://youtu.be/maPZ3KrYArE?t=13

● Zoom

Pamamaraan/ Strategies: Visualization


PANLINANG NA Technology
GAWAIN Panuto: Ibigay ang link ng nearpod sa chatbox. Integration
Ipaguhit sa mga mag-aaral ang isang bagay na sa
(Motivation) kanilang palagay ay sumisimbolo sa kanilang Nearpod
pamilya. Pagkatapos ay tumawag ng mga mag-aaral
Naisasagawa ang mga https://app.nearp
angkop na kilos tungo sa upang sumagot sa mga katanungan. Maglaan lamang
pagpapatatag ng ng 5 minuto para matapos ang gawaing ito. od.com/?pin=rpd
pagmamahalan at qj
pagtutulungan sa sariling
pamilya.

Benedicto,
Michelle

Mga Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang iyong iginuhit? Bakit?


2. Mayroon ka bang mga naalalang karanasan ng
iyong pamilya habang ginuguhit ang simbolo?
3. Sa iyong palagay, mayroon bang epekto ang
mga karanasang ito sa iyong pamilya? Sa
paanong paraan?
PANGUNAHING Dulog o Approach: Unfinished Sentences Technology
GAWAIN Integration
Panuto: Ibigay ang link ng poll sa chatbox. Pasagutan
(Activity) sa mga mag-aaral ang mga sumusunod na pahayag. PollEverywhere
Bigyan lamang sila ng limang minuto upang sagutan
Naisasagawa ang mga ang poll. https://PollEv.co
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng
m/surveys/OYEp
pagmamahalan at cP36xtYpsyoQ7
pagtutulungan sa sariling XYEQ/respond
pamilya.

Benedicto,
Michelle

1. Tungkol saan ang mga pahayag na inyong


MGA binuo? ( C) Technology
KATANUNGAN 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang Integration

(Analysis) nahirapan kang punan? Bakit? ( C) Notebookcast


3. Ano ang naramdaman niyo sa mga sagot niyo
C-A-B sa bawat pahayag? (A) https://www.note
4. Sa iyong sagot sa 4 at 5, nakikita mo ba ito sa bookcast.com/en
Naisasagawa ang mga
angkop na kilos tungo sa sarili mong pamilya? Bakit o bakit hindi? (A) /board/7i0fm7w
pagpapatatag ng 16bac6#
5. Ano sa tingin mo ang dapat na gawin bilang
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling isang pamilya upang makamit ang mga
pamilya.
naisagot mo sa bawat pahayag? (B)
6. Ano sa tingin mo ang dapat na gawin mo
Padolina, Leigh bilang isang miyembro ng pamilya upang
makamit ang mga naisagot sa bawat pahayag?
(B)
PAGTATALAKA Balangkas Technology
Y Integration
I. Pagmamahalan sa pamilya
(Abstraction)
II. Mga angkop na kilos tungo sa Canva
pagmamahalan ng pamilya
https://www.can
Naisasagawa ang mga ● Pagkakaroon ng respeto sa isa’t-isa va.com/design/D
angkop na kilos tungo sa ● Pagpapatawad at pagpapakumbaba AExXX74HZQ/
pagpapatatag ng ● Komunikasyon BgRj4QeR2W1
pagmamahalan at
pagtutulungan sa sariling ● Paglaan ng oras OiuonuWvhIQ/v
pamilya.
iew?utm_content
III. Pagtutulungan sa pamilya =DAExXX74HZ
Q&utm_campai
Benedicto &
IV. Mga angkop na kilos tungo sa gn=designshare
Padolina, Leigh
pagtutulungan ng pamilya &utm_medium=
link&utm_sourc
● Pagtulong sa gawaing bahay
e=sharebutton
● Pagsuporta sa bawat isa

Nilalaman

Ang pamilya ay may malaking gampanin sa isang


indibidwal at sa lipunan, kaya mahalaga lamang na
mayroong matatag na pagmamahalan at
pagtutulungan sa pamilya.

Pagmamahalan sa pamilya
Sa pamilya unang naipapakita at nararamdaman ang
pagmamahal, pag-aalaga, at suporta na kinakailangan.
Ito ay maaaring maipakita sa pagitan ng mga
magulang o kapares, sa pagitan ng magulang at anak,
at sa pagitan ng mga magkakapatid. Mahalaga na
mapagyaman ang pagmamahal sa loob ng pamilya
upang ang bawat miyembro ng pamilya rin ay matuto
ring magmahal hindi lamang sa sarili kundi pati na rin
sa kapuwa. Ang
pagmamahalan sa isang
pamilya ay walang
kondisyon - hindi basta
mawawala ang pag-ibig at
hindi basta pwedeng
palitan ang isang
miyembro kung sakali man siya'y magkamali o
magampanan ang inaasahan sa kaniya.
Isa sa mga halimbawa na nagpapakita ng
pagmamahalan sa pamilya ay ang kwento ng pamilya
Garcia na nanalo sa 11th Araw Values Awards. Sa
kwento ng tatlong magkakapatid na si John, George,
at Gerson, mga sundalong nakipaglaban sa Marawi
Seige, ang pagmamahal na galing sa kanilang mga
magulang ang nakatulong sa kanila upang harapin
ang mga hirap na kanilang dinaranas. Dagdag pa rito,
ayon sa kanila ay hindi nila maaatim ang mga bagay
na mayroon sila ngayon kung hindi dahil sa
pagmamahal na ito.

Mga angkop na kilos tungo sa pagmamahalan ng


pamilya (Dean, 2018; Witmer, 2020):

1. Pagkakaroon ng Respeto sa Isa’t-isa- Ang


respeto sa loob ng pamilya ay naipapakita sa
pamamagitan ng iba’t- ibang paraan tulad ng
paggalang sa nakatatandang miyembro ng
pamilya, pagrespeto sa mga karapatan ng
bawat isa, at paggalang sa mga desisyon na
para sa kapakanan ng pamilya. Dito
pumapapasok ang paggalang ng mga anak sa
kanilang magulang gayundin ang pagrespeto
sa karapatan ng mga anak na maging bahagi
sa mga desisyon na para sa pamilya.

2. Pagpapatawad at Pagpapakumbaba - Sa
pamilya, hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng
mga problema at pagsubok. Gayunpaman, ang
mga ito ay maaaring magpatatag sa
pagmamahalan kung ang bawat miyembro ay
marunong magpatawad at magpakumbaba. Ito
ay naipapakita kung ang isang miyembro na
nakagawa ng kasalanan ay hihingi ng tawad at
ang nagawan naman ng kasalanan ay
magpapakumbaba alang-alang sa
pagmamahalan ng pamilya.

3. Maayos na Komunikasyon- Sa pagkakaroon


ng komunikasyon, nagagawa ng mga
miyembro ng pamilya na maibahagi ang
kanilang mga ideya at saloobin tungkol sa
mga usapin na tumatalakay sa mga gawain at
pangyayari sa loob at labas ng tahanan.
Kaakibat naman ng pagkakaroon ng
komunikasyon ay ang kakayahan na makinig
at umunawa. Mahalagang tandaan na bilang
isang tao, dapat ay alam natin kung kailan
tayo magsasalita at makikinig sa panahon na
tayo ay nakikipagtalastasan.

4. Paglaan ng Oras Para sa Pamilya-


Mahalagang maunawaan na ang pagkakaroon
ng oras para sa pamilya ay isang hakbangin na
magpapatatag sa pagmamahalan ng pamilya.
Tinutukoy nito ang pagtitipon ng isang buong
pamilya para sa isang gawain o aktibidad. Ilan
sa mga karaniwang paraan kung saan
nagsasama-sama ang buong pamilya ay ang
pagdiriwang ng kaarawan ng isa o higit pang
miyembro ng pamilya, at ang pagpunta sa mga
parke o mall.

Pagtutulungan sa pamilya
Katuwang din ng pagmamahalan ay ang
pagtutulungan ng pamilya. Kilala ang mga Pilipino
bilang matulungin lalo na sa kanilang pamilya.
Halimbawa na lamang nito ay ang pag-aalaga sa mga
magulang kapag sila ay matanda na kahit na
magkaroon pa ng sariling pamilya ang mga anak.
Makikita rin ang pagtutulungan sa pamilya pagdating
sa mga gawaing bahay kung saan bata pa lamang ang
mga anak ay tinuturuan na ng mga madadaling
gawain bahay at nagkakaroon na ng dibisyon sa
paggawa, gayundin ang mga magulang na
kumakayod upang mailaan ang mga pangangailangan
ng pamilya. Sa dinaranas na suliranin at kahirapan sa
kasalukuyan, kinakailangan na ang bawat pamilya ay
nagtutulungan upang matagumpay na kaharapin ang
mga pagsubok sa buhay.

Mga angkop na kilos tungo sa pagtutulungan ng


pamilya :

1. Paggawa ng mga Gawaing Bahay- Isa sa


mga hakbangin na makapagpapatatag ng
pagtutulungan sa pamilya ay ang paggawa ng
mga gawaing bahay. Sa pamamagitan nito,
natuto ang mga miyembro ng pamilya sa mga
gampanin na maaari nilang gawin upang
magkaroon ng kaayusan sa loob ng tahanan.
Ang kilos na ito ay isa ring pamamaraan
upang maturuan ng mga magulang ang
kanilang mga anak sa mga responsibilidad na
dapat nilang gampanan bilang bahagi ng
pamilya.

2. Pagsuporta sa bawat isa- Mahalagang


maunawaan na ang pagbibigay suporta sa mga
miyembro ng pamilya ay isang malaking
hakbang upang mapatatag ang pagtutulungan
sa pamilya. Ilan sa mga halimbawa nito ay
ang pagsuporta ng mga magulang sa pag-aaral
ng kanilang mga anak tulad ng pagdalo sa
mga gawain sa paaralan, pagbibigay gabay sa
paggawa ng takdang aralin ng mga anak at
pagpapakita ng kasiyahan sa mga tagumpay
na mayroon ang mga anak. Isa pa ring
halimbawa nito ang ang pagbibigay lakas loob
sa mga miyembro ng pamilya na mayroong
pinagdaraanan.

PAGLALAPAT Pamamaraan/Strategy: Enumeration/Listing Down Technology


Integration
(Application) Panuto: Ipadala ang link ng classkick sa chat ng klase.
Ipaliwanag ang panuto para sa aktibidad habang Classkick
ipinakikita ang nakalaang halimbawa sa unang slide
Naisasagawa ang mga ng gawain. Ang gawain ay tatagal lamang ng walong app.classkick.co
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng (8) minuto. m/#/assignments
pagmamahalan at /AX2VIx9FQ5G
pagtutulungan sa sariling a9b4520uNQw
pamilya.

(Copy paste the


link on the
Padolina, Leigh
address bar. It is
not hyperlinked)
PAGSUSULIT Mga Uri ng Pagsusulit: Multiple choice, Matching Technology
Items, & Essay Integration
(Evaluation/
Assessment) Panuto: Buksan ang pagsusulit sa Quizizz at ibigay
ang link sa mga mag-aaral. Ang buong pagsusulit ay
Naisasagawa ang mga tatagal lamang ng limang (5) minuto. Quizizz
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng
pagmamahalan at A. Ang mga mag-aaral ay pipili ng pinaka-tamang https://quizizz.co
pagtutulungan sa sariling sagot mula sa apat na pagpipilian na kanilang m/join?gc=0089
pamilya. makikita sa bawat bilang. 0993

1. Ang buong pamilya ni Nena ay palaging


Benedicto, nagsisimba sa araw ng linggo. Ano ang
Michelle & ipinapakita ng pamilya ni Nena?
Padolina, Leigh a. Pagtutulungan sa pamilya
b. Pagmamahalan sa pamilya
c. Paglalaan ng oras sa pamilya
d. Pagkakaroon ng komunikasyon

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang


nagpapakita ng komunikasyon tungo sa
matatag na pagmamahalan at pagtutulungan sa
pamilya?
a. Nag-iwan ng sulat ang nanay ni
Hannah bago ito umalis
b. Ibinahagi ni Hannah ang problema
niya sa kanyang mga magulang
c. Hindi na lamang pinansin ni Hannah
ang pagkakamali ng kanyang kapatid
d. Inutusan ni Hannah ang nakatatandang
kapatid upang gawin ang mga gawaing
bahay

3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang


nagpapakita ng paglalaan ng oras sa pamilya?
a. Si Aj ay dumalo sa kaarawan ng
kanyang pinsan
b. Pag-uwi ni Sofia ay tumulong ito sa
paglilinis ng bahay
c. Nagmano si Keith sa kaniyang mga
magulang na kauuwi lamang
d. Inaya si Michael ng kanyang mga
kaibigan upang mamasyal sa parke

4. Alin sa mga sumusunod na kilos ang HINDI


nagpapakita ng pagmamahal na walang
kondisyon sa pamilya?
a. Tinatanggap ni Perla na ang asawang
si Mateo ay hindi marunong magluto
ng ulam at maglinis ng bahay.
b. Ipinagmamalaki ni Gabby ang
kanyang ama na si Mang Emeng kahit
na wala siyang matatag na
hanapbuhay.
c. Tinutulungan ni Joshua ang kapatid na
si Jerald sa kanyang takdang-aralin
kahit palaging itong hindi nakikinig.
d. Nagpupursigi sa pag-aaral si Pat para
makakuha ng honors dahil tuwing
gawad-parangal lang nabubuo ang
kanyang pamilya.

5. Gusto ni Rina na maging isang social worker


ngunit pinipigilan siya ng kaniyang ama na
tumuloy sa pagkuha ng napiling kurso dahil
ayon sa kaniya ay mababa ang sweldo na
makukuha niya sa hinaharap. Ito ba ay
nagpapakita ba ito ng pagmamahal sa
pamilya?
a. Oo, dahil ang ama ni Rina ay
nagpapakita ng pag-aalala para sa
kanyang kinabukasan.
b. Oo, dahil gusto ng ama ni Rina na
makakuha ang kanyang anak ng
malaking sweldo para mas gumaan
ang kaniyang buhay pagtanda.
c. Hindi, dahil hindi nagpapakita ang
ama ni Rina ng suporta para sa
kanyang pangarap na maging isang
social worker.
d. Hindi, dahil nagiging mapanghusga
ang ama ni Rina sa trabaho ng mga
social workers.
B. Ang mga mag-aaral ay kailangang piliin ang
TAMA kung ang sumusunod ay nagpapakita ng
tamang pahayag at MALI kung hindi.

6. Isa sa mga hakbangin para sa matatag na


pamilya ay ang maayos na
pakikipagkomunikasyon.
7. Ang pagmamahalan ng pamilya ay may
kondisyon sapagkat kahit magkamali man
ang isang miyembro ng pamilya ay hindi siya
basta napapalitan.
8. Makikita ang pagmamahalan sa pamilya sa
relasyon na mayroon ang mga magulang, sa
magulang at anak, at sa mga magkakapatid.
9. Ang pagsunod sa dibisyon sa gawaing bahay
ay isa sa mga paraan ng pagpapakita ng
pagtutulungan sa pamilya
10. Naipapakita ang pagmamahal sa pamilya sa
pamamagitan ng pagtulong sa bawat
miyembro ng pamilya.

C. Ang mga mag-aaral ay kinakailangang sagutin ang


tanong sa pamamagitan ng pagsulat ng isang
sanaysay na naglalaman ng pito o higit pang
pangungusap. (5 puntos)

Bakit nakatutulong ang pagmamahalan at


pagtutulungan ng pamilya sa iyong personal na
buhay at sa lipunan?

Susi sa Pagwawasto:

A.Multiple Choice
1. C
2. B
3. A
4. D
5. C
B. Tama o Mali
6. Tama
7. Mali
8. Tama
9. Tama
10. Tama

C. Sanaysay (maaaring sagot)

Mahalaga ang pagmamahalan at pagtutulungan ng


pamilya sa personal aking buhay dahil sa pamilya ko
nakukuha ang kalakasan at inspirasyon para harapin
ang mga pagsubok sa buhay. Sila ang isa sa mga
inaasahan ko na gumabay sa akin at maglaan ng
tulong sa gitna ng suliranin. Mahalaga rin ito dahil
ang pagmamahal at pagtutulungan na natutuhan at
nararanasan ko sa aking pamilya ay maaari ring
maipadama sa kapuwa.
TAKDANG- Pamamaraan/Strategy: Photo Journal Technology
ARALIN Integration
Panuto: Ipakita sa klase ang Buncee board na
(Assignment) naglalaman ng panuto para sa kanilang takdang Buncee
aralin.
https://app.edu.b
Naisasagawa ang mga uncee.com/bunc
angkop na kilos tungo sa ee/2c21424424b
pagpapatatag ng
pagmamahalan at 948dcbab1cffc3
pagtutulungan sa sariling 812eb9d
pamilya.

Padolina, Leigh

Pagtatapos na Pamamaraan/Strategy: Listening Activity Technology


Gawain Integration
Panuto: Iparinig sa mga mag-aaral ang piling bahagi
(Closing Activity) ng isang awiting may kaugnayan sa paksa. Youtube
Pagkatapos ay ibahagi ang pagbubuod sa paksang
Naisasagawa ang mga tinalakay bago magpaalam sa klase. https://youtu.be/
angkop na kilos tungo sa
pagpapatatag ng maPZ3KrYArE?
pagmamahalan at t=13
pagtutulungan sa sariling
pamilya. Liriko ng piling bahagi sa awit:

Benedicto, Hay naku hay naku


Michelle Kahit pa nagkapatong patong patong ang mga
problema
Hay naku hay naku
Kahit na nagkakandahirap hirap hirap pa sa pera

Di mangangamba basta't magkakasama


Kahit may kaba
Di mag-aalala
Pag may ikaw at ako at tayo

Isang pamilya tayo


Huwag mag-alala
Sagot kita, sagot mo siya
Lahat ay ayos na
Isang pamilya tayo
May masasandalan
Asahan walang iwanan
Isang pamilya tayo

Wo oh oh oh oh
Isang pamilya tayo
Wo oh oh oh oh
Isang pamilya tayo

Kung kaya mo'y, kaya ko


Ano mang komplikadong bagay
Lutasin nang sama sama
Meron man o wala
Bawat biyaya ay sapat
Pagkat, basta't magkakasama

Bawat isa'y tanggap


Kung maging sino ka man
Hindi nagbabanggaan
Laging nagmamahalan
Pag may ikaw at ako at tayo

Isang pamilya tayo


Huwag mag-alala
Sagot kita, sagot mo siya
Lahat ay ayos na
Isang pamilya tayo
May masasandalan
Asahan walang iwanan
Isang pamilya tayo

Wo oh oh oh oh
Isang pamilya tayo
Wo oh oh oh oh
Isang pamilya tayo

You might also like